Grand Demo LP Final

You might also like

You are on page 1of 11

PAMANTASANG NORMAL NG PILIPINAS

Ang Pambansang Sentro ng Edukasyong Pangguro


Kampus ng Mindanao
Ang Multikultural na Edukasyon

Masusing Banghay-Aralin
sa Pagtuturo ng Filipino
sa Baitang-11
Ipinasa ni:
Borja, Keezha Mae B.
Practice Teacher

Ipinasa kay:
Bb. Charlyn G. Estobo
Cooperating Teacher

Nilalaman Mga Uri ng Teksto: Persuweysib

61
Pamantayang Pangnilalaman Nasusuri ang iba’t ibang uri ng binasang teksto ayon sa
kaugnayan nito sa sarili, pamilya, komunidad, bansa at daigdig.

Pamantayan sa Pagganap Nasusuri ang kalikasan, katangian, at anyo ng iba’t ibang teksto.

Mga Kasanayang Pampagkatuto Pagkatapos ng isang oras na pagtuturo 75% sa mga mag-aaral
ay inaasahang:
A. natutukoy ang paksang tinalakay sa iba’t ibang tekstong
binasa; F11PB-IIIa-98
B. naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa binasang teksto
sa sarili, pamilya, komunidad, bansa, at daigdig; at F11PB-
IIId-99
C. nakasusulat ng ilang halimbawa ng iba’t ibang uri ng teksto.
F11PU-IIIb-89
Inaasahang bunga ng pagkatuto A. mabibigyang-kahulugan ang tesktong persuweysib;
B. matutukoy ang layunin at kahalagahan ng tekstong
persweysib;
C. mapahahalagahan ang kalusugan; at
D. makapagtatanghal ng isang vlog na nanghihikayat tungkol sa
isang magandang tanawin na matatagpuan sa kanilang lugar.

Inilaang oras Isang oras/60 minuto

I. LAYUNIN: Sa loob ng itinakdang oras, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


a. mabibigyang-kahulugan ang tesktong persuweysib;
b. matatalakay ang layunin at kahalagahan ng tekstong persweysib;
c. mapahahalagahan ang kalusugan;at
d. makapagtatanghal ng tula, jingle at awit tungkol sa epekto ng paninigarilyo sa ating
kalusugan.

II. PAKSANG ARALIN: Tekstong Persuweysib


Lunsaran: Dapat bang Itigil ang Paninigarilyo? ni Dr. Willie T. Ong
Sanggunian: Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik, pahina 111
Kagamitan: mga tsart, felt-tip pen, laptop at TV

III. ESTRATEHIYA/PAMAMARAAN:

A. MGA PANIMULANG GAWAIN


Gawain ng Guro Gawain ng Mag-Aaral
1. Panalangin
Inaanyayahan kong tumayo ang lahat para sa
ating panalangin na pangungunahan ni Bb.
Estaño.

62
Magandang hapon sa lahat!
Magandang hapon din po, titser.

2. Pagtsek ng atendans
Tingnan ang inyong mga katabi. May liban ba?

Mabuti naman kung ganoon, ipagpatuloy ninyo Wala po, titser.


ang magandang gawaing iyan.

IV. BEHEYBYURAL TSART


Bago natin simulan ang ating talakayan at mga
gawain sa araw na ito, may ipapakita ako sa
inyong mga buko. Ang mga buko na ito ay
lalagyan ng puntos kada-gawain. Kapag
napansin kong may hindi aktibo sa bawat
pangkat, maingay, gumagamit ng gadgets at iba
pang hindi kaaya-ayang pag-uugali, babawasan
ko ang inyong puntos.

Maliwanag ba, klas?

Magaling! Opo, titser!

PANGKAT 1 PANGKAT 2

PANGKAT 3

V. BALIK-ARAL

63
Ngayong hapon ay magkakaroon tayo ng isang
gawaing pinamagatang “Handa na ba Ako?”
Mayroon akong inihandang mga katanungan
patungkol sa ating talakayan noong nakaraang
tagpo. Ang klase ay hahatiin sa tatlong (3)
pangkat base sa kulay ng inyong name tags. Ang
bawat pangkat ay pipili ng tig-iisang
representante na siyang maglalaro. Kung sino
ang unang makakapagtaas ng kanang kamay at
makakapagsabi ng “Sasagot ako!” ay siyang
mabibigyan ng pagkakataong makasagot at
makakahakbang pasulong. Sabihin ang letra at
ang sagot. Kung sino ang pangkat na unang
makarating sa finish line ay siyang tatanghaling
panalo.

Maliwanag ba, klas?


Opo, titser.

