You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN GRADE 3


S.Y. 2022-2023

Pangalan: ________________________________________________________ Iskor: __________

Baitang at Seksyon: _____________________________ Petsa: ___________________________

Panuto: Basahing mabuti ang mga katanungan. Piliin at bilogan ang titik ng tamang sagot sa bawat bilang.

1. Napabilang sa kasaysayan ng Pilipinasang pananakop ng mga Espanyol. Anong lalawigan sa Rehiyon


IV-A CALABARZON ang tinawag na Bonbon noong panahon ng mga Espanyol?
A. Batangas B. Cavite C. Laguna

2. Napakagandang pagkakataon ang tayo ay makapagbalik-tanaw sa pinagmulan ng isang lugar. Alin sa


mga ito ang WASTO ukol sa kasaysayan ng Trece Martires sa Cavite?
A. Dito binaril ang labintatlong paring martir.
B. Ito ang nagsilbing tahanan ng mga katipunero.
C. Dito unang iwinagayway ang watawat ng Pilipinas

3. May mga batas na ipinapasa ang pamahalaan upang mabuo ang lalawigan. Anong batas ang nagsasaad
ng mga wastong hakbang na dapat sundin at isagawa bago mabuo ang isang lalawigan?

A. DepEd Order 27
B. Executive Order 246
C. Local Government Code of 1991

4. Ang CALABARZON at MIMAROPA, kasama ang lalawigan ng Aurora ay dating kabilang sa rehiyon
ng Timog Katagalugan. Paano naipatupad ang Executive Order 103 para maibilang sa kasaysayan ang
dalawang rehiyon?

A. nagdeklara sa Antipolo bilang isang “highly-urbanized city”.


B. nagtakdang paghiwalayin ang CALABARZON at MIMAROPA.
C. nagsaayos sa mga lalawigan upang maging bahagi ng Integrated Reorganization Plan (IRP).

5. Nagkaroon ng lakbay-aral sina Susan sa bahay ni Emilio


Aguinaldo sa Kawit, Cavite. Nakita niya ang larawan ng bahay ni Aguinaldo noong unang panahon na
kanyang ikinagulat. Ano ang maaari niyang sasabihin sa kaniyang pag-uulat tungkol sa lakbay-aral?
A. Mas makulay noon ang gusali kaysa sa ngayon.
B. Walang naging pagbabago sa gusali sa paglipas ng panahon.
C. Nagkaroon ng malaking pagbabago sa gusali sa paglipas ng panahon.
6. Kwento ni Aling Alma sa anak na si Jane na noong siya ay bata pa ay hindi siya nahihirapang tumawid
sa kalsada. Subalit ngayon ay kailangan na niyang makatawid sa tulong ng mga traffic enforcer upang
hindi masagasaan ng mga sasakyan. Ano ang ibig sabihin ng kanyang ina?

A. Higit na marami ang sasakyan noon kaysa sa ngayon.


B. Walang gaanong pagbabagong naganap sa kalsada noon at ngayon.
C. Noon ay kakaunti pa lamang ang sasakyan sa kalsada subalit ngayon ay napakarami na.

7. Ang tumahi ng unang watawat ng Pilipinas ay si Marcella Agoncillo na taga bayan Taal. Ang bayang
ito ay kilala rin sa pananahi ng Barong Tagalog. Ano ang kaugnayan ng pamumuhay ni Marcella
Agoncillo sa pamumuhay ng mga Taaleño ngayon?
A. Walang hilig sa pananahi ang mga taga-Taal
B. Hindi binigyang pansin ng mga Taaleño ang kakayahan sa pananahi
C. Ipinagpatuloy ng mga Taaleño ang pananahi at pantitinda ng mga magagarang baro’t saya.

8. Pagtatanim at pag-aalaga ng hayop ang karaniwang hanapbuhay ng mga Pilipino noon. Sa paglipas ng
panahon, nagbago ang paraan ng pamumuhay ng mga Pilipino, ilan na lamang ang nagtatanim at
naghahayupan sa ngayon. Ano kaya ang dahilan ng pagbabagong ito?
A. Naging tamad na ang mga Pilipino
B. Ang bakanteng lupain ay natayuan ng mga gusali.
C. Hindi na importante sa mga Pilipino ang pagtatanim.

