You are on page 1of 4

School Division of Caloocan City

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT


ARALING PANLIPUNAN 3
SY-2022-2023

Pangalan: _______________________________________________ Pangkat: ______


Panuto: Basahin at unawain mabuti ang mga tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot sa
sagutang papel.

____1. Isa ito sa mga lungsod ng Kalakhang Maynila na pinaniniwalaang nagmula sa salitang
tagalog na lo-ok na tumutukoy sa mga bahaging katubigan ng look ng Maynila.
A. Caloocan B. Makati C. Maynila D. Muntinlupa
____2. Pangyayaring naganap sa lungsod ng Caloocan noong taong 1896 na naging hudyat
ng pagsisimula ng Himagsikang Pilipino laban sa I Kastila para sa kasarinlan ng bansa.
A. Unang Sigaw sa Balintawak
B. Pinagtibay ang Batas Blg. 1206
C. Deklarasyon ng Royal Audiencia
D. Pagtaas ng bandila ng Pilipinas sa Rizal Park
____3. Bakit mahalagang malaman ang kasaysayan ng sariling lungsod/bayan sa
kinabibilangang rehiyon?
A. Upang makapag pasya ng tama kung saang lungsod titira
B. Upang lalong mapagyayaman ang kinagisnang tradisyon at kultura
C. Upang gayahin at higitan ang kakayahan ng taga-ibang lungsod
D. Upang masabi sa iba na mas maganda ang lungsod na kinabibilangan
____4. Alin sa mga sumusunod na pagbabagong naganap sa sariling lungsod sa aspekto ng
istruktura at kapaligiran ang HINDI inilalarawan sa ibaba.
A. Modernong parke at libangan.
B. Maganda at malaking tirahan
C. Malinis na mga dagat, ilog at kalsada.
D. Maayos at sementadong kalsada o daan
____5. Ang sumusunod ay mga pagbabagong naganap sa mga gawain, libangan, kaugalian
at tradisyon na ginagawa ng mga tao maliban sa isa.
A. Paglalaro ng kompyuter at cellphone
B. Pagdarasal ng pamilya nang sama-sama
C. Paghalik at pagmamano sa mga magulang o nakatatanda
D. Pagsalubong ng bagong taon nang sama-sama sa kani-kanilang tahanan
____6. Batay sa ipinakita ng bar graph ng
pagbabago sa paglaki ng populasyon, ilang
milyon ang nadagdag mula taong 1990 hanggang
2010?
A. 10 million C. 12 million
B. 11 million D. 13 million

____7. Nananatiling pinakamayamang lungsod ang Makati sa lahat ng mga lungsod sa NCR
ayon sa ulat ng Commission on Audit. Alin sa mga sumusunod na dahilan bakit mayaman ang
naturang lungsod?
A. Magaling ang namumuno C. Masisipag ang mga naninirahan dito
B. Naging sentro ng komersyo. D. Dumami ang mga taong nagtatrabaho dito
1
School Division of Caloocan City
IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT
ARALING PANLIPUNAN 3
SY-2022-2023

