You are on page 1of 20

5

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan –Modyul 2:
Pagsusuri ng Anumang
Babasahin, sa mga
Napapakinggan at
Napapanood
Edukasyon sa Pagpapakatao– Ikalimang Baitang
Self-Learning Module (SLM)
Unang Markahan–Modyul 2: Pagsusuri ng anumang Babasahin, sa mga Napapakinggan
at Napapanood
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban samodyulna ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Ma. Armie Gongob, Marie Anthonette B. Haduca, Hasna B. Mohamad,
Marvic O. Tabanay, Bailan A. Silongan,
Editor: Imelda M. Abellar, Education Program Supervisor- EsP
Concepcion F. Palma, Public Schools District Supervisor
Nasrodin O. Ibra, Education Program Specialist II
Liza Jane M. Nierra, T-III
Tagasuri: Dr. Ruby S. Buhat, School Head
Jeanette A. Gaudiano, School Head
Geunicar A. Perez, MAELT
Lorelie C. Salinas, MT-II
Juberto E. Jumantoc, Education Program Supervisor
Tagaguhit: Mabelle Ime M. Abellar, Efren S. Gella, Cliff B. Rosido
Tagalapat: Marie Anthonette B. Haduca, Eva Lourdes M. Anito, John B. Leonardo

Cover Art Designer: Arvel Garry L. Campollo

Tagapamahala: Dr. Allan G. Farnazo, CESO IV- Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V- Asst. Regional Director
Concepcion F. Balawag, PhD, CESO V- Schools Division Superintendent
Edgar S. Sumapal - Asst. Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD
Arturo P. Tingson, Jr., REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug, REPS, ADM
Jade T. Palomar- REPS, Mathematics
Dr. Pancho G. Balawag, EdD- CID Chief
Engr. Reynaldo S.E. Villan - EPS In Charge of LRMS
Vivencio O. Aniňon- Division ADM Coordinator
Imelda Manrique- Abellar, EPS, EsP
Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – SOCCSKSARGEN Region

Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal

Telefax No.: (083) 2288825/ (083) 2281893
Website: depedrexii.org
E-mail Address: region12@deped.gov.ph
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag -
aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na
gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman

ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung
sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang
tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-
aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan
niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit
sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng
pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at
pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit
nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung

sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM
na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa

kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

ii
Alamin

Ang modyul na ito ay dinesenyo at sinulat ng ikaw ang nasa isip. Naririto ito upang
ikaw ay matulungang maipamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pagkakaroon
ng mapanuring pag-iisip sa pagpapahayag at pagganap ng anumang gawain na
may kinalaman sa sarili at sa pamilyang kinabibilangan.

Nilalayon din na magabayan ka sa paggawa ng tamang pasya ayon sa dikta ng isip

at loobin sa kung ano ang dapat at di-dapat.

Ang kalawak ng modyul na ito ay nagbibigay karapatan sa iyo na gamitin ito sa

ibat ibang sitwasyong nakakapag-angat ng iyong kaalaman. Ang lengguwaheng
ginamit ay angkop sa magkakaibang vocabulary level ng mga mag-aaral. Ang mga
aralin ay nakaayos ayon sa tamang pagkasunod-sunod ng kurso. Subalit ang
pagkasunod-sunod ng iyong pagbabasa ay maaaring magbago base sa aklat na
inyong kasalukuyang ginagamit.

Ang modyul na ito ay nahahati sa sumusunod na limang aralin:

• Aralin 1 – Nakasusuri ng mabuti at di-mabuting maidudulot sa sarili

at miyembro ng pamilya ng anumang babasahin tulad ng dyaryo.

• Aralin 2 – Nakasusuri ng mabuti at di-mabuting maidudulot sa sarili

at miyembro ng pamilya ng anumang babasahin tulad ng magasin.

• Aralin 3 - Nakasusuri ng mabuti at di-mabuting maidudulot sa sarili

at miyembro ng pamilya ng anumang napapakinggan tulad ng radyo.

• Aralin 4 – Nakasusuri ng mabuti at di-mabuting maidudulot sa sarili

at miyembro ng pamilya ng anuman napakinggan at napapanood
tulad ng telebisyon at pelikula.
• Aralin 5 – Nakasusuri ng mabuti at di-mabuting maidudulot sa sarili
at miyembro ng pamilya ang paggamit ng internet.

