You are on page 1of 4

PAMANTASANG NORMAL NG PILIPINAS

Ang Pambansang Sentro ng Edukasyong Pangguro


Kampus ng Mindanao
Ang Multikultural na Edukasyon

Mala-Masusing Banghay-
Aralin
sa Pagtuturo ng Filipino sa
Baitang 11

Ipinasa ni:

Keezha Mae B. Borja


Student Teacher

Ipinasa kay:

Bb. Charlyn G. Estobo


Cooperating Teacher

(February 11,12 & 15, 2019)


Mala-Masusing Banghay-Aralin sa Pagtuturo ng Filipino 11
I. LAYUNIN: Sa loob ng itinakdang oras, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. matatalakay ang tungkol sa pagbuo ng tentatibong balangkas;
b. makapagbabahagi ng kahalagahan ng pagbuo ng tentatibong balangkas; at
c. makabubuo ng sariling tentatibong balangkas.

II. PAKSANG ARALIN: Pagbuo ng Tentatibong Balangkas


Sanggunian: Pluma, pahina 162-163
Kagamitan: mga tsart, scotch tape, yeso, pambura

III. MGA PANIMULANG GAWAIN


Gawain ng Guro

1. Pagtsek ng atendans
Sino ang lumiban sa klase ngayong araw?

Mabuti naman kung ganoon, nawa’y ipagpatuloy


ninyo ang magandang gawain.

3. Balik-aral
Noong nakaraang tagpo ay tinalakay natin ang
tungkol sa mga hakbang sa pagpili ng paksa.

Ano-ano ang mga hakbang na iyon? 4 Resulta

MGA GAWAING DEBELOPMENTAL

1. Aktibiti

Bago natin simulan ang bagong talakayan ay


magkakaroon muna tayo ng isang gawain. Ang klase
ay hahatiin sa dalawang (2) pangkat at
kinakailangang pumili kayo ng tig-iisang
representante. Ang gagawin niyo lamang ay
pagsusunod-sunurin ang mga bagahi gamit ang mga
numero, bibigyan ko lamang kayo ng isang (1)
minuto. Ang pangkat na may tamang pagkakasuno-
sunod ng mga bahagi ay siyang tatanghaling panalo.

3 Metodolohiya
Obserbasyon
Dokumentasyon
Pag-iinterbyu sa mga Mag-aaral at Guro
Sintesis ng mga Nakalap na Datos

5
Kongklusyon at Rekomendasyon
.

1 Introduksyon
Paunang Kaalaman o Background sa Paggamit ng
E-Textbook sa Silid-Aralan
Layunin ng Pag-aaral
Pahayag ng Tesis
Bibliyograpiya
Mga Tanong na6 Nais Sagutin ng Papel
Kahalagahan ng Pananaliksik
2 Mga Lawak at Delimitasyon
Kaugnay na Literaturang Papel
Depinisyon ng E-Textbook
Maikling Kasaysayan ng E-Textbook
Mga Pormat ng E-Textbook
Pagkokompara ng E-Textbook sa mga Inimprentang Libro
Mga Naunang Pag-aaral Tungkol sa Paggamit ng E-Textbook
4 Resulta

2. Analisis
Base sa ating ginawang gawain, patungkol saan kaya
ang ating tatalakayin ngayong araw?

3. Presentasyon

Ngayong umaga ay pag-aaralan natin ang tungkol sa


Pagbuo ng Tentatibong Balangkas.

4. Pamantayan
Ano ba dapat ang gagawin ng isang mabuting mag-
aaral habang nagtatalakay ang guro sa harapan?

Maaasahan ko ba sa inyo iyan, klas?

5. Abstraksyon

Pagbuo ng Tentatibong Balangkas


- Ginagamit ang salitang pansamantala sa balangkas na gagawin sapagkat hindi pa ito pinal.
- Bagama’t hindi pa pinal ay mahalaga ang pansamantalang balangkas sa pagbibigay ng direksyon
sa mananaliksik.
- Ang pansamantalang balangkas ay magsisilbi ring gabay upang masagot ng mananaliksik ang
dalwang mahahalagang tanong:
1. Ano-ano na ang mga bagay na alam ko na o nasliksik ko na at maaari k nang i-organisa
patungkol sa aking paksa?
2. Ano-ano pang mga datos o impormasyon ang wala pa o kulang pa at kailangan ko pang
saliksikin?
- Sa pagsasagawa ng pansamantalang balangkas ay mahalagang ikonsidera ang pagiging maayos
ng daloy ng bawat bahagi.

Halimbawa:

Paano Ginagamit ang E-Textbook sa Loob ng Silid-Aralan


(Pansamantalang/Tentatibong Balangkas)

I. Introduksyon
A. Paunang Kaalaman o Background sa Paggamit ng E-Textbook sa Silid-Aralan
B. Layunin ng Pag-aaral
C. Pahayag ng Tesis
D. Mga Tanong na Nais Sagutin ng Papel
E. Kahalagahan ng Pananaliksik
F. Lawak at Delimitasyon ng Papel

II. Mga Kaugnay na Literatura


A. Depinisyon ng E-Textbook
B. Maikling Kasaysayan ng E-Textbook
C. Mga Pormat ng E-Textbook
D. Pagkokompara ng E-Textbook sa mga Inimprentang Libro
E. Mga Naunang Pag-aaral Tungkol sa Paggamit ng E-Textbook

III. Metodolohiya
A. Obserbasyon
B. Dokumentasyon
C. Pag-iinterbyu sa mga Mag-aaral at Guro
D. Sintesis ng mga Nakalap na Datos

IV. Resulta

V. Kongklusyon at Rekomendasyon

VI. Bibliyograpiya

6. Aplikasyon

Panuto: Bumuo ng sariling tentatibong balangkas ayon sa inyong pamagat na nabuo.

Pamantayan:
Orihinalidad – 15
Organisasyon ng Ideya – 25
Kabuuan: 40 Puntos

IV. TAKDANG ARALIN

Panuto: Alamin ang kahulugan at kahalagahan ng Konseptong Papel sa pagsulat ng pananaliksik. Isulat
ito sa inyong kwaderno. (30 puntos)

You might also like