You are on page 1of 3

LAMON BAY SCHOOL OF FISHERIES ANNEX

ARALING PANLIPUNAN 8 – KASAYSAYAN NG DAIGDIG


Ikaapat na Markahang Pagsusulit
PANGALAN: ____________________________ PETSA: _______________________
BAITANG AT PANGKAT: ___________________ Lagda ng Magulang: _____________
PANUTO: Isulat sa patlang ang TITIK ng napiling sagot.
______1. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa isa sa mga sanhi ng unang digmaang pandaigdig kung saan ito ay nagbubunsod
ng pagnanasa ng mga tao upang magin malaya ang kanilang bansa?
A. Nasyonalismo B. Imperyalismo C. Militarismo D. Pagbuo ng Alyansa
______2. Ang entablado ng unang digmaang pandaigdig.
A. Russia B. Europe C. Italy D. US
______3. Alin sa mga sumusunod na bansa ang hindi kabilang sa alyansang Triple Entente?
A. Paris B. Austria-Hungary C. Germany D. Italy
______4. Isa itong paraan ng pang-aangkin ng mga kolonya at pagpapalawak ng pambansang kapangyarihan at pag-unlad ng mga
bansang Europe.
A. Nasyonalismo B. Imperyalismo C. Militarismo D. Pagbuo ng Alyansa
______5. Upang mapangalagaan ang kani-kanilang teritoryo, kinakailangan ng mga bansa sa Europe ang mahuhusay at malalaking
hukbong sandatahan sa lupa at karagatan, gayon din an pagpaparami ng mga armas. Ito ang naging ugat ng paghihinalaan ng mga
bansa.
A. Nasyonalismo B. Imperyalismo C. Militarismo D. Pagbuo ng Alyansa
______6. Ito ang bansang karibal ng Germany at Austria sa rehiyon ng Balkan.
A. Great Britain B. France C. Russia D. Japan
______7. Ang mga sumusunod ay naganap noong Unang Digmaang Pandaigdig maliban sa:
A. Pagtatatag ng Nagkakakisang Bansa
B. Pagbuo ng Triple Alliance at Triple Entente
C. Pagpapalakas ng hukbong military ng mga bansa
D. Pagkakaroon ng diwang nasyonlismo ng mga kolonyang bansa
______8. Alin sa mga sumusunod na pangyayari ang naging hudyat o dahilan sa pagsisimula ng unang digmaang pandaigdig?
A. Pagpapakamatay ni Adolf Hitler matapos sumalakay ang Allied Powers
B. Pagpapalabas ng labing-apat na puntos ni Pangulong Woodrow Wilson
C. Pagpaslang kay Archduke Franz Ferdinand sa Bosnia
D. Pagbuo ng Triple Alliance at Triple Entente
______9. Dito naganap ang pinakamainit na labanan noong unang digmaang pandaigdig.
A. Ang digmaan sa Kanluran C. Ang Digmaan sa Balkan
B. Ang digmaan sa Silangan D. Ang Digmaan sa Karagatan
______10. Sino ang pumatay sa mag-asawang Archduke Franz Ferdinand at sa asawa nitong si Sophie?
A. Czar Nicholas B. Bismarck C. Theodore Roosevelt D. Gavrilo Princip
______11. Sino ang nanguna sa paglusob ng Russia sa Prussia noong Digmaan sa Silangan?
A. Grand Duke Nicholas B. Bismarck C. Theodore Roosevelt D. Gavrilo Princip
______12. Kailan nagsimula ang unang digmaang pandaigdig?
A. 1912 B. 1913 C. 1914 D. 1915
______13. Alin sa mga sumusunod ang pangyayaring naganap noong Digmaan sa Balkan?
A. Pagsilang ng Komunismo sa Russia C. Paglusob ng Austria sa Serbia
B. Paglusob ng Belhika sa hukbong Germany D. Natalo ang hukbong Russia sa digmaan ng Tannenberg
______14. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa Labing- Apat na puntos ni Pangulong Woodrow Wilson?
A. kalayaan sa karagatan C. pagbuo ng Liga ng mga bansa
B. pagbabawas ng mga armas D. pagsapi sa mga alyansa
______15. Itiniwalag ng Liga ng mga bansa ang bansang ito matapos nitong lusubin at agawin ang Manchuria.
A. Germany B. Japan C. Italy D. Ethiopia
______16. Siya ang namuno sa pagsakop ng Italy sa Ethiopia noong 1935.
A. Adolf Hitler B. Gavrilo Princip C. Benito Mussolini D. Desttutt de Tracy
______17. Isang uri ito ng pamahalaan na kung saan ang namumuno ay may lubos na kapangyarihan.
A. Kapitalismo B. Demokrasya C. Awtoritaryanismo D. Totalitaryanismo
______18. Ito ay isang sistema o kalipunan ng mga ideya o kaisipan na naglalayong magpaliwanag tungkol sa daigdig at sa mga
pagbabago nito.