EsP5PKP – Ib - 28

Sa pagbabasa nitong modyul, ikaw ay inaasahang:

1. makasusuri ng mabuti at di-mabuting maidudulot sa sarili at miyembro ng
pamilya ng anumang babasahing tulad ng dyaryo at magasin,
napapakinggan at napapanood sa radyo, telebisyon, pelikula at internet.

1
Subukin

Sagutin ng TAMA o MALI ang mga sumusunod na pahayag.

__________1. Maaari rin nating malaman ang mga pangyayari o kaganapan sa
ating bayan maging sa labas at loob ng bansa sa pamamagitan
ng pagbabasa ng dyaryo.
__________2. Ang magasin ay isang peryodikong publikasyon na naglalaman
ng maraming artikulo tulad ng kuwento, larawan, anunsiyo,
negosyo, artista, isyu sa kalusugan at iba pa.
__________3. Ang magasin ay kalimitang pinopondohan ng mga patalastas.
__________4. Ang dyaryo o peryodiko o pahayagan ay isang uri ng paglilimbag
na naglalaman ng mga balita o tala tungkol sa mga kaganapan
na nangyayari sa lipunan.
__________5. Dapat suriin ang binabasa mula sa dyaryo o magasin upang
matiyak na ang binabasa ay pawang katotohanan lamang.
___________6. Sa magasin, maaari mong makita ang iba’t ibang disenyo ng
magagandang bahay na maaari mong pagpilian.
___________7. Ang dyaryo ay naglalaman ng maraming artikulo tulad ng kuwento,
larawan, anunsiyo, negosyo, artista, isyu sa kalusugan at iba pa.

____________8. Makakahanap ka ng trabaho sa dyaryo.

___________9. Ang magasin ay naglalaman ng makatotohanang artikulo.

__________10. Tiyakin na ang binabasa ay pawang katotohanan lamang.

Balikan

Balikan naman natin ang nakaraan. Naaalala mo pa ba?

Sagutin ng TAMA o MALI ang mga sumusunod na pahayag.

__________1. Dapat na suriin nang mabuti ang mga babasahing tulad ng

dyaryo at magasin.
__________2. Gawin ang tamang pasya ayon sa dikta ng isip sa kung ano ang
dapat at di-dapat sa balitang narinig.
__________3. Ang pagkakaroon ng mapanuring pag-iisip ay isang katangian
na maaring ipagmalaki.

2
__________4. Kinakailangang makapagbigay ng sapat na panahon sa pagtugon
sa kinakaharap na suliranin o gawain gaano man ito kaliit o
kalaki.
__________5. Alamin at pairalin kung ano ang tama at totoo.
__________6. Dapat na suriin nang mabuti ang mga babasahing tulad ng dyaryo at
magasin.
___________7. Paniwalaan ang lahat ng nababasa.
___________8. Ang pagkakaroon ng mapanuring pag-iisip ay isang katangiang hindi
maaring ipagmalaki.

___________9. Bigyan ng sapat na panahon sa pagtugon sa kinakaharap na suliranin.

___________10. Ang magasin ay nagbibigay impormasyon sa mga mambabasa. Ito ay

may sukat na mas malaki kaysa aklat ngunit mas maliit kaysa
dyaryo o pahayagan.

Tuklasin
Basahin ang mga kuwento at sagutin ang mga sumusunod na tanong.

Gawain 1
Ang Batang si Cocoy
Walang pasok sa paaralan kung kaya nasa bahay si Cocoy. Tiyak ng
kaniyang nanay na si Aling Rita na nagbabasa na naman si Cocoy. Alam ni
Aling Rita na laging binabasa ni Cocoy ang mga babasahing dyaryo at
magasin. Nais kasi ng anak na malaman ang mga pangyayari sa
kapaligiran.
Maya-maya, nakita ni Aling Rita si Cocoy na naglilinis ng katawan.
Naghanap din ito ng alcohol at sanitize. Nagpapabili rin siya ng face masks
para magamit ng lahat tuwing lalabas ng bahay.
“Bakit? Saan mo gagamitin ang mga iyan? ang tanong ni nanay.”
Gagamitin natin ang mga ito para hindi tayo mahawa ng COVID 19. Nabasa
ko po na pinag-iingat ang lahat, ang sagot ni Cocoy”.

