You are on page 1of 11

MASUSING BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 8

GURO: ROMELYN F. CABAHUG


BAITANG AT SEKSYON: 8- BERYLLIUM
ASIGNATURA: ARALING PANLIPUNAN
PETSA: November 16, 2022
ORAS: 11:00 – 12:00 PM

I. LAYUNIN
a. Pamantayang Pangnilalaman
Ang mga mag-aaral ay naipapamalas ang pag-unawa sa
kontribusyon ng mga pangyayari sa Klasiko at Transisyunal na
Panahon sa pagkabuo at pagkahubog ng pagkakakilanlan ng mga
bansa at rehiyon sa daigdig.
b. Pamantayan sa Pagganap
Ang mga mag-aaral ay nakububuo ng adbokasiya na nagsusulong
ng pangangalaga at pagpapahalaga sa mga natatanging kontribusyon
ng Klasiko at Transisyunal na Panahon na nagkaroon ng malaking
impluwensya sa pamumuhay ng tao sa kasalukuyan.
c. Pamantayan sa Pagkatuto
Naipapaliwanag ang mahahalagang pangyayari sa kabihasnang
klasiko ng Rome mula sa sinaunang Rome hanggang sa tugatog at
pagbagsak ng Imperyong Romano.
Sa araling ito inaasahang iyong;
 Naipaliliwanag ang kontribusyon ng kabihasnang klasikal ng
Rome;
 Naiisa-isa ang mga mahahalagang pangyayari sa
kabihasnang klasikal ng Rome;
 Nalalaman ang mga kontribusyon ng kabihasnang klasikal ng
Rome sap ag-unlad ng pandaigdigang kamalayan.
d. Pagpapahalaga
 Pagiging mapagpasalamat sa mga bagay na inaakalang
nakabubuti hindi lamang sa sariling buhay kundi sa kapwa, sa
bansa, at sa buong daigdig.
 Pagiging mabuting mamamayan sa pagharap sa anumang
hamon ng pakikiisa sa pagpapabuti ng bansa at ng buong
globalisadong mundo.
II. NILALAMAN
A. Paksa
 Aralin 5: Ang Kabihasnang Klasiko ng Rome ( Mula sa Sinauna
Hanggang sa Tugatog at Pagbagsak ng Imperyong Romano)
B. Sanggunian:
 Siglo. Kasaysayan ng Daigdig (Batayan at Sanayang Aklat sa
Araling Panlipunan 8)
C. Kagamitan sa Pagtuturo
 Pisara
 Laptop
 Visual aid
 Powerpoint presentation
D. Sratehiya sa Pagtuturo
 Discussion
 Discovery approach
E. Multiple intelligences
 Linguistic approach
 Interpersonal and intrapersonal
F. Proseso
 Pagsusuri at Paggawa

III. PAMAMARAAN
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL
A. Panimulang Gawain
Pagbati
- Magandang umaga klas!

Panalangin Magandang umaga po ma’am!


- Bago tayo magsimula, tumayo
muna ang lahat para sa isang
panalangin. (nagsitayo ang lahat para
manalangin)
Pagtala ng lumiban
- Mayroon bang lumiban sa klase?

- Mabuti! Wala po ma’am.


B. Balik-aral
- Bago tayo dumako sa aralin
natin ngayong umaga,
magkakaroon muna tayo ng
balik-aral. Ano ang tinalakay
natin noong nakaraang
pagkikita?

- Mahusay!

