You are on page 1of 55

Nasyonalismo at

Pagbuo ng mga Bansa


sa East at Southeast
Asia
➢Ang pananakop ng Europe sa East at Southeast Asia ay para sa politikal,
ekonomiko, at kultural na dahilan.
➢Nilayon ng mga Kanluranin na palawakin ang kanilang mga teritoryo,
makapagluwas ng produkto sa ibang bansa, makahanap ng pagkukunan
ng mga hilaw na materyales, mapalaganap ang pananampalatayang
Kristiyanismo, at makatuklas ng bagong rutang pangkalakalan ay ilan
lamang na dahilan para sa matinding pananakop sa Asia.
➢Ang pananakop ng mga Kanluraning bansa sa Asia ay natapos sa pag-
usbong ng nasyonalismo sa iba't ibang bansa sa East at Southeast Asia
bunsod ng maraming salik tulad ng pagpasok ng mga kaisapang liberal
at demokratiko mula sa Europe, hindi magandang pamamalakad ng mga
mananakop, at kawalan ng mga repormang hiniling ng mga samahang
nasyonalista.
Ang Nasyonalismong Tsino
❖Mula sa pananakop ng mga dayuhang Europeo at Hapones ay nagbigay-
daan sa pag-usbong ng nasyonalismo sa China.
❖Ang pakatalo ng mga Tsino sa Rebelyong Boxer ay malaking dahilan sa
paghina ng kanilang puwersang militar at ekonomlya.
❖Ang mga pagkasira ng kalayaan ng mga Tsino mula sa kamay ng dayuhan ay
nagsilbing dahilan para magkaroon ng kaisapang makabayan o nasyonalismo
upang ipaglaban at mapaunlad ang kanilang bansa.
❖Ang May 4th Movement (1919) ay samahan ng mga mag-aaral at ang May
30th Movement naman ay samahan ng mga manggagawa para sa
pagtataguyod ng nasyonalismo.
❖Ang pagsakop at paglipat ng Qingdao sa pamamahala ng Japan ay ikinagalit
ng mga Tsino.
❖Si Sun Yat Sen, isang rebolusyonaryo, ay nagsulong ng nasyonalismo bilang
paraan ng pagtatanggol at pagtatatag ng isang makabagong estado ng
China.
❖Ang pananakop ng mga Hapones noong 1931-1945 ay lalong nagpasidhi ng
damdaming makabayan.
❖Si Sun Yat Sen ay ipinanganak noong 1866 sa Guangdong na nasa timog na
bahagi ng China.
❖Nakapag-aral siya sa Hawaii at sa Hong Kong siya nagtapos ng medisina.
❖Inilaan niya ang kaniyang buhay para sa rebolusyon.
❖Naniwala siyang ang dinatisyang Manchu ay walang kakayahan para paunlarin
ang China kung kaya at siya ay naglakbay sa Europe at sa America para
maisulong ang Save China League.“
❖Bumalik siya sa China para pangunahan ang rebolusyon laban sa Dinastiyang Dr. Sun Yat Sen
Manchu.
❖Hindi ito nagtagumpay kung kaya at bumalik siya sa London para sa kaniyang
kaligtasan.
❖Subalit siya ay ibinalik sa China para patawan ng parusa pero nakalaya siya sa
tulong ng isang kaibigang British.
Three Principles of the People
❖Ginabayan ng tatlong prinsipyo ang kaniyang pakikipaglaban para sa bayan
(Three Principles of the People): nasyonalismo, demokrasya, at sosyalismo.
❖Ang unang prinsipyo ay nationalism o nasyonalismo na pagpapakita ng
malayang China simula pa noong unang panahon, at mula rito magsusulong
ng isang malayang bansa mula sa pananakop ng mga dayuhan.
❖Ang ikalawang prinsipyo ay rights of the people o demokrasya ay
pagsusulong ng mga karapatan batay sa mga prinsipyo ng isang
pamahalaang republika na may saligang batas.
❖Ang pangatlong prinsipyo ay sosyalismo o people’s livelihood ay tumutukoy
sa pagmamay-ari ng estado sa mga yaman at ito ay dapat ipamahagi sa mga
tao tulad ng reporma sa lupa at ang pagtataguyod ng industriyalisasyon ng
China.
❖ Ito ang mga naging sandigan ng itinatag niyang League of Common Alliance
noong 1898 na naging partidong nasyonalista na tinawag ng Kuomintang.
❖ Noong 1905, itinatag ni Sun ang Tongmeng Hui o Chinese United League sa
Tokyo, Japan kasama si Huang Xing, isa ring popular na pinuno ng samahang
rebolusyonaryo sa China.
❖ Naglathala ng pahayagan ang United League para lalong sumiklab ang
damdaming makabayan ng mga Tsino at batikusin ang dinastiyang Manchu.
❖ Nagsulong ito ng pagpapatalsik sa Qing at pagtatatag ng isang pamahalaang
republika. Kuomintang Flag

