You are on page 1of 13

Department of Education

Region XII
Schools Division Office of Cotabato

Araling Panlipunan
Ikatlong Baitang
Ikatlong Markahang Pagsusulit

1. Nagtitipun-tipon ang mga mamamayan ng South Cotabato upang


ipagdiwang ang Pista ng T’nalak at maipakita ang pagtutulungan ng
mga katutubong naninirahan sa lalawigan. Ito ba ay nagpapakita ng
pagpapahalaga ng kanilang kultura? Bakit?

A. Oo, dahil ito ay nagpapakita ng pagkakaisa ng mga katutubo. B.


Oo, dahil ito ay nagpapamalas ng di pagkakaisa ng mga katribu. C.
Hindi, dahil ikinakahiya nila ang kanilang kultura sa ibang grupo. D.
Hindi, dahil magkakaiba ang tradisyon at paniniwala ng bawat
pangkat.

2. Ang katutubong T’boli at B’laan ng SOCCSKSARGEN ay parehong


nagsusuot ng makukulay na damit. Ano ang ipinapahiwatig nito?

I - Magkalapit ang kanilang lokasyon


II- Magkaiba ang paniniwala at kaugalian
III –Magkapareho silang malikhain
IV- Magkakatulad ang kanilang nakaugalian at tradisyonA. I at

II B. I at III C. I, II at III D. I, III at IV

3. Suriin ang mga larawan at sagutin ang kasunod na tanong.

Ano ang pagkakatulad sa pananampalataya na ipinapakita ng


dalawang larawan?
A. Nagtatanda ng krus ang mga Muslim at Kristiyano.
B. Naniniwala na may tagapagligtas sa sanlibutan.
C. Sumasampalataya kay Allah ang mga Muslim at mga Kristiyano.
D. Nagsusuot ng tandong ang mga Muslim at Kristiyano sa loob ng
mosque at simbahan.
4. Karaniwang yari sa kugon ang mga bahay sa bulunduking lugar. Yari
naman sa bato ang mga bahay sa mababa at mabagyong lugar.
Bakit nakakaimpluwensya ang lokasyon at klima sa uri ng
pamumuhay ng mga tao?

I- Iniangkop nila ang uri ng kanilang bahay sa lokasyon at klima nito.


II- Naging batayan nila sa pagpili ng kulay ng damit na kanilang
isusuot.
III –Iniangkop nila ang uri ng damit na isusuot sa klima ng
kanilang lugar.
IV- Naging batayan nila ang klima at lugar sa pagtatanim
ng kanilang mga produkto.

A. I, II at IV B. I, III at IV C. I, II at III D. II, III at IV

Nanuod si John ng palabas sa plasa tungkol sa iba’t ibang


katutubong sayaw. Nakita niya ang kanyang kaklase na tinutukso at
pinagtatawanan ang isang mananayaw dahil sa suot niyang
katutubong damit. Pinagsabihan ni John na mali ang kaniyang
ginagawa.

5. Tama ba ang ginawa ni John?

A. Oo, dahil dapat irespeto at pahalagahan ang mga katutubong


kasuotan.
B. Oo, para makita nilang ikaw ay magaling at mapansin
ng kapwa mo manunuod.
C. Hindi, dahil karapatdapat lang na pagtawanan ang
kanilang katutubong kasuotan.
D. Hindi, sapagkat walang karapatan na sawayin ni John
ang kanyang kaklase.
6. Paano pinapakita ni John na pinapahalagahan niya ang
katutubong sayaw at kasuotan?

A. Sinabayan ni John sa pagtawa ng kanyang kaklase. B. Nagkibit


balikat lamang si John sa nakitang pangyayari. C. Pinagsabihan
niya ang kanyang kaklase na dapat igalang ang mga
katutubong kasuotan.
D. Pinabayaan lang niyang pagtawanan ng kaniyang
kaklase ang nakitang kasuotan.
7. Ang ating mga ninuno ay naniniwala sa iba’t ibang espiritwal na
tagabantay tulad ng diyos, diwata at anito. Anong di-materyal
na kaisipan ang ipinapahiwatig ng kulturang ito?

A. edukasyon C. paniniwala
B. kaugalian D. pananampalataya

Si Maria ay nagbakasyon sa ibang lalawigan. Lubos niyang


ipinagmamalaki ang Lalawigan ng Cotabato kung saan siya nakatira dahil
sa angking kagandahan at iba’t ibang kultura, paniniwala at tradisyon na
meron sila.

