You are on page 1of 4

PAMANTASANG NORMAL NG PILIPINAS

Ang Pambansang Sentro ng Edukasyong Pangguro


Kampus ng Mindanao
Ang Multikultural na Edukasyon

Mala-Masusing Banghay-
Aralin
sa Pagtuturo ng Filipino sa
Baitang 11

Ipinasa ni:

Keezha Mae B. Borja


Student Teacher

Ipinasa kay:

Bb. Charlyn G. Estobo


Cooperating Teacher

(February 21-22, 2019)


Mala-Masusing Banghay-Aralin sa Pagtuturo ng Filipino 11
I. LAYUNIN: Sa loob ng itinakdang oras, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. matutukoy ang mga bahagi ng konseptong papel;
b. makapagbabahagi ng kahalagahan ng pagbuo ng konseptong papel; at
c. makasusulat ng sariling konseptong papel.

II. PAKSANG ARALIN: Pagbuo ng Konseptong Papel


Sanggunian: Pluma, pahina 164-167
Kagamitan: mga tsart, scotch tape, yeso, pambura

III. MGA PANIMULANG GAWAIN


Gawain ng Guro

1. Pagtsek ng atendans
Sino ang lumiban sa klase ngayong araw?

Mabuti naman kung ganoon, nawa’y ipagpatuloy


ninyo ang magandang gawain.

3. Balik-aral
Noong nakaraang tagpo ay tinalakay natin ang
tungkol sa pagbuo ng pansamantalang balangkas.

Ano ang kahalagahan ng pagbuo ng


pansamantalang balangkas?
MGA GAWAING DEBELOPMENTAL

1. Aktibiti

Bago natin simulan ang bagong talakayan ay


magkakaroon muna tayo ng isang gawain. Ang klase
ay hahatiin sa dalawang (2) pangkat at
kinakailangang pumili kayo ng tiglilimang
representante. Ang gagawin niyo lamang ay ipapasa
ang mensaheng ibinigay sa kasunod na kasapi ng
pangkat hanggang sa makarating ang mensahe sa
huling kasapi. Pupunta siya sa harapan at sasabihin
niya ang kanyang nakuhang mensahe. Ang pangkat
na may mga tamang sagot ay siyang tatanghaling
panalo.

Mga mensahe:

1. Ito ang magsisilbing proposal para sa gagawin mong pananaliksik.


2. Makatutulong ito upang lalong magabayan o mabigyang-direksyon ang mananaliksik.
3. Dito mababasa ang hangarin o tunguhin ng pananaliksik base sa paksa.
4. Ito ang bahaging nagsasaad sa kasaysayan o dahilan kung bakit napiling talakayin ang
isang paksa.

2. Analisis
Base sa ating ginawang gawain, patungkol saan kaya
ang ating tatalakayin ngayong araw?

3. Presentasyon
Ngayong umaga ay pag-aaralan natin ang tungkol sa
mga Pagbuo ng Konseptong Papel.

4. Pamantayan
Ano ba dapat ang gagawin ng isang mabuting mag-
aaral habang nagtatalakay ang guro sa harapan?

Maaasahan ko ba sa inyo iyan, klas?

5. Abstraksyon

Pagbuo ng Konseptong Papel

- Ang koseptong papel ay magsisilbing proposal para sa gagawing pananaliksik.


- Makatutulong ito upang lalong magabayan o mabigyang-direksyon ang mananaliksik.

Ayon kina Constantino at Zafra (2000), may 4 na bahagi ang konseptong papel:

1. Rationale – ito ang bahaging nagsasaad sa kasaysayan o dahilan kung bakit napiling
talakayin ang isang paksa. Mababasa rito ang kahalagahan at kabuluhan ng paksa.
2. Layunin – dito mababasa ang hangarin o tunguhin ng pananaliksik base sa paksa.
3. Metodolohiya – ilalahad dito ang pamamaraang gagamitin ng mananaliksik sa
pangangalap ng datos gayundin ang paraang gagamitin sa pagsusuri sa mga nakalap
na impormasyon.

Hal.
 internet search
 pagsasagawa ng obserbasyon at pagdodokumento ng mga naobserbahan
 sarbey sa pamamagitan ng pag-interview o sa pamamagitan ng paggamit
ng survey form o questionnaire, one-on-one interview
 focused group discussion.

4. Inaasahang output o resulta – dito ilalahad ang inaasahang kalalabasan o magiging


resulta ng pananaliksik o pag-aaral. Dahil patuloy pa rin ang pangangalap ng
impormasyon ay maaaring magkaroon pa rin ng pagbabago ang inaasahang resulta sa
pinal na papel depende sa kalalabasan ng pagkalap ng datos.

6. Aplikasyon

Panuto: Ibigay ang hinihingi ng bawat bilang.


1. Ang koseptong papel ay magsisilbing ______________ para sa gagawing pananaliksik.
2. Mababasa rito ang kahalagahan at kabuluhan ng paksa.
3. Dito mababasa ang hangarin o tunguhin ng pananaliksik base sa paksa.
4. Ilalahad dito ang pamamaraang gagamitin ng mananaliksik sa pangangalap ng datos gayundin
ang paraang gagamitin sa pagsusuri sa mga nakalap na impormasyon.
5. Dito ilalahad ang inaasahang kalalabasan o magiging resulta ng pananaliksik o pag-aaral.

Mga sagot:
1. proposal
2. rationale
3. layunin
4. metodolohiya
5. inaasahang output o resulta

IV. TAKDANG ARALIN

Panuto: Sumulat ng sariling konseptong papel gamit ang mga bahagi nito.

Pamantayan:
Orihinalidad - 15
Organisasyon ng Ideya - 15
Kaangkupan sa paksa - 20
Kabuuan: 50 Puntos

You might also like