You are on page 1of 2

ARALING PANLIPUNAN 7- REVIEWER

IKAAPAT NA MARKAHAN

Thailand- “Land of the Free”. Hindi nasakop ng kahit na anung bansa.


Pilipinas- Nasakop ng mga Kastila sa loob ng 333 na taon.
June 12, 1898- Araw ng Kalayaan ng mga Pilipino
July 4, 1946- Araw ng kalayaan na ipinagkaloob ng mga Amerikano sa mga Pilipino
Gobernador- Heneral- pinakamataas na pinunong Kastila sa Pilipinas
Reduccion- tawag sa sa paglilipat ng mga katutubo na naninirahan sa malalayong lugar upang
matiyak ang kapangyarihan sa kolonya at pagpapalaganap ng Kristyanismo
Polo y Servicio- Sapilitang pagtatrabaho ng mga kalalakihan na may edad 16-60 taon
Demokrasya- ideolohiyang nagbigay-diin na ang kapangyarihan ng pamahalaan ay nasa kamay
ng mga tao at ang pagkakapantaypantay ng mamamayan sa tingin ng batas at iba
pang aspekto ng pamumuhay
- ideolohiyang niyakap ng Timog Korea na sinuportahan ng Amerika
Warlords- mga nagmamay-ari ng lupa na may sandatahang lakas
Sun Yat Sen- Nasyonalistang nanguna sa ideolohiyang demokratiko
Mao Zedong- Nasyonalistang nanguna sa ideolohiyang komunismo
Nuclear Family- tawag sa uri ng pamilya na binubuo ng mga magulang at kanilang mga
anak na walang asawa
Extended Family- tawag sa uri ng pamilya na binubuo ng mga lolo lola, magulang at
kanilang mga anak na may asawa
Female Infaticide- penomeno sa tradisyunal na lipunang China na sadyang pagkitil sa
buhay ng mga babaeng sanggol
Suttee o Sati- Pagsama ng babae sa kanyang asawang namatay bilang tanda ng
pagmamahal niya rito.
Purdah- Ang babae ay itinatago sa mata ng publiko sa pamamagitan ng paggamit ng
damit na magtatakip sa katawan, mukha at buhok
Neokolonyalismo- makabagong paraan ng pananakop sa isang mapayapang paraan
Efren Reyes- manlalaro sa Pilipinas maging sa ibang panig ng mundo kapag ang
pinag-uusapan ay palakasan ng larong bilyar
Manny Pacquiao- larong boksing
Arnis- Pambansang laro ng Pilipinas
Dutch East India Company- Nakontrol nito ang spice trade sa Timog- Silangang Asya
Pagkakatulad ng China at Japan sa pakikitungo sa dayuhan- Hindi nila pinahintulutan
na makapasok ang mga bansang kanluranin sa kanilang bansa
Ilustrado - ”naliwanagan”
Principalia- Pilipinong mayaman at may posisyon sa pamahalaang kolonyal na binubuo ng
mga mestisong Tsino at Espanyol at mayayamang Pilipino
Cultivation System- Inatasan ng mga Dutch ang mga magsasakang Indones na ilaan ang
sanlimang (1/5) na bahagi ng kaniyang lupain o 66 na araw para sa
pagtatanim ng mga produktong iniluluwas ng mga Dutch
Karapatang Extraterritoriality- Sinumang British na nagkasala sa Tsina ay hindi
maaaring litisin sa korte ng mga Tsino

Epekto ng kolonyalismo at imperyalismong Kanluranin sa ekonomiya ng mga bansa


sa Silangan at Timog Silangang Asya noong ika-16 hanggang ika-19 na siglo-
Nagpagawa ng mga kalsada at riles ng tren upang mapabilis ang pakikipagkalakalan
Pagkakatulad ng karanasan ng Silangan at Timog – Silangang Asya sa kamay ng
mga kanluranin- Kinontrol ng mga kanluranin ang pamamahala, ekonomiya at
pangangalakal ng Silangan at Timog-Silangang Asya

ANYO O INSTRUMENTO NG NEKOLONYALISMO


Militar- tumutukoy sa pagpapalaganap ng mga tagapayong militar upang tulungan ang
pamahalaan sa pangangalaga ng seguridad ng bansa
Ekonomiya- Pagpapahiram ng mga pondo para sa pagpapaunlad ng negosyo

Pulitika- Kung hindi mapasunod nang mapayapa, gumawa ng paraan ang mga neokolonyalista
upang guluhin ang isang pamahalaan o ibagsak ito ng tuluyan

Pangkultura- Maraming mga Pilipino ang naipadala sa Estados Unidos upang


magpakadalubhasa. Tinatawag silang mga pensyonadong mag-aaral at kumikilos
nang tila Amerikano nang magbalik sa Pilipinas.
- Pagpasok ng mga pagkaing banyaga katulad ng mansanas, burger at fries

You might also like