You are on page 1of 12

Edukasyon sa

Pagpapakatao 2
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikalawang Baitang
Ikaapat Na Markahan – Modyul 1: Pagpapakita Ng Iba't Ibang Paraan Ng
Pagpapasalamat Sa Mga Biyaya Mula Sa Diyos
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Mary Laine S. Codera
Editor: Editha A. Tolop / Dolores S. Casalan
Tagasuri: Perlita M. Ignacio RGC PhD
Tagaguhit Edison P. Clet
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera CESE
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division
Manuel A. Laguerta EdD
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Edukasyon sa
Pagpapakatao 2
Ikaapat Na Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 1
Pagpapakita Ng Iba't Ibang Paraan Ng Pagpapasalamat
Sa Mga Biyaya Mula Sa Diyos
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 2 ng


Modyul 1 para sa araling Pagpapakita Ng Iba't Ibang Paraan Ng Pagpapasalamat
Sa Mga Biyayang Tinatanggap At Tatanggapin Mula Sa Diyos !

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Dibisyon ng Pasig City na pinamumunuan ni Ma. Evalou
Concepcion A. Agustin, OIC Schools Division Superintendent at sa pakikipag
ugnayan sa Lokal na Pamahalaan ng Pasig sa pamumuno ng butihing Alkalde na si
Hon. Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang modyul na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang pan-21 siglo lalong lalo na ang 5 Cs (Communication,
Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang isinasaalang-
alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang


kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 2 Modyul 1 ukol
sa Pagpapakita Ng Iba't Ibang Paraan Ng Pagpapasalamat Sa Mga Biyayang
Tinatanggap At Tatanggapin Mula Sa Diyos !

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN

Sa araling ito, ang mga mag – aaral ay inaasahang


makapagpapakita ng iba't ibang paraan ng
pagpapasalamat sa mga biyayang tinatanggap at
tatanggapin mula sa Diyos.

PAUNANG PAGSUBOK

Suriin ang mga sumusunod na larawan. Ano ang inyong


masasabi o opinyon sa mga ito?
BALIK-ARAL

Sa nagdaang mga buwan, nakaranas ang buong


mundo ng pandemiya, paano ninyo naipakita ang
pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa lahat ng
oras?

ARALIN

Sa taong ito, maraming hindi magagandang


pangyayari ang naganap sa ating kapaligiran.
Nakaramdam ang lahat ng takot at pangamba sanhi ng
sakit na Covid 19. Subalit sa kabila ng masasamang
pangyayari tayong mga Pilipino ay hindi pa rin
nawawalan ng lakas ng loob sa pagharap sa mga
pangyayaring ito. Isa sa mga katangian nating mga
Pilipino ang pagmamahal sa Diyos.
Naipamalas natin ang ating pagpapasalamat sa Diyos sa
pamamagitan ng iba’t – ibang paraan tulad ng:
 pagdadasal
 pagsisimba o pagsamba
 pagbabahagi ng ating mga biyaya sa iba
 pagtulong sa mga nangangailangan
MGA PAGSASANAY

Gawain 1
Basahin ang mga pahayag, alin sa mga ito ang higit
na iyong ipinagpapasalamat. Lagyan ng tsek (✓) ang
lahat ng iyong ipinagpapasalamat.

a. Malusog na pangangatawan
b. Mga bagong “gadget” at laruan
c. Sobra sobrang pagkain sa bahay
d. Trabaho para sa iyong mga magulang
e. Maayos na kalagayan ng iyong mga mahal sa
buhay

Gawain 2
Punan ang patlang nang wastong salita na aankop sa
pangungusap. Piliin sa kahon ang iyong sagot.

magdasal pagsisismba
magpapasalamat dalawin
pagtulong pananakit

1. Ang sa kapwang nangangailangan ay


kasiya – siya.
2. Nararapat na bago at pagkatapos
kumain bilang pasasalamat.
3. Nabalitaan mong nagkasakit ang iyong kaklase, siya
ay dapat .
4. Ang tuwing araw ng Linggo ay isang
gawaing nagpapakita ng pasasalamat sa Diyos.
5. Dapat tayong sa Diyos sa lahat ng
mga natatanggap na biyaya sa araw – araw.

