You are on page 1of 4

Paggamit ng Hatirang Pangmadla ( Social Media

 SIMULA
Ang Hatirang Pangmadla (social media) ay ang pahayagan, telebisyon,
radyo,kompyuter/internet tulad ng fb, twitter, blog, youtube, Friendster, e-mail, at iba pa. Sa
hatirang pangmadla nababasa ang mga panitikang gaya ng tula, maikling kuwento, dula,
nobela, sanaysay,talumpati, mitolohiya at dagli.

May malaking impluwensiya ito sa mga kabataang tulad mo, Dito madali mong maibahagi
ang mga mahahalagang opinyon o komentaryo na iyong naisulat bunga sa iyong naunawaan
sa mga panitikang napag-aralan. Maibahagi ang galing at husay mo sa alinmang uri ng social
media na hiyang sa iyo, sa pagsusulat malaman mo kapag marami kang makuhang komentaryo
na positibo/konstraktib, at likes

Sa katapusan ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang;

a. nakikilala ang mga uri ng hatirang pangmadla (social media)

b. natutukoy ang kahalagahan ng hatirang pangmadla sa paglalathala ng sariling


akda.
 ACTIVITY

Panuto: Hanapin sa talaan ang pangalan ng icon na nasa ibaba. Isulat ang titik ng sagot sa
sagutang papel.

A. facebook B. istagram C. twitter D. blog E. youtube

1. _______________ 4. ______________

2. ______________ 5. ______________

3, ___________

 GABAY NA TANONG

1. Paano nakatutulong ang paggamit ng social media sa panahon ng pandemya?


2. Ano ang mabuting epekto nito sa atin?
3. Ano naman kaya sa palagay mo ang naging masamang epekto nito sa atin?

 DISCUSSION
Alam mo bang kung ano ang hatirang pangmadla ( social media)?

Ang hatirang pangmadla (social media) ay pakikipagtalastasan gamit ang makabagong


teknolohiya o kagamitan (gadgets) sa kapwa kahit ito ay nasa malayong lugar at bansa.

Ang mga kagamitan sa hatirang pangmadla ay radio, telebisyon, computer, internet, selpon,
tablet, laptop at iba pa. Social media ay paggamit ng websayt at mga gadgets sa
pakikipagtalastasan sa mga tao kahit ito pa ay nasa malayong lugar. Napapadali nito ang
transaksyon sa mga negosyo, edukasyon, ekonomik, pulitika, medesina. relihiyon,
transportasyon,pagbabalita at iba pa.

Page 1 of 4
Ano ang hatirang pangmadla?

Ang hatirang pangmadla ay komunikasyon na ginagamitan ng mga makabagong teknolohiya


sa pakikipagtalastasan gaya ng pahayagan, radyo, telebisyon at internet na gumamit ng ng
selpon, laptop, tablet, at kompyuter.

Uri ng hatirang Gamit


pangmadla
Weblog ginagamit para gawing online diary
( talaarawang nasa internet)
Twitter nagbibigay ng kakayahan sa gumagamit nito na magpadala
at basahin ang mga mensahe na kilala bilang tweets.
Youtube dito ang mga video ay maaaring husgahan ayon sa dami ng
“likes” at ang dami ng mga nakanood ay parehong
nakalathala.
Friendster nakatuon ito sa pagtulong ng mga tao na makakilala ng
bagong kaibigan, makibalita sa mga lumang kaibigan at
magbahagi ng mga nilalamang midya sa web.
Facebook dito maaring magdagdag ng mga kaibigan at magpadala ng
mensahe.
Instagram dito naipapakita ang mga larawan o guhit na nais ibahagi sa
iba.

