You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IX, Zamboanga Peninsula
Division of Zamboangadel Norte
DIONGAN NATIONAL HIGH SCHOOL
Diongan, Siayan, Zamboangadel Norte
Siayan District

Unang Pagsusulit sa Araling Panlipunan 8

PANGALAN: _________________________________________ Iskor:_____________

Baiting at Seksyon: __________________________________ Petsa:_____________


Basahin at suriing mabuti ang mga tanong sa ibaba. Isulat ang titik ng tamang
sagot sa iyong sagutang papel.

1. Ano ang tawag sa bahagi ng estruktura sa daigdig na kung saan may patong na mga batong
napakainit kaya malambot at natutunaw ang ilang bahagi nito?
A. core B. cover C. crust D. mantle
2. Ayon sa datos ng mahahalagang kaalaman tungkol sa daigdig, ilang porsiyento mayroon ang
tabang na tubig?
A. 1% B. 2% C. 3% D. 4%
3. Anong pamamaraan sa pagtukoy ng lokasyon na ang batayan ay mga lugar at bagay na nasa
paligid nito?
A. latitude line B. lokasyong absolute C. longitude line D. relatibong lokasyon
4. Ang mundo ay binubuo ng pitong kontinente. Anong kontinente ang may pinakamaliit na
sukat kilometro kuwadrado?
A. Asia B. Australia at Oceania C. Europe D. South America
5. Ano ang average na lalim mayroon ang Arctic Ocean?
A. 3 405 ft. B. 3 406 ft. C. 3 407 ft. D. 3 408 ft.
6. Ano ang isa sa mga sangay ng agham panlipunan na tumutukoy sa siyentipikong pag-aaral
sa katangiang pisikal ng daigdig?
A. antropolohiya B. ekonomiks C. heograpiya D. kasaysayan
7. Alin sa sumusunod na tema ng heograpiya ang tumutukoy sa paglipat ng tao mula sa
kinagisnang lugar patungo sa ibang lugar?
A. lokasyon B. lugar C. paggalaw D. rehiyon
8. Alin sa sumusunod na pahayag ang tumutukoy sa konsepto ng rehiyon bilang isa sa mga
tema ng pag-aaral ng heograpiya?
A. Ang klima ng Pilipinas ay tag-araw at tag-ulan.
B. Islam ang opisyal na relihiyon ng Saudi Arabia.
C. Ang Pilipinas ay matatagpuan sa Timog bahagi ng Taiwan.
D. Kasapi ang Pilipinas sa Association of Southeast Asian Nations.
9. Alin sa mga pahayag ang tumutukoy sa konsepto ng lugar bilang isa sa tema ng pag-aaral ng
heograpiya?
A. Ang Germany ay miyembro ng European Union.
B. Malaking bahagi ng populasyon ng Pilipinas ang mga Kristiyano.
C. Matatagpuan ang Pilipinas sa kanluran ng karagatang Pasipiko.
D. Ang Singapore ay isa sa mga bansang dinarayo ng mga mamumuhunan.
10. Napakahalaga ng papel na ginagampanan ng araw sa buhay ng tao, halaman at hayop. Ano
ang kinalaman ng araw sa kalagayang ito?
A. ang araw ang nagbigay ng liwanag sa daigdig.
B. ang araw ang siyang nagbigay ng liwanag sa buwan.
C. napapanatili ng araw ang dami ng mga halaman sa kapaligiran.
D. sa araw kumukuha ng enerhiya ang lahat ng may buhay sa daigdig.
11. Ang mataas na antas ng teknolohiya ay nagpabilis sa pagpunta ng tao sa mga bansang may
magandang pasyalan. Ang pahayag na ito ay nagsasaad sa anong tema ng heograpiya?
A. interaksiyon B. lokasyon C. paggalaw D. rehiyon
12. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa pagbibigay ng relatibong lokasyon?
A. anyong lupa B. anyong tubig C. imahinasyong guhit D. estrukturang gawa ng tao
13. Ilang metro ang taas ng bundok Annapurna?
A. 8 091 B. 8 092 C. 8 093 D. 8 094
14. Ang daigdig ay may apat na hating globo o hemisphere. Anong imahinasyong guhit ang
humahati sa northern at southern hemisphere?
A. equator B. latitude C. longitude D. prime meridian
15. Ano ang pinakamataas na bundok sa buong dagidig?
A. Annapurna B. Everest C. Lhotse D. Makalu
16. Ano ang tinutukoy na pagkakatulad at pagkakaiba ng mga tao sa isang bansa o rehiyon
batay sa wika?
A. etniko B. etnisidad C. etnolingguwistiko D. katutubo
17.Ano ang pangunahing batayan sa pagkilos ng tao sa kaniyang pang-araw-araw na
pamumuhay?
A. etniko B. etnisidad C. lahi D. relihiyon
18 . Alin sa sumusunod ang hindi saklaw sa pag-aaral ng heograpiyang pantao?
A. lahi B. relihiyon C. teknolohiya D. wika
19. Ano ang pinakamatandang relihiyon sa daigdig at pangunahing paniniwala sa bansang
India?
A. Budhismo B. Hinduismo C. Islam D. Shintoismo
20. Anong saklaw ng heograpiyang pantao ang itinuturing na kaluluwa at nagbibigay
pagkakakilanlan o identidad ng isang pangkat?
A. lahi B. Pangkat-etniko C. relihiyon D. wika
21. Ang sumusunod na pangyayari ay naganap noong panahon ng Mesolitiko maliban sa:
A. naninirahan na sila sa tabing ilog upang mabuhay.
B. gumagawa na sila ng mga palayok na gawa sa luwad.
C. nagsimula na ang mga tao sa pag-aalaga ng mga hayop.