C. Pagganyak

- Sa puntong ito hatiin niyo ang klase


sa 4 na pangkat para sa inyong
gawain. Mayroon akong mga jumbled
letters na inyong bubuuin para
makabuo ng isang salita. Ito ay mga
salita na matatalakay natin sa araw JUMBLED SAGOT
na ito. Mayroon lamang kayong 3 LETTERS
minuto para sa gawaing ito. NIBANKHSAA KABIHASNAN
ORME ROME
GMADNAI DIGMAAN
UCIPN PUNIC
RTUIVMRAITE TRIUMVIRATE
AXP PAX ROMANA
- Napakahusay! Bigyan ninyo ng ANARMO
tatlong palakpak ang nanalo. PYEIRMO IMPERYO

D. PAGLALAHAD
- Ang tatalakayin natin ngayon ay
ukol sa Kabihasnang Klasiko ng
Rome (Mula sa Sinauna
Hanggang sa Tugatog at
Pagbagsak ng Imperyong
Romano)

- Ano nga ba ang ibig sabihin ng


Kabihasnan? Sino sa inyo ang
may ideya?
Ma’am ang kabihasnan po ay
isang yugto ng kaunlaran ng
isang lipunan, ditto nagkakaroon
- Magaling! Tama ang iyong sinabi. ng kasanayan na gumawa ang
mga tao ng bagay-bagay.
E. PAGTATALAKAY SA ARALIN
GAWAIN
- Sa puntong ito, sa parehas na
pangkat ninyo kanina, basahin
ang mga mahahalagang
pangyayari na naganap sa
kabihasnang Rome, itala ninyo
ang mga mahahalagang
pangyayari sa manila paper at
sagutang ang tatlong tanong.
Pumili ng kinatawan na
magpapaliwanag sa inyong
nabuong sagot. Bibigyang ko (Gagawa ng aktibidad)
lamang kayo ng limang minuto
para sa gawain na ito.

- Magaling!

PAGSUSURI
- Ano ang napansin ninyo sa inyong
mga sagot, may pagkakaiba ba? Ms.
Dagalea?

- Lahat ng inyong mga sagot ay tama,


iyon ang mga mahahalagang Wala po ma’am.
naganap sa kabihasnang Roma.

ABSTRAKSYON
- Bago tayo dumako sa mga naging
kontribusyon ng Roma, alamin
muna natin ang naging simula ng
kabihasnang Roma. Sino sa inyo
ang may ideya sa naging simula
ng Roma?

Ayon sa alamat, ang Roma ay itinatag ng


dalawang magkakapatid na kambal na sina
Romulus at Remus. Sinasabing iniwan at
ipinaagos sa Tiber River ang magkambal na
natuklasan at inalagaan naman ng isang
babaeng lobo. Sa kanilang paglaki napag
isipan nilang magtatag ng lungsod ngunit
naging simula ito ng hindi
pagkakaunawaan ng magkapatid na nag-
udyok kay Romulus na magalit hanggang
sa napatay niya si Remus. Matapos ito,
itinatag niya ang Rome na mula sa
kaniyang pangalang Romulus.
Naintindihan niyo ba ng pinagmulan ng
Roma?

Opo ma’am.

Ang nasa larawan na inyong nakikita ay


ang dalawang pangkat ng lipunang
Romano.

Plebian – na binubuo ng mga


pangkaraniwang mamamayan.
Patrician – na tanging inihalal ng mga
mamamayan upang manungkulan sa
pamahalaan.
Twelve Tables – ito ay kodigo ng Batas sa
pamahalaang Rome na isinulat ng 10
opisyal na patrician at iniukit sa 12 lapida.

Panitikan
Ang mga kilalang manunulat ng sinaunag
panitikan ng Roman at nag ambag ng iba‟
t ibang likha. Halimbawa ay si Livius
Andronicus na nagsalin ng “ Odyssey” sa
Latin. Si Marcus Palutis at Terence naman
ang unang manunulat ng comedy.
Samantalang Cicero ay isang manunulat at
orador na nagpahalaga sa batas.

Inhenyeriya
Ipinakita ng mga Romano ang kanilang
galing sa inhenyeria. Nagpatayo sila ng
mga daan at tulay upang pag-ugnayin ng
buong imperyo kabilang ang malalayong
lugar. Isang halimbawa ang Appian Way na
nag -uugnay sa Rome at timog Italy.
Gumawa din sila ng mga aqueduct upang
dalhin ang tubig sa lungsod.

