You are on page 1of 92

SECOND QUARTER

INAASAHANG PAGGANAP
( Major Peta )
Blogging
Ang blog ay kailangang
maglaman ng bahagi ng isang
sanaysay;
a.Panimula
b.Pagtalakay sa isyung panlipunan
c.Kongklusyon
1. Ang blog na gagawin ay magmumula
lamang sa mga paksang tinalakay at pinag-
aralan sa Social Studies.
2. Ang paksa ay GLOBALISASYON,
MIGRASYON at UNEMPLOYMENT.
3. Kinakailangang matalakay ang paksa sa blog
na gagawin/ bubuuin.
4. Kinakailangang ang mga artikulo, at
larawan ay orihinal na gawa mo tungkol sa
isyung iyong napili.
5. Ang PETA ay lalahukan ng asignaturang
Filipino at Araling Panlipunan.
5. Magtanong sa inyong guro sa araling
panlipunan para sa kanyang ibibigay na
panuntunan at iba pang mahahalagang
panuto.
6. Ang blog na ilalagay sa SHARED BLOG ( sa
GENYO ) ay nakaassign na po sa inyong
section. Ang burador o draft na inyong binuo
sa word ay maaari na ninyong ilipat.
7. Ang lahat ay inaasahang makabuo at
makalikha ng blog hanggang sa DECEMBER 6,
2020, ito ay araw ng LINGGO.
8. Huwag na pong hintayin ang deadline kung
kayang gawin ng mas maaga sa itinakdang
araw ay mas makabubuti.
8. Hindi na po kayo magpapasa ng hiwalay sa
SOCIAL STUDIES subject sapagkat sila ay
nakafullpermission na mababasa ang blogs na
inyong ginawa.
Blog o Blogging ano ito?
Ang blog ay maihahalintulad sa isang
pansariling journal o talaarawang
ibinabahagi sa buong mundo. Nagsasaad
ito ng sariling pananaw at personal na
karanasan ng may-akda.
Walang makapagdidikta sa kung ano ang
nilalaman ng blog maliban sa manunulat.
Gayunpama’y pinaaalalahanan ang isang blogger
na maging mas responsable at laging isaisip ang
paalalang “ think before you click” sapagkat ang
anumang isulat dito’y maaaring makita ng buong
mundo at maaaring makaapekto sa positibo o
negatibong paraan.
Mga Popular na Anyo ng Social
Media
Mga Popular na Anyo ng Social Media
Social Networking –ito ang anyo ng social media kung
saan maaaring makipag-ugnayan sa mga taong
miyembro rin ng nasabing social network. Dito’y
makapagbubukas ng profile at maaaring makipag-
ugnayan sa iba gamit ang mga paraang tulad ng pagpo-
post ng status, larawan, artikulo, video clip, pagpapadala
ng pm o private message, dokumento, at iba pa. Ang
pinakapopular na halimbawa nito ay Facebook.
Mga Popular na Anyo ng Social Media
Media Sharing- Sa mga site na ito pwedeng mag
upload at mag share ng iba’t ibang anyo ng media tulad
ng video. Ang makikita sa mga naka-upload na media ay
maaaring magsulat ng komento. Makikita ang
popularidad ng naka-upload na media sa dami ng views
sa mga ito. Katunayan, napakaraming personalidad sa
showbiz ang nadiskubre sa pamamagitan ng naka-post
nilang video sa mga media sharing. Ang mga
pinakapopular na media sharing site ay YouTube at Flickr.
Mga Popular na Anyo ng Social Media

Microblogging- dito makapag-popost ng


maiiikling update na maaaring i-push sa
lahat ng miyembro ng microblogging site
upang mabasa nila. Ang pinakapopular na
microblogging site ay ang Twitter.
Mga Popular na Anyo ng Social Media