8. Sa iyong palagay dapat bang pahalagahan at ipagmalaki ni


Maria ang sariling lalawigan? Bakit?

I - Opo, dahil pamana ito ng ating mga ninuno na dapat


pag- ingatan at ipagmalaki.
II - Opo, para makita ng iba na mas angat at nangunguna sa
lahat ang kaniyang pinanggalingang lalawigan.
III - Hindi, dapat itago sa kapwa bata ang tradisyon at
paniniwala na meron ka.
IV- Hindi, dahil wala siyang karapatan na ipagkalat ang
nakagisnang tradisyon at paniniwala.

A. I at II B. II at III C. III at IV D. I at IV

9. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang HINDI nagpapakita ng


pagpapahalaga sa kinabibilangang lalawigan?

A. tinatangkilik ang sariling kultura at tradisyon


B. ikinakahiya sa iba ang linguwaheng kinagisnan
C. isinasabuhay ang nakalakihang kaugalian at paniniwala
D. ipinagmamalaki ang iba’t ibang pangkat etniko sa lalawigan

10. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng pagpapahalaga ng


mga makasaysayang pook sa ating rehiyon. MALIBAN sa:

A. dito makikita ang mga artifacts at labi ng mga sinaunang tao.


B. nagsilbi itong pook tagpuan ng mga makakaliwang grupo
laban sa gobyerno.
C. ang mga lugar na ito ay nagsilbing tanda ng mga pangyayari
noong unang panahon.
D. nagsilbing kuta ng mga katutubong mandirigma upang makita
ang mga kalaban at madepensahan ang kanilang lugar.
Ang Fort Pikit ay isa sa mahalagang bayan sa lalawigan ng
Cotabato na idineklara bilang makasaysayang pook ng National
Historical Commission noong 2012.

11. Bakit dapat nating pahalagahan at pag-ingatan ang mga


makasaysayang pook sa ating lalawigan?

I. upang maabutan pa ng mga susunod pang henerasyon II. dahil


nagsilbi itong bahay tuluyan ng mga rebelde noong unang panahon
III. dahil naging saksi ito sa mga naganap noong unang
panahon
IV. upang patuloy na alalahanin ang kasaysayang
nakapaloob sa bawat pook na ito

A. I, II at IV B. II, III at IV C. I, III at IV D. I, II at III

Suriin ang mga larawan at sagutin ang kasunod na tanong.

12. Paano ginampanan ng mga T’boli na mapayabong at


maibahagi sa iba ang kanilang kultura?
A. Ikinahiya ang kulturang kinagisnan na maipakita sa iba. B.
Sinarili lamang ang mga ginawang tela upang di magaya ng iba.
C. Itinago ang kanilang tradisyon at kultura sa iba upang hindi
makopya.
D. Ipinagmalaki at ibinahagi ang T’nalak Festival sa ibang
lalawigan at rehiyon.

13. Bakit ang mga taong nakatira sa bulubunduking bahagi ng


Magpet at Makilala ay nagsusuot ng makakapal na damit?

A. Mahangin ang kanilang lugar.


B. Mainit ang kanilang lugar.
C. Malamig ang kanilang lugar.
D. Maulan ang kanilang lugar.
14. Ang mga sumusunod na sitwasyon ay nagpapakita ng
pagpapahalaga sa iba’t ibang pangkat ng tao.

I - Isinasawalang bahala ang karapatan ng mga katutubo. II


- Nagbibigay ng pundo ang LGU ng South Cotabato sa mga
T’boli.
III - Nagsasagawa ng Etnikong Pagtatanghal ang Lungosod ng
Kidapawan
IV-Hinihikayat ang mga katutubo na magrehistro sa darating na
halalan.

A. I at II B. II at III C. II, III at IV D. I, II at III

15. Ang mga sumusunod na pangungusap ay naglalarawan sa


materyal na kultura MALIBAN sa:

A. ang mga sinaunang Pilipino ay nagpalipat-lipat ng tirahan.


B. ang Kangan, Bahag at Putong ay mga kasuotan ng
sinaunang Pilipino.
C. ang mga ninuno ay gumagamit ng bumbong ng kawayan at
palayok sa pagluluto.
D. ang mga ninuno ay naniniwala kay Bathala at iba pang
ispiritwal na tagabantay.

16. Suriin ang mga larawan at sagutin ang tanong sa


ibaba.

Ramadan Pasko

Batay sa larawang ipinakita ano ang pagkakaiba


ng dalawang tradisyon ng mga Muslim at Kristiyano?