❖ Nasa America si Sun Yat Sen noong sumiklab ang rebolusyong Tsino noong 1911,
na may layuning pabagsakin ang dinastiyang Manchu.
❖ Ang mga dayuhan ay pumanig sa mga rebolusyonaryo.
❖ Para maisalba ang dinastiyang Qing, naitalaga si Hen. Yuan Shikai bilang punong
ministro ng Pambansang Asembleya sa Bejing.
❖ Nakipagpulong si Yuan sa mga rebolusyonaryo subalit nagpumilit ang mga
rebulusyonaryo na tapusin ang pamamahala ng emperador at magtatag ng isang
republika.
❖ Noong 1912, naitatag ang Republika ng China.
❖ Agarang bumalik si Sun sa China at noong 1913, siya ay nahalal na President of the
United Provinces of China ng kapulungan sa Nanking.
❖ Subalit hindi pa ganap na nagkakaisa ang mga probinsiya sa China kung kaya at si
Sun Yat Sen ay nagbitiw para ipakita sa iba't ibang lider na bigyang-pansin ang bansa
bago ang kanilang mga sariling interes.
❖ Noong 1922-1924, nakakuha ng suporta si Sun mula sa Russia dahil iniayon niya ang
layunin ng Kuomintang sa Chinese Communist Party.
❖ Lumakas ang Kuomintang dahil sa mga repormang ipinatupad.
❖ Nagtatag din ng isang military academy na pinamunuan ni Hen. Chiang Kai-shek
para sanayin ang mga sundalo ng Kuomintang.
❖ Noong namatay si Sun noong 1925, pinamuan ng warlords ang China subalit
malakas pa rin ang Kuomintang lalo na sa Canton.
❖ Kalaunan, ang Koumintang at ang Partido Komunista ng China ay naghiwalay ng
landas na naging dahilan ng pagkakaroon ng digmaang sibil mula 1945-1949.
Hen. Chiang Kai-sh
❖ Ang nasyonalismong Tsino ay mailalarawan bilang ethnic nationalism.
❖ Nangangahulugan ito ng pagtataguyod ng nasyon batay sa etnisidad.
❖ Ang Han ay nagtatag ng isang makabagong estado na kontrolado ng mga Han laban
sa mga Manchu ng Dinatisyang Qing noong 1911.
Ang May 4th Movement
❖Ang pagiging rebolusyonaryo at repormista ng mga Tsino ay may
ugat na noong mga huling bahagi ng Imperial China.
❖Ang Self-Strengthening Movement noong 1800s ay nagtaguyod
na ng mga reporma subalit limitado lamang.
❖Ang repormang Hundred Days na pinamunuan ni Kang Youwei
ay nagbigay ng ibang interpretasyon sa Confucianism para
magkaroon ng mga pagbabago sa lipunan.
❖Dahil hindi naging matagumpay ang samahang ito na nagsulong
ng mga reporma, nauwi ang China sa pamamalakad ng warlords.
❖Ang mga makabagong samahan na nakabase sa Beijing at
Shanghai noong 1910 ay naninindigan na ang China ay uunlad
lamang kapag ito ay tatanggap ng mga makabagong ideya, May 4th Movement
pagpapahalaga, at sistema.
❖Binatikos nila ang pagpapahalagang Confucianism at mga
tradisyon ng hierarchy, paternalismo, at blind obedience.
❖Sa kabilang dako, ipinalaganap ang ideyang galing sa Europe tulad
ng demokrasya, republikang pamahalaan, at pagkakapantay-pantay
ng tao.
❖Ang May 4th Movement ay maituturing na isang intelektuwal at pang-repormang samahan na
isinulong ng mga mag-aaral na nagalit dahil sa hindi magandang pagtrato ng mga bansang nasa
Europe sa China matapos ang Unang Digmaang Pandaigdig.
❖ Ang paglilipat ng Germany ng kontrol sa Shandong sa kamay ng mga Hapones ay kinagalit ng mga
Tsino.
❖Ang samahang ito ay nagtulak din ng isang kontra-imperyalistang layunin at pagkakaroon ng
malayang bansang China.
❖Ang mga pinuno ng samahan ay naglayon ng mga pagbabago tulad ng pagtanggal sa
pagpapahalagang Confucianism at pagsulong ng isang lipunang nakabatay sa demokrasya,
liberalismo, industriyalisasyon, at pag-aaral ng agham.
❖Humantong ito sa protesta ng mga mag-aaral at propesor mula Beijing University, at mga
manggagawa sa buong China noong May 4, 1919 dahil sa hindi makatarungang pagtrato sa China sa
ilalim ng Treaty of Versailles.“
❖Ang May 4th Movement ay naging laganap bilang pagsuporta sa mga makabagong ideyang
isinulong ng New Culture Movement at kaakibat nito ay ang pag-usbong ng nasyonalismong Tsino.
❖Kung kaya at noong May 4, 1919, nagtipon-tipon ang mahigit na 3,000 nagpoprotesta sa Tiananmen
Square at isinigaw nila na huwag i-ratify ang Treaty of Versailles.
❖Nagwelga rin ang maraming manggagawa at naghangad na itaas ang sahod, magkaroon ng maayos
na kalagayan sa pagtatrabaho, at tapusin ang iba pang pang-aabuso sa mga manggagawa.
❖Masasabing nakamit ng May 4th Movement ang kaniyang layunin subalit
hindi nito napigilan ang mga Hapones na sakupin ang Shandong.
❖Maraming mga pangako ang Kanluraning pwersa para sa China tulad ng
pagbibigay sa kanila ng kalayaan at karapatang pamahalaan ang kanilang
bansa.
❖Subalit ang mga ito ay hindi natupad dahil sa hindi makatarungang
kasunduan sa Versailles.
❖Napagtanto ng mga Tsino na hindi sila dapat aasa sa mga Europeo para sa
kanilang pag-unlad kundi sa kamay nila mismo dapat manggaling ang
pagtataguyod ng kanilang pag-unlad.
❖Dahil dito, naging masigasig at radikal ang mga samahang Tsino.
❖Kinalaunan, naging radikal ang mga samahan na ito sa iba't ibang bahagi ng
China at nakapagbigay din ito ng daan sa pagkakabuo ng Partido Komunista
ng China.
❖Ang mga pinuno ng Chinese Communist Party tulad ni Chen Duxiu at Mao
Zedong ay naging kabahagi sa May 4th Movement.
Ang Great Revolution o Rebolusyong
Nasyonalista ng China
❖Si Chiang Kai-shek ay isang anak ng mayamang pamilya mula sa Shanghai.
❖Siya ang pumalit sa pamumuno ng Chinese Nationalist Party o Kuomintang
pagkamatay ni Sun Yat Sen noong 1925.
❖Nakatanggap ang Kuomintang mula Russia ng malaking tulong at
pagsasanay na militar.
❖Si Chiang Kai-shek bilang lider ay nagsulong din ng kaniyang personal na
ambisyon.
❖Hindi ganap na naipatupad ang mga radikal na reporma sa agraryo sapagkat
maraming kasapi sa Kuomintang ang mayayamang may-ari ng lupa kung kaya
at ang Kuomintang ay walang kakayahang magkumpiska ng mga pribadong
pagmamay-ari.
❖Noong March 20, 1926, inumpisahan ni Chiang ang isang kudeta sa Canton.
❖Lahat ng mga komunista na nasa kaniyang kapangyarihan ay ipinadakip kasama na rin ang mga
komunistang tagapayo na Tsino at Russian.
❖Binuwag at dinisarmahan rin ni Chiang ang headquarters ng Canton-Hongkong.
❖Nabigla ang Partido Komunista ng China sa mga pangyayari.
❖Ang mga grupo na nakabase sa Shanghai ay nagpasiyang humiwalay na sa Kuomintang.
❖Ang pamumuno ni Chiang bilang pangulo ng Nationalistang Republika ng China ay binigyang ng
pagkilala ng Kanluraning pwersa tulad ng Britain at US.
❖Subalit hindi nagbigay ng pagkilala ang Russia sa pamahalaan ni Chiang dahil sa pagpapadakip at
pagpaslang sa mga pinunong komunista.
❖Kahit na hindi pa ganap na handa ang Partido Komunista, patuloy pai rin ang kanilang pag-
oorganisa sa mga lungsod, nagsagawa ng maraming strikes, naglunsad ng mga rebelyon ang mga
magsasaka mula sa kanayunan para suportahan ang Northern Expedition.
❖ Subalit, nagsagawa din ng military campaign si Chiang para sa mga nasyonalista patungong hilaga
mula sa Canton.
❖Kinabahan si Chiang sa mga pangyayari kung kaya at nagdeklarai siya ng batas militar.
❖Ang mga panginoong may lupa ay nagsagawa rin ng mga opensiba laban sa mga rebelyon ng mga
magsasaka.
❖Noong malapit na ang puwersang nasyonalista sa Shanghai,
sinalubong sila ng unyon ng mga manggagawa kung kaya at nanatili
ang puwersa ni Chiangi sa labas ng lungsod.
❖Ang mga warlord at mga pulis ay patuloy na winasak ang mga depensa
ng mga manggagawa sa Shanghai hanggang tuluyan silang magapi ng
puwersa ni Chiang.
❖Noong ika-12 ng Abril naglunsad ng pag-atake si Chiang laban sa mga
manggagawa sa Shanghai at maraming namatay.
❖Ang mga komunista ay inaresto at pinaslang at nagapi ang puwersa
nila.
❖Sa sumunod na taon, ipinagpatuloy ni Chiang ang kaniyang
pakikipaglaban sa mga komunista hanggang sila ay napunta sa mga
kanayunan.
Si Mao Tse-tung at ang Rebolusyong
Komunista
❖Si Mao Tse-tung ang tagapagtatag at namuno sa Partido
Komunista ng China at nagsilbing chairperson ng People's
Republic of China mula 1949-1959.
❖ Noong 1923, ang Kuomintang ay nakipag-alyansa sa Partido
Komunista para labanan ang warlords sa hilagang China
hanggang kumalas ang Partido Komunista dahil sa pagpatay
ni Chiang sa mga komunista noong 1927.