Blog comments at online forums-sa


mga online forum ay maaaring makibahagi
ang mga miyembro sa pag-post ng
komento o mensahe. Sa blog comments
ay ganoon din maliban sa ang mga
komento ay karaniwang nakasentro sa
paksang tinatalakay ng blog.
Mga Popular na Anyo ng Social Media
Social news- sa pamamagitan ng mga site na ito
maaaring makapag-post ng mga balita, artikulo, o link sa
mga artikulong hindi naka copy paste. Ang mga
bumibisita sa site ay maaaring bumoto sa mga artikulong
nandito. Kung mas maraming botong natatanggap ang
isang artikulo, ibig sabihi’y marami ang nagkakainteres
sa artikulo o balita kaya naman nailalagay ito sa
pangunahin o higit na prominenteng lugar sa site. Ang
mga pinakapopular sa social news site ay Digg,,
Propeller, Reddit, at Newsvine.
Mga Popular na Anyo ng Social Media
Bookmarking Sites- sa pamamagitan ng mga
site na ito ay maaari mong i-save at isaayos ang
mga link sa iba’t ibang website sa Internet.
Magiging mas mabilis ang iyong pananaliksik at
pagbabahagi nito sa iba dahil nagsama-sama na
sa iisang site ang magkakaugnay na paksang
hinahanap mo. Ang ilan sa mga popular na
bookmarking site ay Pinterest at Google +.
Ipaliwanag ang pahayag:

THINK BEFORE YOU CLICK!


Sagutin ang mga katanungan:

1. Bakit mahalagang makibahagi ka sa pagbibigay


mo ng iyong pananaw/ saloobin sa isang isyung
panlipunan sa pamamagitan ng hatirang
pangmadla ( social media ) ?
Sagutin ang mga katanungan:

2. Bilang isang mag-aaral sa paanong paraan ka


magiging responsable sa paggamit ng hatirang
pangmadla lalo na sa pagbuo ng isang blog?
Sagutin ang mga katanungan:

3. Bakit kinakailangang maging maingat ang


isang blogger sa pagbibigay niya ng kanyang
pananaw/ saloobin sa paksa ng kanyang blog?
Sagutin ang mga katanungan:

4. Sa paanong paraan ka naiimpluwensiyahan ng


mga blog/s na nababasa mo sa hatirang
pangmadla ( social media )?
Pagpapalawak
ng
Pangungusap
Ayon kina Alfonso O. Santiago
at Norma G. Tiangco sa
kanilang aklat na Makabagong
Balarilang Filipino (2003 ) ,
ang mga sumusunod ay mga
paraan sa pagpapalawak ng
pangungusap:
1. Paggamit ng mga
Ingklitik o Paningit
◼ Ang mga ingklitik o
paningit ay mga katagang
ipinapasok sa pangungusap
upang mas maging malinaw
ang kahulugan nito.
◼ Ang mga sumusunod ay ilan
lamang sa mga ingklitik na
ginagamit sa pagpapalawak
ng pangungusap:
ba kasi man pa
daw/raw kaya muna
pala din/rin nga
opo/po lamang/lang
May mga tiyak na posisyon
ang mga ingklitik sa loob ng
pangungusap. Karaniwan, ito
ay kasunod ng salitang
binibigyang-diin sa loob ng
pangungusap.
a. Unang salitang may diin
+ ingklitik
◼ Halimbawa: Ang mag-
aaral na ang gagawa niyan
◼ Hindi ba siya ang nakita ko
kahapon?
b.Unang salitang may diin
+ ka/ko/mo + ingklitik
◼ Halimbawa: Bakit ka yata
tahimik ngayon?
◼ Alam mo ba ang dahilan ng
kaniyang pagliban?
Ang ingklitik na daw/din ay
ginagamit kapag ang
sinusundang salita ay
nagtatapos sa katinig, maliban
sa malapatinig na /w/ o /y/.
◼ Gamit din ang mga ito
kapag ang salita ay
nagtatapos sa impit na tunog (
glottal stop) gaya sa salitang
puso (heart ), balita ( news ),
sugpo ( prawn ), at iba pa
dahil itinuturing na katinig ang
impit na tunog.
Halimbawa:
◼ Aalis daw siya mamayang
hapon.
◼ Maglalakad din si Jan pauwi
ng bahay.
◼ Ang sugo daw ng pangulo
ang kakatawan sa kanya sa
ibang bansa.
Samantala , ang raw/ rin ay
ginagamit kapag ang
sinusundang salita ay
nagtatapos sa patinig at
malapatinig na /w/ o /y/.
Halimbawa:
◼ Kasali rin siya sa mga nagwagi
sa patimpalak.
◼ Buhay raw ang mga halaman
ni Jane sa kabila ng matinding
init.
◼ Kahoy rin ang ipinang-angkla
sa pinto.
◼ Malaki raw ang damit na nabili
Ang paggamit ng lamang at
lang ay malayang
nagpapalitan sapagkat pareho
lamang ang nitong sabihin.
Nagkakaiba lamang sa
pormalidad ng paggamit.
Halimbawa:
◼ Ipagbigay alam lamang po
ninyo kung kailan kami
maaaring magbigay ng tulong
para sa mga kababayan
nating nasalanta ng bagyo.
( pormal )
Halimbawa:
◼ Sabihin mo lang sa akin pag
kailangan mo ako. ( kolokyal )
2.Paggamit ng mga
Panuring ( pang-uri at
pang-abay ) Dalawa ang
kategorya ng mga salitang
panuring na magagamit sa
pagpapalawak ng
pangungusap.
2.Paggamit ng mga
Panuring ( pang-uri at
pang-abay ) Dalawa ang
kategorya ng mga salitang
panuring na magagamit sa
pagpapalawak ng
pangungusap.
a. Ang pang-uri para sa
pangngalan at panghalip
Batayang pangungusap: Ang
estudyante ay isang iskolar.
Pagpapalawak gamit ang
karaniwang pang-uri
◼ Halimbawa: Ang mahusay na
estudyante ay isang iskolar.
Pagpapalawak gamit ang pariralang panuring
◼ Halimbawa: Ang mahusay na estudyante
Pagpapalawak gamit ang ibang
bahagi ng pananalita tulad ng:
✓ Pangngalan
◼ Halimbawa: Ang
lalaking estudyante ay
isang iskolar.
✓ Panghalip
◼ Halimbawa: Ang
estudyanteng iyon ay
b. Ang Pang-abay
◼ Batayang Pangungusap:
Nag-aaral ang klase.
• Pagpapalawak gamit ang
pang-abay na pamanahon
◼ Halimbawa: Nag-aral
kahapon ang klase.
• Pagpapalawak gamit ang
pang-abay na pamaraan
3. Paggamit ng mga
Pamuno at Kaganapan ng
Pandiwa

Bilang pamuno sa pangungusap


◼ Halimbawa: Si John, ang
pangulo ng samahan, ay
magsasalita sa palatuntunan
mamaya.
a. Bilang kaganapan ng pandiwa
• Pagpapalawak gamit ang
kaganapang aktor
◼ Halimbawa: Ang dalampasigan
ay nilinis ng mga mag-aaral.
• Pagpapalawak gamit ang
kaganapang layon
◼ Halimbawa: Naghahanda ang
magkakapitbahay ng relief
goods.
• Pagpapalawak gamit ang
kaganapang ganapan
◼ Halimbawa: Naghahanda ng
relief goods ang mga
estudyante sa silid.
• Pagpapalawak gamit kaganapang
tagatanggap
◼ Halimbawa: Bumili ako ng bagong
damit para kay Joshua
• Pagpapalawak gamit ang
kaganapang kagamitan
◼ Halimbawa: Itinanim niya ang
rosas gamit ang asarol.
• Pagpapalak gamit ang kaganapang
sanhi
◼ Halimbawa: Nagtagumpay siya
dahil sa kanyang pagsisikap
at determinasyon.
• Pagpapalawak gamit ang
kaganapang direksiyunal
◼ Halimbawa: Aakyat ang mga
turista sa Baguio.
SANGGUNIAN:
1. Concha, Christopher Bryan A. et.al. (2020)
WOW Filipino! 10 Inilathala at inilimbag sa
Pilipinas ng Vibal Group, Inc. 1253 G.
Araneta Avenue Corner Ma. Clara St. Sto.
Domingo, Quezon City

