You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
NATIONAL CAPITAL REGION
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF QUEZON CITY

IKALAWANG PANAHUNANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 3

Panuto: Piliin at isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang.


_____ 1. Ito ang tawag sa kautusang nagmula at ipinatutupad mismo ng pangulo
ng isang bansa sa kasalukuyang panahon.
A. Ordinance C. Presidential Decree
B. Republic Act D. Commonwealth Act
_____ 2. Ano ang itinatag noong Nobyembre 1975 upang matugunan ang
suliraning rekonstruksyon?
A. Metro Manila College C. Metro Manila Center
B. Metropolitan Manila D. Metro Convention Center
_____ 3. Dahil sa bintang, paano hinatulan ng kamatayan sa Bagumbayan si Jose
Rizal?
A. sinunog B. binaril C. sinaksal D. sinuntok
_____4. Kasabay sa pagpapahayag ng kasarinlan ng Pilipinas, narinig ng mga
Pilipino ang Marcha de Filipinas na tinugtog ng Banda ng Malabon. Ano ang
tinutukoy na Marcha de Filipinas?
A. Ang Bayan Ko C. Pilipinas kong Mahal
B. Pearl of the Orient D. Lupang Hinirang
_____ 5. Ito ay isang lugar na kilala bilang isa sa mga pangunahing paggawa ng
palayok.
A. Makati B. Pateros C. Caloocan D. Valenzuela
_____6. Napansin ni Era na may pagbabago sa kanilang lungsod o bayan na may
kinalaman sa kaanyuan ng mga gusali, tulay o kalsada. Ito ay pagbabago sa ___.
A. Pagbabago sa pangalan C. Pagbabago sa impraestruktura
B. Pagbabago sa populasyon D. Pagbabago sa kapaligiran
_____ 7. Ang sagisag na ito ay kumakatawan sa mga industriya ng Marikina.
A. Sulo B. dahoon C. gulong D. bundok
_____ 8. Bawat taon, ipinagdiriwang sa buong Pilipinas ang ika-12 ng Hunyo dahil
sa napakahalagang pangyayari sa bansa. Alin sa sumusunod ang dahilan ng
selebrasyon?
A. Kaarawan ni Jose Rizal
B. Kalayaan ng Pilipinas mula sa mga Hapones
C. Kalayaan ng Pilipinas mula sa mga Amerikano
D. Kalayaan ng Pilipinas mula sa mga Español
_____9. Pinuntahan ng mga bata ang isang lugar sa NCR kung saan nangyari ang
pagsigaw ng mga katipunero ng “Mabuhay ang Pilipinas! Mabuhay ang
Katipunan! Bilang hudyat ng himagsikang Pilipino noong 1896.
A. Luneta B. Pugad Lawin C. Cavite D. Pangasinan
_____10. Dapat ipakita ang pagpapahalaga sa mga makasaysayang pook at
pangyayari sa sariling lungsod at kinabibilangang rehiyon sapagkat ____.
A. Pinagkakakitaan ito ng mga tao
B. Dekorasyon ito ng bawat lungsod
C. Pook pasyalan ito ng mga dayuhan o banyaga
D. Pamana ito para sa mga susunod pang henerasyon
_____ 11. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan sa Maynila noong
panahon ng Espanyol?
A. Ang mga mamamayan ay nagtatamasa ng pantay na
Karapatan sa kalakalan katulad ng mga Espanyol
B. Ang Maynila ay naging sentro ng pamahalaan at pamilihan sa
panahon ng mga Espanyol
C. Ang mga kabataang Pilipino ay masiglang pumapasok sa mga
paaralan
D. Ang pamahalaang local katulad ng lungsod ay
pinamumunuan ng mga mayayamang Pilipino
_____12. Bakit mahalaga ang simbolo sa isang lungsod at bayan? Dahil ito ay
simbolo ng _______.
A. Pagtutulungan B. Pakikiisa C. Pagkakakilanlan D. Pagkakaibigan
_____13. Ilang lungsod at munisipalidad ang bumubuo sa rehiyon ng NCR?
A. 16 munisipalidad at 1 lungsod
B. 1 munisipalidad at 15 lungsod
C. 15 lungsod at 1 munisipalidad
D. 1 munisipalidad at 16 lungsod
_____14. Nagkaroon ng maraming trabaho sa iyong lungsod o bayan. Ang
pagbabagong ito ay tinatawag na _______________.