1.Ang tekstong __________ ay inilalahad ang serye o mga hakbang sa pagbuo ng isang gawain
upang matamo ang inaasahan.
a. impormatibo
b. naratibo
c. prosidyural
d. persuweysib
2.Layunin ng tekstong prodiyural na maipahatid ang mga wastong ____________ na dapat
isagawa sa isang gawain.
a. impormasyon
b. hakbang
c. kaalaman
d. b at c
3. Layunin ng tekstong prosidyural na makapagbigay ng sunod-sunod na _________ at
impormasyon sa mga tao upang matagumpay na maisagawa ang mga gawain ng ligtas,
episyente at angkop sa paraan.
a. direksyon
b. kaalaman
c. payo
d. utos
4.Bakit mahalagang pag-aralan ang pagsusulat ng tektong prosidyural?
a. Upang malaman ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga gawain.
b. Upang maging maayos at matiwasay at maiwasan ang pagkalito.
c. Upang malaman ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga gawain at upang maging
maayos at matiwasay at maiwasan ang pagkalito.
d. wala sa nabanggit

64
5. Ang sumusunod ay mga halimbawa ng tekstong prosidyural MALIBAN sa isa:
a. 7 Hakbang sa Matagumpay na Paglangoy
b. Mga Hakbang Kung Paano Makakarating sa Cabgan Island
c. Mga Paalala sa Pagpunta sa Beach Ngayong Summer
d. Ang Pagluluto ng Inihaw na Bangus

B. MGA GAWAING DEBELOPMENTAL


VI. PAGGANYAK
Sa puntong ito ay mayroon kayong papanooring
isang bidyu.

http://youtube.com/ watch?
v=MmKnzZqPwbk

Ano ang pinanood nating bidyu? Ito po ay isang balita tungkol sa


Anti-Smoking TV Ad na inilabas ng
DOH.

Ano ang nilalaman ng balita? Mga tala po ng bilang ng mga


Pilipinong namamatay kada taon at
ang inilabas na TV Ad ng DOH
tungkol sa pagtigil sa paninigarilyo.

Layunin po nitong hikayatin ang mga


Ano ang layunin ng TV Ad na nasa balita?
Pilipino na tumigil na sa
paninigarilyo.

2. Presentasyon
Base sa ating pinanood na bidyu ay
mayroon akong inihandang babasahin na
patungkol sa paninigarilyo.

3. Paghahawan ng Balakid

65
Panuto: Piliin sa kahon ang kahulugan ng mga salitang nakasalungguhit sa bawat bilang,
emoticon lamang ang piliin.

kemikal na makikita sa kulubot


tobacco
sakit sa atay
mataas na presyon ng dugo

sakit sa baga

1. Nagdudulot ang sigarilyo ng altapresyon, atake sa puso at istrok.


2. Masama sa baga at puwedeng magka-emphysema.
3. Ang mga naninigarilyo ay mas nagkaka-wrinkles sa mukha kumpara sa taong hindi
naninigarilyo.
4. Ang sigarilyo ay may taglay na nikotina na nakawiwili sa gumagamit nito.

4. Pamantayan
Mayroon akong inihandang kontrata na
naglalaman ng mga dapat at hindi dapat gawin sa
loob ng klase. Ang inyong kontrata ay
pipirmahan ng lider ng bawat pangkat at sabay-
sabay kayong manunumpa na hindi kayo lalabag
sa napagkasunduan. Ang sinumang lalabag sa
kontrata ay babawasan ng puntos sa buko.

KONTRATA NG KAASALAN

Kami ang pangkat _________, nangangakong susundin namin ang mga sumusunod na dapat at
hindi dapat gawin sa loob ng klase:

DAPAT GAWIN:
Unawaing mabuti ang binabasa.
Aktibong makilahok sa mga gawain.
Magsalita ng Filipino
Sumagot nang maayos sa mga katanungan.
Makinig nang mabuti sa mga mag-uulat.
HINDI DAPAT GAWIN:
Huwag makipag-usap sa katabi.
Huwag gumamit ng gadgets.
Huwag maglabas-pasok sa silid.
Kami ay buong pusong nangangako na tutuparin sa abot ng aming makakaya ang lahat ng nakasulat sa
papel. Ang kontratang ito ay sumisimbolo sa aming pinanghahawakang pangako.

66
__________________________________________
Pangalan at Lagda ng Lider ng Pangkat
5. Pagbabasa ng Teksto
Bago natin basahin ang teksto ay kilalanin
muna natin ang may-akda nito.