Gawain 3
Piliin sa Hanay B ang paraan ng pagpapasalamat sa
mga bagay na ating natatanggap na nasa Hanay A.
Isulat lamang ang letra ng tamang sagot.

Hanay A Hanay B
____ 1. Edukasyon A. Mag- aral nang mabuti.
B. Alagaan at diligan araw –
____ 2. Halaman araw.
____ 3. Kalusugan C.Igalang at mahalin sila nang
lubusan.
____ 4. Pagkain D. Magdasal bago at pagkatapos
____ 5. Pamilya kumain.
E. Ingatan at panatilihing
malusog ang pangangatawan.

PAGLALAHAT

Sa lahat ng biyaya na iyong tinatanggap at


matatanggap, ano ang iyong labis na
ipinagpapasalamat?
___________________________________________________
___________________________________________________
Bakit mo ito ipinagpapasalamat?
_______________________________________________________
Paano mo maipapakita ang iyong pagpapasalamat sa
Diyos?
_______________________________________________________

PAGPAPAHALAGA

Paano mo maipapakita ang iba't ibang paraan ng


pagpapasalamat sa mga biyayang tinatanggap at
tatanggapin mula sa Diyos sa mga sumusunod na
sitwasyon? Piliin ang letra ng tamang sagot.
1. Gumising ka ngayong umaga ng malakas at may
maayos na pangangatawan.
A. Magdadasal agad.
B. Aayusin ko na ang aking hinigaan.
C.Hahanapin si nanay para sa almusal.

2. Napansin mong wala nang makain ang inyong


kapitbahay.
A. Pagtatawanan sila.
B. Ibibigay ko ang sobrang pagkain sa bahay.
C.Ipost sa “Facebook” upang malaman ng mayor.

3. Ang iyong kaarawan ay tatapat sa araw ng


Linggo.
A. Ayain ang mga magulang na kumain sa labas.
B. Magkaroon ng “outing” kasama ang mga
kaibigan.
C.Anyayahan ang mga magulang upang
makapagsimba.

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Lagyan ng ang mga bilang na nagpapahayag


kung paano mo maipapakita ang pagpapasalamat sa
mga biyayang natatanggap at naman kung Hindi .
1. Sasaktan ang mga hayop na gumagala sa kalye.
2. Ibibigay ang sobrang pagkain sa nangangailangan.
3. Ipopost sa “Facebook” ang mga bagong gamit at
“gadget”.
4. Nagdadasal kayo ng iyong pamilya bago at
pagkatapos kumain.
5. Nakita mo ang isang batang pilay na pasakay ng
“tricycle” kaya uunahan mo na siyang sumakay

SUSI SA PAGWAWASTO
5. c 5. Magpasalamat e. ✓
4. d 4. Pagsisimba d. ✓
3. e 3. Dalawin c.

2. b 2. Magdasal b.
1. a 1. Pagtulong a. ✓
Gawain 3 Gawain 2 Gawain 1
Mga Pagsasanay
3.
5.
2.
4.
1.
Panapos na Pagsusulit

3. C
2. B
1. A
Pagpapahalaga

Sanggunian
http://clipart-library.com/clipart/1399218.htm
http://clipart-library.com/clipart/152114.htm

http://clipart-library.com/clipart/912382.htm
http://clipart-library.com/clipart/dc4dyoxce.htm

http://clipart-library.com/newhp/black-and-white-heart-clip-art-2.jpg
http://clipart-library.com/new_gallery/159-1593667_heart-broken-comments-
broken-heart-outline-symbol.png

You might also like