You are on page 1of 16

Edukasyon sa

Pagpapakatao 1

1
Edukasyon sa Pagpapakatao – Unang Baitang
Unang Markahan – Modyul 14: Sa Pamamasyal at Masasayang Pangyayari, Sama-sama
kami
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Dibisyon ng Pasig


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Nerissa D. Aragones
Editors: Marieta M. Limbo EdD, Rebecca B. Alan, Rose B. Impuesto
Tagasuri: Perlita M. Ignacio, RGC PhD
• Nilalaman: Joan M. Balat, Sylvia G. Custodio
• Wika: Carina S. Javier, Ana Mae F. Santos
Tagasuri (Teknikal): Bernadette C. Graspela, Eufremia B. Volante
Tagaguhit: Nicole A. Castro, Edison P. Clet, Bernadette C. Graspela, Eufremia B. Volante
Tagalapat: Eufremia B. Volante

Tagapamahala:

Ma. Evalou Concepcion A. Agustin Liza A. Alvarez, EPS - Science


OIC-Schools Division Superintendent Teresita P. Tagulao, EdD, EPS Mathematics
Carolina T. Rivera, CESE Joselito E. Calios, EPS – English
Assistant Schools Division Ma. Teresita E. Herrera, EdD, EPS Filipino
Superintendent Bernard R. Balitao, EPS – Araling Panlipunan
Norlyn D. Conde, EdD, EPS MAPEH
Manuel A. Laguerta, EdD
Perlita M. Ignacio, PhD, EPS - EsP
Chief, Curriculum Implementation
Librada L. Agon, EdD, EPS EPP
Division
Dulce O. Santos, PhD, EPS Kindergarten/MTB-MLE
Victor M. Javeña, EdD Susan L. Cobarrubias, EdD, PSDS - Special
Chief, School Governance and Education Program
Operations Division Wilma Q. Del Rosario, EPS - LRMS/ADM

Inilimbag sa Pilipinas ng Dibisyon ng Pasig City


Department of Education – National Capital Region
Office Address: Caruncho Avenue, San Nicolas, Pasig City
Tel: (02) 8641-88-85, (02) 8628-28-19
E-mail Address: division.pasig2016@gmail.com

2
Edukasyon sa
Pagpapakatao 1
Unang Markahan
Modyul 14 Para sa Sariling Pagkatuto
Sa Pamamasyal at Masasayang
Pangyayari, Sama-sama kami

3
Paunang Salita
Para sa Tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 1 ng Modyul


14 Sa Pamamasyal at Masasayang Pangyayari, Sama-sama kami!
.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinesenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamahala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan, at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika 21 siglo lalong-lalo na ang 5 C’s
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob ng kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

4
Para sa Mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 1, Modyul 14, ukol


sa araling Sa Pamamasyal at Masasayang Pangyayari, Sama-sama kami
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan
upang malinang ang sariling kakayahan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga
makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman ukol sa paksa.
BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong natutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.
MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.
PAGLALAHAT Dito masusukat ang mga natutuhan ng mag-
aaral.
Sa bahaging ito ibinuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga
PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa iyong mga
pagpapahalaga.
PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mag-aaral.

5
INAASAHAN

Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahang ikaw ay


nakakatukoy ng mga gawaing nagpapakita ng
pagkakabuklod ng pamilya sa pamamasyal at
masasayang pangyayari.

PAUNANG PAGSUBOK

Ang pamilyang Pilipino ay masaya kapag


magkakasama sa pamamasyal. Sa Pilipinas man o sa
ibang bansa kung saan nagtatrabaho ang mga
Overseas Filipino Workers (OFW), madalas magsama-
sama ang mga Pilipino.
Alin sa sumusunod ang iyong naranasan kasama ng
iyong pamilya o di kaya mga kamag-anak?
Panuto: Lagyan ng Tsek (√) ang iyong sagot.

1 2

6
3 4

Family

7
BALIK-ARAL

Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na


sitwasyon. Bilugan ang ( ) nakathumbs-up kung wasto
ang ginagawa at ( ) kung mali.

1. Tinutulungan ang nanay sa


pagluluto.

2. Iniiwan na bukas ang refrigarator


pagkatapos kumuha ng tubig.

3. Itinigil ang mga gawain habang


nagdarasal ang pamilya.

4. Sabay-sabay na kumakain sa
hapag-kainan.

5. Nagtatago sa kuwarto kapag


oras na ng paghuhugas ng plato.

8
ARALIN

Ang pagkukuwentuhan ng masasayang pangyayari,


tulad ng panonood sa telebisyon nang sama-sama, at
pag-aaral ng leksyon kasama ang pamilya ay
nagbibigay ng mabuting epekto sa bawat miyembro
upang lalong higit na mapalapit sa isa’t isa.
Bago magpandemya, ang pamamasyal ang isa sa
pinaka-epektibong paraan ng pagkakaroon ng
mabuting samahan ng pamilya. Subalit, dahil sa COVID-
19 pandemya, nasa new normal na sitwasyon tayo,
Bawal pang lumabas ang mga bata.
Nauso tuloy ang Family Online Conferencing sa
pamamagitan ng Zoom, Google Meet, FB Messenger,
Viber, at iba pang platforms. Ito ang paraan ng
pagsasama-sama ng pamilya at mga magkakaibigan
lalo na kapag Pasko, Valentine, at iba pang okasyon.