“Simula ngayon, lalabas tayo gamit ang face mask. Lagi nating
panatilihin ang kalinisan sa kapaligiran lalo na ang ating
katawan.”paglilinaw ni Cocoy.

1. Anong magandang ugali mayroon ang pangunahing tauhan sa

kuwento?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

3
2. Ano ang laging binabasa ni Cocoy kapag walang pasok sa paaralan at
siya’y nasa bahay?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

3. Ano ang magandang naidulot sa kanilang pamilya ang pagbabasa ni

Cocoy ng dyaryo at magasin?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
Gawain 2
Si Carla Marie at Kurtny Love

Tuwing Sabado, pinapalipas ng magkaibigang Carla Marie at Kurtny

Love ang maghapon sa pagdodrowing. Gamit lamang ang puting papel at
lapis, nakakadibuho sila ng magagarang bahay at iba’t ibang disenyo ng
mga damit at mga gown na ginaya nila sa isang magasin.
Isang araw, nag-usap ang magkaibigang magpaligsahan sa
pagdodrowing ng kahit anong nakikita sa magkaibang magasin. Paramihan
ng gawa. Bond paper, lapis at sign pen lamang ang gagamitin.
Mas maraming na drowing si Carla Marie kumpara kay Kurtny Love.
“Mas maganda kasi iyang magasin na hawak mo. Mas maraming
pinapakitang mga larawan na magaganda’, ang himutok ni Kurtny Love.

1. Ano ang ginagawa ng magkaibigan tuwing Sabado?

_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
2. Ano-ano ang mga kagamitang ginagamit nila sa pagdodrowing?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

3. Ano ang naging paligsahan ng magkaibigan?

_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
4. Bakit maraming nagawa si Carla Marie?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
___________________________________________________________

4
Gawain 3
Si Baidido

Isang araw ng Sabado, makikitang naglalaba ng kaniyang mga damit at

uniporme si Baidido sa likod-bahay. Habang naglalaba, nasa tabi niya ang
kaniyang maliit na radio at seryoso siyang nakikinig ng drama tungkol sa
pamilyang guminhawa dahil sa pagsusumikap.
Malungkot siyang nakikinig sa drama.
“Nagtutulungan kaming mag-ina upang mabuhay. Nakakalungkot isiping
namatay ang kanyang ama nang siya ay tatlong taong gulang pa lamang.
Upang kami ay makakain at ang aking anak ay makapag-aral, naglalabada
ako sa gabi at naglalako ng mga paninda sa araw. Ginagawa naming ang
lahat upang makapagtipid lalo na sa paggamit ng kuryente at maging sa
pagkain, “sabi ng ina.
“Ako naman po ay tumutulong kay nanay sa paglalaba pag-uwi ko galing
sa paaralan. Kapag walang pasok, katulong po ako ni nanay sa paglalako
ng kanyang mga paninda. Kapag may pasok, may mga dala po akong mga
panindang kakanin na aking hinahatid sa kantina ng paaralan. Pinipilit ko
pong huwag mainggit sa aking mga kaklase. Tama na po sa akin ang
makapag-aral ako,” ang kwento naman ng dalaga.

Umiiyak na si Baidido. Ramdam niya ang sakit na nararanasan ng mag-

ina dahil, katulad ng sa drama, wala na rin siyang ama.
Malungkot na pinagpatuloy ni Baidido ang paglalaba. Nangako siya sa
sarili na magsusumikap din para magtagumpay sa buhay. “Simula ngayon,
tutulong ako kay nanay upang magkasama kaming makatikim ng ginhawa
sa buhay.”

1. Ano ang ginagawa ni Baidido sa likod bahay?

_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

2. Ano ang paksa ng dramang kaniyang pinakikinggan?

_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
3. Bakit umiiyak na si Baidido?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
4. Ano ang pangako ni Baidido sa sarili?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

