You are on page 1of 9

School Valladolid National High School Grade Level Grade 7

DAILY LESSON Teacher FELICIA ARIUN PEREGRINO Learning Area Araling Panlipunan 7
LOG
Teaching Dates & Time MARCH 20, 2023 (11:00-12:00) Quarter 3rd Quarter

I. Layunin
A. Pamantayang Ang mga mag-aaral ay naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pagbabago, pag-unlad at pagpapatuloy sa Timog at
Pangnilalaman Kanlurang Asya sa Transisyonal at Makabagong Panahon( ika-16 hanggang ika-20 siglo)
B. Pamantayang Ang mag-aaral ay nakapagsasagawa ng kritikal na pagsusuri sa pagbabago, pag-unlad at pagpapatuloy sa Timog at Kanlurang
Pagganap Asya sa Transisyonal at Makabagong Panahon (ika-16 hanggang ika-20 siglo)
C. Kasanayan sa Nasusuri ang kaugnayan ng Iba’t Ibang Ideolohiya sa Pag-usbong ng Nasyonalismo at Kilusang Nasyonalismo AP7TKA-IIIae-1.13
Pagkatuto Tiyak na Layunin:
Nasusuri ang kaugnayan ng Iba’t-ibang Ideolohiya sa Pag-usbong ng Nasyonalismo sa Timog at Kanlurang Asya.
II. NILALAMAN Paksa: Kaugnayan ng Iba’t Ibang Ideolohiya sa Pag-usbong ng Nasyonalismo
III. KAGAMITANG
PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga pahina sa *Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba, Araling Panlipunan:Modyul para sa mga Mag – aaral, pahina 242 – 246
Gabay ng Guro *Araling Panlipunan Activity Sheet, Kuwarter 3-MELC 4 (Wk 4.2): Kaugnayan ng Iba’t Ibang Ideolohiya sa Pag-usbong ng
Nasyonalismo at Kilusang Nasyonalismo
2. Mga pahina sa *Araling Panlipunan Activity Sheet, Kuwarter 3-MELC 4 (Wk 4.2): Kaugnayan ng Iba’t Ibang Ideolohiya sa Pag-usbong ng
Kagamitang Pang Nasyonalismo at Kilusang Nasyonalismo
Mag-aaral
3. Karagdagang Kagamitan Frontlearners Materials: https://k12.starbooks.ph/pluginfile.php/5491/mod_resource/content/16/index.html (Kaugnayan ng iba’t-ibang Ideolohiya sa pag-
mula sa portal ng Learning usbong ng Nasyonalismo)
Resources o ibang website
Youtube: https://youtu.be/5SScDOlMd-w (Mga Ideolohiyang Politikal at Ekonomiko)
Slideshare: https://www.slideshare.net/marcelinedodoncalias/mga-ideolohiyang-laganap-sa-aigdig (Mga Ideolohiyang Laganap sa Daigdig)
Google: https://www.getrealphilippines.com/2011/02/the-real-story-of-the-last-25-years-since-the-edsa-people-power-revolution/ (EDSA People Revolution)
B. IBA PANG KAGAMITANG Batayang aklat, organizer, cartolina strips, kaugnay na larawan, talahanayan, Graphic organizer, laptop,projector, LED TV
PANTURO
IV. PAMAMARAAN
A. Balik Aral Ang klase ay magsisimula sa isang mataimtim na dasal.
Bago simulan ng mga mag-aaral ang kanilang pagtatalakay, magbibigay muna ng mga panununtunan sa klase ang
guro. Magtatala ng liban sa klase.
Panununtunan sa Klase:
1. Umupo ng maayos at makinig nang mabuti.
2. Itataas ko ang aking kamay kung nais kong tumayo o magsalita.
3. Magsasalita nang may paggalang kung mabibigyan ng pagkakataong magbahagi ng opinyon sa klase.
4. Igagalang ko ang guro at mga kaklase sa lahat ng oras.
5. Magiging kawili-wili ang aking pakikinig sa aming pagtatalakay sa Araling Panlipunan kung ako ay makikibahagi sa
mga gawain sa aming klase.
6. Panalihin ang pagsunod sa Health Protocols gaya ng pagsuot ng Face Mask at Social Distancing
7. Mahalaga ang pagbibigay ng RESPETO sa opinyon ng mga kaklase at guro.
Indicator #5: Managed learner behavior constructively by applying positive and non-violent discipline to ensure learning-
focused environments. (PPST 2.6.2)
Pagbabalik-aral:
1. Ano ang mga bansang sangkot sa Unang Digmaang Pandaigdig? Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
2. Paano nakaapekto ang mga digmaang ito sa pamumuhay ng mga Asyano? Ibigay ang mga implikasyon ng dalawang
digmaan.
B. Paghahabi sa Sa puntong ito, babasahin ng mga mag-aaral ang mga layunin nang sabay-sabay:
Layunin ng Aralin: “Nasusuri ang kaugnayan ng iba’t ibang ideolohiya sa pag-usbong ng nasyonalismo at kilusang nasyonalista” - AP7TKA-IIIf-1.14