A. Sikolohiya B. Ideolohiya C. Sosyolohiya B. Sosyalismo
______19. Tumutukoy ito sa isang sistemang pangkabuhayan kung saan ang produksyon, distribusyon at kalakalan ay kontrolado ng
mga pribadong mangangalakal.
A. Kapitalismo B. Demokrasya C. Awtoritaryanismo D. Totalitaryanismo
______20. Ang kapangyarihan ng pamahalaan ay nasa kamay ng mga tao.
A. Kapitalismo B. Demokrasya C. Awtoritaryanismo D. Totalitaryanismo
______21. Ang pamahalaang ito ay karaniwang pinamumunuan ng isang diktador o grupo ng taong makapangyarihan.
A. Kapitalismo B. Demokrasya C. Awtoritaryanismo D. Totalitaryanismo
______22. Magkano ang kabuuang halaga ng nagastos sa Unang Digmaang pandaigdig?
A. 200 milyong dolyar B. 120 bilyong dolyar C. 200 bilyong dolyar D. 250 milyong dolyar
______23. Ang mga sumusunod ay layunin ng kasunduan sa Versailles MALIBAN sa:
A. maiwasan ang digmaan
B. lumutas ng mga usapin at hindi pagkakaunawaan ng mga kasapi
C. Mapalaganap ang mga kasunduang pangkapayapaan
D. Ipagbawal ang pagbuo ng mga alyansa
______24. Sino sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa tinaguriang BIG Four?
A. Woodrow Wilson B. Theodore Roosevelt C. Clemenceau D. Emmanuel Orlando
______25. Kailan nagsimula ang ikalawang digmaang pandaigdig?
A. September 10, 1939 B. September 11, 1939 C. September 1, 1939 D. September 2, 1939
______26. Ito ang bansang tumiwalag sa Liga ng mga bansa noong 1933 dahil sa pag-aalis ng karapatang mag-armas.
A. Japan B. Germany C. Italy D. Austria
______27. Siya ang itinuturing na lider ng Nazi.
A. Chiang Kai Shek B. Benito Musolini C. Hirohito D. Adolf Hitler
______28. Siya ang namuno sa pananakop ng Italy sa Ethiopia noong 1935.
A. Chiang Kai Shek B. Benito Musolini C. Hirohito D. Adolf Hitler
______29. Marami ang nadamay sa Digmaang sibil ng Spain dahil sa pakikialam ng mga bansa ito ay sa pagitang ng dalawang panig:
ang pasistang Nationalist Front at ang sosyalistang Popular Army. Kailan naganap ang digmaang sibil?
A. 1936 B. 1938 C. 1939 D. 1930
______30. Ang mga sumusunod ay bansang kabilang sa Allied Powers MALIBAN sa:
A. Great Britain B. France C. United States D. Japan
______31. Ito ang huling pangyayaring nagpasiklab sa ikalawang digmaang pandaigdig.
A. Pagsasanib ng Austria at Germany C. Paglusob ng Germany sa Poland
B. Digmaang Sibil sa Spain D. Paglusob sa Czechoslovakia
______32. Sino-sino ang dalawang Lider ng mga bansa na bumuo ng kasunduang kilala sa tawag na Atlantic Charter?
A. Musolini at Chiang Kai Shek B. Adolf Hitler at Hirohito C. Roosevelt at Churchill D. Wala sa nabanggit
______33. Dalawang bansang tumulong sa Japan sa pakikipagdigma sa United States.
A. Germany at Italy B. Germany at Austria C. China at Norway D. England at France
______34. Kailan tuluyang nasakop ng Japan ang Maynila?
A. Enero 1, 1940 B. Enero 2, 1940 C. Enero 2, 1942 D. Enero 3, 1942
______35. Ang pataksil na pagsalakay ng Japan sa America ay tinawag na ______________.
A. “Day of Threat” B. “Day of Infamy” C. “Day of Blood” D. “Day of Sadness”
______36. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagpapaliwanag ng katagang ito “Ang sariling pagkakakilanlan ay nawawala
dahil sa impluwensyang dayuhan.”