D. marunong ng makipagpalitan ng produkto sa karatig na lugar.
22. Anong katangian ang ipinakita ng mga Hittite sa paglihim nito sa mga pamprosesong may
kaugnayan sa kasangkapang bakal?
A. disiplinado B. mapagtimpi C. maramot D. matalino
23. Alin sa sumusunod na panahon ang hindi pa laganap ang paglikha ng mga kasangkapan?
A. Mesolitiko B. Metal C. Neolitiko D. Paleolitiko
24. Ang panahon ng Metal ay nahahati sa tatlong kapanahunan. Alin ang wastong
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari?
A. Panahon ng Bakal, Bronse, at Tanso
B. Panahon ng Bronse, Tanso, at Bakal
C. Panahon ng Tanso, Bakal, at Bronse
D. Panahon ng Tanso, Bronse, at Bakal
25. Ano ang pinakamahalagang tuklas sa Panahon ng Paleolitiko?
A. Agrikultura B. Apoy C. Irigasyon D. Metal
26. Nahahati sa tatlong kapanahunan ang Panahon ng Bato: Paleolitiko, Mesolitiko, at Neolitiko.
Ano ang kahulugan ng Mesolitiko?
A. gitnang panahon ng bato B. panahon ng lumang bato
C. panahon ng bagong bato D. gitnang panahon ng bronse
27. Sa anong panahon nadiskubre ang pagtatanim o agrikultura?
A. Ice Age B. Mesolitiko C. Neolitiko D. Paleolitiko
28. Aling pahayag ang nagsasaad ng maling impormasyon tungkol sa mga yugto ng pag-unlad
ng tao?
A. pinakinis na bato ang gamit noong panahong Neolitiko.
B. umunlad ang sistema ng agrikultura sa panahong Paleolitiko.
C. dumami ang maaaring gawin ng mga tao nang gumamit na sila ng metal.
D. ang sistema ng agrikultura ang nagbunsod sa pagkakaroon ng kalakalan.
29. Anong kahalagahan ang ginampanan ng mga kaganapan sa panahong Neolitiko?
A. dito nagsimula ang sistema ng pagtatanim.
B. nalinang ang paggamit ng matitigas na bakal.
C. dito nag-umpisa ang pagkatatag ng mga kaharian.
D. sa panahong ito natuklasan ang paggamit ng apoy.
30. Ano ang mahihinuha kapag ang tao ay may kaalaman na sa pagtutunaw at kasanayan sa
pagpapanday ng mga bakal?
A. Tataas ang suplay ng pagkain. B. Uunlad ang pakikipagtalastasan.
C. Higit na makapangyarihan ang tao sa lipunan. D. Sila ay makagagawa ng kasangkapang
yari sa bakal.
31. Aling panahon ang higit na nakatulong sa pag-unlad ng kabihasnan?
A. Mesolitiko B. Metal C. Neolitiko D. Paleolitiko
32. Sa anong yugto ng panahong prehistoriko natuto ang mga sinaunang tao sa paglibing ng
mga yumao?
A. Mesolitiko B. Metal C. Neolitiko D. Paleolitiko
33. Alin sa sumusunod na pahayag ang tamang paglalarawan sa panahong Paleolitiko?
A. Natuto nang magtanim ang tao. B. Natuklasan ang paggamit ng bakal.
C. Naninirahan malapit sa mga lambak. D. Nakapaglikha na ng mga palamuti na
yari sa bronse.
34. Ano ang tawag sa panahon kung saan hindi pa natutong magtala ang tao ng mga
kaganapan?
A. Historiko B. Mesolitiko C. Neolitiko D. Prehistoriko
35. Ano ang naging dahilan ng pamamalagi ng mga tao sa isang permanenteng lugar sa
panahon ng Neolitiko?
A. Natutunan na ang pagmimina.
B. Takot silang mabihag ng ibang tribu.
C. Mapanatili nila ang pangangalaga ng mga pananim.
D. Natatakot na itong magpalipat-lipat dahil sa mga mababangis na hayop
36. Alin sa sumusunod na pinakamatandang kabihasnan ang nananatili pa rin hanggang sa
kasalukuyan?
A. Ehipto B. Indus C. Mesopotamia D. Tsino
37. Ano ang mahalagang epekto ng pagkakatuklas ng mga sinaunang Tsino sa paraan ng
pagkontrol ng palagiang pag-apaw ng tubig sa Huang Ho?
A. Nadagdagan ang kanilang kaalaman tungkol sa uri ng mga isda.
B. Bawat tahanan sa lipunan ay mayroon ng sapat na suplay ng tubig.
C. Napahusay nito ang paggawa ng mga malalaking sasakyang pandagat.
D. Nagbigay-daan ang pangyayari upang makapamuhay sa lambak ang mga magsasaka.
38.Ang pagbahang idinudulot ng Nile ay nahinto lamang noong 1970 nang maitayo ang Aswan
High Dam. Ano ang pinakamahalagang naiambag ng proyektong ito?
A. Pinabilis nito ang sistemang komunikasyon at transportasyon.
B. Naging sentro sa kalakalan ang Ehipto lalong-lalo na sa turismo.
C. Makapagbigay ito ng elektrisidad at naisaayos ang suplay ng tubig.
D. Tumaas ang suplay ng mga isda dahil nagiging malawak na palaisdaan ang ilog.
39. Alin sa sumusunod ang kinikilalang pinakamatandang kabihasnan sa buong daigdig?
A. Ehipto B. Indus C. Mesopotamia D. Tsino
40. Ano ang naging bunga ng pag-unlad ng lipunan sa pagkakaroon ng mga pagbabago sa
aspektong panlipunan, pampulitika, at panrelihiyon sa Mesopotamia?
A. nilisan ng mga tao ang Mesopotamia
B. nagdulot ito ng sentralisadong kapangyarihan
C. nagbunga ito ng hindi pagkakaunawaan sa lipunan
D. humina ang kabihasnan dahil sa pakikipagkalakalan