5
Gawain 4
Si Marikit, ang Batang Matuwid
Bago pumunta sa seminar sina tatay at nanay, kinausap nila nang
masinsinan ang magkapatid na sina Marikit at Dalisay tungkol sa mga
dapat at di-dapat gawin.
Nakaalis na ng umagang iyon ng Linggo sina tatay at nanay nang
magising si Marikit. Pagkatapos nilang kumain ng agahan ni Ate Dalisay,
tumulong siya sa paglalaba ng kanilang damit, sa paglilinis ng bahay, at
pagliligpit ng mga gamit. Maghapon silang naging abala sa mga gawaing
bahay.
Sabay silang namahinga sa sala. Habang namamahinga binuksan ni
Ate Dalisay ang telebisyon at nanood ng palabas.Ang kanilang pinapanood
ay isang teleserye habang nanunuod sila may napansin si Marikit na isang
eksena na di dapat pinapanood ng mga bata tulad niya, kaya pinagsabihan
niya ang kanyang ate na ilipat ito. Agad naman sinunod ni Ate Dalisay si
Marikit at inilipat ito sa pambatang palabas. Nang matapos ang kanilang
pinanonood, nag-aral ng kanyang leksiyon si Marikit. Inayos niya ang
kanyang mga gamit pampaaralan.
Tumulong siya sa kanyang ate sa paghahanda ng kanilang hapunan.
Pagkagat ng dilim, ay nakapagluto na sila at nakapaghanda na ng mesa
para sa kanilang hapunan.
Pagkatapos kumain, inako niya ang paghuhugas ng kanilang
pinagkainan. Maaga silang natulog ng gabing iyon upang maaga silang
magising kinabukasan.
1. Sa iyong palagay, bakit tinawag na matuwid na bata si Marikit?
Ipaliwanag.
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
2. Tama bang suriin ang palabas na panonoorin? Bakit?
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
3. Ano-ano ang mga gawaing bahay ang ginawa ni Marikit upang
tulungan ang kanyang ate?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
4. May mabuti bang maidudulot ang panonod ng telebisyon o pelikula?
Ipaliwanag.
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
5. Dapat ba nating tularan si Marikit? Baki?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

6
Gawain 5
Ang Hiwaga ng Internet

Araw ng Martes.
May takdang aralin na binigay ang aming guro. Tungkol ito sa
paramihan ng likes sa aming pansariling proyekto na ipinasa sa kanya.

Kailangang makumbinsi ko ang aking mga kaanak at kaibigan na piliin

at gustuhin ang aking entry,” ang bulong ni Mariam sa sarili.

Iisa lamang ang problema- wala kaming koneksiyon ng internet sa

aming bahay.

Isang araw lamang ang paligsahan at magsisimula na ito bukas.

1. Ano ang takdang aralin na binigay ng guro sa klase nila Mariam?

Ipaliwanag.
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

2. Ano-ano ang gagawin upang magustuhan ng marami ang kanyang

pansariling proyekto?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

3. Ano sa palagay mo ang gagawin ni mariam upang maipaalam sa mga

kaanak at kaibigan ang tungkol sa proyekto?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

Suriin

Gawain 1
Ang Batang si Cocoy
1. Dapat pa rin bang suriin nang mabuti ang mga dyaryo ? Bakit?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
2. Mayroon bang mabuti at di-mabuting epekto ang pagbabasa ng
dyaryo? Ano-ano ang mga ito?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

7
3. Mahalaga bang suriin nang mabuti ang nilalaman ng mga ito?
Ipaliwanag.
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
4. Ano-ano ang mga dapat gawin upang miwasang mahawa sa COVID
19?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Gawain 2
Si Carla Marie at Kurtny Love

1. Sinusuri nang mabuti ni Carla Marie ang mga magasin. Bakit kaya?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
2. Mayroon bang mabuti at di-mabuting epekto ang pagbabasa ng
magasin?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
3. Anu-ano ang mga ito sa iyong palagay?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
4. Mahalaga bang suriin nang mabuti ang nilalaman ng mga ito? Bakit?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

Gawain 3
Si Baidido

1. Ano kaya ang gagawin ni Baidido pagkatapos ng pangyayaring iyon?

_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

2. Kung ikaw si Baidido, gagawin mo bang inspirasyon ang kwentong

narinig sa radyo? Ipaliwanag.
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

3. Ano-ano ang mabuti at di-mabuting dulot ng radyo sa sarili at

miyembro ng pamilya?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

8
Gawain 4
Si Marikit, ang Batang Matuwid

1. Ano kaya ang maaring nangyari kung hindi maagang natulog si

Marikit ng gabing iyon?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
2. Mabuti ba ang naidulot ng panonood ng telebisyon sa kaniya?
Ipaliwanag.
________________________________________________________________
________________________________________________________________
3. Kung ikaw si Marikit, anong palabas sa telebisyon ang iyong
panonoorin? Ipaliwanag .
________________________________________________________________
________________________________________________________________
4. Sa iyong palagay, bakit pinili ni Ate Dalisay ang kanilang dapat
panoorin?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
5. Ano ang natutunan mo sa kuwentong ito?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
Gawain 5
Ang Hiwaga ng Internet