Activity 1:
Diagnostic Test:
Suriin ang mga nakahalong letra at alamin kung ano ang ipinapahayag sa bawat bilang sa ibaba.
MGA LETRANG AAYUSIN SALITANG NABUO
EDMOARKAYS 1.
OMSILAYSOS 2.

OKUMSINOM 3

MOPASIS 4.
1. _______________ kung saan nasa kamay ng tao ang kapangyarihan. Ang mga tao ay may pantay-pantay na karapatan
at pribilehiyo sa ideolohiyang ito. Demokrasya
2. _______________ ideolohiya tungkol sa katangian at kalagayan ng lipunan at pagpapahalaga sa pagkapantay-pantay,
pagtutulungan at pag-unlad. Sosyalismo
3. _______________ ito ay lipunang walang uri (classless society) Komunismo
4. _______________ inuri ang ideolohiyang ito sa pamamagitan ng mga pagsubok ng estado na ipataw ang pagpipigil sa
lahat ng aspeto ng buhay. Pasismo

C. Pag-uugnay ng mga Pagganyak:


Halimbawa sa Bagong
Aralin Suriin mo ang mga larawan at subukan mong sagutin ang mga tanong sa ibaba.
PASISMO
KOMUNISMO SOSYALISMO DEMOKRASYA

