You are on page 1of 4

PAKSA 3: Mga pagbabago sa timog at kanlurang Asya

1) Nabigyan ng pagkakataon ang mga Asyano na makilahok at mamuno sa pamamahala.


Mga Uri ng Pamahalaan:
1. Demokrasya - Sa pamahalaang demokrasya, hawak ng mga mamamayan ang kapangyarihan sa pamahalaan. Ang
mga tao ay may pantay-pantay na karapatan at pribilehiyo.
2. Republika - Ang republika ay isang uri ng pamahalaan na walang monarka. Angpinakamataas na kapangyarihan ay
nasa mga mamamayan na maaaring maghalal ng mga taongkakatawan sa kanila. Maaaring presidensyal o
parliamentaryo ang anyong republika.
3. PamahalaangPederal - Sa pamahalaang ito, hawak ng mga local na pamahalaan ang kapangyarihan na hindi
maaaringpakialaman ng pamahalaang nasyonal.
4. Totalitaryanismo - Ito ang sistemang politikalna hawak ng estado, o ng pamunuang namamahala nito ang ganap na
awtoridad.
5. Diktadurya - Ang pamahalaang ito ay pinamumunuan ng isang diktador na hindi nalilimitahan ng anumang batas
angkanyang desisyon.
6. Teokrasya - Sa pamahalaang ito, ang mga lider ng relihiyon angnamumuno bilang kinatawan ng kanilang Diyos.
7. Republikang Islamic - Nagsimula ito sa kilusan ng mga Islamist upang magdulot ng pagbabago sa relihiyon, politikal
at sosyal.
8. Komunismo - Sa pamahalaang ito, iisang partidong autoritaryan ang maykapangyarihan sa ekonomiya ng bansa.

Iba’t Ibang Sistemang political ng Timog at Kanlurang Bansa


“Sistemang Nepal”
Ang Nepal Ay parlamentaryong Demokrasya. Binubuo ng dalawang kapulungan. Ang Pratinidhi Sabha o kapulungan ng
mga kinatawan. At Ang Rashtriya Sabha O kapuluang ng Estado
“Sistemang Pampolitiko sa kanlurang Asya.”
Nang matuklasan ng mga tao ang kahalagahan langis, nagsimulang mag - agawan ang mga bansa sa Timo - Kanlurang
Asya sa mga teritoryong mayaman sa petrolyo. Ito ang nagbunsod sa pagsiklab ng damdamin ng mga kilusang
nagnanais magtatag ng sariling pamahalaan.
“TURKEY” - Ang Turkey ay isang bansang Ang Turkey ay isang bansang REPUBLIKA. Ang republika ay
tumutukoy sa uri ng pamahalaang nagkakahiwalay ang simbahan at estado. Itinatag ni Mustafa Kemal.
“Saudi Arabia” - Nagsimula ang pamahalaan ng bansa noong bumagsak ang Imperyong Ottoman ng mga
Turks. Itinataguyod ni Abdul Aziz ang isang Pamahalaang Islamic na maayon sa koran. Itinaguyod naman ni
Fahd ang Absolute Monarchy sa bansa.
“Israel” - Demokratikong Parlamentaryong bansa. Ang mga Israeli ay bumuboto sa isang partikular ng partido at
hindi sa isang indibidwal na kandidato
GAWAIN 3: Mga pagbabago sa timog at kanlurang Asya
A. Punan ng tamang sagot ang mga patlang.
_________________________ 1. Ito ay isang uri ng pamahalaan na kung saan ang sistemang politikal ay hawak ng
estado, o ng pamunuang namamahala nito ay ang ganap na awtoridad.
_________________________ 2. Ito ay isang uri ng pamahalaan na kung saan sa pamahalaang ito, hawak ang
kapangyarihang mamuno ng lokal na pamahalaan.
_________________________ 3. Ito ay isang uri ng pamahalaan na ang mga natalagang mamuno ng relihiyon o ng
isang bansa ang namumuno bilang tagarepresenta ng kanilang Panginoon.
_________________________ 4. Ito ay isang uri ng pamahalaan na kung saan sa pamahalaang ito, pipiling partidong
awtoritaryan lamang ang hahawak sa kaunlaran ng isang bansa.
_________________________ 5. Isa itong bansang monarkiya na matatagpuan sa Timog Asya.
_________________________ 6. Isa itong bansang may uri ng pamhalaan na Nominal na Monarkiyang Konstitusyonal
na matatagpuan sa Kanluran Asya.
_________________________ 7. Isa itong bansang may uri ng pamhalaan na Republika sa Ilalim ng Militar na
matatagpuan sa Kanlurang Asya.
_________________________ 8. Ano ang uri ng pamahaan sa bansang Iran.
_________________________ 9. Anong uri ng pamahalaan ang sa bansang Turkey?
_________________________ 10. Ito ay maituturing na isang haligi. Ito ay nagsisilbing buhay ng bansa tungo sa
katatagan, katahimikan, at kaunlaran ng pamumuhay ng mamamayan.

