You are on page 1of 3

Pagsibol ng Nasyonalismo sa Iba't ibang Bahagi ng Daigdig

Pagpapahalaga sa Nasyonalismo sa iba't ibang bahagi ng daigdig Isang proseso


ang paglinang at pag-unlad ng nasyonalismo, hindi maaaring biglaan. Kailangan itong
madama, at paghirapan ng mga tao upang matutuhan nilang mahain ang kanilang
bansa. Sa ba, ito'y pagsasakripisyo pati ng buhay. Hangad ng mga tao na may
ipagmamalaki sila bilang isang bansa. Habang tumitindi ang kanilang paghahangad,
higit nilang nararamdaman ang pagiging makabayan.

Dumaraan ang lahat ng bansa sa iba't ibang paraan kung paano nadama ng tao ang
pagiging makabayan. Habang ipinaglalaban nila ang kanilang bansa,may mga
pangyayari na kung minsan ay nagpapasidhi ng kanilang damdamin na humahantong sa
digmaan.

Pag-unlad ng Nasyonalismo sa Soviet Union

Ika-13 na siglo, dumating ang mga Tartar o Mongol mula sa Asya at sinakop ang
mga mamamayan ng Russia nang mahigit 200 taon. Nag-iwan ng mga bakos. sa
pananalita, pananamit at kaugalian ng Ruso ang nasabing panahon ng pananakop,
Naging tagapagligtas ng Russia, tumalo, at nakapagpabagsak sa mga Tartar sa
labananng Oka silvan the Great. Sa "Himagsikang Ruso", pinasimulan ang October
Revolution ng mga Komunistang Soviet. Sa unang pagkakataon, nagkaisa ang mga
Ruso, nagapi ang mga czar at nagwakas ang aristokrasya sa bansa. Napalitan ito ng
diktadurva ng Partido Komunista. Noong Unang Digmaang Pandaigdig, sumanib ang
Russia sa Alyado. Noong 1923, naging Soviet Union ang pangalan ng bansa.

Nasyonalismo sa Latin Amerika

Pagkatapos makamit ng United States ang kanilang kalayaan sa Great Britain,


nag-alsa ang mga lalawigan sa Latin Amerika laban sa Spain. Nagkabuklod-buklod sila
sa pagkamuhi sa awtokrasyang Espanyol, katiwalian sa pamahalaan, walang kalayaan
magpahayag ng mga batas na naghihigpit sa pangangalakal.

Sa kabilang banda, nag-asa ang mga kolonya ng Espanyol sa iba't ibang panahon at sa
ilalim ng iba't ibang pinuno. Nais ng mga Bagong Republika na mabigyang halaga ang
kanilang mga naiambag. Gayundin, ang kanilang mga bayani. Sa Latin Amerika,
gumamit ang mga rebolusyonaryo ng dahas sa mga katiwalian ng monarkiva laban sa
Republika, Nagbigay din ito sa mga pagkakaiba ng mga bansang Latin Amerikan.
Maraming himoasikanang nagpasiklab ng kanilang pagkamuhi.

Pag-unlad ng Nasyonalismo sa Africa


Bago nagsimula ang 1914, talla lamang ang malalayang bansa sa Africa-
Ethiopia, Liberia, of Republic of South Africa. Sinasabing nagsimula ang una (Ethiopia)
sa pamamahala ni Haring Solomon at ng Reyna ng Sheba, Itinatag ang ikalawa (Liberia)
noong 1810 sa tulong ng Amerika at ipinangalan kay Pangulong James Monroe ng
United States ang kabisero ng Monrovia. Naging kasapi ng British Commonwealth of
Nations ang ikatlo (Republic of South Africa) noong 1910.

Nasyonalismo sa Europe at Asya

Ang kasaysayan ng daigdig sa ika-19 na siglo ay kinakitaan ng pag-unlad at


paglaganap ng nasyonalismo. Ayon sa nasyonalistang si Claro M. Recto, walang
masama sa pagtataguyod ng kapakanan ng sariling bansa, ang masama ay ang
pakikialam sa direksiyong tutunguhin ng iba pang mga bansa. Ang pakikialam at
panghihimasok sa ibang bansa ay tinatawag na imperyalismo

Congress of Vienna

Ito ay naganap noong 1814 upang pagtibayin ang Treaty of Paris na nagwakas sa mga
digmaang inilunsad ni Napoleon at upang buuing muli ang istrukturang pulitikal ng
Europa.

Ang naging resulta ng nasabing kongreso ay ang restorasyon ng dinastiya sa kanilang


trono at ang paghahati-hati ng mga nanalong bansa sa tinatawag na Spoils of war o
mga nakamit na tagumpay, pribilehiyo o materyal bagay mula sa digmaan.

Germany

Ang Germany ay binubuo ng magkakahiwalay na estado na nasa ilalim ng pamumuno


ng Austria. Nabuo ang Burschenschaften, isang radikal na kilusan na ang layunin ay
magkaroon ng pagkakaisa at nasyonalismong German. Hangad nito na magkaroon ng
mas malawak na partisipasyon sa pamahalaan.

Italy

Hati at nasa ilalim ng mga dayuhang pamumuno ang mga estado ng Italy. Ang hangarin
tungo sa pagkakaisa ang nagtulak sa mga rebolusyonaryong Italian na magtatag ng
mga kilusan. Ang hangaring ito ang dahilan ng pagkabuo ng Risorgimento o ang kilusan
upang makamtan ang pagkakaisa at kalayaan.

Greece

Noong 1821, nag-alsa ang Greece laban sa Ottoman Turk. Ang naging resulta nito ay
ang Treaty of Andrianople kung saan ibinigay sa Greece ang kalayaan sa tulong ng
tatlong puwersang Kanluraning

Pilipinas

Ang Pilipinas ay sinakop ng mga Espanyol simula 1565. Sa loob ng halos 333
taon, nakaranas ang mga Pilipino ng pagmamalupit at pang aabuso sa kamay ng mga
Espanyol sa pamamagitan ng mga patakarang hindi makatwiran gaya ng polo y servicio
(sapilitang paggawa), tributo (buwis) at bandala (sapilitang pagbebenta ng produkto sa
murang halaga). Ang mga pang-aabuso ay dulot din ng malawakang diskriminasyon
laban sa mga Pilipino na ipinatupad ng mga Espanyol.

Samantala, ang ikalawang pakikibaka ay sumiklab noong 1896 nang ilunsad ang KKK
(himagsikang samahan) na pinangunahan ni Andres Bonifacio (Supremo ng Katipunan).
Layunin ng kilusang ito na patalsikin ang mga Espanyol sa Pilipinas at makamit ang
ganap na kasarinlan. Humantong ito sa kasarinlan ng Pilipinas noong 1898 (ika-12 ng
Hunyo) sa Kawit, Cavite at pinasinaya ang Unang Republika ng Pilipinas sa pamumuno
ni Emilio Aguinaldo bilang unang pangulo ng Pilipinas.

Pamprosesong mga Tanong

1. Paano nakaapekto ang Rebolusyong Intelektuwal sa pagsibol ng damdaming


nasyonalismo?

2. Naging madali ba ang pag-usbong ng damdaming nasyonalismo sa Africa?


Patunayan ang iyong sagot.

3. Batay sa karanasan ng mga bansa sa iba-ibang bahagi ng daigdig, kailan


nadarama ang nasyonalismo?

You might also like