You are on page 1of 14

UGNAYAN NG LOKASYON NG PILIPINAS Ang Heograpiya

Kabilang ang Pilipinas sa mga bansa sa rehiyon sa Timog Silangang Asya. Ito ay isang estadong malaya,
may sariling teritoryo at binubuo ng 7,641 na mga pulo. Bukod sa mga ito, ano pa nga ba ang dapat
malaman tungkol sa Pilipinas na tinatawag ding Perlas ng Silangan ?
Upang higit pang makilala ang mga bagay-bagay tungkol sa Pilipinas, marapat na maunawaan ang
heograpiya nito. Ano ba ang heograpiya? Ito ay isang larangan ng agham na hango sa mga salitang
Griyego na geo o daigdig at graphia na ang ibig sabihin ay pagsulat o paglalarawan. Samakatwid, ang
heograpiya ay isang agham na may kinalaman sa pagsulat o paglalarawan sa pisikal na katangian ng
daigdig . Ito ay siyentipikong pag-aaral ng mga lupain, kung paano ang mga ito ay nabuo, lumitaw,
natagpuan at patuloy na nagbabago sa paglipas ng panahon. Bukod sa pagsasaliksik tungkol sa
panlabas na katangian ng mundo pinag-aaralan din dito ang mga tao na naninirahan dito. Sinusuri sa
heograpiya ang pakikipag-ugnayan ng mga tao sa kanyang kapaligiran at sa kapwa niya nilalalang.
Pinag-aaralan din nito ang mga pamamaraan kung paanong ang lugar at lokasyon nito ay nagkakaroon
ng epekto sa mga mamamayan.
 
Ang Tema ng Heograpiya
Malawak ang saklaw ng heograpiya. Sa pag-aaral ng lipunan at kasaysayan, mahalagang matutunan din
ang tungkol sa heograpiya. Upang mas maunawaan at maging organisado ang disiplina, hinati ito sa
limang tema.

