You are on page 1of 15

Edukasyon sa

Pagpapakatao 1
Edukasyon sa Pagpapakatao – Unang Baitang
Unang Markahan – Modyul 9: Kalusugan, Inaalagaan ko nang Wasto
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Dibisyon ng Pasig


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Rogelyn C. Ang
Editors: Marieta M. Limbo EdD, Rebecca B. Alan, Carmina D. Codoy
Tagasuri: Perlita M. Ignacio, RGC PhD
• Nilalaman: Joan M. Balat, Sylvia G. Custodio
• Wika: Carina S. Javier, Ana Mae F. Santos
Tagasuri (Teknikal): Jenelyn S. Saligumba, Eufremia B. Volante
Tagaguhit: Rogelyn C. Ang, Nicole A. Castro, Edison P. Clet, Eufremia B. Volante
Tagalapat: Eufremia B. Volante

Tagapamahala:

Ma. Evalou Concepcion A. Agustin Liza A. Alvarez, EPS - Science


OIC-Schools Division Superintendent Teresita P. Tagulao, EdD, EPS Mathematics
Carolina T. Rivera, CESE Joselito E. Calios, EPS – English
Assistant Schools Division Ma. Teresita E. Herrera, EdD, EPS Filipino
Superintendent Bernard R. Balitao, EPS – Araling Panlipunan
Norlyn D. Conde, EdD, EPS MAPEH
Manuel A. Laguerta, EdD
Perlita M. Ignacio, PhD, EPS - EsP
Chief, Curriculum Implementation
Librada L. Agon, EdD, EPS EPP
Division
Dulce O. Santos, PhD, EPS Kindergarten/MTB-
Victor M. Javeña, EdD MLE
Chief, School Governance and Operations Susan L. Cobarrubias, EdD, PSDS - Special
Division Education Program
Wilma Q. Del Rosario, EPS - LRMS/ADM

Inilimbag sa Pilipinas ng Dibisyon ng Pasig City


Department of Education – National Capital Region
Office Address: Caruncho Avenue, San Nicolas, Pasig City
Tel: (02) 8641-88-85, (02) 8628-28-19
E-mail Address: division.pasig2016@gmail.com
Edukasyon sa
Pagpapakatao 1
Unang Markahan
Modyul 9 Para sa Sariling Pagkatuto
Kalusugan Inaalagaan ko nang Wasto
Paunang Salita
Para sa Tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 1 ng


Modyul 9 Kalusugan, Inaalagaan ko nang Wasto!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinesenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamahala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan, at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika 21 siglo lalong-lalo na ang 5 C’s
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob ng kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa Mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 1 Modyul 9 ukol sa
araling Kalusugan, Inaalagaan ko nang Wasto!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.
PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malamanukol sa paksa.
BALIK-ARAL
Dito masusukat ang I iyong natutuhan at naunawaan sa mga
na unang paksa.
ARALIN
Talalakayin sa bahaging ito ang paksa sa Modyul na ito.
MGA PAGSASANAY
Pagbibigay ng guro ng iba’t-ibang pagsasanay na dapat
sagutan ng mga mag-aaral
PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibinuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyan halaga.
PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa iyong mga
pagpapahalaga..
PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mag-aaral.
INAASAHAN

Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahang ikaw ay


napahahalagahan ang gawaing nakabubuti sa
kalusugan.

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Isulat ang Tama kung nakabubuti sa kalusugan,


Mali kung nakasasama sa kalusugan.

______1. Kakain ako ng masustansiyang pagkain palagi.

______2. Mag-eehersisyo ako araw-araw.

______3. Uugaliin ko ang pagkain ng junk foods.


______4. Magpapatingin ako sa doktor kapag ako ay
may sakit.

______5. Pananatilihin kong malinis ang aking mga


kamay.

1
BALIK-ARAL

Panuto: Kulayan ng asul ang kahon ng bilang kung ang


larawan ay nakabubuti sa kalusugan, berde kung
nakasasama sa kalusugan.

1 2

3 4

2
ARALIN

Narito ang isang maikling tula. Nais kong basahin mo ito


bago tayo magsimula sa ating aralin sa araw na ito.

Ating Isagawa
ni Gng. Rogelyn C. Ang

Iba’t ibang gawain para sa kalusugan


Dapat nating gawin
Hindi lamang sa sarili
Kundi maging sa iba rin
Higit lalo sa kasapi ng pamilya natin
Ating isagawa gawaing nakabubuti
Tungo sa malusog at maayos na sarili.

Sagutan ang mga sumusunod na tanong:


1. Tungkol saan ang tula?

2. Bakit dapat nating gawin ang pag-iingat sa


kalusugan?