A. Napapanatili ang kultura ng isang bansa
B. Pinakikinabangan ng mga dayuhan ang likas na yaman ng mga kolonya
C. Ang kulturang dayuhan ang pinahalagahan ng mga bansang umuunlad pa lamang
D. Nababago ng mga dayuhan ang kultura ng kolonya sa pamamagitan ng iba’t-ibang impluwensya.
______37. Ang kasunduan ng mga bansa na nagbigay hudyat sa pagwawakas ng Unang Digmaang Pandaigdig.
A. Treaty of Paris B. United Nations C. League of Nations D. Treaty of Versailles
______38. Sino ang nagbitaw ng linyang “I shall return”?
A. Heneral Dwight Eisenhower C. Heneral Douglas MacArthur
B. Heneral Montgomery D. Wala sa nabanggit
______39. Tumutukoy ito sa pagkakapantay-pantay ng mga mamamayan sa tingin ng batas at sa iba pang pangunahing aspeto ng
pamumuhay ng mamamayan.
A. Ideolohiyang Pangkabuhayan C. Ideolohiyang Pampolitika
B. Ideolohiyang Panlipunan D. Demokrasya
______40. Isang uri ito ng pamahalaan na kung saan ang namumuno ay may lubos na kapangyarihan.
A. Kapitalismo B. Demokrasya C. Totalitaryanismo D. Awtoritaryanismo
______41. Ito ay tumutukoy sa ideolohiyang nagsusulong ng kagalingan ng kababaihan at ang kanilang pagtatamasa ng karapatang
taglay ng kalalakihan.
A. Konserbatismo B. Liberalismo C. Peminismo D. Utilitarianismo
______42. Pangunahing katangian nito ang layuning mapanatili ang nananaig na kaayusan. Mas pinahahalagahan ng kaisipang ito
ang tradisyon ng nakaraang henerasyon kaysa mga makabagong sistema na inaakala nito na walang malinaw na direksiyon at hindi
inaasahang makatutugon sa mga kasalukuyang suliranin.
A. Konserbatismo B. Liberalismo C. Peminismo D. Utilitarianismo
______43. Isang doktrinang nakabatay sa patakarang pang-ekonomiya na kung saan ang pamamalakad ng pamahalaan
ay nasa kamay ng isang pangkat ng tao.
A. Sosyalismo B. Kapitalismo C. Komunismo D. Pasismo
______44. Kaisipang nakabatay sa paniniwalang napapailalim ang kapakanan ng mamamayan sa tunguhin at interes ng
estado.
A. Sosyalismo B. Kapitalismo C. Komunismo D. Pasismo
______45. Nakasentro ito sa paraan ng pamumuno at sa paraan ng pakikilahok ng mamamayan sa pamamahala. Ito ay mga
pangunahing prinsipyong politikal at batayan ng kapangyarihang politikal.
A. Ideolohiyang Pangkabuhayan C. Ideolohiyang Pampolitika
B. Ideolohiyang Panlipunan D. Demokrasya
______46. Isang pang-ekonomiko at pampulitikal na unyon ng 27 malalayang bansa. Ito ang pinakamalaking kompederasyon ng mga
malayang estado na itinatag sa ilalim ng pangalang iyon noong 1992.
A. Organization of Islamic Cooperation C. Organization of Islamic Cooperation
B. European Union D. World Trade Organization
______47. Isang organisasyong pandaigdig na itinatag upang mapamanihalaan at magbigay ng kalayaan sa kalakalang pang-
internasyunal.
A. Organization of Islamic Cooperation C. Organization of American States
B. European Union D. World Trade Organization
______48. Ito ay samahan ng mga bansang Muslim na naglalayong siguruhin at protektahan ang interes mula sa pamamagitan ng
pagsusulong ng kapayapaang pandaigdig at pagkakaunawaan.
A. Organization of Islamic Cooperation C. Organization of American States
B. European Union D. World Trade Organization
______49. Ang mga layunin ng samahang ito ay maitaguyod ang paglago ng ekonomiya, kaunlarang panlipunan, pagsulong ng mga
kultura ng bawat kasapi, at pagpapalaganap ng kapayapaang panrehiyon.
A. Organization of American States C. Association of Southeast Asian Nations
B. European Union D. World Trade Organization
______50. Ang pinuno ng Germany na nagnais na makabawi sa sa kahihiyan ng pagkatalo sa World War I at ang paniniwala na ang
mga Aleman ang dapat mamuno sa daigdig ay ilan lamang sa pangunahing layunin ng diktaturyang Nazism
A. Chiang Kai Shek B. Benito Musolini C. Hirohito D. Adolf Hitler

You might also like