You are on page 1of 8

MASUSING BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO 11

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik


Paksa: PAGBUO NG TENTATIBONG BALANGKAS

Guro: Christa Dayanara C. Nistal Baitang/Antas: 11

Petsa: Hunyo 29, 2023 Asignatura: PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T


IBANG TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK

Oras: 8:00-8:30am Markahan: ikaapat

Pamantayang Pangnilalaman: Nakasusunod sa pamantayan ng pagsulat ng masinop na pananaliksik

Pamantayang Pagganap: Nakapagpapamalas ng kasanayan sa pananaliksik sa Filipino batay sa kaalaman sa


oryentasyon, layunin, gamit, metodo, at etika ng pananaliksik

Mga Kasanayang Pampagkatuto: F11PT-IVcd-89 Nabibigyang kahulugan ang mga konseptong kaugnay ng
pananaliksik (Halimbawa: balangkas konseptwal, balangkas teoritikal, datos, empirical atbp.)

I. Layunin (specific targets for the day)


a.1. Natutukoy ang kahulugan ng mga konseptong kaugnay sa pagbuo ng tentatibong
balangkas.
a.2. Naiisa-isa ang kahalagahan ng pagbuo ng balangkas.
a.3. Nakabubuo ng isang tentatibong balangkas.

II. Paksang Aralin


a. Paksa : Pagbuo ng Tentatibong Balangkas
b. Sanggunian : (https://prezi.com)
http://sanaysay-(filipino.blogspot.com/2011/07/
sanaysay-sa-filipino-pananaliksik.html)

c. Kagamitang Pampagtuturo : Powerpoint, Pisara, Laptop, Bond paper

III. Pamamaraan
Dulog/Pamamaraan : Groupings/Simulation

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL


A. Paunang Gawain

a.a Panalangin
Magsitayo ang lahat para sa panalangin. (Nagsitayo ang lahat at nananalangin.)
Panginoon, maraming salamat po sa araw na ito na
(Magtatawag ang guro ng isang mag-aaral ipinagkaloob niyo sa amin, nawa’y gabayan mo po
upang pangunahan ang panalangin) kami sa mga gawain na aming gagawin sa araw na ito.
Sana po gabayan niyo rin an gaming guro na siyang
magtuturo sa amin. Amen.

a.b Pagbati
Magandang araw sa inyong lahat! Magandang araw rin po Binibining Nistal.

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL


a.c Pagsasaayos ng silid-aralan
Pagtala ng lumiban at hindi lumiban

Bago kayo umupo pakipulot muna ang mga (Nagsisipulot ang mga mag-aaral ng mga piraso ng
kalat na nasa ilalim ng inyo mga lamesa at paki-ayos mga papel at plastic sa ilalim ng kani-kanilang mga
ang inyong mga upuan. upuan at isinaayos din ang mga ito.)

Maaari na kayong magsiupo! Maraming salamat po Binibini!

Walang anuman!

(Pagtala ng mga lumiban at hindi lumiban)

Itago na ninyo ang inyong mga gamit na


walang kinalaman sa ating asignatura.

Mayroon bang lumiban sa klase ngayong Wala po Bb. Nistal!


araw?

Mabuti naman at narito kayong lahat!

B. Balik-Aral
Ano nga ang pinag-aralan ninyo noong nakaraang
araw? Tungkol po sa tamang pagpili ng Paksang pag-aaralan.

Paksang tungkol sa ?
Pananaliksik

Magaling!

Indicator 4
C. Motibasyon Managed classroom structure to engage learners,
individually or in groups, in meaningful exploration,
discovery and hands-on activities within a range of physical
learning environments.
Pangkatin ang klase sa apat. Bigyan ang bawat
pangkat ng 10 bond paper, gamit ang mga ito bubuo
sila ng isang matatag na tore na tatayo sa loob ng
isang (1) minute.
(Ang guro ay magtatawag ng mga mag-aaral na sasagot sa
Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. mga katanungan.

Opo ma;am, pero dahil sa aming pagtutulungan ay naging


1.Naging mahirap ba para sa inyo na buuin ang tore?
madali na lamang po.
Ipaliwanag.

2. Ano-ano ang mga naobserbahan ninyo habang


binubuo ang tore? Natutumba, nagkakamali, ngunit susubok ng susubok
upang matapos ang isang gawain.
3.Sa inyong palagay, ano ang mangyayari sa tore
kung hindi matatag ang balangkas nito? Masisira at mauuwi sa lahat ang wala.