❖Si Mao, kasama ang iba pang komunista, ay umatras
patungong timog-silangan ng China.
❖Noong 1934, ang grupo ni Mao ay nagtungo sa hilagang-
kanluran ng China para magtayo ng panibagong base. Mao Tse-tung
❖Tinawag itong Long March.
❖Muling nagkaroon ng pansamantalang alyansa ang
Kuomintang at Parido Komunistai noong 1937-1945 para
labanan ang mga Hapones.
Ang Digmaang China-Japan (1937-1945)
❖Subalit kung tutuusin, ayaw makipag-alyansa ni Chiang para labanan ang mga
Hapones sapagkat alam niyang mas malakas ang puwersa ng Partido Komunista.
❖Ang layunin ni Chiang ay magkaisa na ang buong China para labanan ang Japan at
supilin ang mga komunista.
❖Alam din ni Chiang na hindi sapat ang kaniyang puwersang militar para talunin ang
mga Hapones.
❖Sa kabilang dako, lumakas ang puwersa ng Partido Komunista mula sa suporta ng
mga magsasaka dahil sa mga ikinasang mga guerilla war laban sa mga Hapones.
❖Samantalang ang puwersa ng Kuomintang ay nakaranas ng mga pagkatalo mula sa
mga atake ng mga Hapones.
❖Noong 1944, inilunsad ng Japan ang kanilang malaking opensiba laban sa
Kuomintang na siyang nagpahina sa puwersa ni Chiang Kai-shek. Sa huli, mas
nakinabang ang partido ng mga komunista mula sa digmaang ito.
Dalawang Digmaang Sibil sa China
❖Ang unang digmaang sibil sa China ay naganap mula 1927-1936 kung saan naglabanan
ang dalawang kampo: ang mga magsasaka at ordinaryong tao na pinamunuan ni Mao
laban sa Kuomintang.
❖ At sa kabilang banda, si Chiang Kai-shek ay patuloy naman na nilulupig ang mga
rebolusyonaryo para mawasak ang hukbo ng Partido Komunista.
❖Ang ikalawang digmaang sibil ay muling nabuo matapos ang Ikalawang Digmaang
Pandaigdig, nagkaroon ng digmaan sa pagitan ng dalawang partido.
❖Sa tulong ng US, nakontrol ni Chiang ang mga pangunahing lungsod sa China
samantalang ang Partido Komunista ay sinuportahan naman ng Soviet Union at
maraming nakuhang suporta mula sa kanayunan.
❖Naglunsad ng isang pag-atake ang Partido Komunista sa hilagang China sa tulong ng
Soviet Union.
❖Sinubukan ng US na mamagitan sa dalawang grupo para sa kapayapaan subalit hindi ito
nagtagumpay.
Ang Partido Komunista sa China
❖Maraming dahilan ang pagkatalo ng Kuomintang.
❖Isa na rito ay ang malawakang korupsiyon sa partido.
❖Samantalang lumakas ang puwersa ni Mao sapagkat nabigyan sila ng pangako na
magkakaroon sila ng sariling lupa kapag natapos ang digmaan.
❖Walang pormal na kasunduan sa pagtatapos ng digmaang sibil sa China subalit noong
October 1, 1949, prinoklama ni Mao na gawing kapitolyo ng People's Republic of China
ang Beijing.
❖Samantalang ang kampo ni Chiang ay lumisan sa mainland China at nagtungo sa Taiwan na
noon ay hawak ng Japan.
❖Sa pamumuno ni Mao, nagpatupad ng maraming reporma at industriyalisasyon tulad ng
lahat ng mga pangunahing industriya ay dapat nasa pagmamay-ari ng estado at ang mga
magsasaka ay maorganisa para maging kolektbo.
❖Lahat ng mga oposisyon ay pinigilan.
❖Nakatanggap din ng tulong mula sa Union Soviet pero noong kalaunan ay nawala rin.
❖Noong 1958, nilunsad ni Mao ang Great Leap Forward na may layuning mag
organisa ng mga manggagawa para mapaunlad ang agrikulitura at magkaroon ng
industriyalisasyon.
❖Subalit, hindi ito nagtagumpay sapagkat hindi tumaas ang produksiyon at
nagkaroon ng matinding kawalan ng pagkain at kahirapan.
❖Ang sumunod na ipinatupad ni Mao ay ang Cultural Revolution noong 1966
para tanggalin o puksain ang mga taong hindi umaayon sa ideolohiyang
komunismo at lalong patingkarin ang rebolusyonaryong damdamin ng mga
mamamayan.
❖Sa programang ito ni Mao, maraming namatay na tao at mahahalagang yaman
ang nasira sa China.
❖Noong 1967, nagkaroon ng kaguluhan sa mga lungsod at sinupil lahat ito ng
militar.
❖Dahil sa humihinang kalusugan ni Mao, nagkaroon ng mga hakbang ang kaniyang
liderato para makipag-ugnayan sa US, Japan, at sa mga bansang nasa Europe.
Pag-usbong ng Nasyonalismo sa Japan
❖ Noong panahon ng Meiji Restoration hanggang sa kalagtnaan ng 1900s, ang bansang Japan ay nagtatag ng isang malakas na
imperyo sa pamamagitan ng pananakop ng ilang bansa tulad ng Singapore, China, at Pilipinas.
❖ Sa pagkatatag ng makabagong Japan, ang mga samurai ay sumama sa kontra-shogunate nobles sa pagbabalik ng kapangyarhang sa
emperador.
❖ Maraming mga Hapones ang nangamba na ang kanilang mga pinunong piyudal ay hindi handa para labanan ang mga dayuhan.
❖ Matapos makuha ang kapangyarihan, ang batang Emperador Meiji ay nilipat ang kapitolyo sa Tokyo mula Kyoto.
❖ Sinira ang sistemang piyudal at nagpatupad ng malawakang reporma batay sa mga ideya at modelo ng Kanluranin.
❖ Ang bagong pamahalaan ng Japan ay nagpatupad ng mabilisang industriyalisasyon at pagpapalakas ng puwersang militar na
nagresulta sa pagiging makapangyarhang bansa ng Japan pagpasok ng ika-20 dantaon.
❖ Ang slogan ng reporma ay fukoku Kyohei (enrich the country and strengthen the military).
❖ Ang mga pinuno ng Meiji ay humarap sa maraming hamon tulad ng kakulangan ng pondo sa pamahalaan.
❖ Upang matugunan ang hamon pinansyal, nagpalabas ng mga fixed interest bonds ang pamahalaan para mabayaran ang mga
samurai sapagkat kinumpiska ang kanilang mga lupa sa ilalim ng repormang pansakahan.
❖ Ang fixed interest bond ay magbibigay ng tubo sa pinagkakautangan ng pamahalaan sa buong panahon ng kasunduan.
❖ Dahil sa pagdami ng pera, tumaas ang presyo ng bilihin.
❖ Sa ganitong sitwasyon, mas nakinabang ang mga magsasaka sapagkat ang buwis nilang binabayaran ay nakabatay sa fixed monetary
level.
❖ Ikinagalit ng samurai ang pagkadehado nila kung kaya at may mga rebelyon silang isinulong.
❖ Si Matsukata, ang ministro ng salapi, ang nagprotekta ng industriyang Hapones mula sa kompetisyon ng dayuhan.
❖ Dahil sa hakbang na ito (import substitution), umunlad at lumago ang mga industriya sa Japan.
❖ Nilayon ng pamahalaan na magtatag ng malalaking industriva sa pamamagtan ng mga pribadong puhunan ng mga
Hapones.
❖ Ang Zaibatsu ay sistema kung saan binibigyan ng suporta ang isang pribadong kompanya na mag-develop ng
mahahalagang industriya para sa pag-unlad ng bansa.
❖ Nagkaroon ng urbanisasyon kung saan ang capital ng bansa na Edo ay naging maunlad na lungsod.
❖ Dahil sa urbanisasyon, nagkaroon ng pambansang pagkakaisa, at ang malalaking populasyon ng mga lungsod ang
nagpasigla sa sektor ng agrikultura.
❖ Ang pag-unlad ng mga pangunahing lungsod sa Japan ang isa sa mga naging sandigan ng Japan sa kanilang
modernisasyon.
❖ Maraming mga mag-aaral ang ipinadala sa Europe at US para mag-aral ng agham at teknolohiya.
❖ Kasabay nito ang pagkuha at pagtatalaga sa mga dayuhan para tulungan ang Japan na magtayo ng mga industriya at
magtatag ng mga modernong sistema ng edukasyon.
❖ Dahil sa mga itinayong mga paaralan, tumaas ang literacy rate ng mga anak ng samurai at mga karaniwang tao noong
1868 kahit umpisa pa lang ng restoration.
❖ Maraming mga libro tungkol sa agham, medisina, militar, at pilosoplya ang naisalin sa wikang Hapon mula sa Europe.
❖ Noong 1872, naging unibersal ang access sa pag-aaral.
❖Sa huling bahagi ng Meiji, nagtagumpay ang Japan sa Sino-Japanese War noong 1895, natalo rin nila
ang Russia noong 1905 at tinanggal nila ang mga kasunduan sa mga Kanluranin.
❖Kahit na maganda ang naging takbo ng ekonomiya ng Japan noong Meiji Restoration, sa pagbagsak
ng Tokugawa shogunate, nawala ang mga tradisyonal na kapangyarihan ng mga samurai sa
pamamahala at sa mga posisyon sa militar.
❖Si Saigo Takamori ay nagtaguyod ng rebelyon noong 1877 subalit hindi siya nagtagumpay sapagkat
nagapi sila ng Imperial army na may mas malalakas at makabagong gamit pandigma.
❖Oligarkiya ang humawak ng gobyerno sa unang bahagi ng panahon ng Meijii mula 1868 hanggang
1890 subalit maraming mga Hapones ang naghangad ng representasyon sa gobyerno.
❖Ang partido politikal ni Taisuke noong 1874 ay nagsulong ng pambansang kapulungan na inihalal ng
mga tao.
❖Si Okumai Shigenobu ay pinilt na itatag ang isang parlamentaryong uri ng pamahalaan.