2. Angeles, Mark Anthony S. et.al. (2019 )


FILIPINO ng LAHI,Tagapaglathala at tanging
tagapamahagi ang DIWA LEARNING
SYSTEMS INC. 4/F SEDCCO 1 Bldg.
120Thailand corner Legaspi St. Legaspi
Village,1229 Makati City
Maikling Kuwento
( Pagkatapos ng
Teatro ni Anton
Chekhov)
Pagkatapos mo sa araling
ito, ikaw ay inaasahang:
1.Nasusuri sa diyalogo ng
mga tauhan ang
kasiningan nito
2.Naitatala ang mga
salitang magkakatulad at
magkakaugnay sa
kahulugan
3. Nahihinuha sa mga
bahaging pinanood ang
pakikipag-ugnayang
pandaigdig
4. Naisasalaysay nang
masining at may damdamin
ang isinulat na maikling
kuwento
Ang Verisimilitude sa
Panitikan
Sinasabing ang panitikan
ay tagapaglarawan ng
realidad.
Tinatawag na verisimilitude
ang katangian ng isang akda
na magpamalas ng maka-
realidad na representasyon
ng buhay.
Verisimilitude sa
Tagpuan

Sa maikling kuwentong
Mabangis na Lungsod ni
Efren Abueg,detalyado
niyang inilarawan ang
Quiapo bilang tagpuan ng
Verisimilitude sa
Paglalarawan ng Tauhan

Makikita rin ang


verisimilitude sa
paglalarawan ng mga
tauhan.
Sa pagbibigay ng tiyak na
mga katangian ng tauhan
mula sa pisikal ( panlabas )
hanggang sa pag-iisip at
damdamin ( panloob ),
lumulutang ang pagkataong
parang makikita talaga sa
tunay na buhay.
Verisimilitude sa
Pagsasalita ng Tauhan

Maaari ring makita ang


verisimilitude kung paanong
nagsasalita ang mga tauhan.
Sa pamamagitan ng mga
diyalogo, makikita ang
damdaming namamayani sa
isang sitwasyon.
Ilan sa mga Katangian ng
Maikling Kuwento

a.ito ay maikli lang at


karaniwang kayang
tapusing basahin nang
isang upuan lang
Ilan sa mga Katangian ng
Maikling Kuwento

b. kakaunti ang tagpuan at


mga tauhang gumaganap
kumpara sa ibang anyo ng
panitikan tulad ng nobela o
dula
Ilan sa mga Katangian ng
Maikling Kuwento