K_ r_ M_ _ x V_ _ d _ _ _ r S _ _ l _ n M_h___aG__n__ B_n___M_s___I_n_
Mga katanungan:
1. Sino-sino ang mga sumusunod na tao?
2. Sa palagay mo, ano kaya ang mga ideolohiya ng bawat larawan na ipinakita?
Indicator #3: Applied a range of teaching strategies to develop critical and creative thinking, as well as other higher-order
thinking skills. (PPST 1.5.2)
Pag-aalis ng Sagabal:
Ideolohiya – ito ay isang sistema o lipunan ng mga ideya o kaisipan na naglalayong magpaliwanag tungkol sa daigdig at
ang mga pagababago nito. Galing ito sa salitang ideya o kaisipan na tuwirang sinusunod ng mga tao.
Pan-Arabism – isang kilusang nasyonalista na naglalayong pag-isahin ang lahat ng mga Arabo sa mundo at lumikha ng
isang matibay at malayang estadong Arab.
Rebolusyong Industriyal - Ito ay mas mailalarawan sa mabilis na pag-unlad sa iba’t ibang industriya dahil sa mga
makabagong makinarya, paggamit ng steam engine, at bagong paraan ng paglikha ng mga kemikal at mga proseso sa
pagkuha sa bakal.
Child-Labor -Ito ay ang pagtatrabaho ng mga bata ng sapilitan o ng hindi pa legal dahil menor de edad pa sila at mabibigat
ang gawain.
Classless Society – walang pag-uuri-uri; nangangahulugan ito ng isang lipunan na walang mayaman at walang mahirap.
Bourgeoisie - Kapag sinabi natin na bourgeoisie , sila ang mga taong nasa gitnang antas ng lipunan. Pero, sila rin ay
mayroong kapangyarihan at maimpluwensiya pagdating sa ekonomiya.
Proletariat - ay isang salitang panturing sa uri ng mga tao na pinapasahod (lalo na ang mga manggagawang industriyal) sa
isang kapitalistanglipunan kung saan ang tangi nilang mahalagang pag-aari ay ang lakas o kakayanan nila sa paggawa.
Propaganda - ay kilala ang hanay ng mga paraan, mga pamamaraan at pamamaraan sa pamamagitan ng isang mensahe
ay ipinakilala, nagkalat o nagkalat sa layunin na akitin ang mga tagasunod o tagasunod para sa sanhi nito o
nakakaimpluwensya sa pag-uugali ng mga tao.
Indicator #2: Used a range of teaching strategies that enhance learner achievement in literacy and numeracy skills. (PPST 1.4.2)
D. Pagtalakay ng Ang mataas na uri ng pagpapahalaga at ang mga kasagutan sa mga suliranin at pangangailangan ng mamamayan ay
Bagong Konsepto at ipinahahayag ng mga ideolohiya. Naayon din ang mga ito sa kultura at kasaysayan ng bansa. Ito rin ang nagbibigkis sa mga
pagsasanay bilang # 1
mamamayan upang maging isang nagkakaisang lakas at tungo sa pagkakaroon ng nasyonalismong damdamin.
Indicator #1: Applied knowledge of content within and across curriculum teaching areas. (PPST 1.1.2)
ESP Competency: Natutukoy ang iba’t ibang antas ng pagpapahalaga at ang mga halimbawa ng mga ito. EsP7PB-IIIc-10.1
Sosyalismo
Ano-ano ang mga katangian ng sosyalismo?
Karl Marx at kasama ang kaniyang kapwa Alemang Pilosopo na si Friedrich Engels.
Nalinang ni Karl Marx at Friedrich Engels ang sosyalismo sa panahon ng Industrial Revolution. Ito ay yugto sa kasaysayan ng
mabilis na pag-unlad ng industriya ng produksyon. Nakita ni Karl Marx ang pagkakaroon ng Child Labor sa mga industriya.
Ito’y tugon sa hindi makatao, hindi pantay, at hindi makatuwirang relasyon ng mga bourgeoisie at proletariat.
Indicator #1: Applied knowledge of content within and across curriculum teaching areas. (PPST 1.1.2)
Nasusuri ang kaganapan at epekto ng Enlightenment pati ng Rebolusyong Siyentipiko at Industriyal.
AP8PMD-IIIg-6
- Ang socialism o sosyalismo ay isang panglipunang at pang-ekonomikong paniniwala na nagsasaad na ang nagmamay-ari
at may control sa mga ari-arian at likas na yaman ay ang taong-bayan imbes na iilang tao lamang.
- Ayon sa ideolohiyang ito, ang lahat ng indibidwal ay hindi nabubuhay at nagtratrabaho nang nakabukod kundi nang
sama-sama at tulong-tulong.
- Batay sa sosyalismo, ang lahat ng produkto ng tao ay produkto ng lipunan o social product. Kaya naman ang lahat ng
tumulong sa paglikha ng isang produkto ay may Karapatan na makihati rito. Dahil sa paniniwala na ang lahat ng
produkto ng lipunan, marapat lamang na itp ay ihati sa lahat ng kasapi ng lipunan. Upang masiguro ang pantay ng
paghahating ito, ang lipunan din dapat ang nagmamay-ari at kumokontrol ng produksyon.
- Lipunan ang dapat na nagmamay-ari o hindi kaya’y ang kumokontrol ng mga ari-arian, lupa, mekanismo ng produksiyon,
at ng iba’t-ibang industriya para sa ikakabuti ng lahat ng kasapi ng naturang lipunan.
- Hangarin ng ideolohiyang ito na makalikha ng halos perpektong lipunan sa pamamagitan ng pantay at patas na
distribusyon ng produksyon at paggawa sa bansa.
- Mahalagang salik sa pagkamit ng lipunang ito ang pagtutulungan ng mga mamamayan at ang mahusay na
pangangasiwa ng pamahalaan sa mahahalang industriya sa bansa.
- Dahil sa dakilang adhikain ng sosyalismo na magkaroon ng halos perpektong lipunan o utopian society, maraming tao
ang naniniwala sa at isinusulong ang idelohiyang ito.
Ang mga bansa na gumamit ng ganitong ideolohiya na nagbigay daan sa pag-usbong ng nasyonalismo:
- Ito ay nakaimpluwensiya sa Pan-Arabism.
- Syria, Iraq, United Arab Emirates, Jordan, Kuwait, Oman, Sudan
Komunismo
Karl Marx, pinayabong ito ni Vladimir Lenin ng Russia. (Russian Communist Party o Bolsheviks)
Ano-ano ang mga katangian ng komunismo?
- Ang komunismo ay isang pampolitikang at pang-ekonomiyang ideolohiya na itinuturing bilang na mas maunlad na anyo
ng sosyalismo.
- Ang komunismo ay naglalayon rin na palitan ang pribadong pagmamay-ari ng pampublikong pagmamay-ari. Isinusulong
nito ang ang pagkontrol ng gobyerno sa mga pangunahing mekanismo ng produksiyon, tulad ng minahan at pabrika at
mga likas na yaman.
- Ito ay nag-aasam ng isang makatarungang lipunan na walang pag-uuri-uri o class divisions.
- Bilang nakakaangat na anyo ng sosyalismo, ang komunismo ay naglalayon na buwagin ang pagtutunggalian ng iba’t-
ibang uri sa lipunan.
- Dahil sa wala nang mahirap o mayaman, ang lahat ay maaaring makuha ang kanilang mga pangangailangan sa buhay.
- Ang distribusyon ng mga produkto at ari-arian ay nakasalig sa prinsipyo sa prinsipyo na “From each according to his
ability, to each according to his needs.”
- Community pantry – kumuha lamang na ayon sa kailangan.
Ang mga bansa na gumamit ng ganitong ideolohiya na nagbigay daan sa pag-usbong ng nasyonalismo:
- Kumalat ang komunismo sa kanlurang Asya pagkatapos ng Bolshevik Revolution.
- Palestine, Iran, Turkey

