You are on page 1of 14

Edukasyon sa

Pagpapakatao 4
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikaapat na Baitang
Ikaapat na Markahan – Modyul 9: Kabutihang Dulot ng Pagkalinga sa mga
Hayop na Ligaw at Endangered
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring
magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Janssen O. Valenteros
Editor: Nida C. Francisco
Tagasuri: Perlita M. Ignacio RGC Ph.D., Josephine Z. Macawile
Tagaguhit: Edison P. Clet
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera CESE
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division
Manuel A. Laguerta EdD
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio RGC PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Edukasyon sa
Pagpapakatao 4
Ikaapat na Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 9
Kabutihang Dulot ng Pagkalinga sa mga
Hayop na Ligaw at Endangered
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 4 Modyul 9
para sa araling Kabutihang Dulot ng Pagkalinga sa mga Hayop na Ligaw at
Endangered!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa
Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg.
Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para saGuro


Ito'ynaglalaman ng mgapaalalaat
estratehiyangmagagamitsapaggabaysa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap Edukasyon sa Pagpapakatao 4 Modyul 9 ukol sa


Kabutihang Dulot ng Pagkalinga sa mga Hayop na Ligaw at Endangered!
Ang modyul na ito ay ginawabilang tugon sa iyong pangangailangan.
Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong natutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibinuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
INAASAHAN

Sa katapusan ng araling ito, inaasahang matutuhan ng


mag-aaral na maipakita ang kabutihang dulot ng pagkalinga sa
mga hayop na ligaw at endangered.

PAUNANG PAGSUBOK

PANUTO. Piliin ang wastong salita sa loob ng panaklong na


nagpapakita ng kabutihang dulot ng pagkalinga sa mga hayop na
ligaw at endagered. Salungguhitan ang tamang sagot.

1. Pamilya - ( kasiyahan, kalungkutan, kapahamakan)

2. Turismo - (mahina, maunlad, mabagal,)

3. Mag-aaral - ( kagandahan, kaalaman, kalituhan)

4. Diyos - ( pagbabalewala, pagkakaisa, pagmamahal )

5. Kapaligiran – (balanse, marumi, maingay)

BALIK-ARAL

PANUTO: Iguhit ang masayang mukha sa patlang kung ang


pangungusap ay nagpapahayag ng pagpapahalaga sa mga hayop
na ligaw at endangered. Iguhit naman ang malungkot na mukha
kung hindi.
________1. Ginugulat ang mga unggoy habang natutulog ang mga
ito.
________2. Ibinabaon ang pond turtle sa ilalim ng lupa.
________3. Binibigyan ang tamaraw ng pagkaing damo.
________4. Nanghuhuli ng mga ibon si Mang Nestor upang ibenta.
________5. Pagbibigay o paghahagis ng mga bagay na hindi
maaaring kainin ng buwaya.

ARALIN

Mga halimbawa ng mga hayop na endangered sa Pilipinas

Tarsier Pawikan

Pangolin Tamaraw

Philippine Eagle Philippine Mouse Deer


Ang pagkalinga ay hindi lamang naipakikita sa mga tao. Ito
ay maaring ipakita rin sa iba pang nilikha tulad ng mga hayop na
ligaw at endangered. Bilang mag-aaral, nararapat lang na
kalingain, mahalin at alagaang mabuti ang mga ito.
Ang mga hayop na ligaw at endangered ay may magandang
naidudulot sa mga tao. Ito ay tumutulong upang maging balanse
ang ating Ecosystem at kapaligiran. Ang mga hayop na ligaw at
endangered na matatagpuan sa mga zoo ay nagbibigay ng aliw at
saya sa mga taong namamasyal. Sila din ay tumutulong upang
mapalago ang mga turismo sa ating bansa dahil sa mga dayuhan
na dumarayo pa mula sa malalayong lugar upang masilayan ang
mga ito.

Mahalaga ang pag – aalaga ng hayop sa pamumuhay ng


mga tao at pamayanan. Maraming pamilya ang nag- aalaga ng
hayop para sa sariling pangangailangan. Mapauunlad ang
pamumuhay ng mag-anak at pamayanan kung may kaalaman sa
pag –aalaga ng mga hayop.
Ano – ano ang kabutihang dulot pag-alaga ng mga
hayop na ligaw at endangered?

Kapaligiran Pamilya Ekonomiya

MGA PAGSASANAY

Pagsasanay A. Basahin ang bawat pangungusap. Isulat sa


kahon ang √ kung nagpapakita ng kabutihang dulot ng
pagkalinga sa hayop na ligaw at endangered at X kung hindi.
1. Natutuwa si Alan habang pinapanood ang dalawang
unggoy na naglalaro sa Manila Zoo.
2. Ang mga duming naipon mula sa tamaraw ay ginagawang
pataba sa mga halaman.
3. Pinatay ng mga tao sa baranggay ang malaking sawa na
nangangain ng kanilang alagang manok.
4. Hinahayaan na lamang na palutang-lutang sa ilog ang
patay na katawan ng baboy ramo.
5. Paglalagay ng mga herbicides at pesticides sa bakuran.

