Borja, Keezha Mae B. (JHS - Filipino)

You might also like

You are on page 1of 8

PAMANTASANG NORMAL NG PILIPINAS

Ang Pambansang Sentro ng Edukasyong Pangguro


Kampus ng Mindanao
Ang Multikultural na Edukasyon

Masusing Banghay-
Aralin
sa Pagtuturo ng
Filipino
sa Baitang-8

Ipinasa ni:
Borja, Keezha Mae B.
Aplikante
Nilalaman Kontemporaryong Programang
Panradyo: Mga Hudyat ng Konsepto ng Pananaw
Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ng pag-unawa sa kaugnayan ng
Pangnilalaman panitikang popular sa kulturang Pilipino
Pamantayan sa Pagganap Ang mag-aaral ay nakabubuo ng kampanya tungo sa
panlipunang kamalayan sa pamamagitan ng multimedia (social
media awareness campaign)
Mga Pagkatapos ng isang oras na pagtuturo 75% sa mga mag-aaral ay
Kasanayang inaasahang:
Pampagkatuto A. nabibigyang-kahulugan ang mga salitang ginagamit sa radio
broadcasting; F8PT-IIId-e-30
B. nagagamit ang mga angkop na ekspresyon sa paghahayag ng
konsepto ng pananaw (ayon, batay, sang-ayon sa, sa akala, iba
pa); at F8WG-IIId-e-31
C. naisusulat nang wasto ang isang dokumentaryong panradyo.
F8PU-IIId-e-31
Inaasahang A. mabibigyang-kahulugan ang matatalinghagang pahayag
Bunga ng Pagkatuto sa parabula;
B. makapag-uugnay ng mga pangyayari sa kasalukuyan na
may kinalaman sa parabulang binasa;
C. natutukoy at naipaliliwanag ang mensahe ng napanood
na parabulang isinadula; at
D. makapagtatanghal ng tula, jingle at awit tungkol sa
kahalagahan ng pagsunod sa mga magulang.
Inilaang oras Isang oras/60 minuto

I. LAYUNIN: Sa loob ng itinakdang oras, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


a. mabibigyang-kahulugan ang komentaryong panradyo;
b. makapagpapaliwanag sa inihuhudyat ng mga ekspresyong nagpapahayag ng
konsepto ng pananaw;
c. nagagamit nang wasto sa pangungusap ang mga salitang tumutukoy sa mga
konsepto ng pananaw; at
d. makasusulat ng sariling komentaryong panradyo gamit ang mga hudyat ng
konsepto ng pananaw.

II. PAKSANG ARALIN: Mga Hudyat ng Konsepto ng Pananaw


Lunsaran: Komentaryong Panradyo Kaugnay ng Freedom of Information Bill (FOI)
Sanggunian: Panitikang Pilipino 8, pahina 142-151
Kagamitan: LCD Projector at Laptop

III. PAMAMARAAN/ESTRATEHIYA: Pasaklaw na Metodo (Inductive Method)

A. MGA PANIMULANG GAWAIN

Gawain ng Guro Gawain ng mga Mag-aaral

1. Panalangin

Inaanyayahan kong tumayo ang lahat para sa ating


panalangin na pangungunahan ni Bb. Samyao.

Magandang hapon sa lahat!


Magandang hapon din po, titser!
2. Pagtsek ng atendans

Tingnan ang inyong mga katabi. May liban ba?

Wala po, titser.


Mabuti naman kung ganoon, ipagpatuloy ninyo ang
magandang gawaing iyan.

3. Balik-aral

Ngayong hapon ay may inihanda akong isang


gawain patungkol sa ating talakayan noong
nakaraang tagpo. Tutukuyin ninyo ang mga salita sa
crossword puzzle sa tulong ng inihandang mga
gabay.

Ang klase ay hahatiin sa tatlong (3) pangkat. Isulat


sa sangkapat na bahagi ng papel ang mga miyembro
ng bawat pangkat at ipasa sa akin. Ang bawat
pangkat ay pipili ng tig-iisang representante na
siyang maglalaro. Maaari namang tumulong ang
ibang miyembro ngunit kailangang ang
representante lang ang susagot. Kung sino ang
unang makakapagtaas ng kanang kamay ay siyang
mabibigyan ng pagkakataong makasagot. Opo, titser.

Maliwanag ba, klas?

Gawain:
K
T A B L O I D Gabay:
1. Kwentong isinalarawan ng mga
M dibuhista
2. Pahayagan ng masa
I 3. Makulay na babasahin na hitik sa
iba’t ibang impormasyon
K

M A G A S I N

Palakpakan ang inyong mga sarili.


(Palakpakan)
4. Pagganyak

Nakikinig ba kayo ng radyo?


Opo, titser.
Ano ang madalas n’yong pinakikinggan?
Mga kanta at radio drama po.
Ano ang kadalasang inaabangang programa sa
radyo ng mga matatanda? Kadalasan po sa kanila ay balita
ang inaabangan.
Ano ang paksa ng mga balitang ito?
Ang paksa po ng mga balitang ito
ay mga kasalukuyang kaganapan sa
lipunan.
Magaling!
B. MGA GAWAING DEPELOPMENTAL

1. Presentasyon

Kaugnay sa ating naging usapan ay may inihanda


akong iskrip ng isang komentaryong panradyo.
Bago natin ito basahin, sagutin muna natin ang
gawaing ito.

