You are on page 1of 14

Filipino 5

Filipino – Ikalimang Baitang


Unang Markahan – Modyul 8: Kayarian ng Pangngalan
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto
o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit
sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula
sa mga orihinal na may-akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag


sa anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Zenaida S. Urzal
Editor: Mario N. Pardiñez
Tagasuri: Lailani R. Claur
Tagaguhit: Edison P. Clet at Hazel Faye S. Urzal
Tagalapat: Zenaida S. Urzal
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Aurelio G. Alfonso EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Filipino 5
Unang Markahan
Modyul 8 para sa Sariling Pagkatuto
Kayarian ng Pangngalan
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 5 ng Modyul 8 para
sa araling Paggamit ng Pangngalan-(Kayarian ng Pangngalan) !

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa
Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod,
Kgg. Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang
pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa
pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-
aaral na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan


ng modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding
subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan
ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang
hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing
nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 5 Modyul 8 ukol sa Paggamit


ng Pangngalan (Kayarian ng Pangngalan) !

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng
silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang
oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat
mo pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang
pagsasanay na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na
dapat bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN
Mapagpalang araw sa iyo!

Sa modyul na ito’y inaasahang malilinang mo ang iyong kakayahan


sa tamang paggamit ng mga pangngalan sa pagtatalakay tungkol sa sarili,
sa mga tao, hayop, lugar, bagay at pangyayari sa paligid: sa usapan; at sa
paglalahad sa sariling karanasan.
Inaasahan ko rin na sa paggamit ng pangngalan, matutukoy mo ang
mga kayarian ng pangngalan.

PAUNANG PAGSUBOK
Ngayong handa ka na sa ating pag-aaral, Narito ang kwento ng pagiging
mapagpakumbaba at mapagmahal sa kapwa.

Tukuyin kung anong kayarian ng pangngalan (payak, maylapi, inuulit


o tambalan) ang mga salitang may salungguhit.

Si Stella At Ang Mga Kaibigan Niya Sa Araw ng Pasko


ni Sandy Ghaz

Mayaman at komportableng pamumuhay ang kinalakihan


ni Stella, ang nag-iisang anak ng 1mag-asawang Don Manuel at
Señora Faustina. Ngunit ni minsan ay hindi inabuso ng 2dalaga
ang pagiging 3anak-mayaman niya.
Kahit ang ama niya, si Don Manuel, at ang ina niya, si
Señora Faustina, ay lubos ang pasasalamat sa mabuting loob ng
kanilang nag-iisang anak. Kakaiba ang kabutihan na ipinapakita
nito lalong-lalo na sa mga mahirap na tao.
Tuwing Pasko, niyayaya ni Stella ang mga kaibigan niya na
pumunta sa 4bahay-ampunan sa Marga Hera. Namimigay sila ng
mga laruan, pagkain, at iba pang mga regalo sa mga bata doon.
Nais niyang mapasaya ang mga bata dahil talagang 5ibang-
iba ang buhay niya sa kanila. Maswerte siya at lumaki siyang
kasama ang kaniyang pamilya .

Naibigan mo ba ang ating kuwento? May napulot ka bang


magandang aral dito? Ngayon ay tukuyin mo kung anong
kayarian ng pangngalan ang mga ginamit na salita sa kwento?
Piliin sa hanay B ang kasagutan sa hanay A.
Hanay A Hanay B

1. mag-asawang inuulit
2. dalaga tambalan
3. anak-mayaman
4. bahay-ampunan payak
5. ibang-iba
maylapi
BALIK-ARAL
Sa nagdaang aralin ay napag-aralan mo kung paano nasasagot ang
mga tanong sa binasang kwento o tekstong pang-impormasyon. Narito ang
isang patalastas, basahin ng mabuti at sagutin ang mga sumusunod na
katanungan. Isulat ang letra ng tamang sagot.

PATALASTAS

May gaganaping pagpupulong ang mga kasapi ng


Kapisanan ng mga Kabataan para sa Kaligtasan ng Kapaligiran.
Pag-uusapan dito ang mga hayop sa Pilipinas na nanganganib
ng maubos. Ito ay gaganapin sa gymnasium ng Paaralang
Mapayapa sa ganap na alas-dos ng hapon, ika-23 ng Mayo.

