You are on page 1of 4

St.

Louis College of Bulanao


Purok 6, Bulanao, Tabuk City, Kalinga 3800

Ang Modyul na ito ay inihanda ng St. Louis College of Bulanao sa pagnanais na


maisakatuparan ang iba’t ibang pamamaraan ng pagtuturo hatid na rin ng pagbabago ng
kasalukuyang panahon.

Ang Kagamitang Pagkatuto na ito ay pagmamay-ari lamang ng Kolehiyo ng Edukasyon


ng St. Louis College of Bulanao, Tabuk City. May layunin itong pagyamanin ang pagganap ng
bawat mag-aaral at mapalalim ang kanilang kawilihan lalo na sa asignaturang Filipino.

Petsa : Agosto, 2020


Lokasyon/Lugar : Bulanao, Tabuk City
Asignatura : Introduksiyon sa Pamamahayag
Uri ng Kagamitang Pagkatuto : Modyul

Sa pamamagitan ng modyul na ito, kailangang sundin at isaalang-alang ang mga sumusunod


na panuto:
1. Ang modyul na ito ay nakalaan para lamang sa mga mag-aaral ng Saint Louis College of
Bulanao.
2. Hindi ipinahihintulot na gamitin at sipiin ang anumang bahagi ng modyul na ito sa kahit ano
mang paraan nang walang pormal at nakasulat na pahintulot mula sa institusyon ng Saint
Louis College of Bulanao o sa may-akda
3. Maaari lamang na gamitin o pakinabanagan ang modyul na ito para sa anumang layuning
katanggap-tanggap.

DEVELOPED BY: JESS M. ARCEO 1


St. Louis College of Bulanao
Purok 6, Bulanao, Tabuk City, Kalinga 3800

KATUTURAN, URI AT SAKLAW NG PAMAHAYAGAN/PAHAYAGAN

I. PANIMULA
Sa umuunlad na bansa tulad ng Pilipinas, ang pampaaralang pamamahayag ay tulad din ng/sa
komersyal na pamamahayag na nagkakaloob ng kahalagahan sa mga mambabasa. Binibigyang
halaga nito ang angkop na kaalaman na kailangan natin patungkol sa mga impormasyon na
nangyayari sa lipunan o kapaligiran.
Sa modyul na ito malilinang sa atin ang kaalamang kailangan upang maintindihan ang
lawak/saklaw ng pamahayagan o pahayagan. Magsisilbi itong gabay upang tiyak na
maintindihan ang proseso ng pagsulat ng isang pahayagan.
II. MGA INAASAHANG BUNGA

A. Naipaliliwanag ang layunin ng Pahayagang Pampaaralan.


B. Nakabubuo ng sariling pananaw sa kung paano pahalagahan ang pahayagan ng
paaralan.

III. NILALAMAN NG KURSO


Paksa
KATUTURAN, URI AT SAKLAW NG PAMAHAYAGAN/PAHAYAGAN

IV. KARANASANG PAMPAGKATUTO

ANO ANG KAHULUGAN NG PAHAYAGAN?


Ang pahayagan ay isang uri ng paglilimbag. Ito ay naglalaman ng mga balita o tala tungkol sa
mga kaganapan na nangyayari sa lipunan. Nagbibigay din ito ng mga impormasyon tulad ng mga
patalastas. Ito ay karaniwang iniimprinta araw-araw at ipinagbebenta sa murang halaga. Ito rin
ay maaring pangkalahatan o may pokus na interes. Ang iba pang terminolohiya para sa salitang
ito ay dyaryo at peryodiko.
PAMAHAYAGAN
Ito’y isang uri ng hanapbuhay na ang gawain ay magpalimbag ng mga pahayagan at magasin
(Miller 425)  Isang uri ng hanapbuhay na ang gawain ay magsulat ng mga bagay na
maipalilimbag sa mga pahayagan at iba pang mga peryodiko (diksyunaryong Webster). Isang
gawaing pangangalap ng imformasyon, pagsusulat, pag-eedit at paglilimbag o pangangalap ng
mga balita, maaring sa pamamagitan ng mga pahayagan at magasin, o kaya’y sa pamamagitan ng
radyo at television (diksyunaryong Webster).
Dalawang Uri ng Pahayagan
Broadsheet
Ang broadsheet ay pormal na uri ng pahayagan, karaniwang nakaimprinta sa malaking papel at
nakasulat sa Ingles na wika. Malawak ang nasasaklaw ng sirkulasyon nito. Bukod sa mga balita
sa loob ng bansa, naglalaman din ang broadsheet ng mga internasyonal na mga kaganapan. Ang
target reader nito ay ang mga taong may mga kaya sa buhay.
Tabloid
Ito naman ay maituturing na impormal na uri ng pahayagan. Ito ay mas maliit at mas maunti ang
nilalaman kumpara sa broadsheet. Ang pangunahing wika na ginagamit sa Tabloid ng Pilipinas
ay Tagalog. Sa dyaryong ito, maari kang makabasa ng mga salitang balbal.

