You are on page 1of 7

ARALING PANLIPUNAN 3

Ikalawang Markahang Pagsusulit SY


2023-2024

Pangalan : Petsa :
Pangkat: _____________________

Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na tanong. Piliin ang


letra ng tamang sagot at isulat sa iyong sagutang papel.

1. Sa bisa ng Executive Order No. 246, alin sa sumusunod na


lalawigan ang sentrong panrehiyon sa CALABARZON?

A. Batangas C. Laguna
B. Cavite D. Quezon

2. Paghambingin ang dalawang larawan ng Rehiyon IV-A


CALABARZON. Anong mga pagbabago ang naganap sa
paglipas ng panahon?

Noon Ngayon
A. Dumami ang naninirahan sa isang pamayanan.
B. Nagkaroon ng iba’t ibang hanapbuhay ang mga
mamamayan.
C. Nagkaroon ng mga panlibangang pasyalan
D. Dumami ang mga sasakyan at uri ng transportasyon
ngayon kaysa noon.

3. Anong mga simbolo na ginamit sa Official Seal ng lalawigan


ng Quezon ang sumasagisag sa hanapbuhay at
pinagkakakitaan ng mga mamamayan?

A. bundok, dagat at niyog


B. ilog, dagat at bundok
C. lawa, bundok, at buko pie
D. yema cake, budin, at pancit

4. Sa paggawa ng simbolo ng lalawigan, alin sa sumusunod ang


hindi kabilang?

A. kumakatawan sa lalawigan
B. mahahalagang katangian nito
C. dapat na madaling maisaulo ng mga tao
D. mga dekorasyon na hindi angkop sa lalawigan
5. Anong lalawigan ang ipinapakita sa simbolo at sagisag ng nasa
larawan?

A. Cavite
B. Laguna
C. Quezon
D. Rizal

6. Sa anong simbolo nagkakatulad ang lalawigan ng Laguna


at Quezon?

A. dagat C. hayop
B. niyog D. tao

7. Ano ang ipinahahayag ng opisyal himno ng lalawigan at


rehiyon?

A. mga produkto ng lalawigan at rehiyon


B. mga pook pasyalan ng lalawigan at rehiyon
C. kasaysayan ng lalawigan at rehiyon
D. pagmamahal at paggalang sa lalawigan at rehiyon.

8. Anong bayan sa Laguna ang kilala sa larangan ng paglililok


sa kahoy?

A. Paete C. Pagsanjan
B. Pakil D. Lumban

9. Mahalaga na matukoy ang dá ting pagkakakilanlan sa mga


lalawigan sa iyong kinabibilangang rehiyon maliban sa isa.
Alin ito?

A. para magkaroon ng dagdag kaalaman tungkol sa


sariling rehiyon
B. para magkaroon ng dagdag kaalaman tungkol sa
sariling rehiyon
C. para malaman kung anong antas ng pamumuhay ng
mga mamamayan
D. Para malaman ang mga yamang likas ng lalawigan

10. Bakit mahalgang matukoy ng isang batang katulad mo ang


kasaysayan ng bayan o lungsod mo?

A. Upang maipagyabang sa iba


B. Upang tumaas ang marka sa Araling Panlipunan
C. Upang matukoy ang populasyon nito
D. Upang malaman ang pinagmulan nito at makilala nang
lubos bayan ko
11. Sa paglipas ng panahon maraming pagbabago sa ating
kinabibilangang rehiyon maliban sa isa. Alin ito?

A. pagbabago sa pangalan
B. pagbabago sa wika
C. pagbabago sa imprastraktura
D. pagbabago sa populasyon

12. Si Mang Lando ay may malawak taniman ng niyog sa Brgy.


Anos. Aktibo siya sa pagtatanim at pangangalaga nito. Ano
kaya ang uri ng hanapbuhay niya?

A. pagkakasaka C. pagmimina
B. pangingisda D. pangangaso

13. Paano naiuugnay ang pamumuhay ng mga tao sa kuwento


ng makasaysayang pook o pangyayari sa sariling lalawigan
o rehiyon?

A. Sa pamamagitan ng pag-alam sa mga hanapbuhay ng


mga mamamayan sa sariling lalawigan o rehiyon
B. Sa pamamagitan ng pagbabalewala sa mga
pamumuhay ng mga naninirahan sa sariling lalawigan
o rehiyon
C. Hindi na ito papansinin sapagkat ito ay nangyari
noong unang panahon.
D. Walang kaugnayan ang pamumuhay sa
makasaysayang pook sa lalawigan.

14. Paaano mo maipakikita ang wastong pag-awit ng Lupang


Hinirang?