Activity 2: Modified True or False. (Pair Activity)


Kasama ng iyong kapares, suriin ang bawat bilang na nagpapahayag ng mga katangian ng Komunismo at Sosyalismo na may
kaugnayan sa pag-usbong ng nasyonalismo sa Timog at Kanlurang Asya. Bilugan ang TAMA kung tama ang pahayag at kung
MALI naman ay bilugan ang Mali at palitan ang salitang may salunguhit upang maging tama ang pahayag.
Indicator #4: Managed classroom structure to engage learners, individually or in groups, in meaningful exploration, discovery
and hands-on activities within a range of physical learning environments. (PPST 2.3.2)

1. Hangarin ng ideolohiyang sosyalismo na makalikha ng halos hindi perpektong lipunan sa pamamagitan ng pantay at
patas na distribusyon ng produksyon at paggawa sa bansa.
TAMA
MALI ________________
2. Kumalat ang komunismo sa Kanlurang Asya pagkatapos ng Bolshevik Revolution.
TAMA
MALI ________________
3. Naimpluwensiyahan ng ideolohiyang Sosyalismo ang bansang Syria at Iraq.
TAMA
MALI ________________
4. Ayon sa ideolohiyang sosyalismo, layunin nito na magkaroon ng classless society o bubuwagin ang pagtunggalian ng
mga pag-uuri-uri sa lipunan.
TAMA
MALI ________________
5. Ang ideolohiyang komunismo ay lumaganap sa bansang Palestine at Turkey.
TAMA
MALI ________________
E. Pagtalakay ng Demokrasya
bagong konsepto at - Ang pamahalaan para sa mamamayan.
bagong karanasan at
- Ang demokrasya ay Sistema ng pamahalaan na kung saan ang kapangyarihan sa pamamahala ay nasa kamay ng mga
pagsasanay bilang # 2
mamamayan.
- Sa sistemang ito, ang mga tao ang pumipili ng gusto nilang mamuno sa pamahalaan. Karaniwang ginagawa ito sa
pamamagitan ng isang halalan.
- Ideolohiya at uri ng pamahalaan na nagpapatupad sa lahat ng pantay na Karapatan at Kalayaan anuman ang kanilang
kinabibilangang lahi, kasarian, o relihiyon.
- Ang mamamayan ay may Karapatan tulad ng bumoto tumakbo bilang kandidato at maluklok sa posisyon tuwing
halalan.
- A. DEMOKRASYA
Ang mga nahalal na pinuno ay magsisilbing mga kinatawan ng mga tao. Sila ay inaasahang magsisilbi at magtatanggol
sa interes ng nakararami. B. KOMUNISMO
Mga mahahalagang kaisipan at paniniwala sa ilalim ng Demokrasya:
C. SOSYALISMO
1. Ang mga tao ay may pantay-pantay na Karapatan at pribilehiyo.
D. PASISMO
2. Ang mga tao ay may Kalayaan political, pangkabuhayan, at panlipunan.
3. Ang batas ang nagtatakda ng kapangyarihan ng mga mahahalal na pinuno
4. Ang lahat ng mamamayan ay inaasahang kumilos alinsunod sa batas.
Ang mga bansa na gumamit ng ganitong ideolohiya na nagbigay daan sa pag-usbong ng nasyonalismo:
- Malaki ang naging impluwensiya ng demokrasya sa Timog Asya, particular na sa India na napasailalim sa imperyalismo
ng mga British sa loob ng halos dalawang siglo.
- India, Pakistan, Sri Lanka, Israel, Nepal