A. Ang Pasko ay ipinagdidiriwang ng kapwa Kristiyano at Muslim.


B. Ang Ramadam ay ipinagdiriwang ng kapwa Kristiyano at
Muslim.
C. Ang Pasko ay ipinagdidiriwang ng mga Kristiyano at
Ramadan naman sa mga Muslim.
D. Ang Ramadan ay ipinagdidiriwang ng mga Kristiyano at
Pasko naman sa mga Mulism.
Pag-aralan ang mapang kultural at sagutin ang

tanong.

17. Saang lugar makikita ang Kweba ng Kutang Batu?

A. Lalawigan ng Cotabato
B. Lalawigan ng Sultan Kudarat
C. Lungsod ng Koronadal
D. Lungsod ng Cotabato

18. Bakit pagsasaka ang pangunahing hanapbuhay ng mga


taong nakatira sa Cotabato?
A. Mabuhangin at mainit ang klima dito.
B. Maraming pabrika ang makikita dito.
C. Mahangin at malapit ito sa baybaying dagat.
D. Mataba ang lupa at malamig sa lugar na ito.

19. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang naglalarawan


ng pagkakakilanlang kultura sa Lalawigang Cotabato?

A. Kalimudan Festival ay pista ng mga tribu.


B. Timpupo Festival ay pagpapasalamat sa masaganang ani. C. Tuna
Festival ay pasasalamat sa kasaganahan ng karagatan. D. T’nalak
Festival ay sumasalamin sa pagkahalu-halo ng kultura.

20. Batay sa ilustrasyon, ito ba ay nagpapakita ng mapang kultural sa


rehiyon ng SOCCSKSARGEN?

A. Oo, dahil ang bantayog ni Sultan Kudarat ay makikita sa


Lalawigan ng Sultan Kudarat.
b. Oo, dahil ang mga T’boli ng South Cotabato ang gumawa
ng telang T’nalak.
c. Hindi, dahil ang Kweba ng Ayud ay di matatagpuan sa Maitum
Sarangani.
d. Hindi, dahil ang San Pedro Cathedral ay nabibilang sa
Lalawigan ng Davao.

21. Bakit kailangan nating kilalanin at ipagmalaki ang mga


makasaysayang pook sa ating Lalawigan?

I – Bahagi na ng ating kasaysayan ang mga kultural na pook. II


– Naging saksi ito sa mga pangyayari noong unang panahon.
III – Walang kontribusyon sa pag-unlad ng ating komunidad. IV
– Hindi ito nakaakit ng mga dayuhan sa ating lalawigan.

A. I at II B. II at III C. III at IV D. I at IV

Nakita ni Lito na walang baong pananghalian si Muhammad kaya


binigyan niya ito ng pagkain. Laking tuwa ni Muhammand ang
ginawang kabutihan ni Lito.

22. Paano pasasalamatan ni Muhammad si Lito gamit ang mga


magagalang na pananalita?

A. Dapat lang magbigay ka Lito dahil mayaman ka.


B. Dagdagan mo pa Lito dahil gutom na gutom na ako.
C. Ayaw kong tumanggap ng pagkain galing sa taong hindi ko
kilala!
D. Salamat/ Sukran Lito pagpalain ka nawa ng ating Poong
Maykapal.
23. Tumutukoy ito sa paraan ng pamumuhay na nakagawian ng
tao kabilang dito ang sining, wika, musika at panitikan.

A. edukasyon B. kaugalian C. kultura D. paniniwala

24. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagmamalaki sa


sining ng isang rehiyon.

A. Mga Bagobo na nagtitiktok.


B. Mga B’laan na sumasayaw ng hiphop.
C. Mga Manobo na umaawit ng makabagong awitin.
D. Mga T’boli na nagsasayaw gamit ang katutubong kasuotan.

Nagkaroon ng patimpalak sa mga katutubong kasuotan


ang inyong paaralan. Sinabihan kayo ng iyong guro na ipakita at
isuot ang inyong mga katutubong damit. Sa araw ng paligsahan
namangha ang kanilang guro dahil lahat sila ay nakasuot ng mga
makukulay na katutubong damit.

25. Ano ang ipinahihiwatig nito?

A. Ikinahiya ng karamihan ang pagsuot ng mga katutubong damit.


B. Isinawalang bahala ng mga mag-aaral ang kanilang kultura at
tradisyon.
C. Isinabuhay at pinagmalaki ng mga kabataan ang kanilang
katutubong damit
D. Ipinagmalaki ng iilang kamag-aral mga mga makukulay na
katutubong kasuotan.