A. Awitin ito nang pasigaw.


B. Awitin ito ng buong puso at may damdamin.
C. Bigkasin ang pambansang awit na pa-rap.
D. Ilagay ang dalawang kamay sa likod.

15. Alin sa sumusunod na pangungusap ang nagpapahayag ng


wastong diwa sa Official Logo ng lalawigan ng Cavite?

A. Ang dalawang lalaki ay sumisimbolo sa dalawang


bayani sa lalawigan ng Cavite.
B. Ang dalawang lalaki ay sumisimbolo sa pagingisda na
siyang pangunahing hanapbuhay sa lalawigan.
C. Ang watawat sa Official Logo ng lalawigan ng Cavite ay
nagbibigay ng karagdagang ganda.
D. Pinakamaganda ang Official Logo ng lalawigan ng
Cavite sa rehiyon.
16. Pag-aralan mo ang mga Official Seal ng bawat lalawigan.

Namumukod tangi ang simbolo ng lalawigan ng Cavite


sapagkat ito ay may watawat ng Pilipinas. Ano sa palagay
mo ang kaibahan nito sa ibang simbolo?

A. Sapagkat dito ipinahayag ang kalayaan ng Pilipinas.


B. Sapagkat ito ay nagbibigay ng magandang kulay sa
simbolo.
C. Mapagmahal sa bansa ang lumikha ng simbolo.
D. Upang maging kakaiba sa lahat ng simbolo

17. Bakit nagkakaiba-iba ang kahulugan ng mga simbolo o logo


ng mga lalawigan sa rehiyon?

A. Dahil magkakaiba ang mga pinuno ng bawat


lalawigan.
B. Dahil magkakaiba ang pangalan ng lalawigan.
C. Magkakaiba ang topograpiya ng lalawigan.
D. Ang lahat ng nabanggit ay wasto

18. Kung si Juan Luna ay dakilang pintor, sino naman ang


tinaguriang “dakilang paralitiko” na kahit na sa kabila ng
kaniyang kapansanan ay hindi natakot gamitin kanyang
talino upang gisingin ang damdamin ng mga Pilipino?

A. Jose Rizal C. Ambrosio Bautista


B. Apolinario Mabini D. Andres Bonifacio

19. Si Emilio Aguinaldo ang kaunahang pangulo ng Pilipinas na


nagdeklara ng Kalayaan ng Pilipinas sa Kawit, Cavite.
Sinong bayani naman ang nagmula sa Cavite na tinutukoy
sa loob ng kahon?

A. Ambrosio Bautista C. Julian Felipe


B. Andres Bonifacio D. Apolinario Mabini
20. Bakit kailangang pagg-aaralan ng isang batang tulad mo ang
mga kontribusyon ng mga bayani sa ating lalawigan at
rehiyon?

I. upang ang kanilang alaala ay magpatuloy pa sa


susunod pang henerasyon
II. upang makakuha ng mataas na marka
III. dahil sabi ng guro
IV. upang sila ay makilala at gawing halimbawa ang
kanilang gawain

A. I at II C. I at IV
B. II at III D. III at IV

21. Sino sa sumusunod ang HINDI nagpapakita ng


pagpapahalaga sa mga bayani?

A. Si Luis na idolo ang mga artista kaysa sa mga


bayani.
B. Si Arman na nakikiisa sa Alay-lakad para kay
Hermano Pule.
C. Si Carmela na isinasapuso ang mga nagawa ng mga
bayani.
D. Si Vanessa na nakikiisa sa programa ng paaralan
ukol sa mga bayani

22. Inimbitahan mo ang iyong kaibigan na pumunta sa


lalawigan ng Quezon. Nakita niya ang simbolo ng niyog.
Paano mo ito ipapaliwanag sa kanya?

A. sasabihin na ang lalawigan ng Quezon ay sagana sa


niyog at maraming produkto na pwedeng gawin sa
niyog
B. sasabihin ko sa kanya na pagniniyog ang
ikinabubuhay ng mga tao sa Quezon
C. sasabihin na wala ng ibang maisip na pwedeng ilagay
sa sagisag ng Quezon
D. wala kang sasabihin

23. Alin sa sumusunod na pangungusap ang naging bunga ng


pagbabagong naganap salalawigan at rehiyon?

I. Gumanda at napabilis ang paglalakbay.


II. Mayroong kawili-wili at modernong paglilibangan.
III. Napadali ang pagdadala at paghahatid ng mga
produkto.
IV. Naging maunlad ang bawat bayan at lalawigan sa
rehiyon.

