You are on page 1of 4

Department of Education

Region VI- Western Visayas


Division of Iloilo City
R.G. HECHANOVA MEMORIAL NATIONAL HIGH SCHOOL

LESSON PLAN IN ARALING PALIPUNAN7

Pamantayang Pangnilalaman
Ang mga mag-aaral ay napapahalagahan ang pagtugon ng mga Asyano sa mga hamon
ng pagbabago, pag-unlad at pagpapatuloy ng Silangan at Timog Silangang Asya sa
Tradisyunal at Makabagong Panahon (ika-16 hanggang ika-20 siglo).

Pamantayang Pagganap
Ang mga mag-aaral ay nakapagsagawa nang kritikal na pagsusuri sa pagbabago, pag-
unlad at pagpapatuloy ng Asya sa Tradisyunal at Makabagong Panahon (ika-16 hanggang
ika-20 siglo).

Pamantayan sa Pagkatuto
Naiuugnay ang mga kasalukuyang pagbabagong pang-ekonomiya na naganap/
nagaganap sa kalagayan ng mga bansa sa Silangan at Timog-Silangang Asya. (AP7KIS-IV-
22)

I. Layunin
a. Natatalakay ang mga kalagayang pang-ekonomiya ng mga piling bansa sa
Silangan at Timog Silangang Asya
b. Nasusuri ang mga dahilan ng pag-unlad ng ekonomiya ng Asya.
c. Napapahalagahan ang mga pagpapahalagang Asyano sa pag-unlad ng
ekonomiya ng mga bansa sa Asya.
II. Nilalaman
A. Paksa:Pagbabagong Pang-ekonomiya Naganap/ Nagaganap sa mga Bansa sa
Silangan at Timog- Silangang Asya
B. Sanggunian: Modyul ng Mag-aaral sa AP 7, pp 274-275, TG, CG
C. Kagamitan: Powerpoint Presentation
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Ipakita l ang datos tungkol sa employment rate, GDP, per capita income,
literacy rate, teknolohiyang ginagamit , at larawan na nagpapakita ng
kalagayang ekonomikal ng mga bansang Japan, Singapore, Hongkong,
Plipinas, Thailand, Indonesia at Thailand.
a.Ipasuri ang mga datos at larawan.
b. Anong mga bansa ang may mataas na employment rate, GDP, per capita
income at literacy rate? Ano naman ang mga bansang nagtataglay ng
mababang mga datos?
c. Ano ang masasabi ninyo sa mga larawan patungkol sa kalagayan ng
pamumuhay ng mga piling bansa?
d. Anu- anong mga bansa ang maituturing na mayaman, katamtaman
lamang at mahirap?
d. Anu-ano ang batayan sa kaunlaran ng isang bansa?
e. Paano kaya makakamtan ng mga mahihirap na bansa ang kaunlaran?
B. Panlinang na Gawain
1. Talasalitaan:
(Economic tiger , institutionalization, privatization, monopoly, Developing
Countries, economy, resilient, authoritarianism, networking.)
Basahin ang mga pangungusap at piliin sa talaan ang tamang sagot.
a. Lubos ang kontrol sa isang bagay, karapatan o mga negosyo
b. May kakayahang bumangon sa kabila ng pagkalugmok.
c. Kabuhayan o kalagayan ng pamumuhay.
d. Pagiging mahigpit o paggamit ng mabigat na parusa sa mga kasalanan
e. Pagkakaisa at pagtutulugan sa negoyo
f. Pagpapahintulot sa mga pribadong sektor na hawakan ang mga
kompanyang pag-aari ng pamahalaan
g. Mga bansang nangunguna ang ekonomiya sa Asya.
h. Mga bansa nagsisimula o unti-unting bumabangon ang ekonomiya
i. Gawing batayan o batas ang mga katangian o pamamaraan sa
pamamalakad ng isang bansa.
2. Pagpapakilala ng Aralin: Pagbabagong Pang-ekonomiya Naganap/
Nagaganap sa mga Bansa sa Silangan at Timog- Silangang Asya bunsod
ng mga katangiang taglay na nagdala ng kaunlaran sa kanilang bansa
3. Pangkatin ang klase sa limang. Ipabunot ang limang mga seleksyon na
kanilang tatalakayin. Bibigyan ng limang minuto upang basahin ang
seleksyon na kanilang nabunot. Ibabahagi ng grupo ang paksa sa
pamamagitan ng iba’t ibang instructional techniques na kanilang
napagkasunduan ( dula-dulaan, role playing, round table discussion,
picture interpretation, o newscasting). Ilatag ang iba’t ibang rubrics upang
magsilbing pamantayan na bawat grupo sa paggawa ng kanilang output.
4. Pagbabahagi ng pangkat ng kanilang paksa sa iba’t ibang paraan.
Pagkatapos na maibahagi ng bawat pangkat ipoproseso ito ng guro.
Magkaroon ng talakayan.
C. Pangwakas ng Gawain
1. Pagpapahalaga
May kaugnayan ba ang mga katangiang Asyano sa pag-unlad ng mga
bansa sa Asya? Bakit? Bilang isang Asyano paano mo pahahalagahan ang
mga katangiang Asyano ?
2. Paglalahat
a. Anong kalagayang pang-ekonomiya ang kinabibilangan ng Japan,
China, Singapore at Hongkong? Ang kinabibilangan ng Pilipinas,
Thailand, at Indonesia?
b. Anu-ano ang mga katangian at pamamaraan na ginamit ng mga bansa
na nakatulong sa kanilang pag-unlad?
c. Anu-ano ang batayan upang masabi natin na maunlad o umunlad ang
kalagayang pang-ekonomiya ng isang bansa?
d. Paano nakamtan ng mga bansang napag-aralan ang kaunlarang pang-
ekomiya?
3. Paglalapat
Bilang isang Ilonggo at Asyano sa kabuuan, paano ka makatulong upang
maglevel up ang mamumuhay ng mga Ilonggo at makilala sa buong
mundo ang ating mahal na lungsod ng Iloilo .
IV. Suriin ang mga sumusunod na pangungusap. Isulat sa sagutang papel kung anong
pagpapahalaga ang pinapahiwatig nito.
1. Ito ay pagpapahalagang Pilipino na matibay at marunong bumangon sa kabila
ng mga matinding pagsubok na dumarating sa kanilang buhay.
2. Mga katangian ng mga Hapones na nakatulong sa kanilang pag-unlad.
3. Pagpapahalagang nagtataguyod ng pagkakaisa at pagtutulungan,
4. Pamamaraang ginamit ng bansang Singapore upang labanan ang korapsyon.
5. Bansa na may pinakamatatag na ekonomiya dahil sa maingat na pagpili ng
mga kompanya at industriya na mamuhunan sa kanilang bansa.
V. Takdang Aralin
Magsaliksik sa mga pagpapahalag at pamamaraang ginamit ng mga bansa sa
Kanlurang Asya upang makamtan ang kaunlaran.

Prepared by :

LOUELA G. SORONGON
Aral Pan Teacher
Department of Education
Region VI- Western Visayas
Division of Iloilo City
R.G. HECHANOVA MEMORIAL NATIONAL HIGH SCHOOL

You might also like