Professional Documents
Culture Documents
Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF NUEVA ECIJA
TALUGTUG NATIONAL HIGH SCHOOL
Cabiangan, Talugtug, Nueva Ecija
IKALAWANG PANAHUNANG PAGSUSULIT
ARALING PANLIPUNAN 7
Pangalan: ____________________________________________________________________ Iskor: _____________________
Antas/Pangkat: _______________________________________________________________ Petsa: _____________________
3. Alin sa mga sumusunod na impormasyon ang nagpapatunay na ang Sumer ang itinuring na pinakamatanda at
pinakaunang kabihasnan sa daigdig?
A. Dahil kinilala ang Sumer na unang sibilisadong lipunan ng tao na nangibabaw bunga ng marami nitong kontribusyon sa daigdig.
B. Dahil nakapagtatag ito ng mga pamayanan at imperyo
C. Dahil sa nagkaroon ito ng matatag na sistemeng political
D. Dahil sila ang nangibabaw na pamayanang nabuo sa lupain ng Fertile Crescent
5. Ano ang tawag sa templong dambana na itinatag ng mga Sumerian na kinilala nila bilang dambana ng kanilang diyos o
diyosa? sin
A. Great Wall of China B. Taj Mahal C. Ziggurat D. Hanging Gardens
6. Bakit kinilala ng mga arkeolohiya ang kabihasnang Indus na isang organisado at planadong lipunan
A. Dahil maayos at mabilis na natagpuan ang mga labi ng kabihasnan
B. Dahil sa natuklasang dalawang lungsod na pare-pareho ang sukat na bloke ng kabahayan na may sentralisadong sistema ng kanal sa ilalim ng lupa
C. Dahil hindi nagkaroon ng anumang bakas ng pag-aaway sa lugar na ito
D. Dahil naging maayos ang mga labi ng mga taong nahukay sa lugar na ito
7. Bakit naiiba ang tungkulin ng hari sa kabihasnang Shang sa tungkulin ng hari sa kabihasnang Indus at Sumer?
A. Dahil ang hari ng Shang ang gumagawa ng sakripisyo para sa kasaganaan ng lahat ng nasasakupan
B. Dahil ang gawain lamang ng hari ng kabihasnang Indus at Sumer ay nakasentro sa tungkuling panrelihiyo
C. Dahil ang hari sa Sumer at Indus ay nakatira sa mga templo samantalang ang sa kabihasnang Shang ay malayo sa mga tao
D. Dahil ang hari ng kabihasnang Shang ay may tungkuling politikal hindi lang panrelihiyon.
8. Anong mga pamamaraan o paghahanda ang ginawa ng mga kabihasnang umusbong sa Asya upang hindi sila magapi ng
hamon ng kalikasan sa kanilang lugar tulad ng mga baha at kalamidad?
A. Nagtayo sila ng mga dike na haharang sa mga tubig na maaaring sumira sa kanilang lupain kapag panahon ng pag –ulan
B. Nagtanim sila ng malalaking puno sa tabi ng ilog
C. Nagtatago sila at bumabalik sa mga kweba kapag panahon na may ulan
D. Nagtayo sila ng mga dike at nagtanim ng mga malalaking puno at inayos ang mga daluyan ng tubig upang hindi pumasok sa kanilang pamayanan .
9. Paano isinasagawa ang footbinding sa mga batang babae sa Tsina bilang bahagi ng kanilang kultura?
A. Ang mga batang babae sa murang edad ay tinatanggalan na ng kuko at binabali ang buto ng daliri at lalagyan ng bondage at
ibabalot sa bakal o metal ang paa upang hindi ito humaba pa.
B. Binabali ang buto ng daliri at nilalagyan ng balot na bakal sa paa.
C. Sa murang edad ay binalot na ng bulak o seda ang paa at hindi pinalalabas ng bahay.
D. Ang mga batang babae ay nilalagyan ng bakal sa paa.
10. Isa sa apat na Noble ng katotohanan ng Budhismo ay nagsasaad na “Buhay ay nangangahulugan na puno ng paghihirap”.
Ano ang kahulugan ng ganitong pahayag?