PAKSA 4: Kolonyalismo at imperiyalismo sa silangan at timog


silangang asya
Ibat-ibang paraan ng pananakop ng mga Kanluranin sa Silangan at Timog- Silangang Asya.
Dahilan sa sinaunang rutang pangkalakan mayroon nang ugnayan ang Silangang Asya sa mga bansang Kanluranin.
Bunga nito, nabatid ng mga Kanluranin ang karangyaan ng mga bansa sa Silangang-Asya.
Isa ang bansang Portugal na naghangad ng Kolonya sa Silangang Asya partikular na sa China. Nakuha nila ang
daungan ng Macao sa China at Formosa sa Taiwan. Hindi gaanong naapektuhan ang Silangang-Asya sa Unang Yugto
ng Imperyalismong Kanluranin dahil sa matatag na pamahalaaan ng mga bansa nito.

UNANG YUGTO NG IMPERYALISMONG KANLURANIN

1. PANANAKOP SA PILIPINAS - Naglakbay sa Silangan gamit ang rutang


pakanluran. Napatunayan sa kanyang paglalakbay na bilog ang mundo.
a. KRISTIYANISMO - Relihiyong pinalaganap ng mga Espanyol. Isa sa
paraang ginagamit ng mga Espanyol sa Pananakop sa Pilpinas.