1. Ano sa palagay ninyo ang nangyaring wakas ng kuwento?

_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
2. Ano-ano ang mga mabuti at di mabuting epekto ng pagkakaroon ng
internet sa sarili at miyembro ng pamilya?
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
3. Kung ikaw ang nasa kalagayan niya, ano ang iyong gagawin?
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________

Pagyamanin

Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

Gawain 1
Suriing mabuti ang mga sumusunod na pahayag. Tukuyin kung ang mga
ito ay nagpapahayag ng mapanuring pag-iisip o hindi. Sagutin ng MABUTI
o DI-MABUTI ang mga sumusunod na pahayag.

9
_________________1. Tutok na tutok si Fatima at si Baidido sa paghahanap ng
artikulo tungkol sa paligsahang dinaluhan ng kanilang mga
kaklase.
_________________2. Naghahanap ng magandang disenyo sa pagagawa ng kurtina ang
magkaibigan.
_________________3. Ibat-ibang magasin ang kanilang tiningnan upang maghanap ng
angkop na disenyo ng bahay.
_________________4. Inisa-isa nila ang pahina ng dyaryo upang mahanap ang artikulo
tungkol sa nawawalang kaanak.
_________________5. Gamit ang dyaryo, sabay nilang hinanap ang pahina tungkol sa
negosyo.
_________________6. Nais malaman ang mga pangyayari sa kalapit lugar.mag
research.
_________________7. Sundin ang mga pamamraan kung paano makakaligtas sa
COVID 19.
_________________8. Nais malaman ang bilang ng mga bansang nahawaan sa
pandemic na sakit.
_________________9. Alamin ang mga bagong patakaran sa pagbubukas ng paaralan
sa panuruang taon 2020-2021.
________________10. Alamin kung ano-ano ang mga dapat tandaan kapag lumabas
ng bahay upang bumili ng pagkain at gamot.

Gawain 2
Suriing mabuti ang mga sumusunod na pahayag. Isulat ang TAMA kung
sang-ayon ka sa pahayag at isulat naman ang MALI kung hindi.

________________1. Naghahanap ng magandang disenyo sa paggawa ng kurtina ang

magkaibigan kaya nagkalat ang mga magasin.
_________________2. May nakitang magandang istilo ng hardin sa isang magasin kaya
naging inspirado siya sa pagguhit.
_________________3. Ibat-ibang magasin ang kanilang tiningnan upang maghanap ng
angkop na disenyo ng bahay.
_________________4. Nais ni Marga na ipakita sa kaibigan ang magasin upang
makumbinsi itong magbasa rin.
_________________5. Inisa -isa ni Lucia ang mga lumang dyaryo upang hanapin ang
kaganapan noong ika 12 ng Hunyo, 2020.
_________________6. Pagkatapos kumain ng hapunan, nagkasundo ang mag-anak na
manood ng isang palabas. Pinag-usapan nila ang aral na
makukuha sa palabas.

_________________7. Sumama sa mga kaklase at panoorin ang palabas na

iminungkahi ng guro upang masagot ang kanyang takdang aralin.
__________________8. Bago manonod ng palabas sa telebisyon, pinapaalala ni tatay
na suriing mabuti ang mga pinapanood at alamin kung may
kabutihan bang makukuha dito.
__________________9. Kinakailangan ang gabay ng mga nakakatanda sa mga palabas
na dapat nating panoorin.
__________________10. Hikayatin ang buong pamilya na panoorin o makinig sa balita
upang malaman ang mga kaganapan sa sambayanan.

10
Gawain 3
Basahin ang bawat sitwasyon at sabihin ang opinyon mo tungkol dito.
Isulat sa loob ng kahon ang iyong sagot.
1. Sa pakikinig ng radyo ay nakakakuha ng mabuting gawi, gabay at asal.

2. Nakakapagbigay ng kaalaman ang pakikinig sa radyo.

3. Agad na makakakuha ng impormasyon kapag nakinig sa radyo.

4. Minsan ay nakakapagbigay ng maling halimbawa ang pakikinig ng radyo.

5. Nalululong sa paggamit ng radyo.

Gawain 4
Naranasan mo na bang magimbal dahil sa balitang narinig? Sumulat ng
isang sanaysay tungkol sa karanasang ganito at sabihin ang aral na iyong
natutunan. Gamitin ang rubrik para maging gabay.

