You are on page 1of 18

Science 3

Science 3
Ikalawang Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 4

Pook-Tirahan ng mga Hayop


Agham – Ikatlong Baitang
Ikalawang Markahan – Modyul 4: Pook-Tirahan ng mga Hayop
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Catherine G. Francisco


Editor: Melinda P. Iquin at Marites R. Borras
Tagasuri: Dr. Louie B. Dasas, Liza A. Alvarez
Tagaguhit: Emmerando Cruz
Tagalapat: Mark Kihm G. Lara, Janeth D. Morte
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera, CESE
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Manuel A. Laguerta
Chief, Curriculum Implementation Division
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/Research/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Larang)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Agham – Ikatlong Baitang ng
Modyul tungkol sa araling Pook-Tirahan ng mga Hayop!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Agham – Ikatlong Baitang Modyul ukol Pook-


Tirahan ng mga Hayop!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong natutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibinuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN

Pagkaraang pag-aralan ang modyul na ito, may kakayahan


ka nang:

1. mailarawan ang pook-tirahan ng mga hayop;


2. maipangkat ang mga hayop ayon sa kanilang pook-
tirahan; at
3. makapagpakita ng pagpapahalaga sa pook-tirahan ng
mga hayop.

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.


1. Alin sa sumusunod na hayop ang nakatira sa tubig?
A. baka B. bangus C. ibon D. tipaklong
2. Alin sa sumusunod ang halimbawa ng mabangis na hayop na
maaring matagpuan sa kagubatan?
A. aso B. paruparo C. pating D. tigre
3. Alin sa sumusunod na pangkat ng mga hayop ang nakatira sa
lupa?
A. manok, pating, agila, ahas
B. pusa, aso, kuneho, kambing
C. sisiw, hipon, baka, kalabaw
D. tigre, pusit, paruparo, pusa
4. Ang __________ at __________ ay mga hayop na pwedeng tumira
sa lupa at tubig.
A. pusa; aso
B. balyena; hipon
C. palaka; buwaya
D. kalabaw; kambing
5. Paano mo mapangangalagaan ang pook-tirahan ng mga
hayop?
A. Putulin ang mga kahoy sa gubat.
B. Magtapon ng basura sa tabing-ilog.
C. Linisin nang mabuti ang tirahan ng mga hayop.
D. Gumamit ng dinamita sa paghuli ng mga isda.

BALIK-ARAL

Sa nakaraang modyul, napag-aralan mo ang mga bahaging


pandama at mga gampanin nito. Natatandaan mo pa ba ang
ating nakaraang aralin? Halika! Sa sumusunod na gawain anong
bahagi ng pandama ang iyong gagamitin? Handa ka na ba?
Gawain 1: “Connect the Dots”
Panuto: Lagyan ng linya na mag-uugnay sa bahaging pandama
sa kananat sa gampanin nito sa kaliwa.

alamin kung
mabango ang
mga damit na
nilabhan

alamin ang
nakasulat sa aklat

alamin kung mainit


o malamig ang
tubig sa baso

alamin ang
pinanggagalingan
ng ingay
alamin ang lasa ng
ginataang gulay

ARALIN
Pagmasdan ang larawan sa ibaba

Figure 1. Ang RAVE Zoo)

Pagmasdan mo ang mga larawan sa itaas. Pamilyar ka ba sa


lugar na ito? Tama! Ang larawan ay kuha sa Pasig Rainforest Park
Zoo (RAVE Mini-zoo). Nakapunta ka na ba rito? Anu-anong mga
hayop ang maakikita mo sa RAVE mini-zoo? Kung hindi ka pa
nakapunta rito, maaari kang magtanong sa iyong kasama sa
bahay na nakapunta na. Maaari ka ring tumingin ng mga larawan
tungkol dito gamit ang internet o ang website ng mini-zoo
Tignan muli ang larawan. Mapapansin na sadyang ginaya ng
mga namamahala ang RAVE mini-zoo ang pook-tirahan ng mga
hayop upang sila ay mabuhay nang maayos.
Ano ang tawag sa pook-tirahan ng mga hayop? Tama! Ang
pook-tirahan ng mga hayop ay tinatawag ding habitat. Aquatic
animals ang tawag sa mga hayop na sa tubig lamang pwedeng
mabuhay at tumira Ilan sa mga halimbawa ay ang isda, pusit,
hipon, pating, jellyfish, at iba pang lamang dagat.

Figure 2. Mga halimbawa ng mga hayop na nakatira sa tubig.


May mga hayop naman na nabubuhay sa lupa. Ang tawag
sa mga ito ay terrestrial animals. Halimabawa ay ang bulate,
ahas, usa, kabayo, ostrich, at marami pang iba.
Ilan sa mga hayop ay nakatira kasama ng mga tao sa
kanilang tahanan. Ilan sa mga halimbawa ay mga maaamong
hayop tulad ng mga nasa larawan sa ibaba.

Kuneho aso pusa


Figure 3. Mga hayop na pwedeng alagaan sa ating tahanan.

Ang iba namang hayop ay nakatira sa farm o bukid tulad ng


mga nasa larawan sa ibaba. Sila ay katulong ng mga tao sa
pagsasaka o hanapbuhay.

Figure 4. Mga hayop na matatagpuan sa bukid o farm.