Pasismo
- Inuri ang ideolohiyang ito sa pamamagitan ng mga pagsubok ng estado na ipataw ang pagpipigil sa lahat ng aspeto ng
buhay.
- Isinusulong ang pagtatayo ng isang estadong pinamumunian lamang ng isang Partido (Diktador)
- Kontrolado ang lahat ng uri ng mass media at gumamit ng propaganda upang isulong ang interes ng Partido at
namumuno nito.
- Gumagamit ito ng iba’t-ibang uri ng represyon o pagsupil sa mga hindi sumasang-ayon sa pamamalakad nito.
- Ang hindi pagkakapantay sa lipunan ay nakabatay sa etnisidad, lahi at nasyonalidad. (HOLOCAUST)
- May elemento itong totalitaryanismo.
Ang mga bansa na naging ideolohiya ito na naging daan sa pag-usbong ng nasyonalismo:
- Italy sa pamumuno ni Benito Mussolini
- Germany sa pamumuno ni Adolf Hitler
- Iraq sa pamumuno ni Sadam Husein

Activity 3
Suriin ang mga sumusunod na pahayag kung ito ay nagpapakita ng katangian ng komunismo o demokrasya. Isulat ang
salitang INDIA kung nagpapakita ito ng demokrasya at GERMANY naman kung nagpapakita ito ng komunismo.
Indicator #4: Managed classroom structure to engage learners, individually or in groups, in meaningful exploration, discovery
and hands-on activities within a range of physical learning environments. (PPST 2.3.2)
1. May kalayaan sa pamamahayag, pananalita at mapayapang pagtitipon. INDIA
2. Isinusulong ang pagtatayo ng isang estadong pinamumunuan lamang ng isang Partido o Diktador. GERMANY
3. May nagaganap na hindi pagkakapantay sa lipunan ay nakabatay sa etnisidad, lahi, at nasyonalidad sa pamamagitan ng
pagkakaroon ng Holocaust. GERMANY
4. Ang mamamayan ay may Karapatan tulad ng bumoto tumakbo bilang kandidato at maluklok sa posisyon tuwing halalan.
INDIA
5. Kinikilala ang saloobin ng nakararami sa mga usaping panlipunan o pagpasa ng batas. INDIA
F.Paglinang sa Panuto: Suriin ang mga ideolohiya ginamit na may kaugnayan sa pag-usbong ng Nasyonalismo sa Timog at Kanlurang Asya. Pumili ng iyong
kabihasaan(Formativ sagot sa kahon at isulat lamang ang titik ng tamang sagot.
e Assessment) 1. Ang ideolohiyang ito ay naglalayon rin na palitan ang pribadong pagmamay-ari ng pampublikong pagmamay-ari.
2. Ayon sa ideolohiyang ito, ang lahat ng tumulong sa paglikha ng isang produkto ay may Karapatan na makihati rito.
3. Kontrolado ang lahat ng uri ng mass media at gumamit ng propaganda upang isulong ang interes ng Partido at namumuno nito.
4. May mga programang ipinatutupad para ipaunawa ang kahalagahan ng matalinong pagboto.
5. Ang pamahalaan na para sa mamamayan.

