You are on page 1of 4

PAMANTASANG NORMAL NG PILIPINAS

Ang Pambansang Sentro ng Edukasyong Pangguro


Kampus ng Mindanao
Ang Multikultural na Edukasyon

Mala-Masusing Banghay-
Aralin
sa Pagtuturo ng Filipino sa
Baitang 11

Ipinasa ni:

Keezha Mae B. Borja


Student Teacher

Ipinasa kay:

Bb. Charlyn G. Estobo


Cooperating Teacher

(February 1&4, 2019)


Mala-Masusing Banghay-Aralin sa Pagtuturo ng Filipino 11

I. LAYUNIN: Sa loob ng itinakdang oras, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


a. matatalakay ang mga tip o paalala sa pagpili ng paksa;
b. mapapahalagahan ang mga tip sa pagpili ng paksa; at
c. makasusulat ng isang sanaysay base sa mga katanungang inihanda.

II. PAKSANG ARALIN:


Lunsaran: Mga Tip o Paalala sa Pagpili ng Paksa
Sanggunian: Pluma, pahina 126-128
Kagamitan: yeso, pambura

III. MGA PANIMULANG GAWAIN


Gawain ng Guro

1. Pag tsek ng atendans


Sino ang lumiban sa klase ngayong araw?

Mabuti naman kung ganoon, nawa’y ipagpatuloy


ninyo ang magandang gawain.

3. Balik-aral
Noong nakaraang tagpo ay tinalakay natin ang
tungkol mga katangian ng mananaliksik.

Ano-ano nga ang mga ito?

Bakit mahalaga na malaman natin ang mga


katangian ng mananaliksik?

MGA GAWAING DEBELOPMENTAL

1. Aktibiti

Ngayong araw na ito ay may gagawin tayong


isang gawain na pinamagatang “Hanapin Mo
Ako!” Hahatiin ang klase sa dalawang pangkat at
ang bawat pangkat ay pipili ng tig-iisang
representante na siyang magsusulat sa pisara ng
mga salitang makikita sa puzzle. Ang unang
makatapos sa loob ng isang (1) minuto ang
siyang tatanghaling panalo.

A I N T E R E S A D O P
P A N A H O N J M I O M
G Q L G I D A H E C V A
D D K N E I S A S A S L
K A G A R U B X A E O A
H P A A L A L A X Z I W
T M R B A S H A S U D A
J D W N U N D L G B H K
2. Analisis
Base sa ating ginawang gawain, patungkol saan kaya
an gating topiko sa araw na ito?

3. Presentasyon

Ngayong umaga ay pag-aaralan natin ang tungkol sa


mga “Mga Tip o Palala sa Pagpili ng Paksa”.

4. Pamantayan
Ano ba dapat ang gagawin ng isang mabuting mag-
aaral habang nagtatalakay ang guro sa harapan?

Maaasahan ko ba sa inyo iyan, klas?

5. Abstraksyon

Mga Tip o Paalala sa Pagpili ng Paksa

Ang paksa ay ang pangkalahatan o sentral na ideyang tinatalakay sa isang sulating pananaliksik.
Napakalaking bahagi sa pagkakaroon ng matagumpay na sulating pananaliksik ang pagkakaroon ng
isang mahusay at lubos na pinag-isipang paksa. Mababasa sa ibaba ang ilang mahahalagang gabay sa
pagpili ng pinakaangkop na paksa:

1. Interesado ka o gusto mo ang paksang pipiliin mo.


- Mahalagang gusto mo o malapit sa iyong puso ang paksang pipiliin mo upang mapanatili ang
interes at pagpupunyagi mong matapos ang sinimulan mo gaano man ito kabusising gawin.

Kapag sinasabing malapit sa puso mo o gusto mo, maaaring mapabilang ito sa alinman sa
sumusunod:
 Paksang marami ka nang nalalaman
- sapagkat batid mo na kung saan ka kukuha ng mga gamit na kakailanganin mo sa pagbuo tulad ng
mga aklat, datos o mga taong eksperto sa nasabing paksa bago mo pa simulan ang pananaliksik.

 Paksang gusto mo pang higit na makilala o malaman


- magiging makabuluhan ang pananaliksik mo sa mga ito sapagkat higit mong mapalalawak ang
iyong kaalaman at interes batay sa mga matutuklasan mo sa iyong pananaliksik.

 Paksang napapanahon
- magiging makabuluhan ang anumang magiging resulta ng iyong pananaliksik sapagkat
magagamit ito ng nakararami dahil angkop o tumutugma ito sa kasalukuyang pangangailangan.

2. Mahalagang maging bago o naiiba (unique) at hindi kapareho ng mapipiling paksa ng mga
kaibigan mo.
- Malaking bagay kung bago o naiiba ang mapipili mong paksa para maging kapaki-pakinabang
ang mga bagong kaalaman mula sa mga bagong matutuklasan.

3. May mapagkukunan ng sapat at malawak na impormasyon.


- Sa pagbuo ng sulating pananaliksik ay hindi dapat sa aklatan at sa internet lang mangangalap ng
kagamitan at impormasyon. Pag-isipan kung saan at sino ang panggagalingan ng mga
impormasyong isasama at bubuuin.
4. Maaaring matapos sa takdang panahong nakalaan.
- Gaano man kaganda ang paksang napili mo kung hindi ito matatapos sa takdang panahon ay
mawawalan din ng kabuluhan. Umiwas sa masyadong malalawak na paksang aabutin ng taon
bago matapos.

6. Aplikasyon

Panuto: Sumulat ng isang sanaysay na sasagot sa mga sumusunod na katanungan:


 Paano makatutulong sa isang mananaliksik kung marami na siyang nalalaman sa paksang
susulatin niya?
 Bakit mahalagang pumili ng paksang matatapos sa takdang panahon?

Pamantayan:
Orihinalidad –5
Nilalaman –5
Organisasyon ng ideya –5
Kabuuan: 15 Puntos

IV. TAKDANG ARALIN

Panuto: Alamin kung ano-ano ang mga hakbang sa pagpili ng paksa. Isulat sa inyong
kwaderno at ipasa sa susunod na tagpo.

You might also like