You are on page 1of 5

BANGHAY-ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN (IKA-8 BAITANG)

Gurong Mag-aaral: Marjorie Delfin BSED SS 4-B Petsa: May 15, 2023
Paaralan: Ramon Torres National High School School Year: 2022 – 2023
( S. Y. 2022 – 2023)
I. LAYUNIN
A. Naiisa-isa ang mga dahilan ng pagsiklab ng Ikalawang Digmaang
Pamantayang Pandaigdig.
Pangnilalama
n
B. Pamantayang Nakpagsagawa ng isang kritikal na pagsusuri sa naging sanhi ng
Pagganap pagsiklab ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
C. Kasanayan sa Napahahalagahan ang mga naging dahilan sa pagsiklab ng Ikalawang
Pagkatuto Digmaang Pandaigdig at nasusuri ang pagsiklab ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig.
II. NILALAMAN
A. Topiko Ikalawang Digmaang Pandaigdig: Dahilan o Sanhi sa Pagsiklab at
Pagsiklab ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig
B. Sanggunian 1. Araling Panlipunan: Ikaapat na Markahan —
Modyul 3
2. Kasaysayan ng Daigdig (Modyul ng Mag-aaral
— Ika-8 Baitang)
3. https://grade8.modyul.online/tag/4thquarter/
III. PAMAMARAA
N
A. Panimulang 1. Panalangin
Gawain 2. Pagbati
3. Pagtala ng mga lumiban
B. Pagbabalik Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na mga tanong.
Aral 1. Ibigay ang pangunahing sanhi sa pagsiklab ng
Unang Digmaang Pandaigdig? Kailan ito
nagsimula?
2. Ito ay naging sentro ng Unang Digmaang
Pandaigdig? Ibigay ang dalawang alyansang
lumaban noon.
3. Kailan at paano nagtapos ang Unang Digmaang
Pandaigdig?
C. Pag-aalis ng 1. Liga ng mga Bansa
Sagabal / 2. Pasismo
Kahulugan 3. Nazismo
ng mga 4. Ethiopia
Termino 5. Czechoslovakia
D. Pagganyak Gawain 1: I-KONEK MO!
Panuto: Tukuyin kung sino ang nasa larawan sa Hanay A sa pamamagitan
ng pagpili ng sagot sa Hanay B at i-konek kung saang bansa siya namuno
na nasa Hanay C. Isulat ang titik ng tamang sagot.

SAGOT: 1. Adolf Hitler – Germany


2. Hideki Tojo – Japan,
3. Benito Mussolini – Italy
E. Paglalahad Gawain 2: Punan mo Ako!
Panuto: Punan ang timeline, ibigay ang pitong dahilan ng pagsiklab at
pagsimula at pagsiklab ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa
iba’t ibang panig ng mundo.

Pag-agaw ng Japan sa Manchuria


Pag-alis ng Germany sa Liga ng mga
Bansa
Paglusob ng Germany sa Poland
Paglusob sa Czechoslovakia
Pagsakop ng Italya sa Ethiopia
Pagsanib ng Austria at Germany
(Anschluss)
SAGOT:
 1931 – pag-agaw ng Japan sa Manchuria
 1933 – pag-alis ng Germany sa Liga ng Bansa
 1935 – pagsakop ng Italya sa Ethiopia
 1936 – digmaang sibil sa Spain
 1936-1938 – pagsanib ng Austria at Germany (Anschluss)
 1938-1939 – paglusob sa Czechoslovakia
 1939 – paglusob ng Germany sa Poland
F. Paglalapat / Pamprosesong Tanong:
Aplikasyon Sa iyong palagay, alin ang pinakamatinding sanhi o dahilan ng
Ikalawang Digmaang Pandaigdig? Ipaliwanag.
G. Paglalahat Tandaan!
Hindi pa man lubusang nakababangon sa mga pinsala ng digmaan
ang mga bansa sa daigdig, muling umigting ang mga hidwaan sa pagitan
ng nga bansa. Dala na rin ito ng nagsimulang ambisyon ng mga
makapangyarihang bansa na maipagpatuloy ang pananakop at
pagpapalawak ng kanilang teritoryo. Ang mga pangyayaring naganap at
pagsiklab ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay ang mga sumusunod:
1. Pag-agaw ng Japan sa Manchuria.
2. Pag-alis ng Germany sa Liga ng Bansa.
3. Pagsakop ng Italya sa Ethiopia.
4. Digmaang Sibil sa Spain.
5. Pagsanib ng Austria at Germany (Anschluss)
6. Paglusob sa Czechoslovakia.
7. Paglusob ng Germany sa Poland.
Ang takbo ng Digmaan matapos masakop ni Hitler ang Poland,
ipinahayag niya na hindi siya hihingi ng pabor sa mga ibang bansa ngunit
dahil sa ilang ulit na siyang di tumupad sa pangako, lalong naghanda ang
mga Allies para sa anumang mangyayari. Ang bansang Pranses ay
nagtatag ng isang depensa sa pamamagitan ng pader na konkreto na
tinatawag na Maginot Line. Nagtatag din ng mga depensa ang mga bansa
at nagpalakas ng kanilang hukbo.

IV. EBALWASYON Pagtataya


Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang
titik lamang ng tamang sagot sa isang-kapat (¼) na papel.
1. Ang mga sumusunod ang sanhi ng malaking hidwaan sa isang
lugar. Alin ang hindi?
A. Pagnanais ng kayamanan
B. Pagmamalabis ng mga pinuno
C. Nagkaisang ideolohiya
D. Kawalan ng tiwala sa pinuno
2. Bakit naging dahilan ang Treaty of Versailles sa pagkakaroon ng
Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
A. Ito ay nagsasaad nang kasunduang pansamantalang itigil
ang labanan.
B. Hindi nagi g makatuwiran sa Germany ang naging
kasunduan.
C. Hindi ito sinuportahan ng United States
D. Dahil ang Treaty of Versailles ay hindi Kasunduang
pangkapayapaan.
3. Ano ang karaniwang sanhi ng pagsiklab ng malaking digmaan?
A. Suliraning pampulitikal
B. Kakulangan ng pagpapanatili ng kapayapaan
C. Suliraning pang-ekonomiya
D. Kakulangan ng pananalapi
4. Kailan ang eksaktong petsa ng pagsisimula ng Ikalawang
Digmaang Pandaigdig?
A. Setyembre 1, 1939
B. Setyembre 1, 1940
C. Setyembre 1, 1941
D. Setyembre 1, 1942
5. Ang mga sumusunod ay pangyayari sa Ikalawang Digmaang
Pandaigdig maliban sa isa.
A. Pag-agaw ng Hapon sa Manchuria
B. Pag-alis ng Alemanya sa Liga ng mga Bansa
C. Paglusob ng Alemanya sa Poland
D. Pagpatay kay Archduke Francis Ferdinand

MGA SAGOT:
1C, 2B,3A,4A,5D
V. TAKDANG- Panuto: Magsaliksik o mag-aral tungkol sa buhay ng mga Pilipino noong
ARALIN Panahon ng Hapon sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Sumulat
ng isang buod tungkol sa pamumuhay at pakikipaglaban ng mga
Pilipino laban sa mananakop na mga Hapon. Isulat sa isang buong
papel.

Guro:
Rica A. Valguna
Araling Panlipunan 8

You might also like