Bakgrawnd ng Awtor:
5.1 Bago Magbasa
 Si Willie Tan Ong ay isang Philippine cardiologist.
 Siya ay Cardiology consultant sa Manila Doctor Hospital at sa
Makati Medical Center.
 Siya ay ipinanganak noong ika-24 ng Oktubre taong
1963 sa Maynila
 Noong 1992, siya ay nakapagtapos sa De La Salle
College of Medicine, Cavite, Philippines na may
Doctor of Medicine degree.
 Mula 1994-1996 nag-aral siya sa Manila Doctor
Hospital, na may espesyalisasyon sa internal
medicine.
 Mula 1997-1999, nag-aral siya sa Unibersidad ng
Pilipinas, na may espesyalisasyon sa cardiology na
may Master degree sa Public Health (honorary), 2001.
5.2 Habang Nagbabasa
Ngayon ay bibigyan ko na ang bawat pangkat ng
teksto. Bibigyan ko kayo ng tatlong (3) minuto sa
pagbabasa.

DAPAT BANG ITIGIL ANG PANINIGARILYO?


ni Dr. Willie T. Ong (Pilipino Star Ngayon)
Oo, sapagkat ang paninigarilyo ang pinakamasamang bisyo. Sana ay maitigil mo na ito. Heto ang aking
mga dahilan:
1. Masama sa iyong puso at utak. Nagdudulot ang sigarilyo ng altapresyon, atake sa puso at istrok. Ang
usok ng sigarilyo ay sumisira sa dingding ng ating mga ugat at nagpapakipot nito.
2. Masama sa baga at puwedeng magka-emphysema. Dahil sa usok ng sigarilyo, umiitim at naninigas ang
iyong baga. Sa katagalan ay hindi na ito makapagdadala ng hangin o oxygen sa iyong katawan.
3. Masisira ang iyong sex life. Ang sigarilyo ay puwedeng magpakipot sa ugat ng ari ng lalaki. Kapag
napigilan ang pagdaloy ng dugo sa iyong pagkalalaki, lalambot na ito at mahihirapan ka nang makipag-
sex.
4. Masama sa buong katawan. Ang mga ugat mo sa utak, baga, bato (kidney) at pati ang puso mismo ay
madadamay.
5. Kukulubot ang iyong mukha. Ang mga naninigarilyo ay mas nagkaka-wrinkles sa mukha kumpara sa
taong hindi naninigarilyo. Ang paligid ng iyong bibig ay madali ring kumulubot.
6. Nakaka-addict ang sigarilyo. Ang sigarilyo ay may taglay na nikotina na nakawiwili sa gumagamit
nito.
7. Maaaring magkakanser sa baga, bibig, bituka at iba pang organo.
8. Masama sa kasama mo sa bahay. Ang paghinga ng usok ng ibang tao (passive smoking o second hand)
ay nakasasama rin sa ating kalugusan. Madaling hikain at sipunin ang mga bata. Kawawa naman sila!
67
Kaibigan, kung gusto mong humaba ang iyong buhay, itigil na ang paninigarilyo. Payo po ng isang
5.3 Pagkatapos Magbasa

Sa pamamagitan ng pagguhit, ilarawan ang epekto


ng paninigarilyo. Bibigyan ko kayo ng tatlong (3)
minuto para sa pagguhit. Pumili ng isang
representante na maglalahad sa harap sa loob ng
isang (1) minuto.

Pangkat 1: Bilang 1-2


Pangkat 2: Bilang 3-5
Pangkat 3: Bilang 6-8
Pamantayan:
Paglalahad 10
Wastong Gamit ng Wika 10
Kalinisan 5
Kabuuan 25

C. PAGNILAYAN

1. Mga Panubaybay na Tanong


Ano ang pamagat ng tekstong binasa? Ang pamagat po ng teksto ay Dapat
bang Itigil ang Paninigarilyo?

Sino ang sumulat ng tekstong ito? Si Dr. Willie T. Ong po.

Tungkol saan ang tekstong ating binasa? Tungkol po sa mga epektong dulot ng
paninigarilyo.

Ano ang layunin ng awtor sa kanyang pagsulat ng


tekstong ito? Layunin po ng awtor na hikayatin ang
mga mambabasa na tumigil na sa
paninigarilyo.
Sa anong paraan niya inilahad ang kanyang
panghihikayat? Inilahad niya po ito sa pamamagitan
ng pagbibigay ng mga epektong
maidudulot ng paninigarilyo.
Sa paanong paraan tinapos ng awtor ang kanyang
teksto?
Sa pamamagitan po ng pagbibigay ng
hamon sa mga mambabasa.
Ano ang hamong ito?
“Kaibigan, kung gusto mong humaba
ang iyong buhay, itigil na ang

68
paninigarilyo. Payo po ng isang
nagmamalasakit!”
Kung ikaw ay isang taong naninigarilyo, ano ang
inyong mararamdaman sa hamong kanyang
ibinigay?
Mapagtatanto ko pong hindi talaga
Mabuti sa kalusugan ang
paninigarilyo at ahihikatyat po akong
itigil na ito.
Bilang isang mag-aaral, paano mo mahihikayat ang
ibang tao na tumigil na sa paninigarilyo?
Sa pamamagitan po ng pagsasabi na
mayroon silang pamilyang
nangangailangan sa kanila.