May mga hayop nanakatira sa kagubatan o di naman kaya


sa masusukal na lugar.. Ang ilan sa mga hayop na ito ay
mababangis tulad ng tigre, leon, at ahas.

Figure 4. Mga halimbawa ng hayop na matatagpuan sa gubat.


Alam mo ba na may mga hayop na may kakayahang
mamuhay at tumira sa kalupaan at katubigan? Tama ang nabasa
mo! Alamin naman natin ang ilang halimbawa ng mga hayop na
ito.. Pamilyar ka ba sa palaka, buwaya, at pagong? Ang mga ito
ay may kakayahang mabuhay sa tubig at lupa.

Figure 7. Mga hayop na maaaring tumira sa lupa at sa tubig.

Bawat hayop ay may kani-kaniyang tirahan, nararapat


lamang na atin itong pangalagaan. Magagawa natin ito sa
pamamagitan ng pagpapanatiling malinis ng ating kapaligiran.

MGA PAGSASANAY

Gawain 1
Panuto:. Maglista ng halimbawa nga hayop na nakita sa modyul
na ito. Ilagay ang mga ito sa tamang hugis kung saan ito
naninirahan.

Sa Lupa
________
Mga Hayop _________
na nakatira: _________

Sa Lupa at sa
Tubig
Sa Lupa at sa _________
tubig ________
________ _________
________
________
Gawain 2
Panuto: Suriin ang mga larawan ng hayop sa ibaba. Tukuyin ang
tirahan ng mga hayop sa pamamagitan ng pagsulat nito sa
tamang lalagyan.

pusa alimango manok buwaya kabayo

pagong jelly fish baboy hipon palaka

1. 1. 1.
2. 2. 2.
3. 3. 3.
4. 4. 4.
5. 5. 5.

Gawain 3
Panuto: Isulat ang pangalan ng hayop at ang tirahan nito sa
sagutang papel.

Nakatira sa Lupa Nakatira sa Tubig Nakatira sa Lupa


at Tubig
Halimbawa:

aso nakatira sa lupa

1.

2.

3.

4.

5.
PAGLALAHAT

Isulat sa loob ng Venn Diagram ang mga tatlong halimbawa ng


hayop na nakatira sa lupa, sa tubig, at sa lupa at tubig.

Nakatira sa Lupa Nakatira sa Tubig

Nakatira sa
Lupa at Tubig

PAGPAPAHALAGA

Ang lawa na ito ay kuha sa Palawan. Ano ang masasabi mo sa


pook-tirahan na ito? Mainam itong pook-tirahan ng mga hayop.
Ano-ano kayang mga hayop ang maaaring matagpuan sa
ganitong lugar? Paano mo mapangangalagaan ang mga pook-
tirahan ng mga hayop tulad nito? Isulat ang iyong sagot sa loob
ng kahon.
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Alin sa sumusunod ang pangkat ng mga hayop na nakatira


sa tubig?
A. ibon, pusit, hipon, suso
B. kalabaw, pating, suso, bibe
C. palaka, ahas, buwaya, baka
D. pating, hipon, balyena, jelly fish
2. Saan naninirahan ang iba’t ibang uri ng isda?
A. sa lupa C. sa himpapawid
B. sa tubig D. sa lupa at tubig
3. Alin sa sumusunod na hayop ang maaaring kasama ng mga
tao sa tahanan?
A. ahas B. buwaya C. elepante D. kuneho
4. Ano ang katangian ng mga hayop na nakatira sa
kagubatan?
A. maamo B. mabangis C. mahina D. maliit

5. Alin sa sumusunod na larawan ang nagpapakita ng


pangangalaga sa pook-tirahan ng mga hayop?

A. C.

B. D.
SUSI SA PAGWAWASTO

Paunang Pagsubok Mga pagsasanay Paglalahat


1. B Gawain 1 Malayang sagot ng
2. D Malayang sagot ng bata
3. B mga bata.
4. C Gawain 2
5. C Nakatira sa lupa:
pusa, manok, kabayo, Pagpapahalaga
baboy Malayang sagot ng
Panapos na pagsusulit Nakatira sa tubig: bata
Jelly fish, hipon, pating,
1.D isda
2.B Nakatira sa lupa at
3.D tubig:
4.B alimango, pagong,
5.B buwaya, pagong

Komunsulat sa guro
para sa iba pang
sagot.

Gawain 3
1.pagong-lupa at tubig
2.Pusit-tubig
3.Bangus-tubig
4.Manok-lupa
5.Pusa-lupa
Sanggunian
Franco, Aurora A. Ed.D., Corona, Leticia T., et al. Exploring The World of Science 3.
Kagawaran ng Edukasyon at Adriana Publishing Co.,Inc.
Pilipinas: Lungsod ng Quezon City, 2014
Coronel, Carmelita C., et al. Exploring and Protecting Our WorLd 3.
Kagawaran ng Edukasyon at Vibal Publishing House, Inc.
Pilipinas: Lungsod ng Quezon City, 2005

https://pixabay.com/images/search/animal/

https://unsplash.com/images/animals

https://www.youtube.com/watch?v=4OlnO0lhQ2E&feature=youtu.be

http://dlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/mahalin_at_arugain_ang_mga_hayop.pdf

You might also like