A. I at II C. II at III
B. I, II at III D. I, II, III at IV
24. Paano mo maiuugnay ang pamumuhay ng mga tao sa
kwento ng makasaysayang pook o pangyayari sa sariling
mong lalawigan?

I. Sa pamamagitan ng pag-alam sa mga maaaring


hanapbuhay ng mga mamamayan sa sarili kong
lalawigan o rehiyon.
II. Sa pamamagitan ng pagtukoy sa mga magagandang
lugar o tanawin sa aking lalawigan
III. Sa pamamagitan ng pagsasaliksik ng mahahalagang
pinagkakakitaan ng mga tao sa aking lalawigan o
rehiyon.
IV. Sa pamamagitan ng pagbabalewala sa kasaysayan ng
aking lalawigan.

A. I at II C. I, II at III
B. II at III D. I, II, III at IV

25. Pag-aralan mo ang mga Official Seal ng bawat lalawigan.

Kung paghahambingin mo ang mga Official Seal na


nagpapakilala sa bawat lalawigan sa rehiyon, sa anong
katangian sila nagkakatulad-tulad?

I. Ang bawat Official Seal ay nagkakatulad sa kulay.


II. Ang bawat Official Seal ay nagpapakilala ng mga
bayani sa kanilang lalawigan.
III. Ang mga simbolo ay nagkakatulad sa anyong tubig
at anyong lupa
IV. Ang mga simbolo ay nagpapakilala ng hanapbuhay
at pagkakakitaan.

A. I at II C. III at IV
B. II at III D. I at IV

26. Ang sumusunod na pangungusap ay patungkol sa himno


ng lalawigan ng Quezon maliban sa isa. Alin ito?

A. Masagana sa lahat ng bagay mula sa mga


produktong makukuha mula sa dagat o sa
kabundukan.
B. Ipinagmamalaki ng bawat mamamayan ng Quezon
ang katahimikan at kaligayahan na mayroon ang
bawat isa.
C. Naniniwala sila na ang kanilang lalawigan ay
pinagpala ng Maykapal.
D. Ang lahat ng Rizaleno’y masisikap sa puso’t diwa.
27. Sino sa sumusunod ang nagpapahayag ng wastong diwa
tungkol sa Basilica Minor de Tayabas?

I. Si Gelo na nagsabi na ang Basilica Minor ay


pinakamalaki sa lalawigan.
II. Si Jose na nagsabi na ang Basilica Minor ay hugis
susi.
III. Si Pilar na nagsabi na ang Basilica Minor ay
pinakamalaking simbahan sa bansa.
IV. Si Pepe na nagsabi na ang Basilica Minor ay
matatagpuan sa Atimonan, Quezon.

A. Sina Gelo at Jose C. Si Pilar at Pepe


B. Sina Jose at Pilar D. Si Gelo at Pilar

28. Sino sa sumusunod ang HINDI nagpapakita ng


pagpapahalaga sa mga bayani?

A. Si Luis na idolo ang mga artista kaysa sa mga bayani.


B. Si Arman na nakikiisa sa Alay-lakad para kay
Hermano Pule.
C. Si Vanessa na nakikiisa sa programa ng paaralan
ukol sa mga bayani.
D. Si Carmela na isinasapuso ang mga nagawa ng mga
bayani.

29. Sa iyong simpleng paraan, paano mo maipapakita ang


iyong pagpapahalaga sa mga naiambag ng mga
kinikilalang bayani ng sariling lalawigan at rehiyon?

A. Bibigyang pansin ang mga espesyal na balita sa


radyo at telebisyon tungkol sa mga artista kaysa sa
mga bayani
B. Maglalaro at susulatan ang ipinagawang
monumento ng isang bayani sa inyong lugar.
C. Makikiisa sa pag-aalay ng bulaklak sa monumento
ng mga bayani sa inyong lugar sa espesyal na araw
para sa kanila.
D. Makikibalita sa mga pangyayari sa araw araw.

30. Bilang isang mag-aaral paano mo maipakikita ang iyong


pagpapahalaga sa ating lalawigan?

I. Tatangkilin ko ang mga produkto sa aking lalawigan.


II. Ipagmamalaki at ikukuwento ko sa aking mga
kaibigan ang magagandang pook ang aking
lalawigan.
III. Sa tuwing papasyal ako s mga pook pasyalan sa
aking lalawigan ay hindi ko susundin ang
panuntunan sa pagtatapon ng basura.
IV. Mamamasyal ako sa mga pook pasyalan kasama ang
aking pamilya.

A. I at II C. I, II at III
B. III at IV D. I, II at IV

You might also like