You are on page 1of 5

I.

POINTERS FOR EXAMINATION


 ANO ANG KONSEPTO NG NASYONALISMO?
- Pangkalahatang idea patunggkol sa isang bansa.
- Ang nasyonalismo ay pagmamahal ay pagmamalaki sa sariling bansa. Ito
ay tungkol sa pagkakaisa at pag-aalaga sa kultura at kasaysayan ng bansa.
 ANO ANG NASYONALISMO?
-Pagmamahal sa bansa
- isang kamalayan sa lahi na naguugat sa pagkakaroon ng isang relihiyon,
wika, kultura, kasaysayan at pagpapahalaga.

DALAWANG URI NG NASYONALISMO:

√Pasibong Nasyonalismo- ito ay pagpapakita ng nasyonalismo sa


mapayapang paraan.
√Aktibong Nasyonalismo- ito ay pagpapakita ng nasyonalismo sa
pamamagitan ng dahas.

 ANO PAGKAKAIBA SA PAGITAN NG KOLONYALISMO AT


IMPERYALISMO?
- Koloyalismo- ito ay tungkol sa pagsakop sa ibang teritoryo.
- Imperyalismo- it ang malawak na konsepto na naglalayong mapalaganap
ng kapangyarihan at impluwensya sa maraming aspeto ng buhay, hind
lamang sa pamamagitan ng pagsakop kundi pati na rin sa ekonomiya,
pulitika, at kultura.

MGA HALIMBAWA:
√ Kolonyalismo- isang halimbawa ng kolonyalismo ay ang pagsakop ng
Estados Unidos sa Pilipinas
√ Imperyalismo- isang halimbawa ng imperyalismo ay ang
pangangamkam ng Europa sa mga lupain sa Africa, kung saan pinilit
nilang pailalim sa kanilang kapangyarihan ang mga lugar sa
pamamagitan ng pang-aangkin ng mga yaman at pagkontrol sa kalakalan.

Ibang halimbawa:
Noong ika-19 na siglo, nagkaroon ng mga digmaan at pang-aagaw sa
control sa Tsina o China. Sa pamamagitan ng mga pwesahang
pagbubukas ng kalakalan, naging bahagi ng imperyalistikong
interbensyon ang Tsina, na nagresulta sa pagsakop ng mga dayuhan sa
mga teritoryo at kalakal nito.Pangunahing rebelyon na naganap ay ang
Taiping Rebellion (1850-1864) at Boxer Rebellion (1899-1901).

 MGA BANSA SA ASYA NA MAY NASYONALISMO


- India- Ang india ay may matagal nang kasaysayan ng nasyonalismo, na
nagudyok sa kanila na magpakipaglabang para sa kanilang kalayaan
mula sa pananakop ng Britanya.
- Japan- Matapos ang pagbubukas ng Japan sa kanluraning impluwensya
noong ika-19 na siglo, nagkaroon ng pag-unlad ng nasyonalismo sa
bansa, na naging sanhi ng modernisasyon at militaristikong ekspansyon
ng Japan.
- Philippines- Ang nasyonalismo sa Pilipinas ay umusbong bilang tugon sa
mga pang-aapi ng mga dayuhang mananakop, particular sa Espanya at
Estados Unidos. Ito ay nag-udyok sa mga bayani tulad ni Jose Rizal at
Andres Bonifacio na ipaglaban ang kalayaan ng bansa.
- Vietnam- Ang nasyonalismo sa Vietman ay naging pangunahing pwersa
sa kanilang pakikibaka para sa kalayaan mula sa Pranses at, pagkatapos,
mula sa impluwensya ng Estados Unidos.
 PAGKAKAIBA SA EUROPA AT ASYA
- May mga pangunahing pagkakaiba ang Europa at Asya sa mga aspetong
geoprapikal na lokasyon, kasaysayan, kultural, ekonomiya, at
demograpiya.
Ang Europa, na matatagpuan sa kanluran ng Asya, ay kilala sa kanyang
kasaysayan ng kolonyalismo, pag-unlad ng demokratikong pamahalaan,
at pangunahing impluwensiya sa kanluraning kultura(western cultures).

Sa kabilang banda, ang Asya, ang pinakamalaking kontinente sa mundo.

 MGA BANSA NA NAKARANAS NG KOLONYALISMO AT


IMPERYALISMO
- INDIA
- PILIPINAS
- ALGERIA
- VIETNAM
 ANO ANG PAGKAKAIBA NG MILITANTE AT MAPANIRA NA
NATIONALISMO

Militante na nasyonalismo: Ito ay nagpapahayag ng matinding pagmamahal at


pagtatanggol sa sariling bansa, kultura, at identidad. Ang kanilang kilos ay madalas na
may layuning mapanatili at palakasin ang soberanya at independensiya n kanilang
bansa.

