You are on page 1of 6

ICCT COLLEGES FOUNDATION INC.

V.V SOLIVEN AVENUE II CAINTA, RIZAL

1900 College of Teacher Education

Pangalan ng Guro: Alyssa Veronica D. Gonzales Petsa: Marso 20, 2023

Taon at Pangkat: 2nd – LFCA222MO92 Asignatura: PROFEE

Isang Mala-Masusing Banghay Aralin sa

Filipino Baitang V

I. Paksang Aralin: Pahayagan: Kahulugan, Uri at mga Bahagi.

II. Mga Layunin:


Sa pagtatapos ng klase ang mga magaaral ay isaasahang:

* Matalakay ang kahulugan, bahagi at uri pahayagan.

* Makapag-sulat ng isang halimbawa ng isang bahagi ng pahayagan.

* Makapag-bigay ang mag aaral ng sariling opinyon sa kung ano ang pinaka paboritong
bahagi ng pahayagan.

* Maipapaliwanag ang importansya ng pahayagan sa buhay ng mga mamamayan.

* Maipaghahambing ang kaibahan ng pahayagan sa iba pang uri ng literatura.

* Makapagbigay ng pangkatang aktibidad na ang layunin ay makabuo ng isang


pahayagan.
ICCT COLLEGES FOUNDATION INC.
V.V SOLIVEN AVENUE II CAINTA, RIZAL

1900 College of Teacher Education

III. Mga Sanggunian: Filipino 5: Bahagi ng Pahayagan at Pagsulat ng Balita,


LeaP Pivot 4A

Mga Kagamitan: Presentasyon gamit ang Powerpoint, Kompyuter,


Pahayagan; Editoryal at Broadsheet.

IV. Mga Gawain

A. Paghahanda
*Dasal/Pagdarasal

• Tumayo ang lahat at tayo’y mananalangin. Pangunahan mo ginoong


Andru.

*Pagbati

• Magandang Umaga mga bata, nagiging maayos ba ang inyong pahinga


nitong nag daang sabado’t linggo? Magaling.

*Pagtatala ng mga dumalo sa klase

• Bago natin simulan ang ating aralin, maari ninyo bang itala kung ilan
kayo ngayon sa inyong silid-alan at ilan ang mga lumiban?

*Pamamahala ng Silid-aralan
• Maari ninyo bang ayusin ang hanay ng inyong upuan at pulutin ang mga
kalat na inyong nakita sa inyong paligid?

B. Pagganyak
ICCT COLLEGES FOUNDATION INC.
V.V SOLIVEN AVENUE II CAINTA, RIZAL

1900 College of Teacher Education

Mga bata, bago tayo mag simula, nais ko munang itanong:


- Sino ang maaring mag bigay ng balitang kanilang narinig, nabasa o
napanood.

- Nabalitaan din ba ninyo ang balitang ibinahagi ng inyong kamagaral?

- Saan kayo madalas na maka-rinig ng balita?

- May mga larawan akong ipapakita sa inyo, ano ang napansin ninyo sa mga
larawan?

C. Paglalahad ng Aralin

- Base sa mga tanong at sagot ng inyong kamag-aral, ano sa tingin ninyo ang
ating tatalakayin ngayong araw?
- Maraming salamat sa lahat ng sumagot. Tama naman ang inyong mga sagot
ngunit ang ating paksang aralin ngayong araw ay ay ang kahulugan at uri
ng pahayagan.

D. Pagtuturo ng Aralin

• Ipapaliwanag ang kahulugan ng pahayagan.


-Mga bata, ang pahayagan ay isang uri ng paglilimbag na naglalaman ng mga
balita o tala tungkol sa mga kaganapan na nangyayari sa lipunan. Madalas
ay mayroon ding mga patalastas tulad ng mga produkto na makikita natin
sa ating tahanan. Ito ay karaniwang iniimprinta araw-araw upang
mapanatiling updated ang mga tao sa ating lipunan. Mas kilala natin ang
pahayagan bilang Diyaryo o Peryodiko.
ICCT COLLEGES FOUNDATION INC.
V.V SOLIVEN AVENUE II CAINTA, RIZAL

1900 College of Teacher Education

• Ipapakilala ang uri ng pahayagan.

- Ngayon ay ipakikilala ko ang dalawang uri ng pahayagan. Ang diyaryong


na aking hawak ay isang broadsheet. Ito ay pormal na uri ng pahayagan na
karaniwang mas Malaki kaysa sa isa pang uri ng pahayagan at ito ay isinusulat
sa lenggwaheng Ingles. Ngayon, ang isa pang uri ng pahayagan ay ang tabloid.
Kung ang broadsheet ay pormal, ito naman ay isang impormal na uri ng
pahayagan. Ito ay nangangahulugang pwede tayong makabasa ng mga salitang
balbal at madalas naisinusulat sa lenggwaheng tagalog.

