You are on page 1of 2

NEW ORMOC CITY NATIONAL HIGH SCHOOL

GURO: AGNESIA P. MILLANES FEBRUARY , 2020 L.P. #___


1:00-2:00 PURITY 2:00-3:00 DIVERSITY 3:00-4:00 WELLNESS
FEBRUARY , 2020
7:45-8:45 SUSTAINABILITY 10:00-11:00 TEMPERANCE
8:45-9:45 TRANQUILITY 11:00-12:00 VIGILANCE

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 8


I. LAYUNIN
A. PAMANTAYANG PANGNILALAMAN
Ang mga mag-aaral ay naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pakikipag-ugnayan
at sama-samang pagkilos sa kontemporanyong daigdig tungo sa pandaigdigang
kapayapaan, pagkakaisa, pagtutulungan at kaunlaran
B.PAMANTAYAN SA PAGGANAP
Ang mga mag-aaral ay aktibong nakikilahok sa mga Gawain, programa,proyekto sa antas ng
komunidad at bansa na nagsusulong ng rehiyonal at pandaigdigang kapayapaan,
pagkakaisa, pagtutulungan at kaunlaran.
C.MGA KASANAYAN SA PAGKATUTO
Nasusuri ang mga ideolohiyang political at ekonomiko sa hamon ng establisadong
institusyon ng lipunan

II. NILALAMAN
A. Aralin/Paksa: Aralin : Ideolohiya

B. Sanggunian
1.TG:
2.LM: pahina 497-499
3.CG: Pahina 183-AP8AKD-IVi-9

III. PAMAMARAAN
A.Panimulang Gawain
1. Balik-Aral
Ano ang layunin ng United Nations? Naktulong ba ito sa pagkamit ng
kapayapaan?
Ano-ano ang mga pangunahing sangay ng United Nations?
2.Pagsasanay
KILALANIN
Kilalanin ang mga larawan na ipapakita ng guro. Ano ang mga nasa larawan?

3.Pangganyak
Panuorin ang isang mallit na videoclip na naganap noong edsa people power

3. Paglalahad ng Layunin
Sa araling ito, susuriin natin ang mga ideolohiyang political at ekonomiko sa
hamon ng establisadong institusyon ng lipunan.

B. Panlinang ng Gawain
1.Gawain
Marahil ay may mga tanong na naglalaro sa inyong isipan tungkol sa iba’t ibang
paniniwala o prinsipyo ng mga bansa. Halina’t basahin ang teksto tungkol sa iba’t
ibang ideolohiya at humanda sa pangkatang Gawain.
TALAHANAYAN, PUNAN MO!
Subukan natin ngayon ang iyong kaalaman sa paksang binasa. Punan ng impormasyon
ang kasunod na data retrieval chart

Mga ideolohiya Katangian Bansang nagtaguyod

2.Pagsusuri
1. Ano ang iba’t ibang uri ng ideolohiya sa daigdig?
2. Anong mga bansa ang nagtaguyod ng mga ideolohiyang ito?
3. Paano nagkakaiba ang kanilang patakaran at katangian?
4. Paano nakaapekto ang ideolohiya ng bansa sa pag-unlad ng kabuhayan nito?

3. Paghahalaw
Ideolohiya
Destrutt de tracy – nagpakilalala ng salitang ideolohiya
Kategorya:
1. Ideolohiyang pangkabuhayan.
2.ideolohiyang pampolitika
3.ideolohiyang panlipunan.

Iba’t-ibang ideolohiya

C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat ng Aralin
Ano-ano ang iba’t-ibang ideolohiya?
2.Paglalapat ng Aralin
Sa mga ideolohiyang iyong nabasa, alin ang higit mong pinaniniwalaan? Bakit?
3. Pagpapahalaga
Ang ideolohiya ng bawat isa, nararapat na ito ay makatugon sa pangangailangan
ng mga mamamayan at maging daan sa pag-unlad ng bansa.

IV.PAGTATAYA
Panuto: Kumuha ng isang kapat na papel at ibigay ang tamang sagot.

1-3 ang ideolohiya ay isang sistema o kalipunan ng mga ideya na naglalayong maipaliwanag
tungkol sa daigdig, meron itong 3 kategorya, ano ang mga ito?
4. ito ay isang uri ng ideolohiya na tumutukoy sa sisitemang pangkabuhayan.
5. Sinasabi sa ideolohiyang ito na ang kapangyarihan ng pamahalaan ay nasa kamay ng tao.
Ano ito?
6. Isa itong uri ng pamahalaan na kung saan ang namumuno ay may lubos na kapangyrihan
7. Ang pamamalakad ng pamahalaan ay nasa kamay ng isang grupo ng tao, ito ay doktrinang
nakabatay sa patakarang pang-ekonomiya.

V. TAKDANG ARALIN
Magsaliksik tungkol sa Russia Federation

You might also like