9. Isang kilalang bayani at lihitimong Batangeño si Apolinario Mabini at naipakita niya ang
pagmamahal sa ating bansa. Bilang isang batang mag-aaral sa ikatlong baitang, paano mo maipakikita
ang pagmamahal at pagmamalaki sa ating mga bayani?
A. Pagtawanan ang mga kuwento nila
B. Gunitain at gawing huwaran ang kanilang kabayanihan
C. Ipagsawalang bahala ang kanilang kabayaniyang ginawa at pagbubuwis ng buhay.

10. Bilang isang batang mag-aaral sa ikatlong baitang, Ano ang maaari mong sabihin para ipakilala ang
iyong lalawigan sa mga turistang nagpupunta?
A. Ang dambana ni Dr. Jose Rizal na ating pambansang bayani ay matatagpuan sa Biñan, Laguna.
B. Si Marcela Agoncillo ang namuno sa pananahi ng kauna-unahang pambansang sagisag ng Pilipinas
na nakatira sa Angono, Rizal.
C. Ang Bulkang Taal ang sentro ng atraksyon sa rehiyong CALABARZON na matatagpuan sa
lalawigan ng Batangas na pumutok noong ika-12 ng Enero 2020.

11. Sa iyong palagay, paano nakatutulong sa ating mga Pilipino ang pagkakaroon ng kaalaman sa
kasaysayan ng ating kinabibilangang lalawigan/rehiyon?
A. Nakakasagot tayo sa araling may kaugnayan dito.
B. Nadaragdagan ang ating sulatin at pag-aaralan sa asignaturang Araling Panlipunan.
C. Nagkakaroon tayo ng kaalaman sa ating pinagmulan at kung ano ang naiambag nito sa
kasalukuyan nating pamumuhay.

12. Ito
ang tahanan ni Marcella Agoncillo, na ngayon ay isa sa itinuturing na makasaysayang pook sa bayan
ng Taal, Batangas. Paano natin maiuugnay ang kasalukuyang pamumuhay ng mga tao sa kuwento ng
mga makasaysayang pook sa ngayon?
A. Inaalagaan at ginawang museo ang mga makasaysayang pook.
B. Nagsisilbing dekorasyon ang mga makasaysayang pook sa ngayon.
C. Hindi hinahayaang makapasok ang mga tao sa mga makasaysayang pook.

13. Ito ang sitwasyon sa ilang lugar


na mga nasalanta ng pagsabog ng Bulkang Taal noong Enero 12, 2020. Ano ang masasabi mo sa
kaugalian ng mga Pilipino sa mga kinakaharap nila sa oras ng kalamidad?
A. Minsan lahat ay nagtutulungan sa oras ng kagipitan.
B. Ang Bulkang Taal ay nagbibigay ng kabuhayan sa mga Batangueno.
C. Likas sa mga Pilipino ang matatag, masayahin, matulungin at may pananalig sa Diyos kahit sa oras
ng kagipitan.

14. Ang Lupang Hinirang ay ang ating pambansang awit. Paano ang pagpapakita ng tamang paggalang
habang inaawit ito?
A. makipag – usap sa katabi habang inaawit ito.
B. magpatuloy kung ano man ang ginagawa.
C. Huminto,tumayo ng tuwid, ilagay ang kanang kamay sa dibdib at buong pagmamalaking awitin
ito.