1. Ano ang sinasabi sa patalastas?


2. Sino-sino ang makikilahok dito?
3. Kailan ito gaganapin?
4. Saan ito magaganap?
5. Bakit magpupulong ang mga kasapi ng kapisanan?

a. Ang gaganaping pagpupulong ng mga kasapi ng Kapisanan ng mga


Kabataan para sa Kaligtasan ng Kapalirigan.
b. Ang mga kasapi ng Kapisan ng mga Kabataan para sa Kaligtasan ng
kapaligiran
c. Upang pag-usapan ang mga hayop sa Pilipinas na nanganganib ng
maubos
d. Sa gymnasium ng Paaralang Mapayapa
e. Alas-dos ng hapon, ika-23 ng Mayo

ARALIN
Sa pagsisimula mo ng ating aralin, sagutin ang mga sumusunod na
tanong.
Sa panahon ng krisis, paano nga ba kinakaharap ng mga Pilipino
ang mga suliranin tulad ng kahirapan at gutom?

Kilala tayong mga Pilipino sa pagiging matibay at maparaan


pagdating sa mga hamon ng buhay. Sabay nating basahin ang kwento
ng isang ina na matapang na hinarap ang hamon ng buhay, mula sa
kwentong aking ginawa para sa iyo.

Sa panulat ni: Zenaida S. Urzal


Nabigla ang karamihan sa paglaganap ng virus na kinilalang COVID-
19 na nagdudulot ng karamdaman na nakamamatay. Upang maputol ang
paglaganap ng virus, ipinatupad ang ilang proteksyong pangkalusugan
tulad ng pagsusuot ng face mask, pagsasabon ng kamay, paggamit ng
alkohol at pagpapanatiling malinis ng kapaligiran. Ipinasiya rin ng
gobyerno na magkaroon ng tinatawag na Enhanced Community Quaratine
o ECQ sa bawat lugar. Ito ay ang istriktong pagpapanatili ng tao sa
tahanan, pagsuspinde ng public transport, pagrarasyon ng pagkain at iba
pang pangangailangang pangkalusugan. Isa ang mag-inang Carmen at
Lulu na lubhang naapektuhan ng ECQ dahil sa nagsara ang pabrikang
pinapasukan ni Carmen.
Ang lokal na pamahalaan at barangay ay nagsagawa ng relief
operation kung saan ang bawat pamilya ay nakakatanggap ng ayuda.
Bawat pamilya ay pinagkakalooban ng tig-iisang supot ng groseri.
Tuwang-tuwa si Aling Carmen dahil kahit papaano ay mayroon silang
pantawid gutom sa araw-araw.

Hindi lamang mga ayudang pagkain ang inilatag ng gobyerno,


nakatanggap rin ang mga mamamayan ng tinatawag na DSWD Social
Amelioration Program of SAP mula sa National Government na
nagkakahalagang 5,000 - 8,000 libong piso. Isa si Aling Carmen sa
kwalipikadong nakatanggap ng DSWD SAP bilang nag-iisang magulang na
nagtataguyod ng kaniyang anak at pansamanatalang nawalan ng
hanapbuhay. Ikinatuwa ito ni Carmen dahil nagkaroon siya ng
mapagkukunan ng karagdang panggastos sa kanilang pang araw-araw na
pagkain at pambayad sa iba pa nilang gastusin. Nausal ni Carmen ang
pasasalamat sapagkat nakatanggap siya ng tinatawag na nakangiting
biyaya o mga bagay na nakamit nilang mag-ina ng libre at kusang ibinigay
mula sa pamahalaan.
Nagustuhan mo ba ang kwentong iyong binasa? Tungkol saan ang
kwentong ito?
Ano ang natutunan mo ukol dito?