Araw ng Pista inimbitahan ni Cardo ang kanyang kaklaseng


Muslim na si Tarhata na pumunta at makisalo sa kanilang
handaan. Sa panahon ng kainan ay binigyan ni Cardo si Tarhata
ng mga pagkaing Halal dahil alam niyang siya ay isang Muslim.

26. Pinahalagahan at inirespito ba ni Cardo ang paniniwala at


kaugalian ni Tarhata bilang isang batang Muslim?
A. Oo, sapagkat inimbita niya si Tarhata na dumalo sa kanilang salu-
salo.
B. Oo, dahil inalok niya si Tarhata ng mga pagkaing Halal. C. Hindi,
dahil inalok niya si Tarhata ng mga pagkaing bawal sa kanilang
paniniwala.
D. Hindi, sapagkat inilihim niya na ang pagkaing kanyang inalok
ay luto sa karneng baboy.
27. Bakit pagtatanim ng palay ang pangunahing hanap-buhay ng
mga taga Mlang at Tulunan? Dahil dito ay ___________.

A. mahangin ang lugar


B. mainit ang lugar
C. malamig ang lugar
D. maulan ang lugar

28. Ang mga sumusunod na pangungusap ay naglalarawan sa


materyal na kultura MALIBAN sa:

A. ang mga sinaunang Pilipino ay nagpalipat-lipat ng tirahan.


B. ang Kangan, Bahag at Putong ay mga kasuotan ng
sinaunang Pilipino.
C. ang mga ninuno ay gumagamit ng bumbong ng kawayan at
palayok sa pagluluto.
D. ang mga ninuno ay naniniwala kay Bathala at iba pang
ispiritwal na tagabantay.
Unang araw ng klase sinabihan ni Bb. Cruz ang kanyang mga
estudyante na magpakilala gamit ang kanilang katutubong wika.
Napansin niyang halos lahat ay gumamit ng sariling lenggwahe ang
mga mag-aaral maliban kay Ana na isang Manobo na piniling
gumamit ng Cebuano.

29. Batay sa pangyayari naisabuhay ba ni Ana ang pagiging Manobo?

A. Hindi, dahil ikinahiya niyang gamitin ang sariling wika.


B. Hindi, dahil nagsasalita naman ng Cebuano ang mga
Manobo. C. Oo, dahil normal na sa mga Manobo ang magsalita
ng Cebuano.
D. Oo, dahil naimpluwesiyahan na ng mga Cebuano ang
mga Manobo.
Sa burol ng ama ni Jun ay nakiramay at bumisita ang
kanyang mga kaklase. Inalukan niya ito ng meryenda. Habang
kumakain ang isa niyang kaibigan ito ay nasagi sa kamay kaya
nahulog ito sa sahig. Dali-dali niyang kinuha ang walis upang
linisin ang kalat. Nakita ito ni Jun at sinabihan na bawal mag-walis
sa burol ng patay. Huminto kaagad siya sa pagwalis at humungi
ng paumanhin.

30. Nagpapakita ba ng pagpapahalaga at pagrerespeto sa


paniniwala nila Jun ang kanyang kaibigan?

A. Hindi, sapagkat inilihim niya ang paglinis ng kanyang kalat. B.


Hindi, dahil tinanggap niya ang pagkaing inalok ni Jun sa kanya. C.
Oo, dapat lang na huminto siya dahil may katulong at tagalinis
naman sila Jun.
D. Oo, sapagkat huminto siya sa pagwawalis at humingi ng
paumanhin noong sinabihan siya ni Jun.

Ang mga Pilipino ay likas na magalang, malambing, masipag at


may mabuting pakikitungo sa mga panauhin.

31. Ang mga sumusunod ay mga magagalang na pananalita.


MALIBAN sa:
a. po at opo c. paumanhin po
b. salamat po d. ayaw ko

Si Mae ay isang kristiyano na nakatira malapit sa Mosque. Araw ng


Beyernes panahon ng pagsisimba ng mga Muslim ay nilakasan ni Mae
ang pagtugtog ng radyo. Ito ay rinig na rinig sa loob ng Mosque.

32. Nagpapakita ba ng pagrespeto sa paniniwala sa panahon ng


pananampalataya ng mga Muslim ang ginawa ni Mae?

