You are on page 1of 5

DETALYADONG BANGHAY ARALIN

ARALING PANLIPUNAN VII


FEBRUARY ____, 2020

I. Layunin

1. Natutukoy ang mga naging bunga ng unang digmaang pandaigidg.


2. Nakakagawa ng isang concept map ukol sa mga bunga ng unang
digmaang pandaigdig.
3. Nabibigyang-halaga ang kapayapaan.

II. Paksang-Aralin

Paksa : Mga Naging Bunga ng Unang Digmaang


Pandaigdig
Reference : Araling Panlipunan: Kasaysayan ng Daigdig
May-akda:
Pahina 456
Kagamitan : manila paper, pisara, chalk, aklat, video

III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

A. Panimulang Gawain

 Panalangin Sa ngalan ng ama…

 Classroom Management

Bago tayo magsisimula, linisin


niyo muna ang mga kalat sa
ilalim ng inyong mesa at
ihanay ng maayos ang inyong
mga upuan. Tapos na po, ma’am.
 Attendance

 Pagganyak

Ngayon, may ipapakita ako sa


inyong video. Tingnan ninyong
mabuti ang mga pangyayari at
kung anu-ano ang maidudulot
nito sa lahat.
Ngayon, ano ang naipalabas
sa video na inyong nakita? May nag-aaway gamit ang mga
armas.

Okay. May mga nag-aaway na


gumagamit ng armas. Ano
yung mga gamit nila?
Mga tanke, mga baril at mga bomba.

Sa anong pangyayari
karaniwan ninyong nakikita o
nagaganap ang mga pag-
aaway na ipinakita sa video? Kapag may digmaan po.

Tama. Tuwing mayroong


digmaan.

B. Paglalahad

Ngayon ay pag-uusapan natin


ang unang digmaang
pandaigdig at ang mga bunga
nito.

Buksan ninyo ang inyong aklat


sa pahina 456.

C. Pagtatalakay

Tingnan ninyong mabuti ang


dalawang mapa sa inyong
aklat. Ano ang ipinapakita ng
dalawang mapa?
Ipinapakita nito ang Europa bago ang
unang digmaang pandaigdig at ang
Europa pagkatapos ng unang
digmaang pandaigdig.

Tama. Ano naman ang


napapansin ninyo o ano ang
kaibahan ng dalawang mapa?
Makikita sa pangalawang mapa na
dumami ang bilang ng mga bansa at
ang paghahati-hati ng mga lupain.

Magaling! Ano nga ba ang


mga naging epekto ng unang
digmaang pandaigdig? Una,
basahin.
Umabot sa 8,500,000 katao ang
namatay sa labanan. 22,000,000 ang
nasugatan at 18,000,000 naman ang
namatay sa gutom, sakit at
paghihirap.

Okay. Balikan natin yung nasa


video. Sabi ninyo, ang mga
kagamitang gamit nila ay mga
baril, bomba at mga tanke.
Ano kaya ang naidudulot nito
sa mga tao? Maraming sibilyan po ang
madadamay at hindi makakaalis sa
kanilang bahay sapagkat natatakot
sila baka sila ay mapatay at
abusuhin.

Tama. Sa panahon ng
digmaan, hindi lamang ang
mga sundalong sumasabak sa
labanan ang naaapektuhan
kundi pati na rin ang mga
inosenteng sibilyan.
Pangalawa, basahin. Napakaraming ari-arian ang nawasak
at naantala ang kalakalan,
pagsasaka at iba pang gawaing
pangkabuhayan.

Ang ekonomiya ng mga


bansang sangkot sa digmaan
ay bumaba dahil naantala ang
mga pagpapalitan ng
produkto, ang pagsasaka,
pangingisda at iba pang mga
trabaho. Pangatlo… Nag-iba ang kalagayang pampolitika
sa buong daigdig.

Okay. Paano nga ba nag iba


ang kalagayang pampolitika
ng buong daigdig? Sino ang
makakasagot? Nag iba ito sa pamamagitan ng
pagpapalit ng mga namumuno sa
bawat bansa at ang pagkapanalo ng
mga bansa laban sa ibang bansa.

Tama. Anu-ano ang mga


bansang nagkahiwalay at
naging malaya? Ang Austria at Hungary.
Sunod ay ang? Ang Latvia, Estonia, Lithuania,
Finland, Czechoslovakia, Yugoslavia
at Albania ay naging malalayang
bansa.

Tama. Sa panahon noon, may


mga imperyo at mga
pamilyang namumuno sa
bawat bansa ngunit
pagkatapos nga unang
digmaang pandaigdig ay nag-
iba at natapos ang iilang mga
imperyo sa Europa tulad ng… Hohenzollern ng Germany
Hapsburg ng Austri-Hungary
Romanov ng Russia
Ottoman ng Turkey

Okay. Kaya nga nag iba ang


kalagayang pampolitika dahil
sa pagwakas ng iilang mga
imperyo at ang pagkatalo ng
mga bansang may
pinanghahawakang prinsipyo
sa pagpapalakad at
pagpapaunlad ng kanilang
sariling ekonomiya na
nakakapagpabuti sa kani-
kanilang bansa.

Ano naman ang nangyari sa


Germany? Basahin… Pinarusahan ng Versailles ang
Germany na naging dahilan ng
kanilang matinding hinanakit at
paghahanda upang muling
makipaglaban.

Sa mga pangyayari sa unang


digmaan, masasabi niyo bang
madaling makamit ang
kapayapaan? Hindi.

Bakit? Dahil….

D. Palalapat

Ngayon, gamit ang isang


graphic organizer na concept
map, isulat ninyo sa manila
paper ang mga bunga ng
unang digmaang pandaigdig.

Mga Bunga ng Unang


Digmaang Pandaigdig

Ekonomiya Pampolitika

E. Paglalahat

Anu-ano ang mga bunga ng


unang digmaang pandaigdig?

Bakit hindi madali ang


pagkamit ng kapayapaan sa
buong daigdig?

IV. Pagtataya

V. Kasunduan

Basahin ang mga kasunduaang pangkapayapaan sa pahina 457 sa inyong


aklat sa Araling Panlipunan.

You might also like