Rubrik sa Paggawa ng Sanaysay

Kraytirya Napaka Mahusay Hindi Kailangang Marka

husay (3) Gaanong Magsanay
(4) mahusay Pa
(2) (1)
Walang May 1-5 May 6-10 Higit sa 11
mali mali mali ang mali
1.Naaayon sa paksa ang
nilalaman
2. May kapupulutan ng
aral
3. Gamit ng salita at
pagkakasulat ng talata
Kabuuang marka

__________________________________________________________________________________

11
Gawain 5
Isulat ang pansariling opinion kung paano makaaapekto sa iyo ang
pagkakaroon ng internet.

1. Oras para sa ibang gawain

Isaisip

2. Panahon para makapagpahinga man lang.

3. Paglalaro ng online games sa cellphone.
4. Paggawa ng proyekto gamit ang internet.
5. Pagkausap sa taong nasa abroad na nais mong makausap.

1. Mahalagang sinusuri ang mabuti at di-mabuting maidudulot sa sarili

at miyembro ng pamilya ang anumang babasahin tulad ng dyaryo at
magasin, ang mga napapakinggan sa radyo, at ang nga napapakinggan
at napapanood sa telebisyon, pelikula o internet.

2. Ang mapanuring pag-iisip ay kakayahang magsuri ng mga ideya at

lumutas ng mga suliranin.

Isagawa

Gawain 1
Isulat ang markang tsek (/) kung sang-ayon ka sa pahayag at isulat
naman ang ekis (X) kung hindi.

_________ 1. Nalathala ang resulta ng pagsusulit sa isang dyaryo.

__________2. Naibalita ang ginawang pananaliksik sa magasin.

__________3. Nahanap ang nawawalang kaanak dahil sa balitang napakinggan sa

radyo.

__________4 .Nakasulat ang mga pinagbibiling ari-arian sa isang dyaryo.

__________5. Naibalita ang mga kaganapan tungkol sa COVID 19 sa telebisyon.

12
Gawain 2
Sagutin ng Tama o Mali ang mga sumusunod.

__________ 1. Nalathala ang ganda ng isang lugar sa isang magasin.

__________2. Naipapakita ang magagandang tourist destinations sa magasin.
__________3. Binabasa pati ang tungkol sa pagpapaganda na nailalathala sa
magasing ito ang inuunang basahin kaysa gawin ang takdang aralin.
__________4. Binabasa pati ang nakasulat ang engrandeng binyag ng apo ng
senador kahit araw ng pagsusulit.
__________5.Naibalita ang tungkol sa magarbong kasal ng artista kaya unahin
itong basahin.

_________6. Wala ng oras para sa ibang gawain. Nakababad sa cellphone.

_________7. Wala ng panahon para makapagpahinga man lang. Puyat lagi sa
online games.
_________8. Pagbabad sa paglalaro sa cellphone. Wala ng panahon para
mag-aral ng leksiyon.
_________9.Nagagawa agad ang proyekto gamit ang internet. Mabilis na
nakakakuha ng sagot.
_________10. Agad na nakakausap ang taong nais mong kausapin. Kahit
nasaan pa siya. Nasa malayo man o malapit.

Gawain 3
Isulat ang pansariling opinyon.

1. Nakita mo ang batang nabundol ng sasakyan na iniwan ng drayber

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
2. Nakita mo ang kamag-aral na umiiyak dahil niloloko ng mga kalalkihan
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
3. Hirap ang matanda sa pagsakay dahil sa mabigat na dala
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
4. Nais tumawid ng lalaking may kapansanan
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
5. May nahihilong ginang patungo sa sasakyan
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

13
Gawain 4
Isulat ang pansariling opinyon kung paano makaaapekto sa iyo at sa
iyong pamilya ang mga napapanood sa pelikula o telebisyon.
1. Mga makabagong pananamit.
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
2. Mga usong ekspresyon o pananalita.
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
3. Mga pabago-bagong istilo at kulay ng buhok.
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
4. Mga ginagamit sa pagpapaputi ng mukha at katawan.
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
5. Mga paraan ng pagbabawas ng timbang.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Tayahin