Narito ang mga uri ng Social Media;

a. blog – ay pikaikling salita mula sa weblog, naglalaman ito ng mga Komentaryo o balita
ukol sa ilang mga paksa. Blogging ang tawag sanagsusulat o gumagawa ng blog at
blogger naman ang tawag sa nangangalaga sa blog.

b. twitter- nagbibigay kakayahan sa gumagamit na magpadala at basahin ang

mga mensahe na kilala bilang mga tweets.

c. youtube- multimedia sharing site ang tawag rito, maaari ibahagi ang mga

video at nagbibigay –daan para sa magamit ( user) nito na mag-upload, makita, at


ibahagi ang mga video clips.

d. friendster- ginagamit rin ang websayt na ito sa pagtatala at pagtutuklas ng

ng mga bagong pangyayari, mga banda, kinagigiliwang libangan at

marami pang iba.

e. facebook – dito maaari tayong magdagdag ng mga kaibigan at magpadala ng


mensahe sa kanila, at baguhin ang kanilang sanaysay upang ipagbigay-alam sa
kanilang mga kaibigan ang tungkol sa kanilang sarili.

f. Instagram- dito maibabahagi ang mga larawan o guhit na nais ipakita sa

mga kaibigan at bagong kakilala.

Panitikan ay sinasabing repleksyon ng isang grupo ng tao sa isang lugar. Nilalarawan nito ang
mga gawain, tradisyon, paniniwala at kultura ng mga tao.

Paniniwala ng mga edukador, ang panitikan ay salamin at kaluluwa ng isang pangkat ng


mga tao sa isang lugar. Ito ay salamin ng lahi. Malaki ang maitulong ng panitikan sa pagbabago
ng ating panahon.

Page 2 of 4
Ang bawat anyo nito na mabasa ay nagbibigay-aral sa mga mambabasa na nakatutulong
sa pag-unlad ng kanilang kaalaman at kasanayan. Ito ay magagamit sa pakikipagsapalaran sa
ibang bansa at sa kanilang kabuhayan.

 EBALWASYON

Panuto: Piliin mula sa pagpipilian ang tamang sagot. Isulat sa inyong papel.
1. Pinaikling salita ng weblog.
A. blog B. e-blog
C. web C. w-blog

2. Ito ay multi media site na maaaring mag-upload, makita, at ibahagi ang mga
video clips.
A. blog B. facebook
C. twitter C. youtube

3. Ang websayt na ito ay ginamit din sa pagtatala at pagtutuklas ng mga bagong


pangyayari, mga banda, kinagigiliwang libangan at marami pang iba.
A. facebook B. friendster
C. twitter D. youtube

4. Lahat ito ay gamit ng social media maliban sa isa.


A.Magamit bilang online diary
B.Makapagpadala ng balita C.Makapagbahagi ng video sa
isang pangyayari
D. Makapagbigay ng maling impormasyon

5. Ang mensaheng nababasa sa twitter ay kilala bilang ___________.


A. blogging B. message
C. tweets D. voice

6. Tao o mga taong nangangalaga ng blog.


A. blog B .blogger
C. blogging D. blogs

7.Tawag sa pagsusulat sa blog.


A. blog B. blogger
C. bloging D. blogs

8.Ito ay salitang tumbas ng mensahe sa facebook


A. diary B. likes
C. message D. sharing

9. Ang sagisag na ito ay sa _____________.


A. blog C. facebook
C. twitter D. youtube

10. Ang representasyon sa icon na ito ay __________.


A. blog B. facebook
C. twitter D. youtube

Page 3 of 4
11.Kilala bilang multi media sharing sites.
A. blog B. facebook
C. twitter D. youtube

12.Pinagtuunan nito ang pakipagkaibigan at pakipag-ugnayan sa dating


mga kaibigan.
A. facebook B. friendster
C. twitter D. youtube

13. Ang tumbas ba ng salitang video clips.


a. koleksyon ng mga petsa ng mga pangyayari
b. kuhang larawan sa isang pangyayaro
c. mga larawan ng tanawin sa ians lugar
d. totoong pangyayari kinunan gamit ang kamera

14.Tumbas ng Online diary sa Filipino.


A. Dasalan sa internet B. Dyurnal sa facebook
C .Guhitan sa internet D.Talaarawan sa internet

15.Lahat na ito ay bigay ng youtube maliban sa isa.


A. nakapagbibigay –aliw sa mga nitizen
B. nakapagbigay –daan sa gumamit na maka-upload ng mga video
C. nakapagbigay ng kalituhan sa gumamit nito
D. nakapag- update sa mga pangyayari sa entertainment

 TAKDANG ARALIN

Paano nakaapekto ang social media sa iyong pag- aaral ngayong panahon ng
pandemya.

Page 4 of 4

You might also like