You are on page 1of 6

Kagawaran ng Edukasyon

Pambansang Punong Rehiyon


Sangay ng mga Paaralang Panlungsod ng Parañaque

ARALING PANLIPUNAN 7
Ikaapat na Markahan
Ikatlong Linggo

NASYONALISMO SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA

Mga Kasanayang Pampagkatuto


• Nasusuri ang mga salik, pangyayari at kahalagahan ng nasyonalismo sa pagbuo
ng mga bansa sa Silangan at Timog-Silangang Asya.

Layunin
Matapos ang araling ito, ikaw ay inaasahan na:
1. natatalakay ang mga salik at pangyayaring nagbigay-daan sa pag-usbong at
pag-unlad ng nasyonalismo sa Silangan at Timog-Silangang Asya;
2. nasusuri ang iba’t ibang manipestasyon ng nasyonalismo sa Silangan
at Timog-Silangang Asya;
3. nabibigyang halaga ang papel ng nasyonalismo sa pagbuo ng mga bansa
sa Silangan at Timog-Silangang Asya.

Balikan Natin
Mabuti o Di-Mabuti
Panuto: Ang kolonyalismo at imperyalismo sa Asya ay nagpakita ng pagkontrol sa
politika, ekonomiya, at lipunan. Isulat sa patlang ang M kung mabuti at
DM kung di-mabuti ang naidulot nito.

__ 1. Marami nang nabibiling produkto


__ 2. Pag-angat sa kalagayan ng mga kababaihan
__ 3. Unti-unting lumayo sa nakaugaliang tradisyon

Unawain Natin
NASYONALISMO SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA

Ano kaya ang maaaring maging epekto ng patuloy na pagdanas ng pang- aabuso at
pagmamalupit sa mga Asyano? Paano kaya tutugunan ng mga Asyano ang mga patakarang
ipinatupad ng mga Kanluranin na nagsagawa ng Kolonyalismo at Imperyalismo noong ika-16
hanggang ika-20 siglo? Bashin ito sa ating aralin sa ibaba.

PAG-UNLAD NG NASYONALISMO SA SILANGANG ASYA

Nasyonalismo sa China

May mga pangkat ng mga Tsino na naghahangad na ng pagpapalit ng pamamalakad ng


mga dinastiya tungo sa isang Republika. Ang paghahati at pagbubukas ng mga daungan sa Tsina
ay naging daan din sa pagpasok ng mga ideyang liberal. Mga sikretong kilusan ang itinatag upang
bigyan ng solusyon ang problemang politikal ng Dinastiyang Manchu.

1
Nabuo muna ang Kilusang Boxers na patuloy na naniniwala na ang China ay di kailangang
yumakap sa mga ideyang makabago at liberal. Nagtagumpay sila na palayasin ang mga dayuhan
sa Tsina at ang mga Kristiyanong Tsino.

Matapos ang pagtatagumpay ng kilusang ito laban sa mga dayuhan ay minabuti ng mga
bansang Europeo na sama-samang labanan ang pwersa ng pinunong Tsino at kanilang
pinagtagumpayan ito. Ang paghina ng kapangyarihan ng Emperador Tsino ay naging daan sa
pagsilang naman ng Republika ng Tsina sa pangunguna ni Dr. Sun Yat-sen sa ilalim ng Partido
Kuomintang. Tatlong prinsipyo ang kanyang isinulong: Nasyonalismo, demokrasya at pagbabago
sa pangkabuhayan ng mga tao. Ang nasyonalismo ay nangangahulugan ng pag-usbong ng
pambansang pagkakaisa at tuluyang pagpapaalis sa mga dayuhang kapangyarihan sa China. Ang
demokrasya ay nagbibigay-diin sa pagbubuo ng isang pamahalaang konstitusyonal na
pinagsama ang Kanluranin at tradisyunal na Tsino upang palitan ang absolutong monarkiya. Ang
pagtatatag ng Republika ng Tsina ay nagwakas lamang sa dinastiyang pamumuno ngunit di ang
pananatili ng mga dayuhang mananakop. Ang pagyakap sa kaisipang Komunismo na
pinamunuan ni Mao Zedong ay naging mabisang instrumento upang tuluyang patalsikin ang mga
dayuhan at maitatag ang People's Republic of China.

Nasyonalismo sa Japan

Ang Panahon ng Tokugawa sa pamumuno ni Shogun leyashu ng bansang Japan ay


nagbigay-daan sa pagpapatupad ng patakarang isolasyon nito sa mga bansang Kanluranin. Ang
mga Shogun ng Tokugawa ay naghigpit sa pagpasok ng iba't ibang kaisipan at pananampalataya
sa Japan. Sa pamamagitan ng Amerikano na si Commodore Matthew Perry ay nagkaroon ng
kasunduan ang Estados Unidos at Japan noong Marso 31,1854 upang pasimulan ang kanilang
kalakalan. Ngunit ang mga sumunod pang kasunduan na pinasukan ng mga Shogun na Hapon ay
nagbukas lamang ng mas malaking pribelehiyong pang-kalakalan sa mga Kanluranin at
pagpapakilala ng paghina ng pamumuno ng mga Shogun.