D. Paglalahad ng Aralin

I. Paghahanda (Preparation)

Bago natin simulan ang ating talakayan ngayon, may


mga batas ako na ibibigay na dapat ninyong sundin:

1. Kung sasagot kayo, itaas ang kanang kamay at


tatayo kayo nang sa gayon ay makita kayo ng inyong
mga kapuwa mag-aaral at mapakinggan nila ang
iyong ilalahad.

2. Iwasan ang pagsagot o pagsasalita nang sabay-


sabay depende sa situwasiyon.

Nagkaiintindihan ba tayo? Opo Bb.!

II. Paglalahad

Ngayon, basahin ninyo ang ipinakita ko sa unang


slide ng powerpoint.
Ang Balangkas po ay nakatutulong upang mapabilis ang
pagpaplano.

Ito ang nagsisilbing gabay ng mga manunulat o


mananaliksik.

Maraming Salamat sa inyong mga sagot. Ako ay lubos na


namamangha sapagkat nakakintal pa rin sa inyong isipan
ang inyong mga natutunan sa mga naunang asignatura.

(Ipapakita ang susunod na slide.)

-KAHALAGAHAN NG PAGBABALANGKAS

1. Pag-uugnay ng mga ideya

2. Gabay sa pagsusunod-sunod ng mga ideya at paglapat


ng sulatin.

3. “Overview” para sa buong sulatin

Uri ng Balangkas
1. Paksa o Papaksang balangkas (Topic Outline)-
ito ay binubuo ng mga parirala o salita na siyang
mahalagang punto hingil sa paksa.

Hal. Tatlong Pangkat ng Pangunahing Pagkain

I. Panimula
A. Kahalagahan ng Pag-aaral
B. Saklaw ng Pag-aaral
C. Pagbibigay- kahulugan
II. Mga Pangunahing Pagkain
A. Mayaman sa Enerhiya
B. Mayaman sa Protina
C. Mayaman sa Bitamina at Mineral
III. Mga Epekto ng Pangunahing Pagkain
A. Mabuting Epekto
1. Nagpalakas ng katawan
2. Nakatulong na makaiwas sa
sakit
3. Nakapagpapasigla ng katawan
IV. Konklusyon
2. Papangungusap na Balangkas (Sentence Outline)-
binubuo ng mahahalagang pangungusap na siyang
kumakatawan sa mahalagang bahagi ng sulatin.
Halimbawa:
Tatlong Pangkat ng Pangunahing Pagkain
I. Panimula
II. May tatlong Pangkat ng Pangunahing Pagkain.
Ang mga ito ay ang mga sumusunod:
A. Ang mga pagkaing mayaman sa
enerhiya
B. Ang mga pagkaing mayaman sa
protina
C. Ang mga pagkaing mayaman sa
Bitamina at Mineral
III. Mga Epekto ng Tatlong Pangunahing Pagkain
A. Mabuting Epekto
1. Ang pagkain ay
nakapagpapalakas ng
katawan
2. Ang mga pagkain ay maaaring
makatutulong sa pag-iwas ng
sakit
3. Ang gma pagkain ay maaaring
naging sanhi ng pagiging
masigla ng isang tao. IV.
Konklusyon
3. Patalatang Balangkas- Ang binibigyang-diin ay ang
pagkakaugnay.
Halimbawa:
Tatlong Pangkat ng Pangunahing Pagkain

1. Ang pagkain ay sadyang kailangan ng tao upang


mabuhay. Kailangang matutuhan din kung anong
pagkain ang nararapat na kainin upang mapanatiling
malusog at masigla ang ating katawan.
(Teresita T. Galang et.al (Nobyembre 2000) Pagsulat
at Pagbasa Tungo sa Pananaliksik. Rex Bookstore pp. 126-
Indicator 3
137) Applied a range of teaching strategies to develop
critical and creative thinking as well as other higher
order thinking skills.
E. Pag-aanalisa

GABAY NA TANONG:

Ngayon, batay sa ating tinalakay ilang uri mayroon ang


pagbabalagkas?
Tatlo po ma’am
Maari mo bang ibigay ang tatlong uri ?

Opo maam , una ay balangkas na papaksa, ikalawa


Sa pananaliksik lang ba magagamit ang paggawa ng balangkas na pangungusap at balangkas na talata.
balangkas?
Hindi po ma’am. Maaari rin po itong gamitin sa Agham
lalong lalo na sa pag-eeksperemento ng mga bagay-bagay.

Magaling! Tama ang iyong sagot.

