You are on page 1of 6

PRE ASSESSMENT TEST

ARALING PANLIPUNAN 7

Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong at pangungusap. Piliin at isulat ang titik ng pinakawastong
sagot.

1. Alin sa mga mapa ang napapakita ng mga bansa na kabilang sa Silangang Asya?
A.

https://otosection.com/silangang-asya/

B.

https://www.facebook.com/Timog-Asya-2039239326393283/photos/

C.
https://www.slideshare.net/jmpalero/filipno-9-introduksyon-sa-panitikan-ng-kanluran-at-timog-asya

D. https://www.facebook.com/TimogSilanganAs

2. Ang Asya ay binubuo ng limang rehiyon na kinabibilangan ng Hilagang Asya, Timog Silangang
Asya, Kanlurang Asya, Timog Asya at Timog Silangang Asya. Kung ikaw ang bibigyan ng
pagkakataon na bumuo ng mga rehiyon, anong mga aspekto ang iyong isasaalang-alang sa
paghahati ng bawat rehiyon?
A. Klima ng isang lugar
B. Aspektong historikal, kultural, at heograpikal
C. porma ng anyong lupa at anyong tubig sa lugar
D. pamamaraan ng paglinang ng kapaligirang pisikal

1
3. Ang sumusunod ay sumusuporta sa ugnayan ng tao at kapaligiran MALIBAN sa
A. Ang kapaligiran ay ating tahanan
B. Kapaligiran ay lundayan ng pamumuhay
C. Kumukuha ng ikinabubuhay sa ating kapaligiran
D. Ang mga hayop at halaman ay bahagi ng kapaligiran
4. Hindi lingid sa ating kaalaman na lahat ng bagay ay may limitasyon at katapusan. Bilang mag-aaral
papaano ka makakatulong upang mapanatili ang mga likas na yaman ng iyong lugar para sa
susunod pang henerasyon?
A. Pangungunahan ko ang paghihiwalay ng basura sa aming tahanan.
B. Ireresiklo ko ang mga patapong bagay gaya ng lata, bote, papel at plastik.
C. Hindi ako ang gagamit ng mga plastik tulad ng straw para makabawas ng basura.
D. Lilinisin ko ang aming bakuran at sisigaan ko ang mga basura para hindi na ito kumalat.
5. Ang Pilipinas ay sagana sa likas na yaman at kinikilala ang bansa na nangunguna sa produksiyon
ng langis ng niyog at kopra Kung ating tutukuyin, saan yamang likas napapabilang ang kopra?
A. Yamang Lupa
B. Yamang Tubig
C. Yamang Gubat
D. Yamang Mineral
6. Alin sa sumusunod ang pinakaangkop na paglalarawan sa taglay na likas na yaman ng rehiyon ng
Kanlurang Asya?
A. maraming punong teak
B. mayaman sa langis at petrolyo
C. nagtataglay ng malalawak na kagubatan
D. nagluluwas ng Caviar (itlog) na mula sa Sturgeon
7. Ang pagdami ng subdivision ay magreresulta sa unti-unting pagkawasak ng tirahan ng mga hayop.
Anong larangan ang pinagtuunan ng pansin dito?
A. Politika
B. Agrikultura
C. Ekonomiya
D. Pananahanan
8. Alin sa mga sumusunod ang magiging epekto ng pagdami ng populasyon ng isang bansa sa
usaping pangkabuhayan?
A. Magiging maunlad ang bansa dahil sa lakas paggawa
B. Pagkakaroon ng maraming trabaho para sa mamamayan
C. Magkakaroon ng maayos na panirahan ang mga tao sa bansa
D. Unti-unting mauubos ang pinagkukunang -yaman ng mga bansa

