You are on page 1of 3

Department of Education

Division of Catbalogan City


Catbalogan City

MASUSING BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 10


(IKAAPAT NA MARKAHAN)

I. LAYUNIN
- Napapahalagahan ang pagtugon ng mga Asyano sa mga hamon ng pagbabago, pag-
unlad at pagpapatuloy ng Silangna at Timog-Silangang Asya sa Transisyonal at Makabagong
Panahon 16- 20 Siglo). AP 7-Iva-j-1

- Naiuugnay ang mga kasalukuyang pagbabagong pang-ekonomiya na


naganap/nagaganap sa kalagayan ng mga bansa sa Silangan at Timog- Silangang Asya. AP7KIS-IVh-
1.22

- Nakapagsasagawa ng kritikal na paghahambing at pananaliksik sa pagbabago, pag-unlad


sa larangan ng ekonomiya sa Lungsod ng Catbalogan.

II. NILALAMAN
A. Paksa: Kolonyalismo at Imperyalismo sa Silangan at Timog Silangang Asya (Mga dahilan,
paraan at epekto ng kolonyalismo at Imperyalismo sa Silangan at Timog Silangang Asya- PILIPINAS)
(KBI: Pagpapahalaga sa pinagmulan, pagkilala sa ginawa ng mga bayani)

III. KAGAMITAN SA PAGKATUTO


A. Batayan: Teachers Guide/ Learners Module
B. Sanggunian: p.360-370 (GG)
C. Kagamitan: Laptop, LCD projector, Speaker, Mapa/Globo

IV. PAMAMARAAN

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


Magandang Umaga sa inyong lahat! Magandang umaga po sir Francisco

A. Pagsasanay
Ipagawa ang Gawain 1: LARAWAN-SURI

1. Ano ang nais ipahiwatig ng larawan? Ito po ay tumutukoy sa pananakop ng


Mga kanluranin sa mga bansa sa Asya.
ANg larawan din po ay nagpapakita ng mga
hirap ng mga Pilipino/Asyano na kanilang
dinanas sa kamay ng mga kanluranin

Ito din po ay nagpapakita ng mga pagbaba


Go naganap sa pananakop ng mga kanlu-
ranin

B. Balik-aral

Itanong sa lahat:

1. Ano ang mga dahilan ng pananakop ng mga -Renaissance, Krusada, Merkantilismo,


Kanluranin sa Asya? Paglalakbay ni Marco Polo at Paglalak-
Bay gamit ang karagatan.
- kailangan ng mga Kanluranin ang
Mga hilaw na materyales pangtustos
Sa kanilang produkto

C. Paghahanda
Pagbabago sa Asya

Ekonomiya

Pulitika

Sosyo-kultural

Igrupo ang klase sa tatlo. Gamit ang teksto---------- alamin ang pagbabago sa bawat aspeto na
naging epekto ng pananakop ng mga kanluranin sa Pilipinas

Unang Grupo (Ekonomiya) -Nagkaroon ng negosyo sa Pilipinas


-mga bangko
- mga istruktura kagaya ng ospital
Kalsada, paaralan atbp.
- natuto ang mga Pilipino maghanap-
Buhay

Ikalawang Grupo (Pulitika) - natuto ang mga Pilipino kung paano


Pamahalaan ang sariling bansa
- sentralisadong pamahalaan

Ikatlong grupo (sosyo-kultural) - paghahalo ng lahi


- pagkakaroon ng relihiyon

D. PAGLALAPAT
1. Sang-ayon ba kayo sa ginawang pananakop -OO, dahil kahit papano ay nabigyan
ng mga kanluraning sa mga bansa sa Asya? Sapat tayo ng mga kaalaman sa pagpapala-
ba ang dahilan ng kanilang pananakop? Kad sa ating bansa
-Hinde, dahil maraming buhay ang
nawala.

E. KARAGDAGANG GAWAIN:

*balangkas ng pagkatuto
Pamprosesong tanong:

1. Paano nakaapekto ang pag-usbong ng nasyo- -dahil sa damdaming nasyonalismo


nalismo sa mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya ay nagkaroon po tayo ng sariling bansa
noon at sa kasalukuyan?

2. May mga nabasa ba kayong lathalain tungkol sa -Opo, kagaya nina Pedro Arteche, Gen.
Kabayanihan ng mga Catbaloganon? Vicente Lucban, Jose Avelino.

F. PAGTATAYA
Sagutin ang sumusunod na katanungan

_________1. Isang Italyanong manlalakbay at mangangalakal na nakarating sa China at gumawa ng


libro tungkol ditto
_________2. Ito ay pakikidigma ng mga katolikong hari para mabawi ang Jerusalem
_________3. Ang lugar na ito sa Gitnang Asya ang nagsisilbing palitan ng mga produkto sa pagitan
ng Europa at Asya
_________4. Isang ekonomiyang paniniwala na kung saan ay kung marami ang ginto ay mas
makapangyarihan ang isang bansa.
__________5. Siya ang may-akda ng White Man’s Burden

G. TAKDANG-ARALIN

Nakapagsasagawa ng kritikal na paghahambing at pananaliksik sa pagbabago, pag-unlad sa


larangan ng ekonomiya sa Lungsod ng Catbalogan.

Inihanda ni:

JEFFREYNALD A. FRANCISCO

You might also like