Gawain 1
Sagutin ng Tama o mali ang mga pahayag.
_________1. Pagbabasa ng mga tamang pagkain at ehersisyo para maiwasang
magkasakit.
_________2. Paghahanap ng mga artikulo tungkol sa proyekto.
_________3. Pagkopya ng mga Tips sa Pag-ayos ng Hardin.
_________4. Ipaghambing ang mga disenyo ng mga damit na makikita sa magasin.
_________5. Pag-aralan ang mga Paraan ng paggawa ng keyk.
_________6. Pagbabasa ng mga artikulo tungkol sa kalusugan ay maari mong
makita sa magasin.
_________7. Sa magasin mo makikita ang mga artikulo tungkol sa proyektong
gagamitin sa paaralan.
_________8. Maaring kopyahin ang mga Tips sa Pag-ayos ng Silid-Aklatan.
_________9. Maraming mga bagong disenyo ng mga damit pambata ang
makikita sa magasin.
_________10. Pag-aralan ang mga paraan ng paggawa ng keyk gamit ang magasin
tungkol sa pagluluto.
Gawain 2
Sagutin ng OO o HINDI ang mga sumusunod na pahayag na narining sa
radyo.
________1. Puntahan ang lugar kung saan makikita ang aaplayang trabaho.
________2. Alamin ang katotohanan sa pamamagitan ng pagpunta sa tamang
ahensiya.
________3. Huwag ipaanunsiyo ang buong detalye ng iyong pagkatao sa tagapagbalita
sa radyo.
________4. Gawing “off air” kung nais makipag-usap sa announcer tungkol sa
ginagawang pananaliksik.

14
________5. Magtanong-tanong. Huwag agad na maniwala sa taong nais makipagkita
sa iyo.

Karagdagang Gawain

Gawain 1
Sumulat ng sanaysay tungkol sa mga sumsusunod na paksa at gamitin ang
rubrik bilang gabay.

Rubrik sa Paggawa ng Sanaysay

Kraytirya Napaka Mahusay Hindi Kailangang Marka
husay (3) Gaanong Magsanay Pa
(4) mahusay (1)
(2)
Walang May 1-5 May 6-10 Higit sa 11
mali mali mali ang mali
1.Naaayon sa paksa ang
nilalaman
2. May kapupulutan ng aral
3. Gamit ng salita at
pagkakasulat ng talata
Kabuuang marka

1. Naging karanasang nakuha o naidulot ng dyaryo at magasin sa sarili at

sa miyembro ng pamilya.
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

2. Naging karanasan tungkol sa balitang napakinggan sa radyo.

___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
3. Naging karanasan sa gabi-gabing pagbabasa ng nobela sa internet.
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
Gawain 2
Punan ng sariling opinyon ang mga kahon.
Programa/ Pagproseso sa pinapanood Mga aral na maaring
Pelikulang Positibong Negatibong makuha sa progamang
Pinapanood Aspekto Aspekto pinapanood
1. Mathtinik
2. Voice Kids
3. Ang Probinsiyano
4. Team Yey!
5. TV Patrol

15
Susi sa Pagwawasto

Sanggunian
Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon- Batayang Aklat

Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon- Manwal ng Gur

Sanggunian
Ugaling Makabansa sa Makabagong Panahon- Batayang Aklat

Ugaling Makabansa sa Makabagong Panahon- Manwal ng Guro

16
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng Kagawaran ng
Edukasyon, Rehiyong SOCCSKSARGEN na may pangunahing layunin na
ihanda at tugunan ang pangangailangan sa bagong normal. Ang nilalaman
ng modyul na ito ay batay sa Most Essential Learning Competencies (MELCs)
ng Kagawaran ng Edukasyon. Ito ay pantulong na kagamitan na gagamitin
ng bawat mag-aaral sa pampublikong paaralan ng Rehiyon XII simula sa
taong panuruan 2020-2021. Ang prosesong paglinang ay tinutukan sa
paglimbag ng modyul na ito. Ito ay Bersyong 1.0. Mahigpit naming hinihimok
ang anumang puna, komento at rekomendasyon.

Para sa anumang puna, komento o rekomendasyon, makipag-ugnayan

sa:
Department of Education–SOCCSKSARGEN
Learning Resource Management System (LRMS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal

Telefax No.: (083) 2288825/(083) 2281893
Email Address: region12@deped.gov.ph

You might also like