Isang pangkat ng mga kabataang Samurai mula sa Satsuma, Choshu ang nagbigay diin sa
paghahangad ng pagbabalik ng Emperador na Hapon at motibasyon sa pag-atake sa mga militar
at mga dayuhang barko. Upang wakasan ang paglaganap ng kaguluhan sa Japan ay naitalaga si
Emperador Meiji o si dating Prinsipe Mutsuhito bilang puno ng pamahalaan. Pinasimulan niya
ang modernisasyon ng bansang Japan sa pamamagitan ng modipikasyon ng mga sistemang
Kanluranin sa aspetong pangkabuhayan, politikal at sosyo-kultural ng bansa. Ito ang naging
pasimula ng ekspansiyon ng Japan sa kanyang teritoryo at pagpasok sa iba't ibang digmaan gaya
ng Sino-Japanese War at Russo- Japanese War. Ang pagpapalakas ng kanyang hukbong -
militar ay naging daan sa pagbubuo ng agresibong nasyonalismo sa kanyang bansa.

Sa Panahong Showa, sa pamumuno ni Emperador Hirohito ay ipinagpatuloy ang mabilis


na modernisasyon ng Japan, nanakop ito ng ilang mga bansa sa Asya at nakasangkot din sa mga
pangdaigdigang digmaan. Ngunit daan ito sa pagbubuo ng marubdob na pagmamahal ng mga
Hapon sa kanilang bansa gaya ng ipinakitang kabayanihan ng mga piloto sa mga eroplanong
Kamikaze noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

2
PAG-UNLAD NG NASYONALISMO SA TIMOG-SILANGANG ASYA

Nasyonalismo sa Pilipinas

Kaalinsabay ng pagpasok ng mga kaisipang liberal sa Pilipinas ay ang pagsisimula ng


pag-usbong ng dalawang nasyonalismo. Unti-unting nagising ang kaisipan ng mga Pilipino ukol
sa diskriminasyong pinairal sa bansa ng mga mananakop na nagbunga sa mga di makatarungan
at makataong mga patakarang pinatupad. Pinasimulan at nabuo ang Kilusang Propaganda ng
mga ilustrado at edukadong mga Pilipino na ang naging layunin ay ang paghiling sa
pagkakapantay-pantay ng mga Pilipino sa mga Kastila; maging lalawigan ang Pilipinas ng
bansang Espanya; at ang pagbabago sa pamamaraan ng pamamahala ng mga Kaslita.
Pangunahin nilang ginamit ang papel at pluma, mga talumpati, at pamamahayag upang
maiparating sa Espanya ang tunay na sitwasyon sa Pilipinas at humiling ng mga reporma. Naging
kilala at tanyag sa kanilang mga sulatin at pamamahayag sina Jose Rizal, Marcelo H. Del Pilar,
at Graciano Lopez Jaena. Ipinahayag nila sa kanilang mga sulatin ang kabulukan at kanser ng
pamahalaang kolonyal at ang malabis na pang-aabuso ng mga prayle sa mga Pilipino. Isinulong
din ng mga Pilipinong pari sa pangunguna ng tatlong paring martir ang Pilipinisasyon o
Sekularisasyon ng mga parokya. Ang sinasapantaha nilang paghawak ng mga parokya ay di
tuluyang naisakatuparan sa dahilang tumutol ang Simbahang Katoliko na ang maaaring paghawak
ng mga Pilipino sa mga parokya ay maaaring magpasimula ng kanilang pagbubuklod at
pagkukuwestiyon sa kapangyarihan ng Simbahan. Ang mapangahas na mga nobelang Noli Me
Tangere at El Filibusterismo na isinulat ni Jose Rizal ay naging mabisang instrumento upang
pukawin ang damdaming makabansa ng mga Pilipino.

Ang kanilang kahilingan na reporma para sa Pilipinas ay naisantabi lamang. Kaya ang
tunay na kahulugan ng kalayaan ay isinakatuparan ng Katipunan. Ang Katipunan noong una ay
nagsilbing sikretong organisasyon laban sa pamumuno ng mga Kastila. Sa pamumuno ng
Supremo na si Andres Bonifacio ay minithi ng mga Katipunero ang tuluyang separasyon at
paglaya sa pamahalaang kolonyal. Gumamit sila ng pakikihamok at himagsikan upang makamtan
ang minimithing kalayaan. Ang Rebolusyong 1896 ay lumaganap sa buong kapuluan at
nagsilbing repleksiyon sa mga Kastila sa nais na paglaya ng mga Pilipino. Taong 1898 ay lumaya
ang mga Pilipino sa mga Kastila at naging daan sa pagbubuo ng nasyon-estado.