❖Kung kaya at ang pamunuan ng Meiji ay sumang-ayon na magtatag ng representative government
na nakabatay sa prinsipyo ng demokrasya at saligang batas.
❖Noong 1889, nagkaroon ng Meiji Constitution kung saan may dalawang kapulungan ang
pambansang asembleya (bicameral national assembly) katuwang ang mababang kapulungan
(Shugiin).
❖Sa panahon ng Meiji, nagkaroon ng mga usapin kung gaano karami ang
gagamiting mga ideya o teknolohiya mula sa Kanluran.
❖Nagkaroon ng mga opinyon at debate na nagsulong ng pagbubukas ng
bansang Japan o pagpapatalsik sa mga dayuhan matapos dumaong si
Commodore Perry noong 1853 hanggang sa panahon ng Meiji.
❖Matapos ang 1868, karamihan sa mga Hapones ay naging bukas sa
pagtanggap ng mga ideyang galing sa ibang bansa para makahabol sila sa
pag-unlad ng mga Europeo at magkaroon ng kanilang pagkakakilanlan
bilang isang bansa.
❖Sa pagtatapos ng ika-19 dantaon, nagsimulang pagdudahan ng mga
Hapones ang mga paniniwala at kaisapang galing sa Europe.
❖Nagsimula silang bigyan ng kahalagahan ang mga tradisyonal na kultura at
kaisipan tulad ng kanilang pagsamba at pagrespeto sa kanilang emperador.
Imperyalistang Japan
❖Nasakop ng Japan ang tatlong teritoryo sa pagitan ng taong 1894-1910: Taiwan, Korea, at timog
Manchuria.
❖Nakita ng Japan ang kapangyarihan ng mga Europeo at ang kanilang pagiging imperyalista.
❖Matapos ang anim na araw sa kasunduan para sa pagtatapos ng Sino-Japanese War, pinilit ng Germany,
Russia, at France ang Japan na ibalik ang Liaodong Peninsula.
❖Isa ito sa mga pagkatalo ng Japan sa larangan ng diplomasya.
❖Noong 1898, nakakuha ng pagsang-ayon ang Russia para upahan ang Manchuria, isang dating teritoryo
ng Japan.
❖Noong 1898, sinakop ng US ang Pilipinas at Hawaii. Noong huling bahagi ng ika-19 na dantaon
hanggang 1900, ang France, Germany, Russia, at England ay sinakop ang China sa pamamagitan ng
spheres of influence.
❖Nahawakan ng mga dayuhan ang negosyong daang bakal, pagminina, at iba pa sa China.
❖Noong 1900 hanggang 1905, ang bansang Japan ay naging isang imperyalistang bansa.
❖Ipinakita nito ang kaniyang lakas militar noong 1900 sa pagpapadala ng 8,000 na sundalo para tulungan
ang mga Kanluranin sa China na sugpuin ang Rebelyong Boxer.
❖ Noong 1902, nagkaroon ng kasunduan ang Great Britain at Japan para sa depensa.
Russo-Japanesse War
❖Noong hindi tinanggal ng Russia ang kaniyang mga puwersang militar sa Manchuria batay
sa kasunduan, nagprotesta ang Japan.
❖Ang sagot ng Russia ay papayag ito na paghatian ang Korea sa 39th parallel kung saan
magiging kontrolado ng Japan ang timog samantalang ang hilaga ay magiging neutral.
❖Naniwala ang Russia na ang Manchuria ay hindi sakop ng Japan kaya at hindi dapat
tanggalin ng Russia ang kaniyang tropa roon.
❖Noong 1904, sumiklab ang digmaang Russia-Japan sa pamamagitan ng isang pag-atake sa
bapor na pandigma ng Russia sa Dalian at Chemulpo.
❖Maraming nasawi at nasira dahil sa digmaang ito.
❖Naging matagumpay ang Japan laban sa Russia noong 1905.
❖Namagitan ang US para sa pagkakaroon ng kasunduan ng dalawang bansa sa Portsmouth,
New Hampshire.
❖Tumalima ang Russia sa kagustuhan ng Japan sa Korea at pumayag din ang Russia na
umatras na sila sa Manchuria at Korea
Ugnayan ng Japan sa US
❖Noong huling bahagi ng ika-19 dantaon, maraming Hapones ang nag migrate sa Hawaii
dahil sa pangangailangan ng mga manggagawa sa mga taniman ng tubo.
❖Sinakop ng US ang Hawaii at Pilipinas subalit may hindi pagkakaunawaan ang Japan at US
kung sino ang may kontrol sa dalawangi teritoryo.
❖Ang dalawang bansa ay nagtulungan para lipulin ang Rebelyong Boxer sa China noong
1900 pero may duda ang US sa Japan sapagkat hindi ito nagpapatupad ng Open Door
Policy na magbibigay ng tsansa sa ibang bansa na makipagkalakalan sa Japan.
❖Ang pangulo ng US ay tumulong din sa pagsasagawa ng kasunduan para matapos ang
digmaan ng Russia at Japan noong 1905-1906.
❖May mga sektor sa US na kontra-Japanese o laban sa Hapones.
❖Para maiwasan ang hindi magandang ugnayan ng dalawang bansa, nagkaroon ng
impormal na kasunduan noong 1907 ang Japan at US na hindi muna magpapadala ng mga
Hapones sa US.
❖Subalit patuloy na lumaki rin ang mga Hapones imigrant sa US kahit may mga ipinatupad
na mga patakarang naglilimita sa pagpunta ng mga Hapones sa America.
Pananakop at Pamamahala sa Korea ng Japan
❖Noong 1910, ang Korea ay napasailalim sa protectorate ng Japan.
❖Pinamahalaan ang Korea sa pamamagitan ng gobernador-heneral hanggang ang Japan ay sumuko
sa Allied Forces noong 1945.
❖Bilang mga taong nasasakupan ng emperador, ang trato sa mga Koreano ay katumbas din ng mga
Hapones subalit tiningnan sila bilang may mas mababang status.
❖Hindi pinayagan na bumuo ng mga samahan o progresibong kilusan ang mga Koreano.
❖Hanggang 1921, hindi sila pinayagan na magkaroon ng sariling dyaryo.
❖Nagpatupad ang Japan ng mga patakarang makabubuti sa interes ng mga Hapones.
❖Nagpatayo ang Japan ng mga makabagong transportasyon at komunikasyon para mas mabilis na
mapakinabangan ng Japan ang yaman ng Korea.
❖Nasa pamamahala o kontrol ng Japan ang mahigit na kalahati ng lupang pansakahan subalit ang
mga manggagawa nila ay pawang mga Koreano.
❖Sa pagkamatay ng emperador ng Korea, nagsimula ang mga protesta para sa kalayaan.
❖Ito ay tinawag na March 1st Movement na naging instrumento sa pagsusulong ng layuning
makamit ang kalayaan.
❖ May mga pagbabagong naganap dahil sa March 1st Movement tulad ng pagtatag ng mga unyon ng mga
manggagawa at mga kilusan.
❖ Dahil sa patuloy na pag-aalsa ng mga Koreano laban sa mga mananakop, pinalakas ng Japan ang military rule
noong 1931.
❖ Ipinatupad ng sapilitang paniniwala sa Shintoismo sa Korea.
❖ Maraming itinayong Shinto temples sa buong bansa.
❖ Tinanggal ang pag-aaral ng kasaysayan at wika ng Korea sa kurikulum.
❖ Ang pamahalaang kolonyal simula sa huling bahagi ng 1930 hanggang 1945 ay nagpatupad ng patakarang
assimilation.
❖ Ang mga Koreano ay sapilitang pinagamit ng wikang Hapones.
❖ Pinalitan ang kanilang pangalan ng pangalang Hapones.
❖ Ipinagbawal ang pahayagan at maraming mga relic ang winasak para masira din ang pagkakakilanlang Koreano.
❖ Noong 1937, dahil sa ikalawang Sino-Japanese War, nagpasya ang Japan na maghanda ang buong bansa para sa
digmaan.
❖ Dahil sa kakulangan ng mga manggagawang Hapones, maraming mga Koreano ang dinala sa Japan para doon
magtrabaho sa pabrika ng mga bala at baril at ibang mga kailangan kaugnay sa lkalawang Digmaang
Pandaigdig.
❖ Maraming Koreano ang nagsilbing sundalo sa ilalim ng militar ng Japan.
❖Sa ilalim ng Japan, mabilis na umunlad ang ekonomiya ng Korea.
❖Pinalakas ang produksiyon sa larangan ng agrikultura para matugunan ang pangangailangan ng Japan.
❖Nagtayo ng malalaking industriya sa Korea ang mga Hapones para paghandaan ang digmaan.
❖Subalit ang pag-unlad ng ekonomlya ay hindi para sa mga Koreano kundi para lamang sa interes ng
Japan.
❖Kontrolado ng mga Hapones ng mga negosyo sa Korea at ang mga patakaran ay pabor sa mga Hapones.
❖Nagkaroon ng industriyalisasyon ang Korea.
❖Noong matapos ang pananakop ng Japan, ang Korea ay maituturing na pangalawang pinakamaunlad na
bansa sa Asia.
❖Ang mga impluwensilya ng Buddhism at Confucianism ay lumaganap sa Korea.
❖Ang Kanluraning kultura na may mga temang makabayan at pagsusulong ng kalayaan ay pumasok din.
❖Maraming panitikan na sinulat ng mga manunulat na dayuhan ang nabasa ng mga Koreano.
❖Noong 1920s-1930s, ang mga sosyalistang kaisapan ay nagsimulang impluwensiyahan ang literatura.
❖Noong 1925, ang mga left-wing artists ay nagtatag ng Korean Proletarian Artists' Federation
hanggang to ay supilin ng mga Hapones noong 1935.
❖Sa simula ng ikalawang digmaan ng China at Japan, naging mapanupil ang Japan sa Korea hanggang
makamit ng Korea ang kaniyang kalayaan noong 1945.
Nasyonalismong Koreano
❖ Ang panahon ng pananakop sa Korea ay nagbigay ng pagkakataon upang makabuo ng mga bagong pinuno para sa pakikibaka laban sa
kolonyalismo ng Japan.