Pagsasanay B. Tingnan ang mga larawan sa ibaba.Lagyan


ng bituin ang mga larawan na nagpapakita ng kabutihang
dulot ng pagkalinga ng hayop na ligaw at endangered at buwan
naman kung hindi.
____1. Maunlad na ekonomiya _____2. Masayang Pamilya

___ 3. Maraming namamatay ____4. Patuloy ang pagdami


na hayop dahil sa pagputol ng mga hayop
ng mga puno

____ 5. Malayang nabubuhay ang mga hayop

Pagsasanay C. Isulat ang Oo kung sumasang ayon ka na


ang mga gawain ay nagpapakita ng kabutihang dulot ng
pagkalinga ng hayop na ligaw at endangered at Hindi kung di-
sumasasang ayon.
_____ 1. Ang hindi pagputol ng mga sanga ng puno sa bundok ay
nakatutulong sa mga ibong ligaw.
_____ 2. Dahan-dahan ang pagmamaneho ng sasakyan sa
magubat na daanan upang maiwasang makabundol ng
mga hayop na ligaw.
_____ 3. Aliw na aliw ang mga bata habang pinapanood ang
naghahabulang usa sa zoo.
_____ 4. Ang pagsasaliksik sa internet patungkol sa mga hayop
na ligaw at endangered ay tumutulong upang
madagdagan ang ating kaalaman.
_____ 5. Ang pagkakaroon ng mga Wildlife Park ay nakatutulong
upang maparami ang mga hayop na endangered.

PAGLALAHAT

PANUTO. Kumpletuhin ang pangungusap at punan ang


patlang ng tamang salita. Piliin ang tamang sagot sa loob kahon.

mapaunlad Diyos balat


kasiyahan responsableng

1. Ang pagbisita sa mga parke ng mga hayop na endangered


ay nakapag dudulot ng ______________ .
2. Ang hindi pagbili ng mga produktong gawa sa ___________
ng mga hayop na endangered ay nakatutulong upang
mapangalagaan ang mga ito.
3. Ang wastong pag-aalaga ng mga hayop na ligaw at
endangered ay nakatutulong upang ______________ ang
turismo sa bansa.
4. Ang wastong pangangalaga sa mga hayop na ligaw ay
endagered ay tumutlong upang maging _______________
mamamayan.
5. Ang pagkalinga sa mga hayop ay kaaya- aya sa paningin ng
__________.

PAGPAPAHALAGA
Nawalan ng trabaho ang ama ni Nelson dahil sa
pandemya. Napagpasyahan nilang lumuwas na lamang sa
kanilang probinsiya. Naisipan ni Mang Tirso na mag- alaga
ng mga inahing manok. Araw – araw tumutulong si Nelson
sa kanyang ama sa pagpapakain ng mga alagang manok.
Pagkalipas ng isang buwan nagsimula nang magbenta
ng mga itlog ang ama ni Nelson. Ang kinitang pera mula sa
pagbebenta ay kanilang ginagamit upang matustusan ang
pangangailangan ng buong pamilya.

Anong magandang kaugalian ang ipinakita ni Mang Tirso?


______________________________________________________________
Ano ang magandang dulot ng pag –aalaga ng manok sa
pamilya ni Mang Tirso ?
______________________________________________________________

PANAPOS NA PAGSUSULIT

PANUTO. Isulat ang T sa patlang kung tama at M


kung mali ang sumusunod na pangungusap.
______1. Ang pagkalinga sa mga hayop na ligaw ay nagpapakita
ng pagmamahal natin sa Diyos.
______2. Ang mga ligaw hayop na ligaw at endangered ay walang
pakinabang at hindi nangangailangan ng pag -aaruga.
______3. Ang mga hayop sa zoo ay nagbibigay ng kasiyahan sa
mga bata.
______4. Malaking bahagi ng ating buhay ang mga hayop.
Tinutulungan tayo nito sa ating kabuhayan.
______5. Ang mga hayop ay nagbibigay ng maraming mga bagay
at serbisyo na mahalaga sa ating buhay.

SUSI SA PAGWAWASTO
Sanggunian
A. Aklat
Edukasyon sa Pagpapakatao Ikaapat na Baitang Kagamitan
ng Mag-aaral pp. 300. Unang Edisyon 2015, Pilipinas Vibal
Group, Inc.,DepEd-IMCS.
DepEd Most Essential Learning Competencies(EsP4PD-Ivd-11).
B. Larawan
Clip Art search - Office.com.

You might also like