Ang Nasyonalismo sa Vietnam

Naging kabilang sa teritoryong French Indo-China ang mga kasalukuyang bansa ng


Cambodia, Laos, at Vietnam. Sa Vietnam o sa kahariang Annam umusbong ang marubdob na
paghahangad ng kalayaan laban sa mga dayuhang French. Nagsilbing inspirasyon sa mga
Vietnamese ang Rebelyong Boxer sa Tsina na ang naging pangunahing layunin ay ang paalisin
ang mga dayuhan at hadlangan ang pagpasok ng Kristiyanismo. Nagnais silang lumaya sa
pamamahala ng mga French na sa mahabang panahon ay pinakinabangan ang kanilang natural
na kapaligiran. Ang pagtatatag ng Partido Kuomintang sa Tsina at pagbabago ng sistema ng
pamumuhay nila tungo sa Komunismo ay nagbigay muli ng lakas ng loob sa mga Vietnamese
upang tahakin ang landas sa paglaban sa mga dayuhang mananakop. Ang pagtatatag ng Partido
ng mga Nasyonalistang Annamite noong 1927 ay naging pasimula sa kanilang paghahangad ng
kalayaan. Isa sa naging kilala at rebolusyonaryong lider ng kilusan ay si Nguyen-Ai-Quoc o Ho
Chi Minh.

Si Ho Chih Minh ay isang nasyonalistang pinuno ng Vietnam na sinalamin ang kalayaan


sa pamamagitan ng pagtanggap sa pamamaraang Komunismo. Nilayon nito ang pagbabawas
ng pagbubuwisan, redistribusyon ng mga lupa, at pag-alis ng pwersahang pakikilahok sa lakas-

3
militar ng mga Vietnamese sa pwersa ng France. Pinalakas ni Ho Chih Minh ang kilusan dahil nais
nitong muling kunin ang Hanoi at Saigon sa mga dayuhang mananakop at isunod ang deklarasyon
ukol sa Repubilka ng Vietnam. Naging isang malaking pagkabigla sa panig ng pwersang Pranses
ang ipinakitang pakikihamok ng mga Vietnamese sa ilalim ng pamumuno ni Ho Chih Minh. Dahil
dito ay dagliang nagpatawag ng isang pagpupulong ang France sa Potsdam, Germany kasama
ang kanyang mga kaalyansang bansa. Ang ginawang ito France ay di nagdulot ng mabuti para sa
paningin ng mga Vietnamese. Bumangon ang digmaang sibil sa Timog at Hilagang Vietnam.
Noong 1954 sa Geneva, Switzerland ay pinagtibay ang paghahati ng Vietnam sa ilalim ng sukat
ng 38 parallel. Ang Hilagang Vietnam ay di tinanggap ang sistemang Komunista ngunit ang Timog
Vietnam naman ang tumanggap sa sistemang Komunismo.

Iba-iba man ang pamamaraang ginamit ng mga bayani at punong tagapagpasunod ay


masasalamin natin ang marubdob na paghahangad ng kalayaan.

Ilapat Natin
Positibo o Negatibo
Panuto: Isulat sa patlang ang positibong (+) tanda kung nakatutulong upang
maipakita ang nasyonalismo at negatibong (-) tanda kung nakababawas ito.

__ 1. Pagtutol sa pananakop ng mga dayuhan


__ 2. Pagbuo ng mga kilusan para sa kapakanan ng bayan
__ 3. Pagkakaroon ng malaking agwat ng mga tao sa lipunan

Suriin Natin
Analohiya
Panuto: Suriin ang kaugnayan ng naunang dalawang salita upang matukoy ang
hinahanap na datos sa bawat patlang. Hanapin sa kahon ang iyong kasagutan at
isulat ito sa patlang.

Andres Bonifacio Graciano Lopez Jaena Ho Chi Minh


Mao Zedong Emperor Mutsohito Omar Said Tjokroaminoto

1. Demokrasya : Dr. Sun Yat-sen Komunismo : _____________


2. Isolation ng Japan : Shogun leyashu Modernisasyon ng Japan : _____________
3. People's Republic of China : Mao Zedong Republic of Vietnam : _____________

Tayain Natin
Pagpili
Panuto: Basahin at unawain ang mga pangungusap. Isulat sa patlang ang letra ng tamang
sagot.

