You are on page 1of 8

ARALAIN 9: PAGBUO NG

PANSAMANTALANG BALANGKAS
AT KONSEPTONG PAPEL
PAGBUO NG PANSAMANTALANG BALANGKAS

• Ginagamit ang salitang pansamantala sa balangkas na gagawin mo sapagkat hindi pa ito

pinal.

• Sa pagsasagawa ng pansamantalang balangkas ay mahalatang i-konsidera ang pagiging

maayos ng daloy ng bawat bahagi.


PAANO GINAGAMIT ANG E-TEXTBOOKS SA LOOB
NG SILI-ARALAN

I. Introduksiyon

A. Paunang kaalaman o Background sa paggamit ng E-Textbook sa Silid-Aralan

B. Layunin

C. Pahayag ng Tesis

D. Mga tanong na nais sagutin ng papel

E. Kahalagan ng pananalisik

F. Lawak at Selimitasyon ng papel


II. Mga Kaugnay na Literatura

A. Depinisyon ng E-Textbook

B. Maikling Kasaysayan ng E-Textbooks

C. Pagkokompara ng E-Textbook sa mga Inimprentang Libro

D. Mga Nauunang Pag-aaral Tungkol Paggamit ng E-Textbook

III. Metodolohiya

A. Obserbasyon

B. Dokumentasyon

C. Pag-iinterbyu sa mga Mag-aaral at Guro

D. Sinetesis ng mga Nakalap na Datos


IV. Resulta

V. Kongklusyon at Rekomendasyon

VI. bibliograpiya
KONSEPTO NG PAPEL

• Makakatulong ang konseptong papel upang lalong magabayan o mabigyang direksiyon

ang mananalisik lalo na kung siya’y baguhan pa lang sa gawaing ito.

• Ayon kina Constantino at Zafra (2002), sapat na bahagi ang konseptong papel na binuo

ng rationale, layunin, metodolohiya, at inaasahang output o resulta.


1. Rationale – ito ang bahaging nagsasaad ng kasaysayan o dahilan kung bakit napiling

talakayin ang isang paksa.

2. Layunin – dito naman mababasa ang hangarin o tunguhin ng pananaliksik base sa

paksa.

3. Metodolihiya – ilalalhad dito ang pamamaraang gagamitin ng mananaliksik sa

pangangalap ng datos gayundin ang paraang gagamitin sa pagsusuri naman niya sa mga

nakalap na impormasyon.

4. Inaasahang output o resulta – dito ilalahad ang inaasahang kalalabasan o maging resulta

ng pananaliksik o pag-aaral.
SALAMAT SA PAKIKINIG!

You might also like