• Ipapaliwanag ang mga bahagi ng isang pahayagan at ang nilalaman ng bahagi nito.

- Ngayon naman ay dadako tayo sa mga bahagi ng pahayagan na madalas nating


makikita o mababasa. Una ay ang mukha ng pahayagan. Mga bata, dito natin
mababasa ang pinaka importanteng balita o masasabi nating trending. Kung
inyong mapapansin, malaki ang pag kaka-imprinta sa mga letra at titik upang
makuha ang atensyon ng mambabasa. Dito din natin makikita ang petsa ng
pagkakalimbag ng diyaryo. Susunod naman ay ang balitang pandaigdig at
panlalawigan. Dito naka paloob ang mga maiinit na balita na nang yari sa ating
bansa at sa labas ng ating bansa. Marvin, maari mo bang basahin ang balitang
pandaigdig dito sa harapan. Maraming salamat marvin, bigayan natin siya ng
limamng palakpak. Julia, maari mo bang basahin dito sa harap ang balitang
panlalawigan. Bigyan siya ng limang palakpak. Ayun mga bata, narinig na natin
ang pag kakaiba ng balitang pandaigdig at panlalawigan. Ngayon naman
mababasa natin ang anunsyo klasipikado, ang pahinang ito ay nakalaan para sa
mga taong naghahanap ng trabaho na pwedeng pag-aplayan. Kasama na din ang
mga paupahan na hindi pa okupado at kotseng ibinebenta. Susunod naman ang
ang obitwaryo. Ito ay naglalaman ng anunsyo tungkol sa mga taong namayapa
na. Nakapaloob dito ang impormasyon ng mga namayapang tao, kung saan ito
nakaburol, kailan at kung saan ito ililibing. Sa susunod na pahina maaaring
makita ang bahaging libangan. Ito ay nag bibigay aliw sa mga mambabasa tulad
ng komiks o laro tulad ng crossword o sodoku. Maari din nating mabasa ditto
ang mga balita na tungkol sa sports o palakasan. Sa bahaging ito mababasa ang
ICCT COLLEGES FOUNDATION INC.
V.V SOLIVEN AVENUE II CAINTA, RIZAL

1900 College of Teacher Education

iskedyul ng mga laro. Mababasa din sa bahaging ito ang mga kaganapan at balita
tungkol sa iba’t-ibang isport sa loob at labas ng bansa.

E. Pangkatang Gawain

- Para sa inyong pangkatang Gawain, bawat pangkat ay gagawa ng isang balita na


narinig o nakita sa loob ng ating paaralan. Ito ay maaaring tungkol sa inyong guro,
kalinisan ng paaralan o mga pagbabago o improvement sa ating paaralan. Paalala mga
bata, kung kayo ay mag susulat tungkol sa inyong guro o kamag-aral kayo magpa-
alam at sabihin na isa itong pangkatang Gawain, malinaw? Ipasa ang inyong gawa sa
loob ng isang linggo.

F. Pagbubuod

- Ngayong tapos na natin matalakay ang kahulugan, mga bahagi at uri ng


pahayagan. Sino sa inyo ang makapagbibigay ng kahulugan ng pahayagan?
- Ano ang dalawang uri nito?
- Mag bigay ng isang bahagi ng pahayagan at ano-ano ang nilalaman nito.

G. Pagpapahalaga

• Itatanong ng guro ang mga sumusunod upang mapaliwanag ng mabuti.


- Ano sa tingin niyo ang importansya ng pahayagan?
- Batay sa mga bahagi ng pahayagan na natalakay, ano ang inyong paborito at
bakit?
ICCT COLLEGES FOUNDATION INC.
V.V SOLIVEN AVENUE II CAINTA, RIZAL

1900 College of Teacher Education

- Ano sa tingin ninyo ang pinagkaiba ng pahayagan sa iba pang uri ng literatura
gaya ng libro sa paaralan o iba pang libro na inyo nang nabasa? H.
Pagtataya

-Maikling pagsususlit
1. Ano ang dalawang uri ng pahayagan?
2. Anong bahagi ng pahayagan ang tumatalakay sa kaganapan na nangyari o nang
yayari sa iba’t ibang parte ng bansa?
3. Dito mo mababasa ang mga anunsyo ng mga taong namayapa na.
4. Ito ay isang uri ng paglilimbag na nag lalaman ng mga balita na nangyayari sa
lipunan at impormasyon tulad ng patalastas.
5. Ito ay matuturing na pormal na uri ng pahayagan.

V. Takdang Aralin

Ang bawat mag aaral ay mag susulat ng dalawa (95%) o tatlong (100%) halimbawa
ng pahayagan. Ang balita na isusulat ay dapat napapanahon. Aanyayahan ang mga mag
aaral na manuod ng balita o making sa radyo upang makakuha ng balita.
Ang bawat mag aaral ay bibigyan ng limang araw upang matapos ang takdang aralin.

You might also like