Napakagaling ninyong lahat.

Talaga ngang mapapabilis ang gagawing pag-aaral kung


nakalista na lahat ang posibleng proseso o pagkasunod-
sunod na hakbang.

F. Aplikasyon Indicator 2
Used a range of teaching strategies that enhance learner
Dahil naunawaan na ninyo ang ating talakayan ay achievement in literacy and numeracy skills.

ninanais kong padamihan ng pagbibibigay sa kahulugan sa


balangkas sa tulong ng Concept Map.
G. Pagtataya
Sa puntong ito ay gigisingin natin ang Indicator 4
natutulog ninyong angking galing sa pagsulat. Managed classroom instruction to engage learners
individually or in groups in meaningful exploration, discovery,
Naniniwala akong taglay ninyong lahat ang pagiging and hands-on activities within the range of physical learning
isang magaling na manunulat at mananaliksik. environments.

Panuto: Isaayos ang mga Ideya upang makabuo ng


isang Balangkas.

(Bibigyan ang bawat grupo ng Manila paper para


Paksa: Pag-iwas sa Adiksyon sa Droga idikit/sulatan ng kanilang mga magiging sagot. 5 minuto)
Mga Ideya:

Mga Ideya:

- Panimula (Pangkatang Gawain)


- Narkotiko
- Paglalahad ng Suliranin (Ipapaskin sa pisara ang sagot ng bawat pangkat at iuulat
- Stimulants ito.)
- Hallucinogens
- Saklaw ng Pag-aaral
- Uri ng Bawal na Gamot
- Pagbibigay kahulugan
- Dahilan ng Paggamit ng Bawal na Gamot
- Masamang Epekto nito
- Konklusyon
- Mga epekto ng Gamot

Balangkas:

I. _______________________________
A.

B.

C.

II. __________________________________

A.

B.

C.

III.____________________________________
IV.____________________________________

A.

B.

V. ____________________________________

RUBRIKS SA PAGMAMARKA

Organisasyon --------------------------------10

Nilalaman-------------------------------------5

Kalinisan ng Awtput------------------------5

Kabuuan---------------------------------------20 puntos

 Pamprosesong Tanong

-Paano ninyo magagamit ang pagbabalangkas sa


pagbuo ng isang organisadong pananaliksik?
Bawat pangkat ay magbibigay ng isang sagot. PANGKAT 1

-Ito po ay lubos na magagamit sa aming pananaliksik


upang magkaroon kami gabay sa kung ano dapat ang
hahanapan ng sagot

PANGKAT 2

Maraming salamat sa inyong lahat at naunawaan ninyong -Magagamit po namin ito sa pamamagitan pagsunod sa
mabuti an gating paksa ngayon. prosesong aming nabuo sa pagsulat ng balangkas.

……………….

IV. Ebalwasyon

Panuto: Piliin ang titik na may tamang


sagot.

1. Sa pagpili ng paksa mas mainam kung


______________.
A. ang mga magulang ang pipili
B. ang guro ang masusunod
C. ang interes at gusto ng mga mag-aaral
D. mungkahi ng mga kamag-aral
2. Ito ay kalansay ng mga ideya na pinagbabatayan Kasagutan:
ng aktuwal na proyektong gagawin.
A. Konseptong papel 1. C
B. Balangkas
C. Papaksang balangkas 2. C
D. Layunin
3. A
3. Ito ay binubuo ng mga parirala o salita na siyang
punong kaisipan. 4. D
A. Papaksang balangkas
B. Balangkas 5. B
C. Patalatang balangkas
D. Papangusap na balangkas
4. Nagsisilbing proposal para maihanda ang isang
pananaliksik.
A. Konseptong papel
B. Balangkas
C. Papangusap na balangkas
D. Layunin
5. Dito makikita ang kalalabasan ng pag-aaral.
A. Layunin
B. Awtput /Resulta
C. Layunin
D. Rasyunale

V. Takdang Aralin

Makipagpanayam sa ibang mag-aaral tungkol sa


kung ano para sa kanila ang isang Balangkas. E-
rekord o e bidyo ang inyung pakikipag-usap sa
isa’t-isa . Ipasa ito saaating Faceboook account .

Fb account – G11: Rizal

Indicator 8
Selected, developed, organized and used appropriate teaching
and learning resources, including ICT, to address learning
goals.

Inihanda ni:

CHRISTA DAYANARA C. NISTAL


Guro sa Filipino

Sinuri nina: ___________________________ Sinuri nina: ________________________________

You might also like