2. Paghahawan ng Balakid

Sa parehong pangkat ay pumili ng tig-iisang


representante (bago) na s’yang sasagot sa gawaing
ito.

Panuto: Piliin ang kasingkahulugan ng mga salitang nasa Hanay A sa Hanay B.

Hanay A Hanay B

1. nagkukumahog a. sangay
2. masuri b. pag-aralang muli
3. ahensya c. nagmamadali
4. maingat d. dahan-dahan

Pakisuyong gamitin sa pangungusap ang mga


salitang nasa Hanay A. 1. Nagkukumahog na bumaba si Jane
nang marinig niya ang boses ng
kanyang ina.

2. Sinusuri nang mabuti ni Gwen ang


kanyang proyekto bago ipasa sa
kanyang guro.

3. Ang ahensya ng gobyernong ito ay


labis na matulungin.

4. Maingat n’yang binuhat ang

kanyang kapatid na natutulog.


3. Pamantayan

Mayroon akong inihandang kontrata na


naglalaman ng mga dapat at hindi dapat gawin sa
loob ng klase. Ang inyong kontrata ay pipirmahan
ng lider ng bawat pangkat at sabay-sabay kayong
manunumpa na hindi kayo lalabag sa
napagkasunduan. Ang sinumang lalabag sa
kontrata ay babawasan ng puntos.
4. Pagbabasa ng Teksto

Ngayon ay bibigyan ko na ang bawat pangkat ng


teksto. Pagkatapos magbasa, isadula ninyo ang
nabasang iskrip. Bibigyan ko na kayo ng tatlong
(3) minuto para sa paghahanda.
Narito naman ang pamantayan sa inyong
gagawing pagsasadula.
Pamantayan:
Wastong Tono ng
Boses sa Pagsasalita………….. 10
Kooperasyon …………………. 10
Pagkamalikhain ……………….. 5
Kabuuan 25

Maliwanag ba, klas?

Ngayon ay basahin na natin ang teksto/iskrp.


Opo, titser.

KOMENTARYONG PANRADYO KAUGNAY NG


FREEDOM OF INFORMATION BILL (FOI)

Announcer: Mula sa Bulwagang Pambalitaan ng DZYX, narito ang inyong pinagkakatiwalaang mamamahayag
sina Roel Magpantay at Macky Francia at ito ang Kaboses Mo.
Roel: Magandang umaga sa inyong lahat!
Macky: Magandang umaga partner!
Roel: Partner, talaga namang mainit na isyu ngayon yang Freedom of Information Bill na hindi maipasa-pasa sa
Senado.
Macky: Oo nga partner. Naku, sabi nga ng iba, kung ang FOI ay Freedom Of Income eh malamang nagkukumahog
pa ang mga politiko na ipasa iyan kahit pa nakapikit!
Roel: Sinabi mo pa, partner!
Macky: Ano ba talaga yang FOI na yan partner?
Roel: Sang-ayon sa seksyon 6 ng Panukalang batas na ito eh bibigyan ng kalayaan ang publiko na makita at masuri
ang mga opisyal na transaksiyon ng mga ahensya ng gobyerno.
Macky: Naku! Delikado naman pala ‘yan! Eh di magdiriwang na ang mgatsismosa at pakialamero sa Pilipinas. Isyu
dito, isyu doon na naman yan! Demanda dito, demanda doon!
Roel: Eh ano naman ang masama, partner? Sa ganang akin, hindi ba’t dapat naman talaga na walang itinatago ‘yang
mga politikong ‘yan dahil sila ay ibinoto at nagsisilbi sa bayan.
Macky: Sa isang banda kasi partner maaring maging “threat” daw yan sa mahahalagang desisyon ng lahat ng
ahensya ng pamahalaan.
Roel: Sa tingin ko partner eh makatutulong pa nga yan dahil magiging mas maingat sila sa pagdedesisyon at
matatakot ang mga corrupt na opisyal.
Macky: Eh pano yan partner? Ayon kay Quezon Representative Lorenzo Tañada III, ‘pag hindi pa naipasa ang FOI
bago mag-Pasko eh mukhang tuluyan na itong maibabasura.
Roel: Naku! Naloko na!

Hinalaw at isinulat nina Cyrus Magpantay at Maricar Francia mula sa:


http://politikangpinoy.wordpress.com/2012/09/

(Paglalahad sa klase ng bawat pangkat) (Pangkat 1)

(Pangkat 2)

(Pangkat 3)

5. Pagnilayan

Ano ang pamagat ng tekstong binasa?


Ang pamagat po ng teskto ay
Komentaryong Panradyo Kaugnay ng
Freedom of Information Bill (FOI).
Tungkol saan ang tekstong binasa? Tungkol po ito sa mainit na isyung hindi
maipasa-pasa sa Senado – ang FOI.