Test II-Tukuyin ang sumusunod


__________________1. Sapanahong ito na tuklasan ang kahalagahan ng apoy.
__________________2. Ibig sabihin ay bagong bato
__________________3. Nadiskubre ang paggamit ng bakal.
__________________4. Sa ilog na ito umusbong ang kabihasnan ng Mesopotamia.
__________________5.ang tawag sa sagradong aklat na tinipong himnong pandigma, sagradong
ritwal, sawikain at mga salaysay ng Hindu.
__________________6. Tawag sa pinuno ng sinaunang Ehipto.
__________________7. Tawag sa sistemang pagsusulat ng Mesopotamia.
__________________8.Siya ang nag patayo ng Hanging Garden of Babylon.
__________________9.sa Anong kabihasnan ang sistemang pagsusulat na tinatawag na
Hieroglyphics
_________________10. Siya ang nagpabagsak sa Kabihasnang Sumer.
_________________11.Si Nubuchadnezzar II ang isa sa pinuno ng imperyong ito.
_________________12. Sa dinastiyang ito na ipatayo ang Great Wall of China.
_________________13. Kauna-unahang dinastiyang umusbong sa Huang Ho .
_________________14. Dinastiyang unang yumakap sa Confucianismo.
_________________15. Dinastiyang naka pagpatayo ng Piramide ni Khufu.
_________________16. Siya ang namuno sa dinastiyang Yuan
_________________17. Naitayo ang Temple of Heaven
_________________18. Ang ibig sabihin ay ‘prinsipe ng dayuhang lupain.
_________________19-20. Dalawang ilog na kung saan umusbong ang kabihasnang Mesopotamia.

Inihanda ni: Bb. Jonalyn O. Ogatis


Teacher I

Noted by: Randy A. Opadia


School-Head

You might also like