A. Oo, dahil isa namang kristiyano si Mae.


B. Oo, sapagkat ang patugtog ng radio ay normal lamang. C.
Hindi, dahil dapat irespeto at pahalagahan ang relihiyon ng iba. D.
Hindi, sapagkat maiingay ang mga Muslim sa panahon ng kanilang
simba.

Suriin ang larawan at sagutin ang tanong sa ibaba

33. Paano pinahalagahan ng mga kabataan ang makasaysayang lugar


sa kanilang lalawigan

I. Nakigulo sa mga programang ginagawa sa inyong lugar. II.


Nakibahagi ng talento upang makilala ang ka nilang lalawigan. III.
Nakiisa sa mga programang naglalayong umaakit ng mga turista.
IV. Nakisali sa mga aktibidadis na nagpapalago ng mga
makasaysayang pook.

A. I at II B. II at III C. I, II at III D. II, III at IV

34. Sa mga Muslim ang salitang “bapa” ay tumutukoy sa tiyo at ang


“babu” naman ay nangangahulugang __________.

A. lola B. mama C. papa D. tiya

Bandang gabi nakasalubong ni Karen sa daan ang kaniyang


guro sa Araling Panlipunan 3. Malayo palang ay binati na niya ito ng
“magandang gabi po”

35. Isinabuhay ba ni Karen ang mga magagalang na katawagan?

A. Oo, dahil binati niya tanda ng paggalang.


B. Oo, dahil gusto niyang makakuha ng mataas na marka. C.
Hindi, sapagkat wala siyang karapatan na batiin ang kanyang
guro.
D. Hindi, sapagkat malayo palang ay pasigaw niyang binati ang
kanyang guro.

36. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang HINDI naglalarawan ng


pagkakakilanlang kultura sa rehiyon ng SOCCSKSARGEN?

A. Kalimudan Festival ay pista ng mga tribu.


B. T’nalak Festival ay sumasalamin sa pagkahalo-halo ng kultura
at kaugalian.
C. Sarangani Bay Festival ay patimpalak sa palakasan sa iba’t
ibang larangan.
D. Kadayawan Festival ay pagpapasalamat sa mga biyayang
galing sa kalikasan.

37. Suriin ang mga larawan at sagutin ang tanong sa ibaba.

Mahal na Araw Ramadan

Ano ang pagkakatulad ang ipinakita ng dalawang larawan?

A. Ang Mahal na Araw at Ramadan ay ginaganap tuwing Hunyo.


B. Ang Ramadan ay parehong ginagawa ng mga Muslim at
Kristiyano.
C. Ang Mahal na Araw ay ipinagdidiriwang ng mga Muslim at
Ramadan naman sa mga Kristiyano.
D. Ang dalawang larawan ay nagpapakita ng pagsamba at pag
aayuno ng kapwa mananampalataya
Suriin ang larawan at sagutin ang kasunod na tanong.

38. Paano pinakita at ginampanan ng mga mamamayan ng


Kidapawan ang pagkakakilanlan ng kanilang kultura?

A. Sinarili ang Timpupo Festival sa iba.


B. Kinahiya ang katutubong sayaw sa mga dayuhan.
C. Itinago ang kanilang tradisyon at kultura sa iba upang
hindi makopya.
D. Ipinagmalaki at ibinahagi ang Timpupo Festival sa
ibang lalawigan at rehiyon.
39. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng importansiya sa mga
pangkat-etniko sa SOCCSKSARGEN na naging saksi sa
pagkakakinlanlang kultura ng sariling lalawigan. MALIBAN sa:

A. mga T’boli na nanirahan sa kanilang tradisyunal na lupain sa


South Cotabato.
B. mga Mandaya na nakasuot ng makukulay na damit mula sa
lalawigan ng Davao.
C. mga Blaan na mula rin sa South Cotabato na nakatira sa
bulubunduking at kapatagan ng bayan.
D. mga Manobo na nanirahan sa mga lambak-ilog at
bulubunduking bahagi ng lalawigang Cotabato.

Nag-uusap ang iyong lolo at lola malapit sa pintuan. Gusto mong


lumabas kasi naiihi ka. Nakiusap ka na “padaan po lolo at lola”.

40. Naipapakita ba ng bata ang kanyang pagiging magalang?

A. Oo, dahil gumamit siya ng magagalang na pananalita.


B. Oo, dahil dumaan siya na walang pahintulot.
C. Hindi, sapagkat wala siyang karapatan na makiusap sa lolo at lola.
D. Hindi, sapagkat malayo palang ay pasigaw niyang binati ang
kanyang guro.

You might also like