❖ Mula sa mga pahayag ni Woodrow Wilson na self-determination, noong March 1, 1919, isang pangkat na binubuo ng 33 na nasyonalistang
intelektuwal ang nagsulong ng pagkakaroon ng kalayaan mula sa Japan.

❖ Ang Proclamation of Korean Independence na isinulat ni Choe Namson at Manhae ay naging sandigan ng mga Koreano para sa kanilang
pagkikipaglaban.

❖ Nagmartsa ang mga Koreano sa iba't ibang bahagi ng bansa.

❖ Binasa ng mga nagpoprotesta ang deklarasyon sa embahada ng America at France.

❖ Pinirmahan ng mga lider ang deklarasyon at ipinadala sa gobernador-heneral.

❖ Kahit inaresto ang mga nagpoprotesta, patuloy pa rin ang isinasagawang pagkilos.

❖ Naging laganap ang mga protesta na tumagal ng ilang buwan.

❖ Ang mga protestang ito ay pinilit na supilin ng mga Hapones na humantong sa pagiging militante ng mga kabataang Koreano laban sa
kolonyalismo.

❖ Napakahalaga ng taong 1919, ang mga pinuno ng kilusan ay karamihang mga Kristiyano at Buddhist na mayroong makabagong kaisipan.

❖ Sila ay mag-aaral at mga nakapag-aral na gustong makamit ang kalayaan sa pamamagitan ng mapayapang paraan.

❖ Ang kilusan ay nagtagumpay para magkaroon ng reporma sa Korea sa ilalim ng mga Hapones subalit hindi nito nakamit ang inaasam na kalayaan
kung kaya at nabuo ang mga kilusang radikal.