A. Pagbabagong pisikal
B. Pagbabagong pang-ekonomiya
C. Pagbabagong panlipunan
D. Pagbabago ng panahon
_____15. Itinatag ang City of Greater Manila ni Pangulong Manuel L. Quezon
mula noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig noong ____________.
A. 1941 B. 1942 C. 1943 D. 1944
_____ 16. Ang ____________ay kaugaliang mahalaga sa isang lungsod at
bayan o rehiyon upang lalo itong umunlad.
A. pagkakaunawaan C. pagtutulungan
B. Pag-aangkat D. pagbili
_____ 17. Ano ang epekto ng pagbabagong nagaganap sa isang lugar?
A. Nagdudulot ito ng kaguluhan sa mamamayan
B. Nagdudulot ito ng pagkakaisa ng mga mamamayan
C. Nagpapakita ng kaunlarang ng isang lugar
D. Nag-iiwan ito ng pagbabago sa kasaysayan
_____18. Bakit nasabing mabuti ang naging resulta ng mga pagbabago sa
Lungsod Quezon?
A. Lumawak ang lungsod C. Dumami ang tao
B. Umunlad ang lungsod D. Humina ang negosyo
_____19. Ano ang pinaka negatibong epekto ng pagdami ng modernong
sasakyan sa ating transportasyon?
A. Paglala ng problema sa trapiko sa lansangan
B. Pagbilis ng sistema ng transportasyon sa NCR
C. Pagsikip ng mga daanan at kalye
D. Pagtaas ng polusyon sa hangin sa paligid
_____ 20. Bakit dapat pahalagahan ang mga makasaysayang pook at
pangyayari sa ating lungsod o kinabibilangang rehiyon?
A. Upang makilala ang mga makasaysayang pook at pangyayari sa
rehiyon
B. Upang maiugnay ang kasalukuyang pamumuhay ng mga tao sa
ngayon
C. Upang maging gabay para lubusang makilala pa at
mapahalagahan ang mga kaganapan
D. Upang maikuwento ang kasaysayan
_____ 21. Lahat ng lungsod o bayan at rehiyon ay may kanya-kanyang
simbolo. Ang __________ay naiiba dahil sa hugis nitong tatsulok.
A. Lungsod Quezon C. Lungsod ng Makati
B. Lungsod ng Maynila D. Lungsod ng Marikina
_____ 22. Alin sa mga sagisag ang kumakatawan sa mga industriya at
pagawaan ng mga sapatos sa Lungsod ng Marikina?
A. araw C. kawayan
B. dahoon D. kambiyo ng makina o gear
_____23. Paano natin maipapakita ang pagrespeto sa mga simbolo ng bawat
lungsod at bayan?
A. Kilalanin ang simbolo ng bawat lungsod o bayan at alamin ang
kahulugan ng bawat sagisag sa simbolo.
B. Kikilalanin lamang ang simbolo ng sariling lungsod o bayan na
kinabibilangan.
C. Pag-aaralan lamang ito ngunit hindi pagtutuunan ng pansin.
D. Titingnan lamang ang mga ito at hindi pahahalagahan.
_____ 24. Bakit ang isang lungsod o bayan ay may simbolo?
A. para maipakita ang kanilang pagtutulungan
B. para sa kanilang pagkakaibigan
C. para maipakita ang kanilang pagkakakilanlan
D. para sa pagpapakita ng kanilang pagkakaisa
_____ 25. Para mabuo mo ang simbolo ng Lungsod Quezon, kailangan mong
iguhit ang sumusunod?
A. Kalasag, kalahating leon, kalahating dolphin, mga kulay ng
bandila ng Pilipinas, at Pearl of the Orient
B. Tatsulok, 3 bituin, Quezon Memorial Circle, mga kulay ng bandila,
gabel o malyete, at ilawan na kulay pilak
C. 27 bituin, dahoon ng laurel, pakikibaka sa EDSA at gusali
D. Diwa ng 1896, 2 kabataang lalaki na magkabilang yapos ng Inang
Filipina
_____ 26. Ano ang pamagat ng himno ng ating rehiyon?
A. Himno ng Rehion I C. Himno ng CAR
B. Himno ng NCR D. Himno ng Rehiyon II
_____ 27. Ito ang sinasabing pinakamatandang Pamantasan sa Asya na
naitatag noong taong 1611.