15. Ang lalawigan ng Batangas ay isa sa makasaysayang lugar sa bansa. Anong pangyayari ang naganap
dito noong Enero 12, 2020?
A. Pagsabog ng Bulkang Taal
B. Paglaganap ng Covid – 19
C. Pagwawagayway ng bandila ng Pilipinas

16. Bawat lalawigan sa rehiyon ay may kanya-kanyang simbolo bilang pagkakakilanlan. Ano
ang maaaring paliwanag mo sa dalawang kabayo na nakapaloob sa simbolo ng ating lalawigan?
A. Ginagamit sa paghahanap – buhay ng mga Batangueno
B. Kaliksihan at mabilis na pagkilos ng mga Batangueno
C. Nagsisilbing sasakyan ng mga Batangueno noon

17. Bakit nakapaloob sa logo ng Batangas ang Lawa at Bulkang Taal?

A. ito ang puso ng lalawigan ng Batangas


B. maraming natatagong kuwento at alamat sa tanawing ito
C. isa itong magandang tanawin at kilala rin sa ibang bansa ng mundo

18. Ang mga lalawigan sa ating rehiyon ay nagtataglay ng simbolo at sagisag na nagpapakilala rito. Bakit
nagkaiba – iba ang mga simbolo ng mga lalawigan sa rehiyon?
A. Ang bawat lalawigan ay may mga sagisag na nagpapahayag ng kanilang mga pinahahalagahan at
itinuturing na yaman.
B. Ang simbolo at sagisag ng bawat lalawigan ay patunay kung sino ang mga nakatira dito.
C. Ang mga simbolo at sagisag na ginamit ng bawat lalawigan ay tanda ng mayamang kultura
lamang.

19. Ang selyo o simbolo ang siyang pagkakakilanlan ng isang lalawigan. Kung ang Batangas ay kilala sa
simbolong “bulkan” dahil sinasagisag nito ang pamosong Taal Volcano at ang Laguna ipinakikilala ng
simbolong “talon” dahil sa sikat nilang “Talon ng Pagsanjan” , Paano mo paghahambingin ang
dalawang lalawigan batay sa kanilang mga sagisag?

A. Mas sikat ang Bulkang Taal kaysa sa Talon ng Pagsanjan.


B. Walang maganda sa mga lugar na ipinakikita sa simbolo sapagkat ito ay drowing lamang
C. Ang Bulkang Taal at Talon ng Pagsanjan ay parehong dinarayo at nakakaakit sa mga turista.
20. Tingnan mabuti ang mga simbolo at sagisag ng iba’t-ibang lalawigan sa ating rehiyon. Kung
paghahambingin mo ang mga ito, ano sa palagay mo ang kanilang pagkakapareho?

A. Magkakaparehong may kalasag sa gitna at loob ng bilog.


B. Pareho ng taon ang pagkakalikha ng mga selyo ng iba’t ibang lalawigan sa rehiyon.
C. Ang pangalan ng lalawigan ay nakalagay ng paikot sa hugis bilog at nasa loob nito ay tumutukoy
sa kasaysayan, produkto, pangunahing hanap-buhay, paniniwala at trdadisyon.

21. Si Ramil na iyong kamag-anak ay isang Cavitenyo at ikaw naman ay isang Batangenyo. Nagkwentuhan
kayo tungkol sa mga simbolong nakita sa logo ng inyong lalawigan. Paano ninyo ipapakita ang
pagpapahalaga sa mga simbolong ito?
A. Makikipagtalo ako sa pinsan ko sapagka’t mas maganda ang selyo ng Batangas kaysa Cavite.
B. Ayaw ko nang maging taga Batangas, mas magnda ang Cavite ayon sa kwento ng pinsan ko.
C. Igagalang at pahahalagahan ko ang mga simbolo ng lalawigan ng Batangas at Cavite sapagkat may
pareho itong mahalagang kahulugan.

22. Ang “official hymn” ng isang lalawigan ay isang awitin tungkol sa katangian o pagkakakilanlan ng
isang bayan o lalawigan. Bilang isang mamamayan sa lalawigan ng Batangas, paano mo ilalarawan
ang opisyal na himno nito?
A. “Himno ng CALABARZON” na nagpapakilala sa mga lalawigan pati na ang Batangas .
B. “Himno ng Kabataan” na pinakasikat na awitin ng mga kabataan sa lalawigan ng Batangas.
C. “Himno ng Batangan" na tumatalakay sa katangian ng mga Batangueño, ipinagmamalaking
produkto at bayaning tunay.