Ang kwentong ating binasa ay tungkol sa pagiging matibay at maparaan


ng mga Pilipino sa pagharap sa anomang hamon ng buhay. Dito rin,
nasusukat ang lalim ng pananampalataya ng isang tao sa ating Poong
Maykapal sa panahong siya ay nahihirapan. Gayun din ang pagkilala ng
mamayan at pagtitiwala sa pamahalaang kaniyang kinabibilangan. Ang
mga katangiang ito ay nararapat nating taglaying mga Pilipino.

Suriin Mo
Ngayon ay nais kong pag-aralan mo ang mga sumusunod na
pangungusap na hango sa kwento. Pansinin kung paano ginamit ang mga
salitang may salungguhit.

Paano ginamit ang mga pangngalan sa ating talatang binasa?

Ginagamit ang pangngalan sa iba’t ibang anyo ng pagpapahayag. Sa


pagtalakayng kuwento, ang pangngalan ay ginamit sa iba,t ibang kayarian
upang maging ganap at maayos ang talata.

Ipinatupad ang ilang proteksyong pangkalusugan tulad ng pagsusuot ng face


mask, pagsasabon ng kamay, paggamit ng alkohol at pagpapanatiling malinis
ng kapaligiran.

Anong uri ng pananalita ang alkohol? Paano ito ginamit?

- Ang salitang alkohol ay kayarian ng pangngalan na nasa


anyong payak. Ito ay binubuo ng salitang-ugat lamang.
Wala itong kasamang panlapi o katambal na salita, at hindi
rin inuulit ang kabuuan o bahagi nito.

- Ang mga halimbawa nito ay: bahay, tao, bata, kamatis,


pinto
Nabigla ang karamihan sa paglaganap ng virus na kinilalang COVID-19
na nagdudulot ng karamdaman na nakamamatay.

Anong uri ng pananalita ang karamdaman? Paano ito


ginamit?

- Ang salitang karamdaman ay kayarian ng pangngalan na


nasa anyong maylapi. Mga pangngalang binubuo ng
salitang-ugat at panlaping makangalan.

- Mula sa salitang ugat na ramdam + unlaping ka +


hulaping an, ay nabuo ang salitang karamdaman

- Ilan pa sa halimbawa nito ay ang kabahayan, tauhan,


kabataan, pintuan, kalooban

Tuwang-tuwa si Aling Carmen dahil kahit papaano ay mayroon


silang pantawid gutom sa araw-araw.

Anong uri ng pananalita ang araw-araw? Paano ito ginamit?


-Ang salitang araw-araw ay nasa anyong kayarian ng
pangngalan na inuulit, mga pangngalang ang kabuuan o
bahagi ay inuulit

Halimbawa nito ay ang sali-salita, bali-balita na ang pag-uulit


ay di-ganap o pag-uulit na parsyal na bahagi lamang ng
salitang-ugat ang inuulit

Ang bayan-bayan, buhay-buhay ay halimbawa naman ng


tinatawag na pag-uulit na ganap o pag-uulit ng buong
pangngalan

Isa si Aling Carmen na kwalipikadong nakatanggap ng DSWD SAP


bilang nag-iisang magulang na nagtataguyod ng kaniyang anak at
pansamanatalang nawalan ng hanapbuhay.

Anong uri ng pananalita ang hanapbuhay? Paano ito ginamit?


-Ang salitang hanapbuhay ay kayarian ng pangngalan na
nasa anyong tambalan. Ito ay binubuo ng dalawang
magkaibang salitang pinag-isa
May dalawang uri ng tambalang pangngalan.

a. Malatambalan o tambalang di-ganap – hindi nagbabago


ang kahulugan ng dalawang salitang pinagsama.

Halimbawa: taumbayan, alay-kapwa,

silid-aralan, bahay-ampunan

b. Tambalang ganap – nagbabago ang kahulugan ng


dalawang salitang pinagsama.
Halimbawa: anakpawis, hampaslupa,
bahag-hari, tengang-kawali

MGA PAGSASANAY
Pagsasanay 1:
Panuto: Isulat ang tamang kayarian ng pangngalan ayon sa pagkakagamit
nito sa pangngusap.

(gamot) 1. Dinala sa _____ ang batang maysakit.