c. mabilis ang galaw ng mga


pangyayaring umaabot sa
kasukdulan at agad
nagwawakas sa isang
kakintalan
Sanaysay/Talumpati
(Talumpati ni Luiz Inacio Lula
da Silva sa Pangkalahatang
Debate ng ika -64 na Sesyon
ng Pangkalahatang
Asembleya ng United Nations
)
Pagkatapos mo sa araling ito,
ikaw ay inaasahang:
1.Naiuugnay nang may panunuri
sa sariling saloobin at
damdamin ang naririnig na
balita, komentaryo, talumpati,
at iba pa
2. Naiuugnay ang mga
argumentong nakuha sa mga
artikulo sa pahayagan, magasin,
at iba pa sa nakasulat na akda
3. Naibibigay ang sariling
pananaw o opinyon batay sa
binasang anyo ng sanaysay
(talumpati o editoryal)
4. Nabibigyang-kahulugan ang
mga salitang di lantad ang
kahulugan sa tulong ng word
association
5. Nasusuri ang napanood na
pagbabalita batay sa: paksa,
paraan ng pagbabalita at iba pa
6.Naipahahayag ang sariling
kaalaman at opinyon tungkol sa
isang paksa sa isang talumpati.
7. Naisusulat ang isang talumpati
tungkol sa isang kontrobersiyal
na isyu
8. Nasusuri ang kasanayan at
kaisahan sa pagpapalawak ng
pangungusap
Kahulugan ng Talumpati
Ang talumpati ay isang uri ng
sulatin tungkol sa isang paksa na
sadyang inihanda para bigkasin
sa harap ng mga tagapakinig.
Mga Uri ng Talumpati
Ayon kay Rufino Alejandro
sa kaniyang aklat na
Pagtatalumpati at Pagmamatuwid
(1970) , may anim na uri ng
talumpati ayon sa layunin.
Mga Uri ng Talumpati
Talumpating Panlibang-
ang ganitong uri ng talumpati ay
karaniwang sa mga pagtitipong
sosyal o panlipunan, salo-salo o
piging, at miting ng mga
samahan.
Mga Uri ng Talumpati
Talumpating Nagbibigay-
kabatiran-Ito ay isang
talumpating naglalahad na ang
layunin ay maipabatid sa
tagapakinig ang isang
mahalagang paksa.
Mga Uri ng Talumpati
Talumpating
Pampasigla-Kilala rin
sa tawag pambungad na
pananalita.
Mga Uri ng Talumpati
Talumpating
Nanghihikayat-Sa ibang
salita, ito ay talumpating
nagmamatwid.
Mga Uri ng Talumpati
Talumpating Nagbibigay-
galang-kabilang sa ganitong uri ng
talumpati ang pagtanggap sa
bagong kasapi ng samahan,
talumpating pagtanggap sa isang
posisyon o gawain, o pasasalamat sa
natanggap na gawad o parangal.
Mga Uri ng Talumpati
Talumpating Papuri-
Layunin ng ganitong talumpati
na bigyang-pugay ang isang
tao, bagay, o institusyon.
Ayon naman kay Patrocinio
V. Villafuerte ( 2002), sa
kaniyang aklat na Talumpati,
Debate at Argumentasyon,
mauuri din ang talumpati ayon
sa paghahanda o paraan ng
pagsasalita.
Biglaan o Dagliang
Talumpati-tinatawag itong
impromptu speech sa Ingles.
Maluwag na Talumpati-
Tinatawag itong
Extemporaneous speech sa
Ingles. Ginagamit ang
ganitong uri ng talumpati sa
mga patimpalak.
Handang Talumpati-
Tinatawag itong prepared speech
sa Ingles. Ito ay talumpating may
paghahanda na karaniwang
sumusulat ng piyesa ang
mananalumpati na naglalaman
ng kaniyang sasabihin.
Mga Bahagi ng Talumpati
Bago ihanda ang talumpati ay
mahalagang pag-aralan ang mga
bahagi nito.
1. Panimula-ito ang
bahaging humihikayat o
umeengganyo sa
madlang tagapakinig.
2. Katawan-Ang
katawan ay binubuo ng
sumusunod na bahagi.
a. Paglalahad ng
paksa-dito pormal na
ibinibigay ang paksa at
layunin ng iyong
talumpati.
b. Pagpapaliwanag-
Dito pinalalawak ng
mananalumpati ang paksa
sa anyo ng mahahalagang
punto o argumento.
c. Paninindigan-Ito ang
posisyon ng
mananalumpati sa paksa o
isyung kaniyang
tinatalakay.
3. Wakas o Kongklusyon-Sa
bahaging ito, maaaring muling
banggitin ng mananalumpati ang
mahahalagang puntong kaniyang
tinalakay, ang implikasyon ng
kaniyang mga pahayag, o ang
pagkilos o aksiyon na nais niyang
gawin ng mga tagapakinig.
Mga Pangkalahatang Dapat
Isaalang-alang sa
Pagtatalumpati
May mga dapat tayong isaalang-
alang kapag tayo ay nagtatalumpati
upang lalong maging mabisa ang
pagpapahayag sa ating madlang
tagapakinig.
1. Ituon lamang sa paksa ang
talumpati.
2. Makatutulong ang mga kilos
na di-berbal gaya ng tindig,
kumpas ng kamay, ekspresyon ng
mukha, at iba pa upang bigyan
ng higit na buhay ang talumpati
ngunit tiyaking hindi ito sobra.
3.Bumigkas nang
malinaw.Lakasan ang tinig.
4. Panatilihin ang panuonan ng
paningin o eye contact sa mga
tagapakinig upang lalong
maramdaman ang sinseridad sa
mga sinasabi.
5.Kung may malilimutan, huwag
mag-atubiling mag-ad lib.
6.Isaalang-alang ang interes ng
madlang tagapakinig.
7.Magdamit nang naaayon.
Maraming Salamat sa Pakikinig at
Kooperasyon!

You might also like