23. Ang mga salitáng ginamit sa pagbuo ng himno ay naglalarawan ng katangian ng isang lugar, mithiin o
adhikain ng mga tao. Bakit kailangan nating alamin ang kahulugan ng opisyal na himno ng ating
lalawigan?
A. dahil ito ay ipinamana sa atin ng mga sinaunang tao.
B. sapagkat ito ay iniuutos sa atin at kailangan sa paaralan.
C. dahil mahalaga ito sa bawat tao at mamamayan sa lalawigan.

24. Karaniwang naririnig ang himno ng isang bayan o lalawigan sa mga paaralan na nasasakupan nito
tuwing may mga opisyal na okasyon, pagdiriwang na pambayan o natatanging pagtitipon. Ano ang
maaaring ipahiwatig ng opisyal na awit o himno ng lalawigan?
A. ito ay mahalaga upang magkaroon ng awitin katulad ng ibang lalawigan
B. Ito ay mahalaga sapagkat ito ang nagsisilbing daan upang pagkaisahin ang bawat tao sa kanilang
lalawigan.
C. Ito ay mahalaga upang mapukaw ang damdamin ng mga mamamayan sa kagandahan ng kanilang
lalawigan o lungsod.
25. Ang himno ng isang lalawigan ay ginagamit na paraan upang maipahayag ang katangian ng lugar pati
mga mithiin o adhikain. Bílang isang mamamayan, Ano ang gagawin mo upang maipakita ang
pagsuporta at pagkilala sa himno ng iyong lalawigan, bayan o lungsod?
A. Umawit ng may pagmamahal at pagmamalaki na nagmumula sa puso.
B. Sumigaw at maging masaya sa pag – awit.
C. Sumabay na lamang sa ginagawa ng iba.

26. Si Apolinario Mabini ay binansagang “Utak ng Himagsikan” at tinaguriang “dakilang paralitiko” na


nagmula sa lalawigan ng Batangas? Ano ang kanyang mahalagang naiambag noong panahon ng
himagsikang Filipino?
A. Siya ang naging pinakaunang Pangulo ng Republika ng Pilipinas
B. Siya ang nagtatag ng kilusang Katipunan na naglayong makamtan ang kasarinlan ng Pilipinas mula
sa Espanya.
C. Sa kabila ng kaniyang kapansanan, ginamit niya ang talino upang gisingin ang damdamin ng mga
Pilipino na lumaban sa mga dayuhan sa pamamagitan ng kanyang mga akda.

27. Sa paglaganap ng pandemya, may mga bayaning umusbong, kinilala at tinaguriang mga Frontliners.
Paano naipakita ng mga Frontliners ang kanilang sakripisyo para sa kaligtasan nating mga Pilipino?
A. Sila ang gumagamot at nangangalaga sa mga taong nadapuan ng mapanganib at nakakahawang
sakit na CoVid – 19.
B. Sila ang nagtuturo sa mga kabataan na sumulat at bumasa.
C. Sila ang tumutulong sa mga nasalanta ng bagyo.

28. Ang mga OFWs o Overseas Filipino Workers ay mga Pilipinong nagtatrabaho sa ibang bansa. Ano ang
naitutulong nila sa ekonomiya ng bansang Pilipinas?
A. Sila ang tumutulong sa mga taong walang matuluyan o makain dulot ng mga sakuna.
B. Nagkakaroon ng mas matibay na ekonomiya dahil sa perang ipinadadala nila sa Pilipinas.
C. Nagbuwis sila ng kanilang buhay upang maipagtanggol at maipaglaban ang Pilipinas mula sa
kamay ng mga mananakop.

29. Ayon kay Manuel Quezon, “Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa ang amoy sa malansang
isda.” Paano mo maipakikita ang pagmamahal sa sariling wika bilang isang batang Batangueño?
A. Sa paggamit ng sariling wika sa pakikipag-usap.
B. Makikipag-usap gamit ang lengguwahe na gusto mo.
C. Paggamit ng Ingles bilang lengguwahe ng mga Batangueño sa pakikipag-usap.