Ayon sa teksto, ano ang FOI?


Sang-ayon sa seksyon 6 ng Panukalang
batas na ito ay bibigyan ng kalayaan ang
publiko na makita at masuri ang mga
opisyal na transaksiyon ng mga ahensya
ng gobyerno.
Ayon kay Macky, bakit daw delikado ito?
Dahil magiging simula po ito ng isyu at
demandahan sapagkat marami ang
makikialam.

Ano naman ang panig ni Roel?


Para sa kanya, dapat naman talagang
maging bukas ito sa publiko upang
masabing walang tinatago ang mga
pulitiko.

Sang-ayon ka ba sa batas na ito? Bakit? Bakit


hindi? Sang-ayon po ako dahil makakatulong ito
na mapuksa ang kurapsyon dahil
matatakot na ang mga opisyal.
Ano pa? Hindi po ako sang-ayon dahil maaaring
pagdiskitahan ito ng mga hacker at masira
pa ang mahahalagang transaksyon ng
gobyerno.

Ano kaya ang tawag sa ganitong uri ng teksto?


May ideya ba kayo? Wala po, titser.
Ito ang tinatawag nating Komentaryong Panradyo.
Pakibasa. (insert ppt) (Bumabasa)

Dagdag pa, ang pagsulat nito ay madalas na ginagawa


sa eskwelahan upang magkaroon ng oportunidad ang
mga estudyante na ihayag ang kanilang saloobin sa
isang paksa na kinakaharap ng bansa.

C. PANAPOS NA GAWAIN

1. Paglalahat

Sa pahayag na “Sang-ayon sa seksyon 6 ng


Panukalang batas …”, ano ang ipinahihiwatig ng
ekspresyong “sang-ayon sa”? May pinagbabasehan po siya sa kanyang
sinasabi.
Tama! Maaaring inihuhudyat nito ang iniisip,
sinasabi o pinaniniwalaan ng isang tao. Tulad nito:
(insert ppt) Pakibasa. (Bumabasa)

Gamitin sa pangungusap ang alin man sa mga


ekspresyong nasa mga halimbawa. Higit kong pinaniniwalaan ang aking mga
magulang kaysa sa ibang tao.

Magaling! Ano pa?


Sa tingin ko, wala nang mas sasarap pa sa
pagkaing ito.
Ano naman kaya ang ipinapahiwatig ng
ekspresyong “sa isang banda”?
Palagay ko, nag-iiba na po ang topiko ng
kanilang pinag-uusapan.
Mahusay! Dagdag pa, nagpapahiwatig ito ng
pagbabago o pag-iiba ng paksa at/o pananaw. (Bumabasa)
Narito ang halimbawa: (insert ppt)

Gamitin sa pangungusap ang alin man sa mga


ekspresyong nasa halimbawa. Sa isang banda, mabuti na rin sigurong
nahuli siya ng mga pulis nang magtanda
2. Pagpapahalaga na at matigil na sa mga kalokohan niya.

Ano ang dapat tandaan ‘pag sinabi nating


Komentaryong Panradyo?
Nagbibigay po ito ng oportunidad sa mga
kabataan na maipahayag ang kanilang
mga opinyon at saloobin kaugnay sa isang
isyu.

IV. EBALWASYON
D. ILIPAT

Batid kong naunawaan na ninyo ang ating


talakayan. Ngayon ay magkakaroon na naman
tayo ng panibagong gawain. Sa parehong
pangkat, gagawa kayo ng sariling komentaryong
panradyo gamit ang mga hudyat ng konsepto ng
pananaw. Ang bawat pangkat ay bibigyan ko ng
tatlong (5) minuto sa paghahanda at dalawang (2)
minuto naman sa pagpepresenta. Upang
magabayan kayo, narito ang GRASPS.

GRASPS
Goal Ang inyong gol ay makagawa ng sariling komentaryong panradyo gamit ang
mga hudyat ng konsepto ng pananaw.
Role komentarista sa radio
Audience mga hurado, ang publiko
Situation Regional Schools Press Conference (RSPC)
Product iskrip atbp.
Kayo ay mamarkahan base sa pamantayan:

Standard May Kaugnayan sa Paksa 20


Kooperasyon 10
Wastong Tono ng
Boses sa Pagsasalita 10
Pagkamalikhain 5
Wastong Gamit ng
Mga Salita 15
Kabuuan 60

Rubriks:
Pamantayan Lubos na naipamalas Naipamalas lamang Hindi gaanong
naipamalas
May Kaugnayan sa 20 15 10
Paksa
Kooperasyon 10 7 3
Wastong Tono ng 10 7 3
Boses sa Pagsasalita
Pagkamalikhain 5 3 1
Wastong Gamit ng 15 10 5
Mga Salita

I. Takdang-Aralin

Panuto: Magsaliksik ng lima hanggang sampung palabas sa telebisyon na madalas


mong panoorin. Ipaliwanag kung bakit. (3-5 talata)

Pamantayan:
Organisasyon ng Ideya - 20
Wastong Gamit ng Wika - 10
Kalinisan - 10
Kabuuan 40

You might also like