9
Nagkakasama-sama din ang pamilyang
magkakahiwalay ng lugar sa pamamagitan ng online
platforms. Nagkikita sila sa kasal, binyag, birthday,
anniversary, at iba pang masayang selebrasyon.
- Bett Esposo Ramirez

Sagutin ang sumusunod na tanong:


1. Sa paanong paraan nagkakasama-sama ang
pamilya?
2. Ano ang bagong paraan ng pagsasama-sama ng
pamilya ngayong may COVID-19 pandemya?
3. Ano ang mga halimbawa ng platforms na
nagagamit para dito?
4. Ano ang naidudulot ng pagsasama-sama ng
pamilya?

MGA PAGSASANAY

Pagsasanay 1
Panuto: Iguhit ang masayang mukha ( ) kung tama
ang isinasaad ng pahayag, at malungkot na mukha
( ) kung hindi.
_________1. Nagpapaiwan sa bahay kapag mamamasyal
ang pamilya.

_________2. Kumokontra sa kuwento lalo na kapag


masaya ang lahat.

_________3. Sumasama sa Video Conference para


makipagkuwentuhan sa pamilya at kamag-
anak.

10
_________4. Masayang sumasama sa pagpasyal ng
pamilya nang ligtas sa pandemya.

_________5. Sama-sama sa panonood ng telebisyon.

Pagsasanay 2:
Panuto: Lagyan ng Tsek (√) ang mga gawaing
nagpapakita ng pagkakabuklod-buklod ng pamilya.

1. Nagtutulungan sa gawaing bahay.


2. Naglalarong mag-isa sa silid.
Nagse-cellphone habang naglilinis ang mga
3.
kapatid.
4. Sabay-sabay na kumakain
Sama-samang nanonood ng mga palabas sa
5.
plasa kapag ligtas sa pandemya.

Pagsasanay 3:
Panuto: Gumupit ng mga larawang nagpapakita ng
pagkakabuklod ng pamilya sa pamamasyal o
pagsasama-sama sa pagdiriwang. Idikit ito sa loob ng
kahon.

11
PAGLALAHAT

Ilahad ang mga natutuhan. Hanapin ang


nawawalang salita sa loob ng kahon sa ibaba upang
mabuo ang mga pangungusap.

okasyon pagdiriwang kasiyahan


oras viber masaya magkakalayo

1
Ang pagkakabuklod ng ___________________
ay nakikita sa pamamasyal o sa pagsasama-
2
sama sa __________________. Kung hindi man
nagkikita ay maaaring sa online magkita at
magdiwang ng kaarawan at iba pang
3 4
________________. Ang mahalaga ay ___________
5
ang pamilya kahit _____________________________.

12
PAGPAPAHALAGA

Ano ang pagkaunawa mo sa salawikaing ito?


“Pamilya ang kasama mo sa hirap at ginhawa.”

Panuto: Isulat sa kahon ang sagot.

13
PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon. Isipin


kung tama o mali ang gawa ng bata. Lagyan ng tsek (√)
ang tamang gawa at ekis (x) kapag mali.

________1. Iniiwan ni Emma ang Zoom meeting ng


pamilya para matulog.

________ 2. Nagyayang mamasyal ang kaibigan ni Noel


pero hindi siya sumama dahil sa naghahanda
ang pamilya niya para sa kaarawan ng
nanay niya.

________ 3. Pupunta sa parke ang pamilya ngunit ayaw


sumama ni Nelson dahil sa maglalaro siya ng
computer games.

________ 4. Magpapaiwan si Lolo Riz sa bahay at hindi


makakasama sa pagbisita sa bagong
panganak na apo. Gusto siyang samahan ni
Lorie.

________ 5. Naglilinis ng bahay lahat ng kapatid ni Arwin


dahil sa may dararting na bisitang kamag-
anak ngunit nagtago si Arwin sa kuwarto.

14
15
Pagsasanay 2:
Paunang Pagsubok:
1. √
Magkakaiba ang sagot
2.
3.
4. √ Balik-aral
5. √ 1.
Pagsasanay 3: 2.
Magkakaiba ang sagot
3.
4.
Paglalahat
1. pamilya 5.
2. pagdiriwang
3. okasyon Aralin:
4. masaya 1. pagkukuwentuhan
5. magkakalayo ng masasayang
pangyayari, ang
panonood sa
telebisyon nang
Pagpapahalaga sama-sama, at ang
pag-aaral ng leksyon
Magkakaiba ang sagot
kasama ang pamilya,
2. Online,
3. Zoom, Google Meet,
FB Messenger, Viber,
at iba pang platform,
Panapos na Pagsusulit: 4. Napagtitibay ang
1. x
pamilya
2. √
3. x
4. √
5. x
Pagsasanay 1:
1.
2.
3.
4.
5.
SUSI SA PAGWAWASTO
SANGGUNIAN

Pampamahalaang Publikasyon
Edukasyon sa Pagpapakatao 1, Pahina 45-49
Department of Education K to 12 Gabay Pangkurikulum:
Mayo 2016 (EsPIPKP-ig-6)
DepEd Most Essential Learning Competencies (EsPIPKP-ig-6)

16

You might also like