Pananamit
Mayroong dawalang kasuotan ng lalaking
Romano. Ang kasuotang pambahay ay
tinatawag na tunic na hanggang tuhod ang
haba. Toga naman ang sinusuot sa ibabaw
ng tunic kung sila ay lalabas ng bahay. Ang
mga babae naman ay dalawa rin ang
kasuotan. Ang stola ay kasuotang
pambahay at palla naman ang isinusuot sa
ibabaw ng stola.

Arkitektura
Ang mga Roman ang tumuklas ng semento.
Marunong na rin silang gumamit ng
stucco, isang plater na pampahid at
pantakip sa labas ng pader. Umaangkat
sila ng marmol mula sa Greece. Gumamit
sila ng arch sa paggawa ng mga temple,
aqueduct para sa mga gusali. Mayroon na
din silang pampublikong paliguan at
pamilihan na nagsisilibing negosyo at
paguusap. Ito ay nasa forum, ng sentro ng
lungsod. Mga gusaling tanyag tulad ning
Coliseum na isang amphitheater para sa
mga labanan ng mga gladiator

- Ngayong alam niyo na ang


pinagmulan at ang republika ng
Rome, dumako naman tayo sa
mga naganap na digmaan sa
Rome.

Digmaang Punic

Ang Digmaang Punic ay sa pagitan ng


Roma at Carthage. Ang Carthage (Tunisia
sa kasalukuyan) ay teritoryong itinatag ng
mga Phoenician sa Hilagang Africa. Ang
alitang ito ay naganap dahil sa pagnanais
ng Roma na mapalawak ang teritoryo at
makontrol ang kalakalan sa
Mediterranean.

Unang Digmaang Punic

Dinaig ng Roma ang Carthage nang sila ay


bumuo ng malalakas na plota at sinanay
ang mga sundalo na naging bihasa na
tagapagpangasiwa nito. Sa pagkapanalo
ng Roma, sinakop nila ang Sicily, Sardinia,
at Corsica na lalong nagpapalawak sa
kanilang nasasakupan.

Ikalawang Digmaang Punic

Ang digmaang ito ay sinimulan ni Heneral


Hannibal ng Carthage na nagtangkang
sakupin ang Roma. Ngunit hindi ito
natuloy dahil sinalakay ni Scipio Africanus
ang hilagang Africa na dahilan ng
sapilitang pagbalik ni Hannibal sa kanyang
nasasakupan upang sagipin ito. Sa
kasamaang palad, natalo si Hannibal sa
digmaan na dahilan ng kanyang pagpayag
sa pagwasak ng kanilang plota at pagsuko
sa bansang Espanya na may kaakibat sa
pagbabayad ng taunang buwis sa bansang
Roma.

Ikatlong Digmaang Punic

Ang digmaang ito ay naganap nang


salakayin ng Carthage ang isang
kaalyansang lungsod ng Roma. Nauwi ito
sa pagkawasak ng mga lungsod ng
Carthage dahil sa mga pag-atake ng mga
sundalong Romano. Dahil sa pagkatalo sa
digmaan, ipinagbili ang lahat ng
mamamayan ng Carthage bilang alipin at
tuluyang sinakop ng Roma ang lahat ng
lungsod at mga nasasakupan nito sa
Hilagang Africa.

Sino si Julius Caesar?

Si Julius Caesar ay isa sa mga


pinakadakilang Heneral ng Roma na
nagawang mapalawak ang nasasakupan
ng Republika sa pamamagitan ng
matagumpay niyang pananakop.
Idineklara siyang diktador ng Roma mula
noong 46 BCE hanggang 44 BCE.