DEVELOPED BY: JESS M. ARCEO 2


SAKLAW NG PAMAMAHAYAG
Sumasaklaw ang pahayagan sa tatlong gawain gaya ng sumusunod:
(1) Pasulat- pahayagan, pulyeto, magasin, aklat (Print Media)
(2) Pasalita- na karaniwang nagaganap sa radyo sa pamamagitan ng pagbabalita at pamumuna o
pagbibigay ng komentaryo, karaniwang pabalita, komentaryo (Broadcast Media)
(3) Pampaningin- pagbabalita sa telebisyon, pelikula, Betamax (Visual Media)

LAYUNIN NG PAMPAARALANG PAHAYAGAN


A. Tulong sa Mag-aaral
1. Nasasanay ang mga mag-aaral sa makabuluhan at nakawiwiling panunulat.
2. Masiglang nagkakaroon ang mga mag-aaral ng hilig, panlasa at lugod sa pagbabasa.
3. Lumilinang ng kakayahan ng mag-aaral sa pagmamasid at sa wastong pagpapahalaga sa mga
babasahin.
4. Napasisigla sila sa lalong maningning at mabungang pag-aaral.
5. Nasasanay sila hindi lamang sa pag-akda at panunulat kundi gayundin sa pamamahala,
pagtuturo at paghahanapbuhay, pati na rin sa magandang pakikitungo sa kapwa, pagsusuri sa
kasiningan at kaaghaman ng mga bagay.
6. Natuturuan sila ng wastong pagbasa ng mga pahayagn at ng mga aklat.
7. Naglilinang sa kanila ng mataas na pamantayan ng pagtutulungan, katapatang-loob,
pagpapaumanhin, pagkamaginoo, pananagutan, pagkukusa, pamumuno at pagpapasunod.
8. Nabibigyan sila ng pagkakataong makasulat ng iskript at makapagbrodkast nito sa radyo at/o
telebisyon.

B. Tulong sa Paaralan
1. Naipapaalam sa mga magulang o sa bayan ang gawain ng paaralan.
2. Naglalathala ang lahat ng uri ng balitang pampaaralan.
3. Naglalathala ang mga kurukuro ng mga mag- aaral, guro, kawani o administrador ng paaralan.
4. Nag-uukol ng kolumna/pitak ng mga mungkahi ng mga mag-aaral at ng kanilang mga
magulang sa lalong ikabubuti ng paaralan.
5. Nagtataguyod ng pagkakaisa ng mga pinuno ng paaralan, guro, magulang at mag-aaral.
6. Tumulong sa paglinang ng mabuting pamantayan ng pag- uugali ng mga kabataang mag-aaral.
7. Nagbibigay-daan sa pagkakaisa ng buong paaralan.
8. Nagpapasigla at nagbubunsod ng mga gawaing kapaki- pakinabang.
9. Tumatangkilik sa pakikipag-unawaan at pakikipagtulungan sa ibang paaralan.
10. Nag-aalaga at nagpapasigla sa diwang pampaaralan gaya ng paglikha ng matangkilik na pag-
ibig sa tinubuang lupa.
11. Nagpapahayag at nagpapalaganap ng diwa ng idealismo na higit kaysa materyalismo.
12. Lumilikha ng magaan na pagtutulungan ng mga magulang, paaralan at pamayanan.

C. Tulong sa Pamayanan
1. Nagpapabatid sa pamayanan ng tungkol sa gawain ng paaralan.
2. Naglalathala ng balitang pampamayanan.
3. Nakakalikha ng paraan sa ikapagkakaisa ng pamayanan at paaralan.
4. nagpapaunlad ng pagkakaunawaan ng pamayanan at paaralan.

DEVELOPED BY: JESS M. ARCEO 3


5. nagpapaunlad ng diwang makapamayanan.
6. Nagpapasigla ng mahahalagang gawain ng pamayanan
PAGLALAPAT

A. Bakit mahalagang pag-aralan ang pamamahayag bilang isang mag-aaral at mamamayang


Pilipino? Ipaliwanag ang kasagutan ng malinaw at gumamit ng halimbawa sa
pagpapatunay sa mga ito.
Bilang isang Mag-aaral:

Bilang isang Mamamayang Filipino:

V. PAGTATAYA
A. Bilang isang mag-aaral, magbigay ng limang paraan sa kung paano mo
mapapahalagahan ang pahayagang mayroon ang paaralan at paano mo ito isasagawa
ngayon at nakakaranas tayo ng pandemya?

MGA KINAKAILANGANG TANDAAN:


 I-encode ang kasagutan sa Microsoft Word gamit ang mga sumusunod:
-Font size: 12
-Font style: Times New Roman
-Margin: 1”
-Line Spacing: 1.5
 Ipasa ang e-copy ng inyong kasagutan sa e-mail na ito: arceojess8@gmail.com.
 Maaari ring ipasa ang hard copy sa faculty room kung hindi maka-acccess sa internet.
 Lahat ng kasagutang kinuha sa internet ay otomatikong walang puntos.
 Huwag kunan ng litrato ang mga kasagutan

VI. SANGGUNIAN
Internet
https://www.slideshare.net/maeleizelgaso20/pamahayan-pahayagan
https://www.pinoynewbie.com/ano-ang-pahayagan/

DEVELOPED BY: JESS M. ARCEO 4

You might also like