❖ Noong 1930s, nagkaroon ng mga samahang binubuo ng mga burukrata, lider ng sandatahan, at mga armadong nakikibaka.
❖Noong 1925, itinatag ang Korean Communist Party ng mga komunista at nasyonalista sa Seoul.
❖Isa sa mga lider ng Partido Komunista ay si Pak Hon Yong.
❖ Maraming mga kilusang nasyonalista ang umusbong tulad ng Korean Provisional Government sa
pangunguna nila Syngman Rhee at Kim Ku.
❖Maraming mga nasyonalista at komunista ang ipinakulong noong unang bahag ng 1930s.
❖Noong sinakop ng Japan ang Manchuria, umusbong ang kilusang guerilla na binubuo ng mga
Koreano at Tsino.
❖Dahil sa lakas ng puwersa at counterinsurgency ng Japan, nasugpo ang guerilla at bumaba ang
kanilang bilang.
❖Sa panahong ito, si Kim Il Sung ay sumikat bilang isang magaling na lider ng guerilla.
❖Nagdeklara ng digmaan ang Japan laban sa China noong 1937 at sa US noong 1941.
❖Nabigyan ng pagkakataon ang mga Koreano para maging sundalo sa ilalim ng Japan.
❖Nagkaroon din ng kakulangan ng manggagawa dahil sa digmaang kinasangkutan ng Japan kung kaya
at maraming Koreano ang nakapasok sa pamahalaan.
❖Sa panahon ding ito naging masaklap sa mga Koreano ang pananakop sapagkat sapilitang sinira ang
kanilang kultura.
❖Sa kalagitnaan ng 1930s, ang naging patakaran ng Japan sa kaniyang kolonya ay
industriyalisasyon.
❖Sa Manchuria at Korea nagtayo ng steel mills, pabrika ng sasakyan, petrochemical, at
ibang facilities para sa iba't ibang industriya.
❖Mahigpit na binantayan ng Japan ang industriyalisasyon ng mga bansang kolonya para sa
kapakinabangan ng Japan.
❖Nagpatayo ng mga daang bakal, kalsada, daungan, at mga pasildad para mabilis ang
transportasyon at komunikasyon.
❖Lahat ng mga proyekto ay para sa interes ng Japan at hindi para sa mga Koreano.
❖Hindi umunlad ang Korea sa kabila ng mga nasabing pag unlad ng mga impraestruktura.
❖Ang mga Koreano ay naging mga manggagawa sa mga pagawaan ng mga Hapones.
❖Noong 1935-1945, nagsimula ang industriyalisasyon sa pamamagitan ng pag-alis ng mga
magsasaka sa kanilang mga lupang sinasaka, pagkakaroon ng mga uring manggagawa,
urbanisasyon, at mabills na paglipat ng populasyon.
❖Noong natapos ang pananakop ng Japan sa Korea noong 1945, maraming mga Koreano
ang bumalik sa kanilang bansa.
Mahalagang Dulot ng March 1 Movement
❖Hindi man nakamit ng March 1 Movement ang kasarinlan sa Korea, naipabatid naman nila ang kanilang
hindi pagsang-ayon sa pananakop ng Japan.
❖Niluwagan ng Hapones ang mahigpit na pamamahala sa Korea sa pagpapatupad ng Cultural Policy.
❖Ang mga military police ay pinalitan ng civilian police at binigyan ng kalayaan ang mga Koreano na
makapagpahayag.
❖Ang March 1 Movement din ang naging dahilan sa pagkakatatag ng Provisional Government of the
Republic of Korea noong 1919.
❖Maraming mga inarestong nagprotesta ay mga babae.
❖Naipakita rin ng mga babae ang kanilang katapangan at kahandaan para makiisa sa pakikipaglaban para
sa bayan.
❖Nagkaroon ng kamalayan ang Korea sa ibang modelo ng pamahalaan na natutuhan nila sa kanluran tulad
ng mga moderno at demokratikong pamahalaan maliban sa kanilang nakasanayang monarkiya.
❖Bahagyang tinalikuran ng mga Koreano ang Confucianism kahit na matagal na itong bahagi ng kanilang
buhay.
❖Mas higit na naging maimpluwensiya ang mga Kristiyano at Buddhist para sa pagsusulong ng Kalayaan .
Nasyonalismo sa Southeast
Asia
❖Noong unang yugto ng kolonyalismo, nakontrol ng mga Europeo ang
pandaigdigang kalakalan sa Asia na naging dahilan ng kanilang pag-
unlad.
❖Naging makapangyarihang bansa ang Europe samantalang ang mga
bansa sa Asia ay humina.
❖Noong 1800, pinalakas ng mga Kanluranin ang kanilang posisyon sa
Asia lalo na sa Southeast Asia.
❖Subalit umusbong ang damdaming nasyonalismo ng mga Asyano.
❖May tatlong pangunahing dahilan ng pag-usbong ng nasyonalismo sa
Southeast Asia: katutubong paniniwala, edukasyon mula sa Europe,
at ang paglaganap ng kaisipang sosyalismo at komunismo.
Nasyonalismo sa Pilipinas
❖Ang paggarote sa tatlong paring martir na sina Mariano Gomez, Jose Burgos, at Jacinto
Zamora ay pumukaw ng damdaming makabayan ng mga Filipino.
❖Nagsulong sila ng mga pagbabago sa pamamalakad ng mga Kastila sa Pilipinas.
❖Ang tatlong paring martir ay nagbigay-daan sa pagkakatatag ng Kilusang Propaganda
noong 1872.
❖Ang mga ilustrado ay nagsulong ng reporma sa Pilipinas.
❖Sila ang nagsilbing boses ng mga Filipino para sa inaasam na pagbabago.
❖Sila ang mga nakapag-aral sa mga paaralan sa Maynila at sa iba't ibang bahagi ng Europe.
❖Subalit naging mabagal ang pagpapatupad ng mga hinihiling na mga reporma.
❖Gumamit ang mga propagandista ng isang mapayapang paraan para makamit ang mga
pagbabago.
❖Ang sumusunod ay mga layunin ng propaganda movement: gawing probinsiya ng
Spain ang Pilipinas, pantay na status ng mga Filipino at Kastila, pagkakaroon ng
representante sa Spanish Cortes, sekularisasyon ng mga simbahan, at pagbibigay ng
karapatan sa mga Fillpino.
❖Ang mga propagandista or repormista ay nagsulong ng pagbabago sa Pilipinas.
❖Sina Jose Rizal, Graciano Lopez, at Marcelo del Pilar ay ilan lamang sa mga aktibong kasapi ng
samahan.
❖Sumulat sila ng iba't ibang lathalain o babasahin na pawang tumutuligsa sa mga pang-aabuso ng mga
Kastila sa Pilipinas.
❖Si Rizal ang may-akda sa dalawang nobela, Noli Me Tangere at El Filibusterismo na nagpakita ng
hindi magandang kalagayan ng mga Pllipino sa pananakop ng Kastila.
❖Si Lopez Jaena ang sumulat ng Fray Botod para malikhaing mailarawan ang pag-aalipusta ng mga
prayle.
❖Si Del Pilar ang nagbuo at naging editor ng Diaryong Tagalog para maging instrumento ng
pagpapahayag ng kanilang mga pagtuligsa sa mga Kastila.
❖Subalit ang mga ilustrado ay hindi nagtagumpay sa kanilang layuning maibsan ang kahirapan ng mga
Piipino.
❖Ang mga isinulat ng mga kasapi ng kilusang propaganda ay nagsilbing inspirasyon ni Andres
Bonifacio at iba pang mga rebolusyonaryo sa pagtatatag ng Katipunan, isang rebolusyonaryong
kilusan para makamit ang tunay na kalayaan mula sa pananakop ng mga Kastila.
❖Naging matagumpay ang rebolusyong Plipino noong 1896 laban sa mga Kastila.
❖Naipahayag ng mga Pilipino ang kanilang kasarilan noong June 12, 1898 sa pangunguna ni
Emilio Aguinaldo sa Kawit, Cavite.
❖Subalit, hindi naglaon, sumiklab ang digmaang Pilipino at Amerikano.
❖Ang Treaty of Paris sa pagitan ng Kastila at Amerikano noong 1898 na nagsasaad na ang
Pilipinas ay mapapasakamay ng America.
❖Patuloy na nakipaglaban ang mga Pilipino sa mga Amerikano ngunit napilitan ding sumuko ang
mga rebolusyonaryong Pilipino.
❖Sa panahon ng pananakop ng mga Amerkano, nagsagawa ng iba't ibang paraan para makamit pa
rin ang kasarinlanng bansa,
❖Nagpunta at nag-lobby ang mga Pilipino sa Kongreso ng America para magpasa ng batas na
magkakaloob ng kalayaan sa Pilipinas.
❖Naisabatas ang Tydings-McDuffie noong 1934 parai sa isang pamahalaang Commonwealth na
nagbibigay ng sampung taon na paghahanda ng Piipinas para sa sariling pamamahala.
❖Matapos ang lkalawang Digmaang Pandaigdig. naitaas ang watawat ng Pllipinas noong July 4,
1946 bilang tanda ng kalayaan mula sa Amerikano.
Nasyonalismong Indonesian
❖Sa pagbubukas ng ika-20 dantaon, ang mga Dutch ay nagpatupad ng Ethical Policy kung saan binigyan
ng pagkakataon ang Indonesians sa pagsasaka at magkaroon ng access sa maayos na serbisyo para sa
kalusugan at sa pag-aaral.
❖Nagpagawa ng mga daang-bakal, mga kalsada, at pinalawak ang transportasyong pandagat.
❖Ang patakarang ito ay nagbunga ng dalawang pagbabago sa lipunan.
❖ Una, nagkaroon ng pagkakataon na makapag-aral ang mga Indonesian sa Europe at nagkaroon ng ilang
mga negosyanteng Indonesian na naging kompetensya sa mga nangingibabaw na negosyanteng Tsino.
❖Ang mga nakapag-aral na Indonesian at maykaya ay nakaramdam ng galit at pagkadismaya sa pananakop
ng mga Dutch dahil sa hindi makatuwirang diskriminasyon.
❖Ang unang instrumento sa pagbuo ng nasyonalismo sa Indonesia ay ang Sarekat Islam na naitatag noong
1912.
❖Isa itong kontra-Dutch na kilusan at naglayong magkaroon ng self-government.