2
9. Ano ang magiging implikasyon sa larangan ng agrikultura kung mayroong malawak at matabang
lupa ang isang bansa?
A. Magkakaroon ng mga land conversion upang maging panahanan ng tao.
B. Tataas ang pambansang kita at mapapabuti ang pamumuhay ng mga mamamayan.
C. Lalago ang mga industriya sa bansa dahil may sapat na panustos sa hilaw na materyales.
D. Matutugunan nito ang pangangailangan ng bansa at makapagluluwas ng mas maraming
produkto.
10. Alin sa mga sitwasyon ang nagpapakita ng wastong pangangalaga ng kapaligiran?
A. Gumagamit ng lambat na may maliit na butas si Mang Tomas sa panghuhuli ng isda.
B. Pagkatapos magwalis ng bakuran ni Aling Nena ay sinisigaan niya ang kanilang basura.
C. Sumasali sa mga programa ng kanilang barangay si Jed tulad ng paglilinis ng kanilang lugar
at pagtatanim ng puno.
D. Mas pinili ni Sandra ang sumakay sa tricycle kaysa maglakad kahit malapit lamang ang
kanyang pupuntahan para hindi siya mapagod.
11. Ayon sa pag- aaral ng Asian Development Bank, isa ang Pilipinas na bansang may pinakamabilis
na antas ng deforestation. Bilang mag-aaral, ano ang maaari mong gawin kaugnay nito?
A. Paglahok sa mga proyektong isinusulong ng ating pamayanan tulad ng tree planting.
B. Hindi makikialam sa mga usapin sa likas na yaman dahil ito ay usapin ng pamahalaan.
C. Pananatili sa loob ng tahanan upang makaiwas sa maaaring maidulot polusyon sa hangin
D. Pagsasagawa ng mga rally upang maipakita ang pagtutol sa mga gawain tulad ng illegal
logging
Suriin ang mga datos sa talahanayan. Sagutin ang mga katanungan sa ibaba.

12. Batay sa talahanayan, ilang tao sa bansang Pilipinas ang marunong bumasa at sumulat?
A. 1,344,000,000
B. 936,000,000
C. 318,250,000
D. 101,760,000

3
13. Gamit ang datos na nasa itaas, ilan ang kabuuang populasyon ng mga nabanggit na bansa?
A. 2,871,800,000
B. 2,977,800,000
C. 2,870,700,000
D. 2, 973,800,000
14. Bakit itinuturing na pinakamahalagang yaman ng isang bansa ang tao?
A. Dahil ang tao ang nangangalaga sa kaniyang kapaligiran ngunit inaabuso naman kalaunan.
B. Dahil ang tao ang lumilikha ng mga produkto para sa kanyang sariling interes at kasiyahan.
C. Dahil ang tao ang nangangalaga at lumilinang ng likas na yaman para sa kapakinabangan
ng lahat.
D. Dahil ang tao ay may kakayahang kilalanin ang pangangailangan ng iba ngunit walang sapat
na kaalaman upang tugunan ito.
15. Alin sa mga sumusunod ang sumasaklaw sa kahulugan ng kabihasnan?
A. Pamumuhay na nabago ng kapaligiran
B. Pamumuhay na pinaunlad ng tao gamit ang bagong teknolohiya
C. Pamumuhay na nakagawian at pinaunlad ng maraming pangkat ng tao
D. Pamumuhay na nakagawian bunga ng pagtira sa mga lambak ng mga ilog.
16. Paano nabubuo ang isang kabihasnan?
A. Kapag naging maayos ang pamumuhay at nabago ang kapaligiran
B. Kapag may pamahalaan, relihiyon, sining, arkitektura at sistema ng pagsulat.
C. Kapag nagkaroon ng paglaki ng populasyon at napangkat ang tao ayon sa kakayahan
D. Pagkakaroon ng sentralisadong pamahalaan, relihiyon, uring panlipunan, sining, arkitektura
at sistema ng pagsulat
17. Ano ang cuneiform, pictograph, at calligraphy?
A. Sistema ng Pagsulat
B. Sistemang Relihiyon
C. Sistemang Panlipunan
D. Sistemang Pampolitika
18. Alin sa mga sumusunod ang hindi natuklasan o naimbento sa panahon ng kabihasnang Sumer?
A. Epiko ng Gilgamesh
B. Paggamit ng gulong
C. Pagkakatuklas ng apoy
D. Paggamit ng lunar calendar at decimal system
19. Bakit kinilala ng mga arkeologo ang Kabihasnang Indus na isang organisado at planadong lipunan?
A. Dahil maayos ang mga labi ng mga taong nahukay sa lugar na ito
B. Dahil maayos at mabilis na natagpuan ang mga labi ng kabihasnan
C. Dahil sa mga nahukay na mga palayok at artifact na nahukay sa lugar na ito
D. Dahil sa natuklasang dalawang lungsod na may parehong sukat ng bloke ng kabahayan at
may sentralisadong sistema ng kanal sa ilalim ng lupa