30. Nagbakasyon ang iyong kaibigang dayuhan na nagmula sa ibang bansa. Nais niyang malaman ang mga
magagandang lugar o pook na matatagpuan sa inyong lugar. Bilang isang mag-aaral, ano ang maaari
mong gawin para ipakilala sa kanya ang mga tanawin sa inyong lugar?
A. Magpakita ng mga larawan ng magagandang pasyalan at ipaliwanag ito.
B. Sabihin sa kaibigang dayuhan na ibang bagay na lamang ang inyong pag-usapan.
C. Sabihing magpasama siya sa kanyang kamag-anak upang makarating sa mga pasyalan.

Republic of the Philippines


Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN GRADE 3


S.Y. 2022-2023

TALAAN NG ISPISIPIKASYON
Cognitive Process Dimension
Bahagdan ng Araw

Pamatayan sa Pagkatuto/
Bilang ng Araw

Bilang g Aytem

Understanding
Kasanayan

Knowledge

Evaluating
Analyzing
Applying

Creating
Naisasalaysay ang pinagmulan ng 3 7.5% 2 1-2
sariling lalawigan at mga karatig na
lalawigan sa pamamagitan ng
malikahaing pagpapahayag at iba pang
likhang sining.

Natutukoy ang kasaysayan ng pagbuo 1


ng sariling lalawigan ayon sa batas 1
2.5%
3

10.Nasusuri ang kasaysayan ng 1 1 4


kinabibilangang rehiyon
2.5%

11. Natatalakay ang mga pagbabago at 5-8


nagpapatuloy sa sariling lalawigan at 5 12.5% 4
kinabibilangang rehiyon.

Naipagmamalaki ang mga bayani ng 1 2.5% 1 9


sariling lalawigan at rehiyon

Nakasusulat ng payak na kuwento/ 1-2 10-11


5%
talata tungkol sa lalawigan sa 2 2
kinabibilangang rehiyon na naging
katangi – tangi para sa sarili.

12.Naiuugnay sa kasalukuyang 2 5% 2 13 12
pamumuhay ng mga tao ang kuwento
ng mga makasaysayang pook o
pangyayaring nagpapakilala sa
sariling lalawigan at iba pang
lalawigan ng kinabibilangang rehiyon
Naisasalaysay o naisasadula ang 14-15
kuwento ng mga makasaysayang 3 2
pook o pangyayaring nagpapakita sa
sariling lalawigan at rehiyon

7.5%
13.Natatalakay ang kahulugan ng ilang
simbolo at sagisag ng sariling
lalawigan at rehiyon. 2 2 16-17

7.5%

14.Naihahambing ang ilang simbolo at 5 12.5% 4 18-21


sagisag na nagpapakilala ng iba’t
ibang lalawigan sa sariling rehiyon

15.Natatalakay ang kahulugan ng 5 12.5% 4 22-25


“official hymn”at iba pang sining na
nagpapakilala ng sarling lalawigan at
rehiyon

16. Napahahalagahan ang mga 5 12.5% 3 26 -


naiambag ng mga kinikilalang bayani 28
at mga kilalang mamamayan ng
sariling lalawigan at rehiyon.

17. Nabibigyang halaga ang katangi – 5 12.5% 2 29-


tanging lalawigan (batay sa pananaw) 30
sa kinabibilangang rehiyon

Kabuuan 40 100% 30 5 13 6 6 0 2
IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 3
S.Y. 2022-2023
Susi sa Pagwawasto:

1. A
2. A
3. C
4. B
5. C
6. C
7. C
8. B
9. B
10. C
11. C
12. A
13. C
14. C
15. A
16. B
17. C
18. A
19. C
20. C
21. C
22. C
23. C
24. C
25. A
26. C
27. A
28. B
29. A
30. A

You might also like