3
Mga Gawaing Maaaring Nakabubuti sa
Kalusugan :
• Pag-eehersisyo palagi
• Pagtulog ng maaga
• Pagligo araw-araw
• Pagsisipilyo ng ngipin pagkatapos kumain
• Pagsuot ng malinis na damit

Mga Gawaing Maaaring Nakasasama sa


Kalusugan:
• Pagpapaulan
• Pagtatampisaw sa baha
• Paglalaro sa gitna ng matinding init ng
araw
• Pagsubo ng pagkaing nilangaw

4
MGA PAGSASANAY

Pagsasanay 1:
Basahin ang kuwento.

Nagbakasyon si Bea sa baryo ng Lola Epay habang


abala ang magulang niya sa Work From Home. Isang
araw ay narinig niyang umuubo si Lola Epay.
Tinatanong niya si Lola Epay kung anong gamot ang
dapat niyang inumin.
“Naku, Bea. Maglaga na lang tayo ng luya at iinumin
kong mainit.”
“Mabuti po ba iyon sa ubo?,” ang tanong ni Bea.
“Oo apo. Nakatutulong yan sa pagtunaw ng
pagkain, iwas sa pagkahilo, lagnat, sipon at ubo,”
sagot ni Lola Epay.
“Ang galling naman po pala ng luya. Heto ang
balabal, lola. Ilagay natin sa likod mo para hindi ka
malamigan” sabi ni Bea.
• Bett Esposo Ramirez

Sagutin ang mga sumusunod:

1. Ano ang narinig ni Bea kay Lola Epay na gusto


niyang gamutin?
2. Ano ang nagagawa ng luya sa katawan ng tao?
3. Paano ipinakita ni Bea ang pag-alala kay Lola Epay?

5
Pagsasanay 2:
Panuto: Iguhit ang puso sa patlang ( ) kung tama ang
sinasabi sa pangungusap, bilog ( ) kung mali.
______1. Matulog kahit marumi ang damit.

______2. Magsuot ng malinis na damit araw-araw.

______3. Manood ng telebisyon kahit gabing-gabi na.

______4. Kumain ng gulay at prutas upang lumakas ang


katawan.

______5. Ingatan ang kalusugan.

Pagsasanay 3:
Panuto: Gamit ang bilang na kodigo sa loob ng
kahon, buoin ang mensahe. Isulat ang letra sa
kahon na may katumbas na bilang. (5 puntos)

6
PAGLALAHAT

Ano-ano ang natutuhan mo sa araw na ito? Dugtungan


ang pahayag sa ibaba
Ang natutuhan ko sa araw na ito ay:

Dapat gawin ang mga bagay na


____________ sa ________________ ng tao.

PAGPAPAHALAGA

Ang wastong pangangalaga sa kulusugan ay kaya


mong gawin. Isulat sa ibaba ang gagawin mo araw-
araw.

Paggising sa umaga ___________________________

Ang pagkain ay dapat ________________________

Kapag manonood ng TV, ______________________

Ang damit ay laging _________________________

Bago matulog, ________________________________


7
PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Iguhit ang ulap ( ) kung ang pangungusap ay


mabuti sa kalusugan at buwan ( ) naman kung
makasama sa kalusugan.

____________1. Kumain ng masustansiyang pagkain tulad ng


karne, gulay at isda.

____________ 2. Panatilihing malinis ang sarili at laging


maghugas ng kamay.

___________ 3. Ugaliing magsuot ng face mask mask upang


mapangalagaan ang kalusugan laban sa
COVID-19 pandemya.

____________ 4. Hayaang madumi ang mga kamay.

____________ 5. Iwasan ang mataong lugar at manatili muna


sa loob ng tahanan.

8
9
Pgsasanay2:
Paunang Pagsubok:
1. 1. TAMA
2. 2. TAMA
3. MALI
3. 4. TAMA
4. 5. TAMA
5.
Pagsasanay 3: Balik-aral
Kalusugan ay alagaan 1. asul
2. asul
3. asul
4. asul
Pagpapahalaga 5. berde
Magkakaiba ang sagot
Aralin:
Panapos na Pagsusulit:
1 kahalagahan ng
1. gawaing
makabubuti sa
2.
kalusugan,
3.
2. Para hindi
4.
magkasakit
5.
Pagsasanay l:
1. inuubo
2. pagtunaw ng
pagkain,
iwas sa pagkahilo,
lagnat, sipon at ubo
3. Naglaga ng luya at
binigyan ng balabal si
Lola Epay.
SUSI SA PAGWAWASTO
SANGGUNIAN

Abac, Felamer E.,et al Edukasyon sa Pagpapakatao Unang Baitang


Kagamitan ng mga Mag-aaral sa Tagalog, Binagong Edisyon pahina 2017

Department of Education K to 12 Gabay sa Pangkurikulum:Mayo 2016


(EsP1PPKP-ld-3)
DepEd Most Essential Learning Competencies (MELC) - EsP1PPKP-ld-3

10

You might also like