4
20. Ito tumutukoy sa pamamaraan ng pamumuhay ng isang pangkat ng mga tao sa isang tiyak na
teritoryo na may pagkakakilanlan.
A. Kultura
B. Kaugalian
C. Tradisyon
D. Paniniwala
21. Sa paanong paraan mo ipepresenta ang kultura, tradisyon at kagandahan ng Pilipinas sa isang
pagpupulong kung ikaw ay naatasan na kinatawan sa kabila ng iba’t ibang balita na nagbibigay ng
masamang impresyon sa ating bansa?
A. Paghahanda at pagbabasa ng progress report tungkol dito
B. Powerpoint presentation ng mga magaganda at itinatanging kultura ng bansa
C. Pagbibigay ng pamphlet ng mga larawan ng katangi- tanging tanawin at kultura
D. Video presentation ng mga pinagmamalaking kultura, tradisyon at mga taong
nagpapahalaga nito
22. Ang pilisopiyang ito ay naniniwala na mahalaga ang istriktong batas ng pamahalaan at estado
upang ang lahat ng miyembro ng lipunan ay kumilos at gumawa ng mabuti at wasto.
A. Taoism
B. Legalismo
C. Divine Origin
D. Confucianismo
23. Nakakita ka ng isang pulubi na walang makain, anong pilosopiya ang maaring umusbong sa iyong
puso sa ganitong sitwasyon?
A. Taoism
B. Legalism
C. Sinocentrism
D. Confucianism
24. Paano isinasagawa ng mga kababaihan ang satti bilang kultura ng India noong sinaunang
panahon?
A. Naliligo ng gas at sinisindihan ang sarili upang masunog
B. Tumatalon ang babae sa apoy habang sinusunog ang labi ng asawang lalaki
C. Isinasama ang sarili sa labi ng namatay na asawa bilang tanda ng pagmamahal
D. Nagpapakamatay para makasama o makasabay sa paglilibing sa labi ng asawang namatay
25. Bakit ginagawa ang footbinding sa mga batang babae sa China noong panahon ng dinastiyang
Sung?
A. Dahil naging batas na ng lipunan ang ganitong gawain
B. Dahil tataas ang kalidad ng pamumuhay kung gagawin ito
C. Dahil ito ay naging pamantayan ng kagandahan sa lipunan
D. Dahil makabubuti ito sa tingin ng mga kalalakihan kung gagawin ito

5
26. Ang Great Wall of China ay ipinatayo ni Shih Huang Ti bilang pananggalang sa kanilang kalaban.
Sa kasalukuyan, isa ito sa dinarayong lugar ng mga turista. Saang rehiyon sa Asya nabibilang ang
mahalagang kontribusyon na ito?
A. Timog Asya
B. Silangang Asya
C. Kanlurang Asya
D. Timog Silangang Asya
27. Ang grupo ni Jona ay naatasan kanilang guro na ipakilala at ipakita sa klase ang kahalagahan ng
mga naging kontribusyon ng mga Asyano. Alin sa mga sumusunod ang maaari nilang isagawa?
A. Pagsulat ng tula
B. Pagsulat ng sanaysay
C. Paggawa ng collage
D. Open House Exhibit
28. Ito ay kampanya na inilusad ng simbahan at Kristiyanong hari na ang layunin ay mabawi ang
Jerusalem sa kamay ng mga Turkong Muslim.
A. Mga Krusada
B. Mga Katipunero
C. Mga Manlalakbay
D. Kilusang Propaganda
29. Alin sa sumusunod ang maituturing na magandang dulot ng pananakop ng mga Ingles sa
pangangalaga ng karapatang pantao ng mga Indian lalo ng kababaihan?
A. Naturuan sa larangan ng pamamahala
B. Marami ang mga Indian ang pinag-aral sa England
C. Nagpagawa sila ng mga daan, tulay at mga riles ng tren
D. Ipinagbawal nila ang matandang kaugalian gaya ng Sati o Sutee at Female Infanticide
30. Ito ay pag-aalsa ng mga sundalong Indian sa mga Ingles upang tutulan ang pagtatangi ng lahi o
Racial discrimination.
A. Rebelyong Boxer
B. Rebelyong Sepoy
C. Rebelyong Taiping
D. Rebelyong Saya San

You might also like