(halo) 2. Bukod sa kakanin, nagtitinda rin sila ng masarap na

______.

(ugali) 3. Ang pagiging maaalahanin ang _____ na nagustuhan


ni itay kay inay.

(bahay na kubo) 4. Masarap tumira sa _____.

(tinda) 5. Iba’t ibang produkto ang mabibili natin sa mga _____.

Pagsasanay 2:
Panuto: Tukuyin kung anong kayarian ng pangngalan ang mga salitang
ginamit sa pangungusap. Isulat mo sa patlang ang payak, maylapi,
inuulit o tambalan.

_______ 1. Ang gaganda ng mga bulaklak.


_______ 2. Si Lolo ay maraming ari-arian.
_______ 3. Ang mga mamamayan ay matapang na hinarap ang mga
militar.
_______ 4. Takipsilim na nang makauwi si Lorna.
_______ 5. Sari-sari ang kinain ni Lea kaya sumakit ang kaniyang
tiyan.
Pagsasanay 3:
Gamit ang mga larawan, salungguhitan ang tamang salita na kaugnay ng
kayarian nito.

1. Punong-puno ng pinamiling groseri ang


supot ni Nanay.
Kayarian: payak

2. Gumigising si Arnel ng maaga araw-araw.


Kayarian: inuulit

3. Magkikita sila bukas sa may lagusan


pagsapit ng takipsilim.
Kayarian: tambalan

4. Ang magkapatid na Marjorie at Mar ay


nagmamano sa kanilang magulang bilang
paggalang.
Kayarian: maylapi

5. Lakad-pagong si Rea patungong bahay


upang hindi na niya datnan ang ama.
Kayarian: tambalan

PAGLALAHAT
May apat na kayarian ang pangngalan na maaring mong magamit ng
mabisa sa pagtatatalakay, ito ay ang payak, maylapi, tambalan at
inuulit. Sagutin kung anong salita ang tinutukoy sa bawat bilang. Isulat
ang iyong sagot sa guhit na inilaan.
1. Ang ____________ay maaaring gamitin sa iba’t ibang anyo ng
pagtatalakay at pagpapahayag.
2. Ang ___________ ay kayarian ng pangngalan binubuo ng salitang-
ugat lamang. Wala itong kasamang panlapi o katambal na salita, at hindi
rin inuulit ang kabuuan o bahagi nito.
3. Ang _________ ay kayarian ng pangngalan na binubuo ng dalawang
magkaibang salitang pinag-isa

4. Ang _________ ay kayarian ng pangngalan na binubuo pangngalang


binubuo ng salitang-ugat at panlaping makangalan.

5. Ang ________ ay kayarian ng pangngalang na ang kabuuan o bahagi ay


inuulit.

PAGPAPAHALAGA
Lagyan ng tsek kung ito ay mabuti at ekis kung hindi.

1. Mag-isip ng mga lutuing kakasya lamang sa perang nakalaan.


2. Magpasalamat sa mga biyayang natatanggap.
3. Lumabas ng bahay kahit na ipinagbabawal ng awtoridad.
4. Igalang ang mga namumuno sa pamahalaan.
5. Magreklamo kung kaunti ang ayudang natatanggap.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Isulat sa patlang ang salita na bubuo sa pangngalan na may kayarian na
tambalan. Pumili sa mga salita na nakakahon.

bayan liwayway palad


mata kamay

1. Sa isang kisap______ naglaho ang kaniyang pangarap.


2. Bukang-_________ na nang makarating kami sa Bicol.
3. Malapit ang puso niya sa mga kapos-_________________.
4. Naghimagsik ang taong-__________ bayan sa pasya ng
pangulo.
5. Tandang-tanda ko pa ang kaniyang sulat-________
SUSI SA PAGWAWASTO
5. inuulit
5. sulat-kamay
4. tambalan
4. taongbayan
3. maylapi
2. inuulit 3. kapos-palad
1. payak 2. bukang-liwayway
SUBUKIN MO: 1. kisapmata
PANAPOS NA PAGSUSULIT:
5. tindahan 5.
4. bahay-kubo 4.
3. ugali 3.
2. halo-halo 2.
1. pagamutan 1.
GAWIN MO: PAGPAPAHALAGA:

inuulit 5.
5. C
maylapi 4.
4. D
tambalan 3.
3. E
payak 2.
2. B
pangngalan 1.
1. A
PAGLALAHAT:
BALIK-ARAL:
5. lakad-pagong
5. Inuulit 4. magkapatid
4. Tambalan 3. takipsilim
3. Tambalan 2. araw-araw
2. Payak 1. supot
1. Maylapi PAGYAMANIN MO:
PAUNANG PAGSUBOK:

Sanggunian
Aguilar, Patricia Jo C. , Francia, Agarrado L., Guerrero III, Perfecto R., Gojo
Cruz, Genaro T. “Alab Filipino 5” Department of Education, Bureau of
Learning Resources, DepEd Complex, Meralco Avenue, Pasig City,
Philippines 1600, pp. 12-17
Mga larawan iginuhit at nilikha ni Hazel Faye S. Urzal sa paint application
https://www.slideshare.net>module
https://www.samutsamot.com
https://www.google.com/search?q=free+clipart
https://philnews.ph/2018/11/15/tagalog-short-stories-5-halimbawa-maikling-
kwento/
https://www.google.com/free+clipart

You might also like

  • Filipino
    Filipino
    Document17 pages
    Filipino
    Wes
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document19 pages
    Filipino
    Wes
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Cresanto Mullet
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document15 pages
    Filipino
    Roan Arnega
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Angelica Teologo
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document15 pages
    Filipino
    AVEGAIL GOMEZ
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document15 pages
    Filipino
    Roan Arnega
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Raymond Destua
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    Cresanto Mullet
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document15 pages
    Filipino
    Cresanto Mullet
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document17 pages
    Filipino
    JJ THOMPSON
    No ratings yet
  • Filipino 9
    Filipino 9
    Document14 pages
    Filipino 9
    JANINE TRISHA MAE O. PAGUIO
    No ratings yet
  • EsP 6-Q4-Module 16
    EsP 6-Q4-Module 16
    Document12 pages
    EsP 6-Q4-Module 16
    baysicrowena15
    No ratings yet
  • EsP 6-Q4-Module 4
    EsP 6-Q4-Module 4
    Document15 pages
    EsP 6-Q4-Module 4
    randy baluyut
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document15 pages
    Filipino
    Alyssa rubayan
    No ratings yet
  • EsP 8 Q1 Module 3
    EsP 8 Q1 Module 3
    Document15 pages
    EsP 8 Q1 Module 3
    Roselyn Ann Pineda
    No ratings yet
  • Fil3 Q1 M3 Final
    Fil3 Q1 M3 Final
    Document17 pages
    Fil3 Q1 M3 Final
    Maria Christina Tenorio
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document17 pages
    Filipino
    Paul Lee
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document15 pages
    Filipino
    Josephine Gonzaga
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document17 pages
    Filipino
    suerte zaragosa
    No ratings yet
  • Fil6 Q1 M2 PDF
    Fil6 Q1 M2 PDF
    Document16 pages
    Fil6 Q1 M2 PDF
    RONALYN MODESTO
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    Roan Arnega
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document16 pages
    Filipino
    Florian Leks C. Embodo
    No ratings yet
  • FIL5Q1M2
    FIL5Q1M2
    Document15 pages
    FIL5Q1M2
    Angelica Teologo
    No ratings yet
  • EsP 8 Q1 Module 7
    EsP 8 Q1 Module 7
    Document16 pages
    EsP 8 Q1 Module 7
    ALTA
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document15 pages
    Filipino
    APPLE GRACE LEONES
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    Wes
    100% (2)
  • Filipino
    Filipino
    Document17 pages
    Filipino
    Majalita Ducay
    No ratings yet
  • Modyul para Sa Sariling Pagkatuto
    Modyul para Sa Sariling Pagkatuto
    Document14 pages
    Modyul para Sa Sariling Pagkatuto
    Darryl Myr Florano
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document18 pages
    Filipino
    Elisa Acojedo