H. Paglalapat ng aralin “Ideolohiya ko, Ipaglaban ko!” (Group Activity – DEBATE)


sa pang-araw-araw na Panuto: Hahatiin sa apat (4) na grupo ang klase at ang bawat grupo ay
buhay magkakaroon ng isang ideolohiya na kanilang bibigyan ng katwiran (Ang
kanilang mabubunot na ideolohiya ay siyang magiging ideolohiya ng grupo).
Magbibigay ng dalawang katanungan ang guro sa bawat grupo at sasagutin
ito ng bawat grupo sa loob ng isang minuto. Mahalaga ang pagbibigay
ng RESPETO sa opinyon ng bawat grupo.
Indicator 6: Used differentiated, developmentally, appropriate learning
experiences to address learners’ gender, needs, strengths, interests, and
experiences.
Mga katanungan:
1. Ano ang pinakamakatarungang ideolohiya?
2. Magbigay ng isang katangian ng inyong ideolohiya na
makakatulong sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng ating bansa?
3. Bakit ang inyong ideolohiya ang pinaka-angkop na ideolohiya sa
bansang Pilipinas? Pangatwiranan.
Indicator #3: Applied a range of teaching strategies to develop critical and
creative thinking, as well as other higher-order thinking skills. (PPST 1.5.2)
I. Paglalahat ng aralin Ang mapang ito ay tungkol sa mga bansang nagpapakita ng kanilang
ideolohiyang itinataguyod. Suriin ang mga bansa sa mapa at ang kanilang
mga ideolohiya. Sagutin ang mga katanungan sa ibaba.
Indicator #3: Applied a range of teaching strategies to develop critical
and creative thinking, as well as other higher-order thinking skills. (PPST
1.5.2)
Mga Katanungan:
1. Ano ang sinisimbolo ng mga kulay sa mapa?
2. Saang mga bansa ang naniniwala sa demokrasya? Sosyalismo?
Komunismo?
3. Ilahad ang mga bansa sa kanlurang Asya ang nasa
pinakamababang estado ng demokrasya. Bakit kaya?
a. DEMOKRASYA
4. Bakit sinasabing ang demokrasya ay isang pamahalaan para sa mga mamamayan?
5. Paano kaya isinasabuhay ng mga tao ang b. kanilang
KOMUNISMOmga karapatan sa mga bansang may demokrasya?
6. Paano ipinapakita ng Germany ang ideolohiyang Pasismo?
c. SOSYALISMO
J. Pagtataya ng aralin Panuto: Suriin ang mga ideolohiya ginamit na may kaugnayan
d. PASISMO sa pag-usbong ng Nasyonalismo sa Timog at Kanlurang Asya.
Pumili ng iyong sagot sa kahon at isulat lamang ang titik ng tamang sagot

1. Ayon sa ideolohiyang ito, ang lahat ng indibidwal ay hindi nabubuhay at nagtratrabaho nang nakabukod kundi nang sama-
sama at tulong-tulong.
2. Layunin ng ideolohiyang ito na mawala ang pag-uuri-uri o classless society, nangangahulugang isang lipunan na walang
mahihirap at mayayaman.
3. Karaniwang
Kinuha pumipili ng lider ang mga mamamayan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng halalan.
sa: https://www.visualcapitalist.com/mapped-the-state-of-global-
4. Gumagamit ito ng iba’t-ibang uri ng represyon o pagsupil sa mga hindi sumasang-ayon sa pamamalakad nito.
democracy-2022/
5. Ang mga tao ay nagkakaroon ng mga karapatan at pribilehiyo.
J.Takdang -aralin: Picture Collage. Sa kasalukuyang panahon, magsaliksik ng limang personalidad na taga-Timog at Kanlurang Asya na naging
instrumento sa pagababago ng kanilang bansa. Suriin ang kanilang mga inilunsad na gawaing naging instrumento
sa pagbabago sa pamamagitan ng paghahanap ng mga larawan nila. Kinakailangang magpakita ito ng sumusunod.
Gawing batayan ang RUBRIKS sa ibaba.

V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
a. Bilang ng mag-aaral
na nakakuha ng 80%
sa pagtataya
Paano ito nakatulong?

b. Bilang ng mag-aaral
na nangangailangan
ng iba pang gawain
para sa remediation

c. Nakatulong ba ang
remedial?

d. Bilang ng mga mag-


aaral na magpapatuloy
sa remediation

e. Alin sa mga
estratehiyang
pagtuturo na
nakatulong ng lubos?
f. Anong suliranin ang
aking naranasan na
solusyon na tulong ng
aking punongguro at
superbisor?
g. Anong kagamitang
panturo ang aking
nadibuho na nais kong
ibahagi sa mga kapwa
guro?

Prepared by: Checked by: Approved by:

FELICIA ARIUN PEREGRINO,T-I LYNETTE G. DE LOS SANTOS, MT-I MONINA M. EBANO, P-II
Subject Teacher Subject Coordinator Principal II

You might also like