____8. Isa sa itinuturing na makasaysayang pook ng Lungsod ng Caloocan ay matatagpuan


sa hilagang dulo ng Epifanio de los Santos Avenue (EDSA) at ng Avenida Rizal. Anong
monumento ang matatagpuan dito?
A. Monumento ni Andres Bonifacio C. Monumento ni Jose Rizal
B. Monumento ni Emilio Aguinaldo D. Monumento ni Lapu Lapu
____9. Ang bawat lungsod o bayan ay may kaniya-kaniyang makasaysayang pook. Ano
ang kaugnayan nito sa kasaysayan ng ating bansa?
A. Magsilbing alaala sa nakaraan C. Magsilbing pasyalan at pagkakitaan
B. Magsilbing basehan ng pagkatao D. Magsilbing atraksyon at hanapbuhay
____10. Ang Monumento ni Gat Andres Bonifacio sa Caloocan ay naglalarawan sa
katapangan at kagitingan ng mga taga-Caloocan. Alin sa sumusunod na mga katangian
ang nagpapakita ng tunay na katapangan at kagitingan.
A. Sinugod ni Juan ang nakaalitan niyang kaaway.
B. Sumama si Juan sa isinasagawang kilos-protesta sa kanilang lugar.
C. Ipinagkibit-balikat ni Juan ang maling gawain ng kanyang kaibigan.
D. Isinumbong ni Juan sa awtoridad ang krimen na kanyang nasaksihan.
____11. Ano ang kahulugan ng taong 1962 na makikita sa simbolo ng Lungsod ng
Caloocan?
A. Araw ng Kalayaan ng bansa C. Pagkakatatag ng Lungsod ng Caloocan
B. Simula ng Himagsikang Pilipino D. Kapanganakan ni Gat Andres Bonifacio
____12. Alin sa sumusunod na mga simbolo ang nagpapakilala sa lungsod ng Caloocan?
A B C D

____13. Bakit magkakaiba ang sagisag ng bawat lungsod o bayan sa rehiyon?


A. Maging maganda ang lungsod
B. Mas lalong makilala ang namumuno rito
C. Maipakita ang sariling katangian ng isang lungsod
D. Magbigay ng palatandaan sa mga bibisita sa lungsod
____14. Anong lungsod ng NCR ang may simbolo na nasa larawan?
A. Makati B. Navotas C. Pasig D. Quezon
____15. Ang simbolo ng lungsod na ito sa NCR ay may sagisag na 27 bituin, dahon ng laurel,
gusali, araw at kalapati.
A. Malabon B. Mandaluyong C. Manila D. Marikina
____16. Alin sa sumusunod na lungsod ang nagbibigay diin sa kasaysayan na makikita sa
kanilang simbolo?
A. Caloocan at Quezon City C. Manila at Pasig
B. Malabon at Valenzuela D. Navotas at Caloocan
____17. Ang mga sumusunod ay nagsasabi ng kahalagahan ng mga simbolo maliban sa Isa.
A. Maipagmamalaki ang kasaysayan at kultura ng lungsod o lalawigan.
B. Nakadagdag halina sa mga taong bumuto sa lungsod o lalawigan.
2
School Division of Caloocan City
IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT
ARALING PANLIPUNAN 3
SY-2022-2023