Bakit kailangang tumigil na sa paninigarilyo?


Para po maging malusog, humaba ang
Sa larangan ng medisina, ano ang maitutulong ng buhay at wala ng madamay pang iba.
tekstong ito?

Makakatulong po ito upang mapukaw


ang interes ng mga eksperto na
Sa larangan ng pananaliksik, ano ang maitutulong gumawa o linangin ang mga gamot sa
ng tekstong ito? sakit na dulot ng paninigarilyo.

Makatutulong po ito upang mahanapan


Sa larangan ng literatura, ano ang maitutulong ng ng solusyon ang suliraning ito.
tekstong ito?
Makatutulong po ito sa pamamagitan
ng pagbibigay-malay sa mga tao
tungkol sa epektong dulot ng
paninigarilyo.

2. Paglalahat
Anong uri ng teksto kaya napapabilang ang
tekstong ating binasa? Tekstong Persuweysib po, titser.

Sa pahayag na “Heto ang aking mga dahilan:”, ano


ang ipinapahiwatig nito sa mga ideyang inilahad ng
manunulat?
Ipinapahiwatig po nito na sarili niyang
mga ideya o paniniwala ang
nakapaloob sa teksto.
Tama! Dahil ang tekstong persuweysib ay
nagtataglay ng personal na opinyon at paniniwala
ng may-akda.

Dahil taglay nito ang personal na opinyon ng may-


akda, ano kaya ang tono ng teksto?
Subhetibong tono po.
Tama! Ito ay subhetibo dahil malayang

69
ipinahahayag ng manunulat ang kanyang
paniniwala at pagkiling tungkol sa isang isyu.

Ano ang layunin ng tekstong persweysib?


Layunin po nitong manghikayat o
mangumbinsi sa mga mambabasa.

3. Pagpapahalaga

Ano ang dapat tandaan sa pagsusulat ng tekstong


persuweysib? Nangungumbinsi po ito batay sa
opinyon o sariling ideya lamang ng
manunulat.
Magaling!

VII. EBALWASYON
D. Ilipat
Batid kong naunawaan na ninyo ang ating
talakayan. Ngayon ay magkakaroon na naman tayo
ng panibagong gawain. Gagawa kayo ng tula,
jingle at awit tungkol sa epekto ng paninigarilyo sa
ating kalusugan. Ang bawat pangkat ay bibigyan
ko ng tatlong (3) minuto sa paghahanda at
dalawang (2) minuto naman sa pagpepresenta.
Upang magabayan kayo, narito ang GRASPS.

GRASPS
Goal Ang inyong gol ay makagawa ng makapanghikayat na tula, jingle at awit tungkol sa
epekto ng paninigarilyo sa ating kalusugan.

Role manunula, mang-aawit at mananayaw at mang-aawit


Audience ang publiko
Situation Anti-Smoking Campaign Week
Product tula, jingle at awit

Standard Tula:
May Kaugnayan sa Paksa 15
Kooperasyon 5
Pagkamalikhain 10
Panghihikayat 20
Kabuuan 50

Jingle at Awit
May Kaugnayan sa Paksa 15

70
Kooperasyon 5
Tono 10
Panghihikayat 20
Kabuuan 50

Rubriks Para sa Tula


Pamantayan Lubos na naipamalas Naipamalas lamang Hindi gaanong
naipamalas
May Kaugnayan sa 15 10 5
Paksa
Kooperasyon 5 3 1
Pagkamalikhain 10 7 4
Panghihikayat 20 15 10

Rubriks Para sa Jingle at Kanta


Pamantayan Lubos na naipamalas Naipamalas lamang Hindi gaanong
naipamalas
May Kaugnayan sa 15 10 5
Paksa
Kooperasyon 5 3 1
Tono 10 7 4
Panghihikayat 20 15 10

VIII. TAKDANG-ARALIN
Panuto: Sumulat ng reaksyong papel tungkol sa binasang akda.
Pamantayan:
Organisasyon ng Ideya - 20
Wastong Ganit ng Wika - 10
Kalinisan - 10
Kabuuan 40

71

You might also like