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document12 pages
    Filipino
    Gines, Hanna Alexa L.
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document15 pages
    Filipino
    Rafael De Vera
    No ratings yet
  • Science 3 Q1 M1
    Science 3 Q1 M1
    Document16 pages
    Science 3 Q1 M1
    Camille Respicio
    No ratings yet
  • Edukasyon Sa Pagpapakatao
    Edukasyon Sa Pagpapakatao
    Document16 pages
    Edukasyon Sa Pagpapakatao
    Ella Sotelo
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document22 pages
    Filipino
    manilamidwest26
    No ratings yet
  • Science 3 q2 m4 Layout
    Science 3 q2 m4 Layout
    Document18 pages
    Science 3 q2 m4 Layout
    Angel Ricafrente
    No ratings yet
  • Science 3 Q2 M14 LAYOUT
    Science 3 Q2 M14 LAYOUT
    Document21 pages
    Science 3 Q2 M14 LAYOUT
    Angel Ricafrente
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    jan lawrence panganiban
    No ratings yet
  • Ibong Adarna-Ikaapat Na Linggo
    Ibong Adarna-Ikaapat Na Linggo
    Document14 pages
    Ibong Adarna-Ikaapat Na Linggo
    Joan Makiling
    100% (1)
  • Filipino
    Filipino
    Document15 pages
    Filipino
    Kryzel Ann Gatoc
    No ratings yet
  • Science 3 q2 m2 Layout
    Science 3 q2 m2 Layout
    Document18 pages
    Science 3 q2 m2 Layout
    Angel Ricafrente
    100% (1)
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Pepeng Maghapon
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document15 pages
    Filipino
    Cresanto Mullet
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document15 pages
    Filipino
    Pepeng Maghapon
    No ratings yet
  • EsP 5-Q4-Module 2
    EsP 5-Q4-Module 2
    Document14 pages
    EsP 5-Q4-Module 2
    Mary Joy Rapadas
    No ratings yet
  • Esp 4 q4 Module 9
    Esp 4 q4 Module 9
    Document14 pages
    Esp 4 q4 Module 9
    rubinoshamae2
    No ratings yet
  • EsP 4 Q1 Module 18
    EsP 4 Q1 Module 18
    Document12 pages
    EsP 4 Q1 Module 18
    wehn lustre
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document12 pages
    Filipino
    Alyssa rubayan
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document15 pages
    Filipino
    RONALYN MODESTO
    No ratings yet
  • EsP 5-Q4-Module 1
    EsP 5-Q4-Module 1
    Document13 pages
    EsP 5-Q4-Module 1
    Mary Joy Rapadas
    100% (2)
  • MTB Mle
    MTB Mle
    Document14 pages
    MTB Mle
    Jamielynne Ugay
    No ratings yet
  • MTB Mle 2 q4 M 8
    MTB Mle 2 q4 M 8
    Document15 pages
    MTB Mle 2 q4 M 8
    Catherine Bagaan
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Ivy Angeline Cabading
    No ratings yet
  • Q1 Module 7
    Q1 Module 7
    Document33 pages
    Q1 Module 7
    Janylin Surela Barba
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Gladys Angela Valdemoro
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document16 pages
    Filipino
    Wes
    No ratings yet
  • Modyul para Sa Sariling Pagkatuto
    Modyul para Sa Sariling Pagkatuto
    Document15 pages
    Modyul para Sa Sariling Pagkatuto
    jenisa
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    Alyssa rubayan
    No ratings yet
  • Edukasyon Sa Pagpapakatao
    Edukasyon Sa Pagpapakatao
    Document16 pages
    Edukasyon Sa Pagpapakatao
    Pocholo Funtanilla
    No ratings yet
  • Matuto ng Galician - Mabilis / Madali / Mahusay: 2000 Mga Susing Bokabularyo
    Matuto ng Galician - Mabilis / Madali / Mahusay: 2000 Mga Susing Bokabularyo
    From Everand
    Matuto ng Galician - Mabilis / Madali / Mahusay: 2000 Mga Susing Bokabularyo
    No ratings yet