You are on page 1of 4

KASAYSAYAN NG WIKA SA PANAHON NG REBOLUSYONG PILIPINO

Discipline Committee

1. Dyuliana
- Isa sa pinakamasalimuot na parte ng ating kasaysayan ang panahon ng rebolusyon.
- Ito ay nagsimula sa unang pakikipaglaban ng mga Pilipino mula sa mga kastila
hanggang sa pagwakas ng kanilang kasunduan.
- 300 (tatlong daang) taon ang pananakop ng mga kastila at namulat ang mga
Pilipino sa kaapihang kanilang dinanas.
- Sa panahong ito, ang kalinangan ng Pilipinas
ay pinaghalong impluwensiya ng mga katutubong tradisyon
at mga kultura ng mga unang mangangalakal at mananakop sa bansa.
- Ang pananakop ng mga kastila ay nagbigay rin
ng malaking kontribusyon sa kultura ng pilipinas dahil ang
mas kadalasang kilala bilang tagalog ay may mga
maraming salita na hiniram galing sa kastila na nagtungo pa
ang ilang pilipino sa ibang bansa upang kumuha ng karunungan.

2. John Carlo
- Taong 1872(Isang libo walong raan pitong pu’t dalawa), nagkaroon ang mga
propagandista ng kilusan na nagging simula ng kamalayan upang maghimagsik.
- Sa panahon ito, sumisibol sa mga maghihimagsik ang kaisipang “ISANG BANSA,
ISANG DIWA” laban sa mga espanyol. 
- Pinili nila ang tagalog sa pagsusulat ng mga sanaysay,tula, kwento,liham at talumpati.
- Masidhing damdamin laban sa mga Espanyol ang pangunahing paksa ng kanilang
sinusulat.

3. Shella
- Noong Agosto 19,1896 (ika labing-siyam ng Agosto taong isang libo walong raan
siyam na pu’t anim) nadiskobre ng mga Espanyol ang katipunan at 
napakaraming mamamayang Pilipino ang inaresto at ikinulong dahil dito.
- Ito ang naging dahilan ng himagsikan sa pamamagitan ng pagpunit ng cedula na
sumasagisag na nais lumaya ng mga Pilipino sa kapangyarihan ng Espanya 
na nakilala sa kasaysayan satawag na “Sigaw Pugadlawin”.
- Dito ipinakita ng mga Pilipino na handa silang ibuwis ang kanilang mga buhay para sa
kapayapaan at Kalayaan ng Pilipinas.
- Ito ay sa pamumuno ni Andres Bonifacio na siyang binansagang “Ama
ng Katipunan”.
- Siya rin ay isa sa mga Propagandistang nakipaglaban sa mga Kastila.

4. Bea
KASAYSAYAN NG WIKA SA PANAHON NG REBOLUSYONG PILIPINO
Discipline Committee

KKK
- Ang samahang KATAAS-TAASAN KAGALANG-GALANGANG
KATIPUNAN NG MGA ANAK NG BAYAN o mas maikli at mas nakilala sa
pangalang Katipunan ay isang lihim na samahan na itinatag nina andres
Bonifacio at ibang mga Pilipino sa isang bahay sa Kalye Azcarraga, Maynila
noong mismong araw na ipinatapon si Dr. Jose Rizal sa Dapitan.

- Ang sumusunod ay ang layunin ng Katipunan.


- Layunin ng mga katipunero ang ganap na kasarinlan
- Makamtan ng pilipinas ang Kalayaan sa Espana sa pamamagitan ng
paghihimagsik
- Maipalaganap ang kagandaang-loob, kabutihang asal, katapatan, katapangan at
ang paglaban sa bulag na pagsunod sa relihiyon.
- Tulungan at ipagtanggol ang mga mahiirap at inaapi.
- Wikang tagalog ang ginamit sa kanilang mga kautusan at pahayagan.
- Ito din ang siansabing unang hakbang tungo sa pagtaguyod ng Wikang
 Tagalog.

5. Mia
- Ang mga propagandista na nakipaglaban sa mga kastila.
- Ang propaganda ay ang uri ng komunikasyon na ang layunin ay makapag
impluwensya.
- Samantala, propagandista naman ang tawag sa mga tao sa likod ng propaganda.
- kilalanin sina Dr. Jose Rizal, Graciano Lopez Jaena, Antonio Luna, Marcelo H. Del
Pilar at Emilio Aguinaldo.

- Jose Protacio Rizal Mercado Y Alonso Realonda na mas kilala sa ngalang “Jose
Rizal” ay ang pambansang bayani ng Pilipinas na naniniwala na ang wika
ay malaking bagay upang mapagbuklod ang mamamayang Pilipino.

- Nilikha ni Dr. Jose Rizal ang nobelang Noli Me Tangere na ang ibig sabihin sa
tagalog ay “Huwag mo akong Salingin”.
- Ang nobelang ito ay tumatalakay sa mga kinagisnang kultura ng Pilipinas 
sa pagiging Kolonya nito sa Espanya na nagbigay tuon sa mga katolikong 
Prayle.
- Binabatikos din ng nobelang ito ang mga bisyo na nakasanayan
ng mga Pilipino at ang kapangyarihang taglay ng simabahang katoliko.