❖Mayroon itong malawak na suporta sa pamumuno at tagapagtatag na si Omar Said Tjokroaminoto.
❖Ang samahang ito ay naglalayong isulong ang interes ng mga negosyanteng Muslim sa Java.
❖Subalit, naging partido politikal ang Sarekat Islam.
❖ Noong 1916, dumami ang kasapi nito na umabot sa 350,000 at may mga sangay sa iba't ibang bahagi ng
bansa.
❖Hindi sinupil ng mga Dutch at nakitungo sila sa Sarekat sa pag-asang magbabago sa
pagiging radikal ang samahan tungo sa isang pagsusulong ng saligang-batas.
❖Noong 1916, itinatag ang Volksraad People's Council .
❖Ang mga kasapi ng Volksraad ay mga representante ng mga pangunahing pangkat
na siyang mag-uusap at magbibigay ng mga payo sa pamahalaan.
❖Matapos ang Unang Digmaang Pandaigdig at ang hindi matagumpay na pag-aalsa
ng mga komunista noong 1926 at 1927, naging mahigpit ang mga patakarang
ipinatupad ng Dutch.
❖Sa panahon ng 1920s, ang kilusang nasyonalismo ng Indonesia ay pinamunuan ni
Sukarno.
❖Siya ang nagtatag ng Indonesian Nationalist Party (PNI) noong 1927.
❖Sa kabila ng pagpapakulong sa mga pinuno ng PNI, hindi pinanghinaan ng loob ang
mga nasyonalistang Indonesian sa pagsusulong ng kanilang layunin.
❖Sa pagkatalo ng mga Dutch noong lkalawang Digmaang Pandaigdig, unti-unting
inilipat ang kapangyarihan sa mga Indonesian.
Nasyonalismo sa Myanmar
❖ Ang Myanmar (dating Burma) ay nagpalit ng pangalan noong 1989 sa lalim ng pamahalaang militar upang magpaigting
ang pambansang pagkakakilanlan at pagkakaisa.
❖ Ang Burma ay tumutukoy sa isa sa mga maraming etniko sa bansa kung kaya at marapat lamang na tawagin ito sa
pangalang sumasaklaw sa lahat ng mga mamamayan.
❖ Sa pakikipaglaban sa kalayaan ng bansa, may mga Burmese na nakapag aral sa mga paaralang nasa ilalim ng
pamahalaang kolonyal at mga misyonaryo ay nagkaroon ng pagkakataon na makapasok sa pamahalaan bilang mga
manggagawa.
❖ May mga nakapag-aral sa London at pagbalik nila sa Burma, sila ang tiningala billang mga bagong lider.
❖ Dala-dala nila ang mga makabagong kaisipang liberal na maaaring makamit ang kalayaan sa pamamagitan ng
pakikipagdayalogo.
❖ Noong 1906, nagtatag sila ng Young Men's Buddhist Association (YMBA).
❖ Nagpatupad ng pagbabago sa saligang batas ng India ang Britain at kaunting pagbabago sa Burma.
❖ Subalit noong 1920, noong hindi isinama ang Burma sa mga bagong reporma na ipinatupad sa India, nagprotesta ang
mga tao sa buong bansa.
❖ Hindi nila tinangkilik ang mga produktong British.
❖ Noong 1920, maraming mag-aaral ang nagsagawa ng pag-aaklas sapagkat nagbago ang pamamahala at patakaran ng
Rangoon College kung saan hindi na nito tinatanggap ang mga Burmese.
❖ Ang protestang ito ay sinuportahan ng maraming mag-aaral.
❖Noong 1923, naipatupad ang inaasahang reporma sa saligang batas subalit
nagkaroon ng pagdududa ang mga mamamayan sa mapayapang paraan ng
pagkamit ng kalayaan.
❖Ang mga radikal na mag-aaral ay nagtatag ng isang kilusan na tinawag na
Thakin (master).
❖Sa huling bahagi ng 1930 maraming mga magsasakang Burmese sa
pamumuno ni Saya San ang nag aklas laban sa Britain.
❖Ang mga nagpoprotestang lider-estudyante tulad ni U Nu at Aung San ay
sumama na rin sa Thakin Movement.
❖Noong 1937, inihiwalay ng pamahalaang British ang Burma mula sa India at
nagkaroon ng sariling saligang batas ang Burma.
❖Noong lkalawang Digmaang Pandaigdig, minabuti ng mga Burmese na
humingi ng kondisyon sa Britain bago tuluyang ibigay ang kanilang suporta sa
kanila.
❖Inaresto si Aung San subalit nakatakas siya sa China, kung saan siya humiling ng
tulong mula sa mga radikal na kilusan.
❖Tumulong din ang pamahalang Japan. Bumalik si Aung San sa Burma para
hikayatin ang mga kalalakihan.
❖Nagpunta sila sa Japan para magsanay ng pakikidigma. Nangako ang Japan ng
kalayaan para sa Burma kung kaya at bumuo si Aung San ng Burma Independence
Army (BIA).
❖Dumating ang mga Hapones sa Burma noong 1942 at pinalitan nila ang BIA nang
mas malit na Burma Defense Army.
❖Dahil sa tulong ng Thailand sa Japan sa digmaan, binigyan ang Thailand ng
teritoryo sa Shan, subalit ito ay binalik sa Burma matapos ang digmaan.
❖Hinirang si Ba Maw ng mga Hapones bilang unang punong ministro ng Burma sa
ilalim ng Saligang Batas ng 1937.
❖ Noong malapit nang matalo ang Japan sa digmaan, ibinigay ng Japan ang
kasarinlan ng Burma noong 1943 subalit ang nasa likod pa rin ay mga Hapones.
❖Si Aung San ay nakipagkasundo kay Louis Mountbatten ng Allied Forces para
ialok ang kaniyang kooperasyon. Noong March 1945, si Aung San ay umanib sa
kampo ng British.
❖Sa panahon ng digmaan, si Aung San at ang mga radikal na Thakins ay
bumuo ng isang malaking alyansa ng mga partido at mga samahan, ang Anti-
Fascist Organization na nakakuha ng malawakang suporta mula sa
mamamayan.
❖Matapos matalo ang Japan, bumalik ang militar ng British at iba pang
miyembro ng pamahalaan at inakusahan si Aung San bilang isang traydor.
Dahil sa impluwensiya ni Aung San, ipinadala ni Mountbatten si Hubert Rance
para tumayong pinuno.
❖Matapos ang digmaan, tinanggal ang pamahalaang militar at napalitan si
Rance ng isang gobernador na nagbuo ng bagong kasapi ng gabinete.
❖Inaresto si Aung San ng mga bagong liderato at sinampahan ng kasong
pagtataksil.
❖Dahil dito, nagalit at nag-aklas ang mga mamamayan.
❖lbinalik si Rance bilang gobernador ng Burma.
❖Bumuo si Rance ng panibagong pamahalaan kasama si Aung San at
nagkaroon ng mapayapang paglilipat ng kapangyarihan na nagtapos sa
London noong 1947, ang pagpayag ng British para sa kalayaan ng
Burma.
❖Sa kabilang dako, hindi naging kumbinsido ang mga komunistang
kasapi ng Ant-Fascist People's Freedom League.
❖Humiwalay ang mga komunista sa grupo samantalang ang mga
konserbatibong kasapi ay naging oposisyon sa bagong pamahalaan.
❖Si Aung San, kasama ang ibang miyembro ng pamahalaan, ay palihim
na pinaslang ng isang konserbatibo.
❖Inatasan ni Rance si Thakin Nu para bumuo ng panibagong
pamahalaan at noong Enero 4, 1948 ang Burma ay naging ganap na
malayang republika.
Nasyonalismo sa Vietnam
❖Umusbong ang nasyonalismo sa Vietnam noong unang bahagi ng ika-20 dantaon.
❖Isang mahalagang personalidad sa nasyonalismo sa Vietnam ay si Ho Chi Minh, aktibista na nasa
France.
❖Sa Versailles Peace Conference, isinulong ng Vietnam ang pagbabago tulad ng representasyon sa
parlamento ng France, kalayaang magpahayag, at pagpapalaya sa mga bilanggong politikal.
❖Subalit hindi ito pinakinggan ng France. Kalaunan ay maraming nagsulputang mga kilusan at
samahang may ideolohiyang komunista at nasyonalista.
❖Sinubukang supilin ng France ang mga kilusan sa pamamagitan ng pagbibigay ng suporta sa
kanilang emperador na si Bao Dai.
❖Maraming naitatag na mga samahan tulad ng Vietnamese Nationalist Party noong 1927 and si Ho
Chi Minh ay nagtatag ng Indochinese Communist Party noong 1930.
❖Noong sinakop ng Japan ang Vietnam, nakita ni Ho Chi Minh ang pagkakataon na pasiglahin ang
nasyonalistang kilusan kaya itinatag niya ang Viet Minh.
❖Humingi ng tulong si Ho sa US para labanan ang mga Hapones sa pamamagitan ng guerilla.
❖Lumawak ang mga miyembro ng Viet Minh kasama na rin ang mga magsasaka.
❖Sinakop ng Viet Minh ang Hanoi.
❖Matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig at ang pagkatalo ng mga Hapones, idineklara ni Ho
ang malayang Vietnam bilang Democratic Republic of Vietnam.
❖Hindi ito kinilala ng France kung kaya at nagpadala sila ng puwersang militar para usigin ang Viet
Minh.
❖Tumulong din ang America sa France laban sa Viet Minh.
❖Marami ang mga grupong nasyonalista subalit napakahalaga ng tungkuling ginampanan ng Viet
Minh laban sa France.
❖Ang mahusay na pamumuno ng Viet Minh ay naging dahilan para lalong suportahan sila ng mga
mamamayan.
❖Ang unang digmaan sa Indochina ay naganap sa pagbalik ng France sa Vietnam.
❖Nagkaroon ng laban ang puwersa ng France at Viet Minh. Matapos ang digmaan, hindi kinilala ng
France ang pamahalaang itinatag ni Ho Chi Minh kung kaya at ang France ay nagtatag ng
pamahalaan sa timog Vietnam.
❖Sa kagustuhan ng France na matapos ang labanan, nagkaroon ng Geneva Conference kung saan
dinaluhan ito ng mga kinatawan ng France, Vietnam, US, USSR, Britain, China, Laos, at Cambodia.