C. Naipakikita ng simbolo ang pinapahalagahan ng isang lungsod


D. Nagsisilbing pagkakakilanlan ang mga simbolo ng lungsod o lalawigan.
____18. Bilang isang mag-aaral alin ang pinakamabisang paraan upang maipakita ang
pagmamalaki sa simbolo ng iyong lungsod?
A. Mag-aral ng mabuti sa lungsod na iyong kinabibilangan.
B. Kilalanin ang mga pinunong nanunungkulan sa inyong sariling lungsod.
C. Tangkilikin ang mga produkto ng iyong lungsod bilang suportang pangkabuhyan.
D. Sumali sa mga panrehiyong patimpalak bilang kinatawan ng inyong lungsod.
____19. Anong bahagi ng awiting Mabuhay ang Caloocan na nangangahulugang malaki
ang bahaging ginampanan ng lungsod sa pagpukaw ng kamalayan upang lumaban sa
pang-aapi ng dayuhang Espanyol.
A. Duyan Ka ng Katipunan
B. Ang alab ng himagsikan sa puso mo ay nabuhay
C. Tagumpay mo at kaunlaran lagi naming idarasal
D. Sipag, tiyaga at pagmamahal Caloocan ay mabuhay
____20. Paano mo maipakikita ang pagpapahalaga sa NCR HYMN bilang bahagi ng rehiyon?
A. Maging masunurin sa mga alituntunin ng pamahalaang lungsod
B. Maging magalang at memoryado ang mga liriko sa pag-awit nito.
C. Maging mahusay sa larangang pang sibika at pagiging makabansa.
D. Maging isang mabuti at kapakipakinabang na mamamayan ng lungsod.
____21. Ang Monumento ni Gat Jose Rizal ay makikita sa Lungsod ng Maynila. Bakit dito itinayo
ang nasabing monumento?
A. Sa kagustuhan ng mga Kastila
B. Sa bahagi ng lungsod ng Maynila siya binaril
C. Si Jose Rizal ay ipinanganak sa lungsod ng Maynila
D. Sa lungsod ng Maynila siya nagtapos ng kanyang pag-aaral
____22. Sino sa mga sumusunod ang bumuhay sa kaisipan ng mga Pilipino upang lumaban sa
mga Kastila sa isang madugong pamamaraan.
A. Andres Bonifacio B. Emilio Aguinaldo C. Jose Rizal D. Lapu- lapu
____23. Bilang isang batang Pilipino. Paano mo maipakikita ang pagpapahalaga sa sining ng
ating bansa?
A. Pagyamanin ang sining ng kalapit na bansa
B. Makisabay sa uso at kalimutan ang pagka Pilipino
C. Kabisaduhin at panoorin ang mga awiting KPOP at Kdrama
D. Tangkilikin at ipagmalaki ang mga gawang sining nating mga Pilipino
____24. Alin sa sumusunod na katangian ni Melchora Aquino ang naging huwaran sa kanya
ng Katipunan noong panahon ng himagsikan?
A. Mahinahon B. Manunulat C. Mapagkalinga D. Matanda
____25. Sino sa mga sumusunod na bayani ang nagmula sa Malabon na isang mananangol,
manunulat at isang mamamahayag naging kasapi ng Katipunan?
A. Andres Bonifacio C. Melchora Aquino
B. Epifanio delos Santos D. Pio Valenzuela

3
School Division of Caloocan City
IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT
ARALING PANLIPUNAN 3
SY-2022-2023

____26. Anong malikhaing pagpapahalaga ang nararapat sa ating mga bayani na


nagpunyagi upang makamit ang kalayaan?
A. Manood ng mga pelikula tungkol sa talambuhay ng mga bayani
B. Makibahagi sa mga gawaing pampaaralan tuwing idinaraos ang araw ng mga
bayani.
C. Igalang ang mga monumento ng mga bayani sa makasaysayang lugar.
D. Panatilihing maayos at malinis ang mga makasaysayang lugar upang maging
maayos.
____27. Ang mga sumusunod ay patunay na maipagmamalaki ang mga nagawa ng mga
bayani sa pagkamit ng kalayaan maliban sa ISA.
A. Pagpapatayo ng mga monumento
B. Pagdaros ng Pagkilala sa araw ng kanilang kapanganakan
C.Pagbibigay parangal bilang paggunita sa kanilang kabayanihan
D. Pagtanggal sa mga aralin tungkol sa mga kanilang kabayanihan
____28. Anong lungsod ang naging duyan ng katipunan noong panahon ng himagsikan
A. Caloocan B. Malabon C. Manila D. Quezon
____29. Alin sa sumusunod na katangian kung bakit natatangi ang Lungsod Maynila.
A. Malaki ang populasyon ng lungsod na ito
B. Matatagpuan ang mga libingan ng bayani sa lungsod na ito
C. Maraming mga makasaysayang pook ang matatagpuan dito.
D. Malaki ang naiambag sa ekonomiya ng bansa ang lungsod na ito.
____30. Paano maipapakita ang pagpapahalaga sa ambag ng mga katangi-tanging
lungsod sa NCR maliban sa ISA?
A. Maging masunurin sa mga ordinansa at alituntunin kung may tagamasid.
B. Makilahok sa mga programang pangkapayapaan at kaunlaran
C. Makibahagi sa solusyon at iba pang gawain sa pag-unlad
D. Pagyamanin ang mga kakayahan upang isang mabuting kasapi ng pamayanan.

You might also like