6. Angielyn
KASAYSAYAN NG WIKA SA PANAHON NG REBOLUSYONG PILIPINO
Discipline Committee

- Malaki ang kontribusyon ni Jose Rizal sa La Solaridad na siyang opisal na 


pahayan noong panahon ng himagsikan.
- Sa panahong ito, nilikha rin niya ang nobelang El Filibusterismo na inialay 
niya sa tatlong paring martir na sina Mariano Gomez, Jose Burgos at Jacinto
Zamora na mas kilala sa tawag na GomBurZa.

- Graciano Lopez y Jaena,


- Siya ay kilala bilang lider ng kilusang propaganda sa espanya na ang layunin:
ay ang kilalanin ng mga kastila ang Pilipinas bilang bahagi ng lalawigan 
ng bansang Espanya at ang pantay na pagtingin sa bawat Pilipino
at Kastila sa harapan ng batas.
- Dito rin nagsimula ang La Solidaridad bilang gamit upang maka propaganda 
sa Espanya.
- Si Graciano Lopez ay isang mamamahayag, tagapagsalita, rebolusyonaro at
editor nito.

7. Gelika
- Antonio Luna.
- Siya ay isang parmasyotiko.
- Isa siya sa lumaban sa panahon ng rebolusyon sa pamamgitan ng sulat ng 
kanyang edisyon sa La Solidaridad.
- Sinulat niya ang kwento na may pamagat na “Mga Impresyon” na nakitungo sa mga
kastilang kaugalian sa ilalim ng pangalang “Taga-Ilog”.

- Marcelo H. Del Pilar


- Ang Dakilang propagandista
- Siya ang pumalit kay Grciano Lopez Jaena bilang patnugot ng La Solidaridad.
- Siya rin ang nagsalin sa wikang tagalog na tula ni Rizal na pinamagatang El
Amor Patrio na ang ibig sabihin ay “Ang Pag-ibig sa Tinubuang Lupa”.
- Isa siya sa lider ng kilusang propaganda sa Espanya kasama sina Graciano
Lopez Jaena at Jose Rizal.

8. Yvonne
KASAYSAYAN NG WIKA SA PANAHON NG REBOLUSYONG PILIPINO
Discipline Committee

- Ang Kilusang Propaganda


- Matapos ang pagbitay sa tatlong paring martir, ang GOMBURZA. Nagsimulang
magkaisa ang mga ilustrado na kumilos upang ipaglaban ang karapatan ng mga
Pilipino. Itinatatag nila ang Kilusang Propaganda. Isang kilusan sa Barcelona,
Espanya noong taong 1892(isang libo walong raan siyam na pu’t dalawa) hanggang
taong 1899(isang libo walong raan siyam na pu’t siyam).
- isang kilusan na naglalayong humingi ng reporma o pagbabago sa kolonya sa
mapayapang paraan.

- Konstitusyon ng biyak na bato.


- Andito sa panahng ito ang pagkakatatag ng Biyak na Bato noong taong 1899 (isang
libo walong raan siyam na pu’t siyam) ni Emilio Aguinaldo, na kung saan
ginawang opisyal ang wikang tagalog. Ngunit walang isinasaad na ito ang 
magiging wikang pambansa ng Republika.

9. Hana
- Emilio Aguinaldo
- Pinamunuan ni Emilio Aguinaldo bilang pangulo noong Hunyo 22, 1898(ika
dalawang pu’t dalawa ng hunyo taong isang libo walong raan siyam na pu’t walo) ang
pamahalaang rebolusyonaryo na pumalit sa pamahalaang diktatoryal at naipahayag
ang Kalayaan noong Hunyo 12, 1898 (ikaw labingdalawa ng hunyo taong isang libo
walong raan siyam na put walo).
- Itinatag niya ang unang republica ng pilipinas na nagsasaad sa konstitusyon na ang
paggamit ng wikang tagalog ay opsyonal at gagamitin lang ito sa mga
nangangailangan ng wikang tagalog.

- Ang Unang republika


- Unang Republika ay ang pamahalaan ng Pilipinas na itinatag kasabay ng
paghahayag ng Saligang Batas ng Malolos noong Enero 23, 1899(ika dalawang pu’t
tatlo ng Enero taong isang libo walong raan siyam na pu’t siyam) sa Malolos Bulacan
hanggang sa pagkadakip kay Emilio Aguinaldo ng mga sundalong Amerikano noong
Marso 23, 1901(ikaw dalawang pu’t tatlo ng Marso taong isang libo siyam na raan at
isa) sa Palanan Isabela na nagtapos sa Unang Republika.
- Ang pagkakatatag ng unang republika ang nagging pinakamahalagang pangyayari sa
himagsikan ng mga Pilipino laban sa pamamahala ng mga Espanyol. Ito din ang
kauna-unahang Republika na naitatag sa Asia.

You might also like