Naratibo

You might also like

You are on page 1of 3

GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO 11

PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

NILALAMAN Mga Uri ng Teksto – Naratibo


PAMANTAYANG Nasusuri ang iba’t ibang uri ng binasang teksto ayon sa kaugnayan nito
PANGNILALAMAN sa sarili, pamilya, komunidad, bansa at daigdig.
PAMANTAYAN SA Nasusuri ang kalikasan , katangian ,at anyo ng iba’t ibang teksto.
PAGGANAP
MGA KASANAYANG 1. Natutukoy ang kahulugan at katangian ng mahahalagang
PAMPAGKATUTO salitang ginamit ng iba’t ibang uri ng tekstong binasa.
2. Naipapaliwanag ang mga kaisipang nakapaloob sa
tekstong binasa.
3. Nakasusulat ng ilang halimbawa ng iba’t ibang uri
teksto.
INAASAHANG Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
PAGGANAP a. nakasusulat ng tekstong naratibo na batay sa sariling karanasan
na nagbibigay ng aral sa buhay .
NAKALAANG ORAS 120 minuto/ 2 oras

BALANGKAS NG ARALIN:
1. Panimulang Gawain/Balik-Aral(Activity) – Paglalahad ng mga kasanayang pampagkatuto at
pagbabalik-tanaw sa nakaraang paksa sa pamamagitan ng Map of Conceptual Change. ( Initial –
Revised - Final Sheet).
2. Pagganyak (Activity) - Pangkatang Gawain: “Kwento Ko , Dugtungan Mo”
3. Daloy ng Pagtuturo (Analysis) – Pagtalakay sa mga sumusunod:
a. Kahulugan ng Naratibo
b. Layunin ng Naratibo
c. Uri ng Naratibo
d. Katangian ng Naratibo
e. Elemento ng Naratibo
4. Pagsasagawa (Analysis) – Indibidwal na Gawain: (Initial – Revised- Final Sheet )
5. Pagpapalalim (Abstraction) – Pangkatang Gawain: Story Ladder
6. Pagtataya (Application) – Indibidwal na Gawain: Nakasusulat ng tekstong
naratibo .

KAGAMITANG
Power point presentation, laptop, LCD projector,teksto
PAMPAGTUTURO
SANGGUNIAN www.slideshare.com

PAMAMARAAN
I. Panimula:
1. Paglalahad sa mga kasanayang pampagkatuto. Mga layunin
ng aralin ayon sa kasanayang K hanggang 12:
a. Natutukoy ang kahulugan at katangian ng
mahahalagang salitang ginamit ng iba’t ibang uri
ng tekstong binasa.
b. Naipapaliwanag ang mga kaisipang nakapaloob sa
tekstong binasa.
c. Nakasusulat ng ilang halimbawa ng iba’t ibang uri
teksto.

Map of Conceptual Change: Initial Revised Final Sheet


Initial Answer
Revised Answer
Final Answer

a. Ipakuha ang mga kwaderno sa Filipino ng mga mag-aaral.


b. Ipatala ang kanilang mga sagot batay sa mga gabay na
tanong.
1. Ano ang tekstong naratibo?
2. Ibigay ang mga katangian ng isang tekstong naratibo?
3. Paano matatawag na naratibo ang isang teksto?
(Paalala: Ang bahaging Initial Answer lamang ang pupunan ng mga mag-
aaral ng kanilang kasagutan.)
II.PANGGANYAK (Activity) “Kwento ko! Dugtungan Mo!?”
a. Pangkatin ang mga mag-aaral sa apat
b. Magtatalaga ng bilang ang bawat kasapi ng grupo
c. Mauunang magkwento ang guro at pagkatapos ay tatawag siya ng
bilang na siyang dudugtong sa kanya.
d. Pagkatapos na magsalita ang mag-aaral ay tatawag na naman ang
guro ng bilang hanggang makumpleto ang kwento
e. Pagkatapos, bibigyang buod ng guro ang mga sagot at ikokonekta
sa paksang tatalakayin
III.DALOY NG PAGTUTURO (Analysis)

a. Ang nabuong pangkat ay bibigyan ng mga babasahing teksto at


magkakaroon ng focus group discussion
b. Iuulat ng bawat grupo ang mga mahahalagang impormasyon na
kanilang napag-usapan sa pangkat
c. Pagkatapos sa pag-uulat, bibigyang ng kabuuang kaisipan ang
buong talakayan
d. Babalikan at bubuksan ng mga mag-aaral ang kwaderno at
iwawasto ang kanilang mga sagot sa pangalawang bahagi ang
Revised Answer.

(Dagdag Estratehiya: Lecture Method,Cooperative


Learning;Informal)

IV.PAGPAPALALIM (Abstraction)

Pangkatang Gawain: Story Ladder


Bumuo ng pangkat na may limang miyembro
1. Pumili ng lider at tagasulat
2. Magbibigay ang guro ng isang tekstong naratibo (maikling
kwento) at naisasalaysay ang mga pangyayari sa kwento sa
pamamagitan ng Story Ladder.
3. Ang mga nabuong sagot ay itatala ng tagasulat at iuulat sa klase ng
lider

Indibidwal na Gawain:

1. Babalikan muli ng mga mag-aaral ang kanilang Jornal Notbok.


2. Ilalahad na nila sa huling bahagi Final Revised ang kanilang mga
panlahat na kasagutan.
V.PAGTATAYA (Application) (Written Works)
Indibidwal na Gawain:
1. Sumulat ng isang tekstong naratibo batay sa sariling karanasan na
nagbibigay aral sa buhay.

Pamantayan sa Pagmamarka:
Nilalaman 30 pts
Katiyakan at kaisahan
ng mga pangungusap 10 pts
Wastong Gamit ng salita at bantas 10 pts
Kabuuan 50 pts

Inihanda nina:

Rosalyn Ann S. Bondoc- Agusan del Norte


Rolyn M. Yandug - Butuan City
Jackielyn P. Almedilla – Tandag City
Remeline D. Arbolonio –Surigao del Sur
Lerma J. Locaberte - Surigao del Sur
Lolita B. Gonzales – Agusan del Sur

You might also like