A. Unibersidad ng Sto. Tomas
B. Unibersidad ng Pilipinas
C. Unibersidad ng Lungsod ng Manila
D. Unibersidad ng Lungsod Quezon
______28. Siya ang pambansang alagad ng sining na may likha sa Oblation o
Pahinungod sa Unibersidad ng Pilipinas sa Lungsod Quezon.
A. Dr. Pio Valenzuela C. Dr. Jose Rizal
B. Reynato Paz Contreras D. Guillermo Tolentino
______29. Paano natin naipakikita ang ating pagkamakabayan?
A. Inaawit nang may pagmamalaki ang Himno ng NCR.
B. Pinagtatawanan ang mga sining na nagpapakilala sa katangian
ng sariling lungsod.
C. Ikinakahiya ang mga karangalang natatanggap ng sariling
lungsod.
D. Binabalewala ang mga sining ng sariling lungsod.
_____30. Lahat ba ng sining na nagpapakilala sa rehiyong NCR ay mahalaga?
A. Opo dahil dito tayo makikilala
B. Opo dahil tayo ang may pinakamagandang sining
C. Hindi po dahil sa atin lang yon
D. Hindi ko po dahil mas maganda sa iba
_____ 31. Sino ang itinuturing na Supremo ng Katipunan at isa sa nagtatag ng
KKK?
A. Andres Bonifacio C. Heneral Antonio Luna
B. Emilio Jacinto D. Pio Valenzuela
_____32. Siya ang tinaguriang “Lakambini ng Katipunan” at kilala sa tawag na
“Oriang” na maybahay ni Bonifacio?
A. Aurora Quezon C. Gregoria de Jesus
B. Gabriela Silang D. Melchora Aquino
_____33. Pinangunahan niya ang Labanan sa Binakayan noong 1896 at
Itinatag niya ang sarili niyang balangay sa Katipunan na kilala
sa katawagang “Matagumpay.”
A. Andres Bonifacio C. Epifanio Delos Santos
B. Pio Del Pilar D. Heneral Vicente Leyba
_____34. Kilalang manunulat at dating sundalong Pilipino na naging pinuno
ng mga gerilyang lumaban kasama ang mga Amerikano sa
Labanan ng Pagpapalaya sa Maynila noong1945.
A. Kapitan Manuel Colayco C. Heneral Vicente Leyba
B. Pio Del Pilar D. Epifanio Delos Santos
_____35. Paano natin maipapakita ang ating pagpapahalaga sa ating
mga bayani?
A. Kilalanin ang ating mga bayani at alalahanin ang mga nagawa
nilang kabayanihan.
B. Alamin lang ang mga pangalan ng mga bayani.
C. Hayaang nakakalat ang kanilang mga larawan sa daan.
D. Pag-aralan ang mga bayani ngunit hindi bbibigyan ng pansin.
_____ 36. Ano ang kabisera ng ating bansa?
A. Lungsod ng Makati C. Lungsod ng Pasay
B. Lungsod Quezon D. Lungsod ng Maynila
______37. Saang lungsod matatagpuan ang opisina ng kongreso?
A. Lungsod ng Makati C. Lungsod ng Pasay
B. Lungsod Quezon D. Lungsod ng Maynila
______38. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapakita ng
pagpapahalaga sa mga natatanging katangian ng iyong
sariling lungsod o bayan?
A. Magsasaliksik ako ng karagdagang kaalaman tungkol sa sariling
lungsod o bayan.
B. Ikatutuwa ko ang kapintasan ng aking lungsod.
C. Ikukuwento ko ito sa aking mga kaibigan.
D. Yayayain ko ang aking pamilya na pasyalan ito.
_____39. Isang paraan para maipakilala mo ang isa sa mga sikat na
produkto sa NCR ay iguhit ang kilalang produktong __________.
A. Sapatos ng Marikina
B. Strawberry ng Baguio
C. Pinya ng Tagaytay
D. Higantes ng Rizal
_____40. Natatangi ang Lungsod ng Pasay dahil dito matatagpuan ang
pangunahing Paliparan ng rehiyon o bansa.
A. Panglao International Airport
B. Mactan Airport
C. Ninoy Aquino International Airport
D. Clark International Airport

You might also like