A. Hindi natatakasan ang kahirapan at kalungkutan sa buhay
B. Kahit pa magsumikap ang tao ay makararanas pa rin siya ng paghihirap
C. Pang habangbuhay ang paghihirap ng tao
D. Bahagi na ng buhay ng tao ang paghihirap at pagpapakasakit
11. Ang Tsina ay nagkaroon ng tinatawag na Apat na Dakilang Dinastiya? Bakit tinawag itong dakilang dinastiya?
A. Lumawak ang impluwensiya ng Tsina sa panahong ito.
B. Nagkaroon ng pagsakop ang mga dayuhan at nagapi nila
C. Nagkaroon ng pag-unlad ang Tsina sa panahong ito sa ibat-ibang larangan
D. Nagkaroon ng pag-unlad sa kanilang sining at teknolohiya
12. Ang kultura ay mahalaga sa isang bansa. Kung walang tradisyunal na kultura, walang makabagong kultura at kung hindi
aangkop sa makabagong lipunan ang tradisyon at kultura mahihirapan itong panatilihin ng tao. Ano ang mensaheng
ipinapaabot ng pahayag?
A. Ibagay ang kultura at tradisyon sa mga kaganapang panlipunan
B. Isabuhay at ibahagi ang mga magagandang kultura at tradisyon ng bansa
C. Ang lumang kultura at tradisyon ay pahalagahan at pagyamanin at ariin itong mahalagang haligi ng bansa
D. Dapat pahalagahan ang mga kultura ng bansa.
13. Matatapos ang inyong talakayan sa aralin tungkol sa relihiyon,Naatasan ka ng iyong guro na mamuno sa paglikha ng
presentasyon sa ibat-ibang relihiyon sa Asya. Ano ang gagawin mong pamantayan sa pagbuo ng nilalaman ng presentasyon?
A. Kasaysayan ng relihiyon,sino nagtatag,saan natatag
B. Kasaysayan ng relihiyon at mahahalagang aral nito
C. Kasaysayan ng relihiyon,sino ang nagtatag at ang impluwensiya nito sa bansa
D. Kasaysayan ng relihiyon,mga mahahalagang aral,impluwensiya sa bansa at kalagayan nito sa kasalukuyang panahon
101
14. Kakatawanin mo ang inyong paaralan para sa isang paligsahan ng debate tungkol sa pilosopiya at misyon ng bawat
paaralan sa inyong dibisyon. Anong paghahanda ang gagawin mo bago ang paligsahan?
A. Magbasa at magsaliksik tungkol sa magiging punto ng debate
B. Magsaliksik at maghandang humarap sa karamiha
C. Gumawa ng outline ng isyu at magsaliksik at paghandaan ang mga posibleng magiging punto ng debate
D. Magbasa, manood ng balita at maghanda
15. Ikaw ay pangulo ng History Club sa inyong paaralan, naatasan ka na gumawa ng mga proyekto sa kahalagahan ng mga
kontribusyon Asyano. Ano ang gagawin mo para makilala at makita ng lahat ang mga nasabing kontribusyon?
A. Magtakda ng paligsahan sa pagsulat ng sanaysay C. Open House Exibit
B. Collage making contest D. Quiz Contest
17. Sa paanong paraan mo ipepresenta ang kultura,tradisyon at kagandahan ng Pilipinas sa isang pagpupulong kung ikaw ay
naatasan na kinatawan sa kabila ng ibat-ibang balita na nagbibigay ng masamang impresyon sa ating bansa?