b. MGA PATAKARANG IPINATUTUPAD NG MGA ESPANYOL SA PILIPINAS


PATAKARANG REDUCCION - Naglalayong mailipat ang mga katutubo na naninirahan sa malalayong
lugar upang matiyak ang kapangyarihan ng mga Espanyol gayundin ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo.
PANGKABUHAYANG PATAKARANG TRIBUTO - Pinagbabayad ng buwis ng mga Español ang mga
katutubo. Maaari nilang ipambayad ang ginto, produkto at mga ari- arian. Dahilan dito…… Maraming katutubo
ang naghirap at nawalan ng kabuhayan.
PATAKARANG MONOPOLYO - Pagkontrol ng mga Español sa kalakala. Hinawakan nila ang
pagbebenta ng mga produktong nabili sa Europa tulad ng tabako. Dahilan dito… Maraming pamilya ang
nagutom dahil hindi na sila makapagtanim ng kanilang makakain.
POLO Y SERVICIO - Sapilitang pagpapatrabaho ng mga kalalakihang may edad na 16 hanggang 60.
Gumagawa ng tulay, kalsada, simbahan, gusaling pampamahalaan at iba pa. Dahil dito… Marami sa kanila ang
nahiwalay sa pamilya at namatay sa hirap.
c. PAMPOLITIKA: SENTRALISADONG PAMAMAHALA
Napasailalim sa pamumuno ng mga Español
ang halos kabuuan ng bansa. Itinalaga ng Hari ng
Español bilang kaniyang kinatawan sa Pilipinas ang
GOBERNADOR HENERAL, pinakamataas na pinunong
Español sa Pilipinas. Dahil dito… Nawala sa kamay ng
mga katutubo ang karapatang pamunuan ang kanilang
sariling lupain. Naglingkod sa pamahalan sa
pinakamababang posisyon.
d. SA SIMBAHANG KATOLIKO - Naging
makapangyarihan ang Español na pari at kura paroko sa
panahong ito.
e. PANGKULTURA - Niyakap ng mga katutubo ang Kristiyanismo. • Ipinapatag ang mga pinuno ng katutubong
relihiyon. • Natutunan ng mga katutubo ang wikang Español. • Idinaos ang taunang pagdiriwang ng mga
sumusunod: * Piyesta sa Bayan * Santacruzan * Araw ng mga Patay * Pasko
2. PANANAKOP SA INDONESIA - Nasakop ng Portugal ang Ternate sa Moluccas. Inagaw ng Netherlands mula sa
Portugal ang Amboina at Tidore sa Moluccas. Nakuha ng England at ibinalik din sa Netherlands. Nasakop ng
Netherlands ang Batavia sa Jakarta. Sumakop: Portugal, Netherlands at England.
DIVIDE AND RULE POLICY - Isang paraan ng pananakop kung saan pinag- aaway-away ng mananakop ang mga
lokal na pinuno o naninirahan sa isang lugar.
NASYONALISMO SA SILANGAN AT TIMOG- SILANGANG ASYA
Dumanas ng maigting na imperyalismo ang Silangang Asya lalo na noong ika-18 siglo kung saan ipinatupad
ang patakarang Sphere of Influence at Open-Door Policy. Sinundan din ito ng Una at Ikalawang Digmaang Opyo.
Dahilan dito, nagsagawa ng dalawang rebelyon ang mga Tsino.
1. REBELYONG TAIPING - Hung Hsiu Ch’uan (Hong Hiuquan) – namuno sa rebelyong Taiping laban sa dinastiyang
Qing na pinamunuan ni Machu.
Layunin: • Mapabagsak ang dinastiyang Qing • pagbabago sa lipunan • Pagkakapantay-pantay ng karapatan
para sa kababaihan • Pagpapalit ng relihiyong Confucianism at Buddhism sa relihiyong Kristiyanismo.
Nagapi ito ng Dinastiyang Qing. Ito ang isa nsa madugong rebelyon sa kasaysayan ng Tsina, 20 milyong Tsino
ang namatay
2. REBELYONG BOXER -binubuo ng samahang I-ho Chu’an o Righteous and Harmonious Fists na may kasanayan sa
gymnastic exercise. Layuning nitong patalsikin ang lahat nang dayuhang nasa bansa. Ipinapatay at pinaslang ang mga
misyonerong Kristiyano at debotong Tsino ng relihiyong Kristiyano. Natalo ang rebelyong Boxer dahil nagpadala ng
2,100 na mga sundalo ang United States, Great Britain, Russia, France, Italy at Japan.
3. PAG-UNLAD NG NASYONALISMO SA JAPAN
EMPERADOR MUTSUHITO (1867-1912)
• Naging pinuno ng Japan mula ng tangapin ng mga Hapones ang mga Kanluranin sa bisa ng
kasunduang Karagawa.
• Nagpalit ng kabisera ng Japan sa Edo (Tokyo sa kasalukuyan). Nakilala dahil sa kaniyang pagyakap
sa impluwensiya ng mga Kanluranin na kanilang ginamit upang mapaunlad ang Japan.
EDUKASYON - Nagpatupad ng compulsary education o sapilitang edukasyon sa elementary.
• Nag-imbita ng mahuhusay na guro mula sa ibang bansa.
• Ipinadala ang mga iskolar na Hapones sa ibang bansa.
EKONOMIYA - Nagtungo sa United States at Europe upang matutunan ang paraan ng pagnenegosyo at
pagpapaunlad ng iba’t-ibang industriya. Nagpagawa ng kalsada, tulay, linya ng kuryente na nagpaunlad sa sistema ng
komunikasyon at transportasyon.
SANDATAHANG LAKAS - Pinalakas ang sandatahang lakas.
• Nagpagawa ng makabagong barko at kagamitang pandigma
• Isinaayos ang pagsasanay ng mga sundalong Hapones

GAWAIN 4: Kolonyalismo at imperiyalismo sa silangan at


timog silangang asya
Kompletuhin ang transpormasyon ng Silangan at Timog Silangang Asya mula noon hanggang sa kasalukuyan.

1. Bumuo ng sariling Anu- ano ang mga


1. Sinakop ng Espanya 1. Lumaban ang mga Pilipino
pamahalaan ang mga pagbabagong
ang sa pamamagitan ng:
Pilipino. napapansin mo sa mga
________________.
bansang Pilipinas, China
2. Nasakop ng mga 2. Ano naman ang ginawa at Japan ngayong
________________ _________________________ ng mga Tsino? malaya na sila?
ang China. _____________________
2. Lumaban ang mga Tsino sa ___________________
_____________________
3. Nasakop ng mga pamamagitan ng: ___________________
_____________________
________________ _________________________ ___________________
_____________________
_________________________ ___________________
ang Japan _____________________
_________________________ ___________________
_____________________
_________________________ ___________________
4. Lumaban ang mga Hapon sa 3. Ano naman ang ___________________
pamamagitan ng: hakbang ng mga Hapon? ___________________
_________________________ ___________________
_____________________
_________________________ ___________________
_____________________
_________________________ ___________________
_____________________
_________________________ ___________________
_____________________
_________________________ ___________________
_____________________
_________________________ ___________________
___

You might also like