❖Nagkaroon ng tigil-putukan at hinati ang Vietnam sa 17th parallel, ang hilagang Vietnam ay nasa
pamumuno ni Ho Chi Minh at Viet Minh samantalang ang timog Vietnam ay nasa control ni Bao
Dai.
Epekto ng Nasyonalismo sa
Sigalot-etniko sa Southeast
Asia
Digmaang Malamig (Cold War)
+ Ang Cold War (1947-1989) ay digmaan o tunggalian ng dalawang superpowers: ang US at ang USSR matapos ang lkalawang
Digmaang Pandaigdig.
+ Tinawag na superpowers ang dalawang bansang ito sapagkat mayroon silang maunlad at mayamang ekonomiya, malawak na teritoryo,
at malakas na militar.
+ Ang tunggalian ng superpowers ay ideolohikal, politikal, ekonomiko, at kultural tulad ng propaganda, pag-ispiya, at proxy wars.
+ Ang proxy war ay tunggalian ng dalawang magkalabang bansa na nagaganap sa ibang bansa or third party.
+ Ang Korean War at Vietnam War ay halimbawa lamang ng proxy wars.
+ Ang tensyon ay sa pagitan ng westemn bloc at easter bloc.
+ Ang westem bloc ay kinabibilangan ng US, NATO, at ibang kaalyado samantalang ang eastern bloc ay pinangungunahan ng USSR
kasama ang ibang satellites na bansa.
+ Ang Cold War ay labanan ng dalawang ideolohilya: ang US ay nagsusulong ng demokrasya at kapitalismo; ang USSR ay gustong
palaganapin sa buong mundo ang paniniwalang komunismo ati sosyalismo.
+ Nagkaroon ng pagkabahala ang US at Britain sa demokrasya sa kanlurang Europe dahil sa malakas na impluwensiya at kontrol ng
Soviet Union sa silangang bahagi ng Europe.
+ Ang Soviet Union naman ay pinilit na protektahan ang kaniyang nasasakupan mula sa hegemony ng US.
+ Bago matapos ang Cold War noong 1980s, nagsimulang baguhin ni Mikhail Gorbachev ang pamamahala sa Soviet Union.
+ Noong 1991, nabuwag ang USSR at nabuo ang 15 na bagong independent states.
Cold War sa Asia
+Malaki ang impluwensiya ng Cold War sa Asia sa maraming
aspekto.
+ Nagkaroon ng tunggalian ng dalawang ideolohiya ng
komunismo at demokrasya na nagdulot ng pagkakahati o
tension sa mga Asyano.
China at Cold War
❖ Ang mahabang digmaang sibil sa China noong 1927 hanggang 1950 ay labanan sa pagitan ng nasyonalistang pamahalaan ng
Kuomintang at ng Communist Party ng China (CPC).
❖ Sa tulong ng US, kinubkob ni Chiang Kal shek ang maraming pangunahing lungsod sa China.
❖ Umatake ang CPC sa hilagang China kung saan naroon ang suporta ng Soviet.
❖ Sinubukan ng US na pagkasunduin ang dalawang panig subalit hindi ito nagtagumpay.
❖ Ang Partido Komunista naman ay tinulungan ng Soviet Union at nakakuha ito ng malawakang suporta mula sa mga magsasaka sa
kanayunan.
❖ Nagtagumpay ang Partido Komunista sa pagkontrol ng China.
❖ Naideklara ang China bilang People's Republic of China.
❖ Ang mga nasyonalista ay tumakas sa Taiwan kung saan sila nagtatag ng pamahalaan.
❖ Sa ganitong pagkakataon, nagkaroon din ng dalawang ideolohiya ang China.
❖ Ang US ay sumuporta sa Taiwan sa pamumuno ni Chiang Kai-shek na nagpatupad ng patakarang mapaunlad ang Taiwan.
❖ Noong 1955, ginarantiyahan ng UN ang seguridad ng Taiwan.
❖ Sa kabilang dako, ang People's Republic of China ay nakatanggap ng tulong militar at teknikal.
❖ Sa mainland China, nagpatupad ng repormang pansakahan si Mao. Pinaalis niya ang mga dayuhang kapitalista. Ipinatupad niya ang
Great Leap Forward noong 1958 sa pagkakaroon ng collectivization sa mga kanayunan.
❖ Nagkaroon ng edukasyon para pag-aralan ang ideolohiyang Maoist. Noong 1966, ipinatupad naman niya ang Cultural Revolution.
Ang Dalawang Korea
❖ Matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nahati ang Korea sa dalawa:
ang hilaga ng 38th parallel ay North Korea at ang timog nito ay South Korea.
❖ Ang South Korea ay isang kapitalistang bansa na pinumunuan ni Syngman
Rhee, isang kontra-komunistang diktador samantalang ang North Korea ay
naging komunistang bansa sa pamumuno ni Kim ll Sung, isa namang
komunistang diktador.
❖ Noong 1950, sinakop ng North Korea ang South Korea subalit nagpadala agad
ng tulong ang America para sa South Korea.
❖ Samantala ang China ay tinulungan ang North Korea.
❖ Natapos ang Korean War noong 1953 pero walang nanalo sapagkat hanggang
sa kasalukuyang taon ay nahahati pa rin ang Korean Peninsula.
❖ Maraming namatay na mga sundalong Amerikano sa digmaang ito. Layunin ng
America na protektahan ang South Korea mula sa impluwensiya ng komunismo
at pananakop ng North Korea, at hindi nito layuning talunin ang North.
❖ Tinawag itong containment policy ng
❖ US. Noong 2018, nagkaroon ng pagpupulong ang Pangulo ng US Donald
Trump at ang lider ng North Korea Kim Jong-un sa Singapore para talakayin
ang denuclearization.
Vietnam at Cold War
❖ Ang Vietnam ay kolonya ng France simula noong ika-19 dantaon.
❖ Noong lkalawang Digmaang Pandaigdig, sinakop ng Japan ang Vietnam.
❖ Nilabanan ng Vietnam ang dalawang mananakop sa pamumuno ni Ho Chi Minh at sa pamamagitan ng kilusang Viet
Minh.
❖ Sa pagkatalo ng mga Hapones sa pagtatapos ng digmaan, si Emperador Bao Dai ang naiwang lider ng Vietnam.
❖ Sinamantala ni Ho ang pagkontrol sa hilagang Vietnam (Hanoi) at itinatag niya ang Democratic Republic of
Vietnam.
❖ Sa pangamba ng France na makontrol ni Ho ang buong Vietnam, sinuportahan ng France si Emperador Bao para
magtayo ng isang pamahalaan noong 1949 na nakabase sa Saigon.
❖ Nagtagumpay ang puwersa ni Ho sa maraming labanan lalo na sa Dien Bien Phu.
❖ Noong 1954 ay natapos ang pananakop ng France sa Vietnam.
❖ Sa Geneva Conference noong July 1954, nahati ang Vietnam sa 17th parallel, si Ho ang may hawak ng North Vietnam
samantalang ang South ay nasa pamamahala ni Bao.
❖ Batay sa kasunduan sa Geneva, magkakaroon ng halalan para sa pagkakaisa ng Vietnam sa taong 1956 subalit si Ngo
Dinh Diem, isang lider na kontra-komunista, ay isinulong ang pagiging pangulo ni Emperador Bao ng buong Vietnam.
❖ Sinuportahan ng US ang South Vietnam. Sa tulong ng America at CIA, inusig at pinaslang ang mga tagasuporta ng
Viet Minh. Noong 1960, nagsama-sama ang mga pangkat na laban kay Diem at nagtatag ng National Liberation
Front.
❖Noong 1961, mula sa ulat sa South Vietnam ay nagbigay ng payo na palakasin ang puwersang miltar
ng US at bigyan ng tulong pinansiyal at teknikal si Diem para labanan ang Viet Cong.
❖Ang paniniwalang kapag nagtagumpay ang komunismo sa Vietnam ay magkakaroon ito ng
malaking epekto sa pagkalat ng komunismo sa Southeast Asia ay tinawag na domino theory.
❖Noong August 1964, inatake ng North Vietnam ang dalawang US destroyers sa Golpo ng Tonkin.
❖Dahil dito, ipinag-utos ni Pangulong Johnson ng US ang pagbomba sa mga miltary target sa North
Vietnam.
❖Sumuporta rin ang South Korea, Thailand, Australia, at New Zealand sa war efforts ng US sa Vietnam.
❖Kahit marami ang namatay sa labanan, hindi sumuko ang North Vietnam sa tulong ng China at
Soviet Union.
❖Dahil na rin sa dami ng mga casualty ng Vietnam War sa panig ng US, umusbong ang mga protesta
at demonstrasyon laban sa Vietnam War.
❖Noong January 31, 1968, inilunsad ng South Vietnam sa pamumuno ni Gen. Vo Nguyen Giap ang
Tet Offensive sa mahigit na isandaang pangunahing lungsod sa South Vietnam.
+Sa pagbagsak na popularidad ni Pangulong Johnson mula sa report tungkol sa
Vietnam, ipinatigil niya ang mga pag atake sa North Vietnam at tumungo sa daan
ng kapayapaan.
+Noong January 1973, nagkaroon ng kasunduang pangkapayapaan ang US at
North Vietnam subalit nagpatuloy pa rin ang laban ng dalawang bansa hanggang
masakop na nang lubusan ng DRV ang kapital ng South Vietnam.
+Matapos ang dalawang dekadang digmaan, malaki ang naging epekto nito sa
populasyon ng Vietnam.
+Tinatayang dalawa milyon ang namatay na mga Vietnamese, tatlong milyon ang
mga nasugatan, at 12 milyon ang naging refugees.
+Nasira nang husto ang ekonomiya ng bansa.
+ Noong 1976, nagkaroon ng pagkakaisa ang Vietnam.
+Subalit noong 1986, niyakap ng Vietnam ang free market na nagbigay ng
pagkakataong umangat ang ekonomiya dahil sa pagpasok ng mga dayuhang
kapital.
Suriin ang kanta ng ASEAN, “The ASEAN Way”. Paano nakatulong ang
nasyonalismo para makamit ang mensahe ng awitin?

You might also like