A. Powerpoint presentation ng mga magaganda at itinatanging kultura ng bansa
B. Paghahanda at pagbasa ng ng progress report tungkol dito
C. Video presentation ng mga ipinagmamalaking kultura,tradisyon at mga taong nagpapahalaga dito
D. Pagbibigay ng pamphlet ng mga larawan ng katangi tanging tanawin at kultura ng bansa.
18. Anong pagpapahalaga ang ipinamalas ng mga sinaunang tao na kailangan mong paunlarin sa iyong sarili?
A.Pagmamahal sa kapaligiran C. Pagtuklas ng yaman ng kapaligiran
B. Paggamit ng mga likas na yaman D. Pagsawalang bahala sa kapaligiran
20. Ito ay ang naging basehan ng pagpapatunay na sumibol ang kabihasnang Shang sa China.
A.Sulat mula sa Behistun rock C. Nakaukit na mga letra sa clay tablet
B. Mga nakatala sa oracle bone D. Iba’t ibang uri ng pananaw ng mga tao sa lipunan
23. Bakit sinasabi ng mga Hapones na ang kanilang emperador ay maituturing na banal o sagrado?
A.Dahil ang emperador ay walng bahid pagkakasala
B.Dahil ang emperador ay mula kay Amaterasu, ang diyosa ng araw
C.Dahlia ang emperador ay may basbas ng langit
D.Dahil ang emeperador ay hari ng mga mamamayan
25. Paano nakatutulong ang “mandate of heaven “ sa isang pinuno ng liping mortal?
A. Kung ang pinuno ay matalino C. Kung ang pinuno ay marahas
B.Kung ang pinuno ay matatag D. kung ang pinuno ay may suporta mula sa mga mamamayan
27. Ano ang naitulong ng pag-aaral ng kabihasnang Asyano sa pagpapaunlad ng kasalukuyang pamumuhay ng tao?
A.Mapataas ang antas ng aspetong kulturang Asyano C. Magkaisa sa layuning pampamahalaan
B.Mapaunlad ang bawat bansa D. Maihambing ang kakayahang Asyano sa kanluranin
29. Alin sa mga sumusunod ang hindi pamana ng mga kabihasnang Asyano?
A.Calligraphy B. Geometry C. Astronomy D. Cuneiform
31. Bakit mahalaga ang mga bundok para sa mga taga Timog Silangang Asya?
A.Sinisimbolo ng mga kamangha-manghang templo at istrakturang arkitektural.
B.Tahanan ng mga diyos at espiritu
C.Tahanan ng mga hari at matataas na lipunan
D.Sinisimbolo ang kanilang mga relihiyon at paniniwala
34. Ang relihiyong Zoroastrianism ay naniniwala na ang daigdig ay may dalawang landas na tatahakin. Ito ay ang
A. Langit at impyerno C. Kabutihan at Kasamaan
B. Kanan at Kaliwa D. Ahura Mazda at Angra Mainyu
36. Ang relihiyong Kristiyanismo ay hinalaw mula sa relihiyong Judaism. Ang relihiyong ito ay batay sa
A. Buhay at turo ni Abraham C. Buhay at turo ni Moses
B. buhay at turo ni Muhammad D. Buhay at turo ni Kristo
37. Ano ang luyunin ni Guru Nanak sa pagtatag niya sa relihiyong Sikhismo?
A. Ang pagbuklurin ang mga Hindu sa kapatiran C. Ang pagbuklurin ang mga Muslim sa kapatiran
B. Upang hanapin ang katotohanan at sagot sa kanyang mga katanungan D. Lahat ng nabanggit
39. Ano ang dahilan kung bakit tinaguriang sinilangan ng mga relihiyon ang Asya?
A. Dahil sa lawak ng sakop nito at sa dami ng mga tao kaya dito nagmula ang mga pangunahing relihiyon sa daigdig
B. Dahil sa dito isinilang ang mga tagapagtatag ng relihiyon
C. Dahil dito matatagpuan ang mga templo at dambana
D. Dahil sa iba’t ibang paniniwala ng mga tao
42. Ito ay ipinatayo ni Nebuchadnezzar para sa kanyang asawa na nangungulila sa dati nilang tirahan.
A.Templo B. Taj Mahal C. Hardin ng Eden D. Hanging Gardens
44. Ang pilosopiyang naniniwala na dapat palawakin, patibayin at patatagin ang estado.
A. Confucianism B. Taoism C. Shintoism D. Legalism
45. Isang pilosopiya na nakatuon sa pagpapabuti ng ugali sa pamamagitan ng pagtataguyod ng mga virtue ng kagandahang
loob, tamang pag-uugali at kagandahang loob.
A. Confucianism B. Taoism C. Shintoism D. Legalism
47. Ang Imperyong Gupta ay tinaguriang Golden age o Ginituang Panahon sapagkat
A. Umusbong ang relihiyong Buddhism
B. Umunlad ang Mahayana Buddhism
C. Umunlad ang agham
D. Lumawak ang teritoryo
50. Pinakadakilang templo, kinilala bilang pinakamatanda at pinakamalaking istrukturang pang-arkitektura sa daigdig.
A. Dalampasigan ng Ginto C. Hari ng Kabundukan
B. Angkor Wat D. Darmasastra