__1. Sino ang naging pinuno ng Katipunan na minithi ang tuluyang separasyon at paglaya ng
Pilipinas sa pamahalaang kolonyal ng Espanyol?

A. Andres Bonifacio C. Graciano Lopez Jaena


B. Marcelo H. Del Pilar D. Jose Rizal

4
__2. Alin sa sumusunod na bansa ang naging kabilang sa teritoryong French Indo-China?

A. Cambodia, Laos, at Vietnam C. Laos, Thailand, at Vietnam


B. Indonesia, Malaysia, at Philippines D. Malaysia, Philippines, at Thailand

Para sa bilang 3-5:


Basahin at unawain ang mga pahayag. Isulat sa patlangl ang letra ng sagot.
A – kung ang dalawang pahayag ay tama
B – kung ang dalawang pahayag ay mali
C – kung ang unang pahayag ay tama at ang ikalawa ay mali
D – kung ang unang pahayag ay mali at ang ikalawa ay tama

__ 3. I. Makapareho ang pamamaraang ginamit nina Jose Rizal at Andres Bonifacio sa


pagpapamalas ng nasyonalismo

II. Sina Sun Yat-sen at Mao Zedong ay mga kilalang pinuno ng mga nasyonalistikong
samahan sa Japan

__ 4. I. Naging tanyag sa Vietnam ang samahang nasyonalistiko tulad ng Dobama Asiayone o


We Burmese Association

II. Ang pagbubuo ng mga Partido na may magkakatunggaling ideolohiya ay isa sa paraang
ginamit ng mga Tsino upang ipahayag ang nasyonalismo

__ 5. I. Si Ho Chi Minh ang namuno sa pagsulong ng nasyonalismo sa Vietnam

II. Isinulat ni Jose Rizal ang mga nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo upang
ipakita ang kalagayan ng Pilipinas sa ilalim ng Pamahalalang Espanyol

Likhain Natin
ANG AKING PANATA

Layunin Makasulat ng isang panata kung paano maipakikita


(Goal) ang pagpapahalaga sa nasyonalismo para
maisulong ang kaunlaran at maprotektahan ang
kalayaan ng Pilipinas.
Gampanin Isang tagapagtaguyod ng nasyonalismo sa bansa
(Role) na nais ipahayag ang pagmamahal sa bayan
Mga manunuod kamag-aral, guro at iba pang mamamayan ng
(Audience) Pilipinas
Sitwasyon Sa pamamagitan ng pagsulat isang panata,
(Situation) ipahayag kung paano mo maipakikita ang
pagpapahalaga sa nasyonalismo upang mahikayat
ang mga mag-aaral at mamamayan ng bansa para
maisulong ang kaunlaran at maprotektahan ang
kalayaan ng Pilipinas.
Produkto Isang personal at makabuluhang panata.
(Product)
Pamantayan Pagsunod sa mga hakbang sa pagsulat ng panata
(Standards) at paggamit ng rubriks sa pagmamarka.

5
Mga hakbang sa pagsulat ng iyong panata:

• Ihanda ng mga kakailanganing kagamitan tulad ng short bond paper at ballpen o colored
pens.

• Mula sa iyong nabasa tugkol sa aralin, mag-isip ng sarili mong paraan kung paano
maipakikita ang nasyonalismo para maisulong ang kaunlaran at maprotektahan ang
kalayaan ng Pilipinas.

• Gayahin ang pormat ng panata sa ibaba:

Ang Aking Panata

Ako si ______________________________ mula sa ___________


(Pangalan) (Baitang at Seksyon)

ay nangangako na __________________________________ .
(isulat sa patlang ang iyong panata sa pagpapakita ng nasyonalismo)

Patnubayan nawa ako ng ating Diyos.

________________________
Pirma sa ibabaw ng Pangalan

• Kuhanan ito ng larawan at ipasa sa inyong FB messenger ng guro para ito ay


mamarkahan. Pagkatapos itong mamarkahan ay i-popost ito sa FB messenger group ng
klase sa hudyat ng iyong guro.

RUBRIC SA PAGMAMARKA NG PAGSULAT NG PANATA


Puntos Pamantayan
Nailagay ang lahat ng kinakailangang detalye sa panata; malinaw
5 at kumpleto na nailahad ng sariling panata sa pagpapakita ng
nasyonalismo.
Nailagay lamang ang dalawang (2) sa mga kinakailangang
4-3 detalye sa panata; di-gaanong malinaw na nailahad ang sariling
panata sa pagpapakita ng nasyonalismo.
Nailagay lamang ang isa (1) sa mga kinakailangang detalye;
2-1 walang nailahad na sariling panata sa pagpapakita ng
nasyonalismo.

0 Walang ginawang panata o output.

You might also like