Sa ilalim ng kaniyang pamamahala,


nilunasan niya ang mga suliranin ng
Roma. Nagpagawa siya ng magagandang
kalsada, inayos ang iba’t ibang sangay ng
pamahalaan, binigyan ng karapatang
maging mamamayan ng Roma ang lahat ng
mga taong nakatira sa Italya, naglagay ng
mga kinatawan ng mga probinsiya sa
Senado, at sinikap na ituloy ang
repormang agraryo na sinimulan ng
sawimpalad na sina Tiberius at Gaius
Ang mga Dakilang Triumvirate ng Roma

Noong 60 BCE, binuo ni Julius Caesar,


Pompey at Marcus Licinius Crassus ang
unang Triumvirate. Ito ay unyon ng tatlong
makapangyarihang tao na nangasiwa ng
Republika ng Roma. Sa pagkamatay ni
Julius Caesar, naging tagapagmana niya
ang kanyang apo sa pamangkin na si
Octavian. Kasama sina Mark Anthony,
Marcus Lepidus, at Octavian sa pagbuo ng
ikalawang Triumvirate na naglalayong
maibalik ang kaayusan sa Roma.

Ang Pax Romana

Sa paghahari ni Augustus Caesar, ang


unang emperador ng Roma, nagsimula ang
Pax Romana o Kapayapaan sa Roma.
Umabot nang mahigit 200 taon ang Pax
Romana at ito ang natatanging panahon ng
pag-iral ng katahimikan, katatagan, at
kasaganaan.

Ang Pagbagsak ng Imperyong Romano

Nang si Augustus, ang dating Octavian,


ang namuno, inalis niya ang pagpataw ng
buwis sa mga probinsya ng imperyo. Ito ay
nagbunga sa sapilitang pagtaas ng buwis
ng mga tao sa mismong Italya. Ito ay para
tustusan ang mga luho ng mga opisyal.
Dahil dito, nalugi ang maliliit na mga
mangangalakal ng Italya at naghirap din
kahit ang may malalakas na negosyo.
Bumaba ang bilang ng mga tao dahil sa
mga sakit na dala ng mga sundalong galing
sa digmaan.

PAGLALAPAT
- Gaya ng Roma, ang Pilipinas ay
mayroon ding ambag sa
pagsulong ng pagbabago sa
iba’t ibang larangan. Bilang isang
Pilipino, paano mo maipapakita
ang pagpapanatili at pagpapalago Bilang isang Pilipino ma’am,
sa mga kontribusyong ito? dapat nating ingatan at
pahalagahan ang mga naging
kontribusyon ng ating mga
- Mahusay! May tanong pa ba ninuno sa pamamagitan ng
kayo? Naintindihan niyo ba? pagtangkilik at mas paunlarin pa
kung wala na ay kumuha ng ito.
kalahating papel.

IV. PAGTATAYA

Panuto: Basahin at unawaing


mabuti ang tanong sa bawat bilang
at isulat ang tamang sagot.

1. Ilang Digmaang Punic ang naganap


laban sa kapangyarihan ng Roma at
Carthage?
2. Ilang lider ang bumubuo sa
triumvirate ng Roma?
3. Sino-sino ang bumubuo sa First
Triumvirate ng Roma?
4. Ano ang tawag sa kodigo ng Batas sa Sagot
pamahalaang Rome na isinulat ng 10 1. 3
opisyal na patrician at iniukit sa 12 2. 3
lapida. 3. Julius Caesar, Marcus
5. Ito ay pangkat ng lipunang Romano Licinius Crassus, Pompey
na binubuo ng mga pangkaraniwang 4. Twelve Tables
mamamayan. 5. Plebian
TAKDANG ARALIN

- Panuto: Gumawa ng isang


hashtag (#) na naglalarawan
batay sa mga naging
kontribusyon at pamana ng
Roma na nakikita hanggang sa
kasalukuyan. Gawin ito sa
sagutang papel.

Diyan nagtatapos ang ating aralin, sana


marami kayong natutunan. Maraming
salamat sa inyong lahat!

You might also like