Mapanira na nasyonalismo: Sa kabilang banda, ang mapanira na nasyonalismo


ay nagtataglay ng pagpapahalaga sa sariling bansa, ngunit sa pamamagitan ng
paghihirap, diskriminasyon, o pananakot sa mga ibang grupo ng tao.

Sa Bibliya,ang konsepto ng nasyonalismo ay maaring maiugnay sa mga pangyayari


sa lumangtipan(old testament) kung saan ang mga Israelita ay naglaban upang
mapanatili ang kanilangkasarinlan at kultura laban sa mga dayuhan na nais
sumakop sa kanilang lupain.Si Haring David, sa kanyang pamumuno, ay
nagtagumpay sa pakikipaglaban upangitatag ang malakas na bansang Israel, na
nagpapakita ng determinasyon atpagmamahal sa sariling bayan at identidad ng
mga Israelita. Gayundin, angpakikipaglaban ni Nehemias upang itayo muli ang
pader ng Jerusalem ay isanghalimbawa ng pagsusulong ng nasyonalismo at
pagtindig para sa kalayaan atkasarinlan ng bayan ng Diyos.

Ang nasyonalismo sa Asya ay umusbong bunsodng mga karanasang


kolonyalismo at imperyalismo ng mga Kanluranin. Sa iba'tibang bahagi ng Asya,
tulad ng Silangang Asya, kanilang pinaglaban ang kanilang kasarinlan laban sa
mga dayuhang pwersa. Sa China, halimbawa, naganap ang Taiping Rebellion at
Boxer Rebellion laban sa impluwensiyang Kanluranin. SaIndia, naganap ang
Sepoy Mutiny dahil sa pang-aabuso ng mga British sa kanilang kultura at
relihiyon. Sa Pilipinas, ang mga rebolusyonaryo tulad ni Jose Rizalat Andres
Bonifacio ang nagtulak ng paglaban sa kolonyalismong Espanyol. SaKanlurang
Asya, ang Lebanon, Iraq, at Israel ay nagtagumpay sa kanilangpakikipaglaban para
sa kasarinlan.
II. POINTERS FOR THE QUIZ
Ano ang Anyo ng Nasyonalismo?

1. Politikal na Nasyonalismo:Nakatuon sa pagiging tapat sa


pampulitikang yunit ng bansa, kasama ang mga isyu ng pamahalaan,
hangganan, at teritoryo. Karaniwan itong may kaugnayan sa layunin na
bumuo ng kaharian at pag-assimilate ng teritoryo, partikular sa konteksto ng
Europe.
2. Kultural na Nasyonalismo:Ipinaglalabas ang pagiging bahagi ng isang
komunidad batay sa pangkalahatang kamalayan na nagmula sa mga
kaugalian, kasanayan, at iba pang paniniwala. Kilala ito sa pagtukoy sa
kolektibong kamalayan ng mga taong may parehong wika, relihiyon, at
kultura.

HALIMBAWA NG MGA PAMAHALAAN NA MONARKIYA:


1. Jordan- ay isang bansang monarkiya na pinamumunuan ni King
Abdullah II.
2. Thailand- ito ay isang konstitusyonal na monarkiya at ang Hari Maha
Vajuralongkorn ang pangulo sa bansa.
3. United Kingdom- ito din ay konstitusyonal na monarkiya ang
kasalukuyang panahon, Si Queen Elizabeth II).

PAGBIBIGAY KAHULUGAN: (Definition of terms)

Pakikibaka- kilos ng paglalaban na may gamit na armas


Monarkiya- isang anyo ng pamamahala ng goberno kung saan ang isang monarka
o hari ang naghahari at naghahatid ng liderato or leardership.
Nasyonalismo- pagmamahal sa bansang inyong kinabibilangan.
Kolektibo- naguugnay sa isang pangkat o indibidwal.
Edukasyon- proseso ng pag-aaral at pagtuturo para sa pagunlad ng kaalaman at
kasanayan.
Nasyonalistiko- ito ay ang pagtutuk o pagsuporta sa sariling bansa, kultura, at
interes.
Kolonyalismo- ito at isang pagpapatakbo ng isang bansa sa isang teritorya.
Konseptto- ito ay pangkalahatang idea or abstrakto na naglalarawan ng
pangunahing kaisipan sa isang particular na larangan
Kasarinlan- ito ay isang kabagayan ng pagiging Malaya o independiyente.
III. PERFORMANCE TASK
1. Choose one Asian country that has experienced nationalism (e.g. India’s
independent movement, Vietnam’s struggle for independence, etc.). Then
make an organized art gallery showing visual representations. List the
significant events during the nationalist movement. (50/50)
(YOU CAN USE ANY MATERIALS, e.g. ILLUSTRATION BOARD, Customize
Notebook, Bondpaper)

TO BE PASSED ON MARCH 4, 2024 TO SIR JUDE VIDAL.

2. Assignment:
- Answer page 50, Mga Pamprosesong Tanong (1-5)

TO BE PASSED this Wednesday, Febuary 29, 2024

You might also like