You are on page 1of 1

Propaganda – Ang propaganda ay isang uri ng patalastas, kabatiran, o komunikasyon na may layuning

maimpluwensiyahan ang asal ng isang pamayanan papunta sa isang layunin o posisyon. Ginagamitan
ito ng masistema o maparaang pagkakalat o pagpapalaganap ng mga paniniwala o kaya ng doktrina.
Propagandista – sila ang mga kabataang Pilipino na nakapag – aral sa Pilipinas at Europa na may mataas na simulain
sa kabila ng kahirapan.
Ambag - kontribusyon
Resulta – bunga
Paglinang – pagsasanay, paghasa o pagpapaunlad ng kaalaman
LAYUNIN NG KILUSANG PROPAGANDA
1. Pagkakapantay-pantay ng mga Pilipino at Espanyol
2. Gawing lalawigan ng Espanya ang Pilipinas
3. Magkaroon ng kinatawan ang Pilipinas sa Cortes ng Espanya.
4. Sekularisasyon ng mga parokya sa Pilipinas
5. Ipagkaloob sa mga Pilipino ang karapatang pantao at kalayaan sa pagsasalita

Kilusang Propaganda – mapayapang kampanya para sa pagbabago ng pamamalakad sa Pilipinas


La Solidaridad – Itinatag ng mga Pilipino sa Barcelona, Spain noong Disyembre 31, 1898.

LA SOLIDARIDAD
- Ang opisyal na pahayagan ng Kilusang Propaganda.
- Unang inilathala sa Barcelona, Spain noong Pebrero 15, 1889 sa pamumuno ni Graciano Lopez-Jaena. Pumalit sa
kaniya si Marcelo H. del Pilar noong Disyembre 15, 1889.
- Pahayagang inilathala sa Espanya ng mga propagandista ang pagtuligsa sa mga prayle at kastila. Hinihikayat nito
ang mga Pilipinong ipaglaban ang kanilang karapatan laban sa mapang-abusong mga prayle. Iparating sa mga
kinauukulan ang mga katiwaliang nagaganap sa Pilipinas. Ipaglaban ang katarungan at kaunlaran. Humingi ng
panlipunan at pampulitikang pagbabago. Maipalaganap ang diwa ng demokrasya.
MGA REPORMISTA
(1) Jose Rizal, (2) Marcelo H. del Pilar, (3) Graciano Lopez Jaena, (4) Mariano Ponce, (5) Juan Luna, (6) Antonio Luna,
(7) Pedro Paterno, (8) Jose Ma. Panganiban, (9) Pedro Serrano Laktaw
MGA NATATANGING PROPAGANDISTA
• Graciano Lopez Jaena
- Mahusay na manunulat at orador tinaguriang “Prinsipe ng Manunulampating Pilipino”.
- Sumulat ng Fray Botod – isang prayleng Malaki ang tiyan na ganid sa pagkain, maging sa pang-aabuso, kasakiman at
kalupitan nito sa mga Pilipino. Patnugot ng La Solidaridad. Namatay sa sakit na tuberkolosis sa Barcelona.
• Jose Protacio Rizal
- Nobelista ng kilusan. Sumulat at naglathala ng nobelang Noli Me Tangere sa Berlin at El Filibusterismo sa Belgium.
Gumamit ng sagisag na Dimasalang at Laong Laan. Nagtatag ng La Liga Pilipinas
MGA NOBELA NI RIZAL
- Sa mga aklat na ito, tinuligsa ni Rizal ang kasamaan ng mga prayle at kabulukan ng Sistema ng pamahalaang
Español.
Noli Me Tangere – ay naghahayag ng pagmamalabis, pagmamalupit, at pagkaganid ng pinuno at prayleng Espanyol
sa mga katutubong Pilipino.
El Filibusterismo – ay nobelang inihandog ni Jose Rizal sa tatlong paring martir na GOMBURZA. Dito ay inilalahad ang
nalalapit na rebolusyon.
LA LIGA FILIPINA
- Itinatag ni Rizal noong Hulyo 3, 1892 matapos makabalik sa Pilipinas. Layunin ng samahan na magkaisa ang lahat ng
Pilipino sa paghingi ng reporma sa mapayapang paraan.
- Kabilang si Andres Bonifacio sa samahang ito bilang tagamasid. Sa kasamaang-palad, hindi nagtagal ang samahan
dahil ipinahuli ni Gobernador-Heneral Eulogio Despujol si Rizal noong Hulyo 7, 1892 upang ipatapon sa Dapitan
• Marcelo H. Del Pilar
- Manunulat ng pahayagang La Solidaridad. Gumamit ng sagisag na Plaridel at Piping Dilat. Nagtatag ng Diaryong
Tagalog upapng isiwalat ang pagmamalupit ng mga Espanyol sa mga Pilipino. Namatay sa sakit na tuberkolosis sa
Barcelona.
Nabigo ang Kilusang Propaganda dahil hindi dininig ng Espanya ang mga karaingan ng mga Pilipino. Isa rin sa dahilan
ng pagkabigo ng kilusan ang kawalan ng pondo upang maipagpatuloy ang mga gawain ng samahan. Ang pagkabigo
ng Kilusang Propaganda ang naging simula ng Rebolusyon.

You might also like