Lokasyon
Ang unang tema ay ang lokasyon. Napag-aralan ito sa Aralin 2. Sinasagot nito ang katanungan na:
nasaan ito? Tinutukoy nito ang kinaroroonan at distribusyon ng tao at lugar sa daigdig sa pamamagitan
ng 2 pamamaraan: ang absolutong lokasyon at relatibong lokasyon. Sa absolutong lokasyon gumagamit
ng sistemang grid na ipinakikita ng mga coordinates ng mapa na latitud at longhitud. Ang relatibong
lokasyon naman ang pamamaraan ng pagtukoy kung nasaan ang isang lugar o tao gamit ang mga
nakapaligid dito.
Lugar
Ikalawang tema ay ang lugar. Ang temang ito ay sumasagot sa katanungan na: ano ang mayroon dito?
Tatalakayin ito ng mas malalim sa Aralin 5. Ito ay may kinalaman sa pag-aaral sa katangiang pisikal at
katangiang pantao ng isang pook,
Rehiyon
Ikatlong tema ay ang rehiyon. Sinasagot ng temang ito ang katanungang: paano nagkakaiba o
nagkakatulad ang mga lugar? Ang rehiyon ay tumutukoy sa partikular na bahagi ng isang bansa katulad
ng Pilipinas na may magkakatulad na katangian. Ilan sa batayan ng pagkakatulad ay ang pisikal, kultural,
pulitikal, at ekonomiko. Maaaring pag-ugnayin ang isang rehiyon gamit ang higit sa isang batayan. Sa
Aralin 2 naman tinalakay ang temang ito.
Interaksyon
Ang ikaapat na batayan ay ang interaksyon ng mga tao sa lugar na kanilang pinupuntahan o tinitirhan o
interaksyon . Ang temang ito ay sumasagot sa katanungang: paano ba naapektuhan ng kapaligiran ang
buhay ng tao? Ang interaksyon ay tungkol sa ugnayan ng tao sa kanyang kapaligiran. Gamit ito
malalaman kung paanong umaasa, ginagamit, at umaangkop ang tao sa kanyang kapaligiran. Tumutukoy
din ito sa mga pagbabagong ginawa at patuloy pang ginagawa ng tao sa kanyang kapaligiran.
Paggalaw
Panghuli at ikalimang tema naman ng heograpiya ang paggalaw. Sinasagot nito ang katanungang: paano
at bakit nagkakaugnay ang mga lugar sa isa’t isa? Tumutukoy ito sa paglipat ng tao mula sa kinagisnang
lugar patungo sa iba pang lugar. Sinusuri nito ang paggalaw ng populasyon, pagpapalitan ng produkto at
paglaganap ng kaisipan. Walang magaganap na interaksyon kung walang paggalaw.
Ang Ugnayan ng Lokasyon ng Pilipinas sa Heograpiya Nito
Ang lokasyon ang una at mahalagang tema sa pag-aaral ng heograpiya. Ito ang nagdidikta sa iba’t ibang
aspekto ng buhay ng tao tulad ng panahanan, pananamit, kultura, hanapbuhay, kaisipan, at desisyon.
May kinalaman din ang lokasyon ng Pilipinas na malapit sa ekwador sa disenyo, materyales at lugar kung
saan itatayo ang tahanan ng mga Pilipino. Noon malapit ang mga bahay sa mga kabundukan o
katubigan. Subalit sa ngayon, dumarami ang mga naninirahan sa mga pook na malapit sa mga paaralan
at pagawaan. Iniaayon din sa maalinsangang panahon sa halos buong taon at sa buong kapuluan ang
manipis na pananamit ng mga mamamayan. Karaniwang magsasaka o mangingisda ang mga sinaunang
Filipino at sa ngayon naman ay maraming manlalayag o mga seaman. Ang pagbubukas ng klase tuwing
Hunyo at Agosto ay iniwas sa mainit na panahon tuwing Abril at Mayo at sa mga bagyo tuwing Hunyo at
Hulyo.
Ang lokasyon ng Pilipinas ay may kaugnayan din sa iba pang tema ng heograpiya. Iba’t ibang anyong
lupa at anyong tubig ang matatagpuan sa Pilipinas. Mula sa nagtatayugang mga bundok, aktibong mga
bulkan, at malawak na kapatagan. Ang bansa ay napalilibutan din ng mga naggagandahang
dalampasigan, dagat, ilog at talon. H inati ang mga pulo sa tatlong malalaking pangkat: Luzon, Visayas at
Mindanao. May 81 lalawigan ang bansa na bumubuo sa 17 rehiyon. Pinagbuklod ang mga rehiyon ayon
sa mga magkakatulad na mga katangian. Bagamat iba-iba ang wika at kulturang kinagisnan, dala ng mga
natural na balakid tulad ng mga kabundukan at katubigan, napag-iisa pa rin ang buong kapuluan ng
wikang Filipino, ang wikang pambansa at pagmamahal sa bayan. Ang paggalaw at interaksyon sa loob
ng bansa ay mas naging madali sa paglipas ng panahon. Mas madali nang nakapaglalakbay ang mga
Pilipino sa iba’t ibang panig ng bansa. Ang mga taga-Luzon ay maaari nang makapunta sa Mindanao o
ang mga taga-Mindanao ay maaari nang bumisita sa mga lalawigan sa Visayas lalo na at nagkaroon na
ng mas maayos na mga daan, mga murang paraan ng transportasyon at ng masigasig na kampanya sa
kagandahan ng mga lugar sa bansa.
Sagana sa likas na yaman ang Pilipinas na pinagkukunan ng mga pagkain at hilaw na sangkap.  Subalit
sa patuloy na pagdami ng mga tao at walang habas na paggamit, unti-unti itong nauubos,  Marami pa rin
namang mga programa ang pamahalaan at ibang mga grupo upang masagip ang kalikasan. 
Kinakailangan lamang na ito ay ipatupad nang maayos at tutukan.

Ang lokasyon ng pilipinas


Ang Direksyon
Sa unang aralin napag-aralan ang Pilipinas bilang isang bansa. Sa araling ito tatalakayin naman ang
kinalalagyan o lokasyon ng Pilipinas sa daigdig. Upang ito ay matukoy marapat munang malaman ang
tungkol sa direksyon. Ang salitang direksyon o direction sa wikang Ingles ay nangangahulugan ng
tinutungong kurso o linya ng isang bagay. Ito rin ay tumutukoy kung nasaan ang mga bagay kung
pagbabasihan ang iba pang mga bagay. Halimbawa ay ang larawan ng lamesa sa gawaing Pagganyak.
Nasa ibaba ng lamesa ang carpet habang nasa ibabaw naman nito ang malaking puting papel na may
mga guhit.
Pangunahing Direksyon
Nagpapatungkol sa maraming aspekto ang salitang direksyon. Maaaring itaas o ibaba, ibabaw o ilalim o
kaya naman ay kanan o kaliwa. Sa Araling Panlipunan, ginagamit ang pangunahin at pangalawang
direksyon upang matukoy ang tiyak na kinalalagyan o lokasyon ng isang bagay lalo na ng isang lugar o
bansa. Ang apat na pangunahing direksyon na tinatawag ding cardinal direction ay ang:

1. Hilaga o North (N) na nasa itaas.


2. Timog o South (S) na nasa ibaba.
3. Kanluran o West (W) na nasa kaliwa 
kung saan lumulubog ang araw. 
4. Silangan o East (E) na nasa kanan
kung saan sumisikat ang araw.
 

 
Pangalawang Direksyon
Ang pangalawang direksyon o ordinal/primary intercardinal direction naman ay direksyon sa pinakagitna
ng dalawang pangunahing direksyon. Ito ay ang:

1. Hilagang silangan o Northeast (NE) na nasa pagitan ng hilaga at silangan.


2. Timog silangan o Southeast (SE) na nasa pagitan ng timog at silangan.
3. Timog kanluran o Southwest(SW)na nasa pagitan ng timog at kanluran.
4. Hilagang kanluran o Northwest (NW) na nasa pagitan ng hilaga at kanluran.

 
Ang Dalawang Uri ng Lokasyon
Mahalaga ang direksyon sa pagbibigay ng lokasyon. Ang lokasyon ay ang kinaroroonan ng bagay, tao,
bansa o lugar sa daigdig. Katuwang ang direksyon, nalalaman at nailalarawan ang posisyon lalo na ang
isang bansa o lugar. May dalawang pamamaraan upang makuha ang lokasyon, ito ay ang:

1. relatibong lokasyon at
2. tiyak na lokasyon.

Relatibong Lokasyon
Ang relatibong lokasyon o relative location ay ang posisyon ng isang lugar batay sa katabi o malapit na
lugar nito. Halimbawa, nasa hilaga ng Maynila ang lalawigan ng Bulacan, sa gawing timog naman ang
mga lalawigan ng Cavite at Laguna, samantalang nasa Silangan ang Rizal. Ito ay nagagamit din upang
ibigay ang kinaroroonan ng isang lugar base kung saan ang puwesto nito sa isang mas malaking lugar.
Halimbawa, ang Mindanao ay nasa timog ng Pilipinas. Hindi detalyado at hindi din tiyak ang pagtukoy sa
lokasyon ng magkatabing lugar gamit ang relatibong lokasyon sapagkat nakadepende ito kung saan
nakapwesto ang ang mga lugar na pagbabatayan. Halimbawa, kung tutukuyin ang lokasyon ng Visayas
ng mga nasa Mindanao ito ay nasa bandang itaas o hilaga. Ito ay kaiba naman kung ang mga taga Luzon
ang tatanungin kung saan ang Visayas ay nasa bandang timog.
Ang relatibong lokasyon ay maaaring:

1. Lokasyong bisinal – paglalarawan ng lokasyon ayon sa mga anyong lupa na nakapalibot dito.
2. Lokasyong insular – paglalarawan ng lokasyon ayon sa mga anyong tubig na nakapalibot dito.

 
Tiyak na Lokasyon
Tinatawag din itong absolute location. Ang tiyak na lokasyon ay tumutukoy sa pirming lugar sa mundo
gamit ang mga likhang isip na guhit na:

1. Latitud – Tinatawag ding latitude o parallel, ito ay mga likhang isip na guhit na pahalang. Umiikot
ang mga guhit na ito hanggang 90? pataas o pababa mula sa ekwador na nasa 0?. Ang latitud
ang tumutukoy kung nasa hilaga o timog ang isang lugar.
2. Longhitud – Tinatawag ding longitude o meridian, ito ay mga likhang isip na guhit na patayo mula
sa Polong Hilaga hanggang sa Polong Timog. Ang Prime Meridian ay nasa 0?. Mula 0?
hanggang 180? pakanan ang silangan. Samantala, ang mga lugar na nasa gawing kaliwa ng
Prime Meridian hanggang 180 ? ay ang kanluran. Ang longhitud ang tumutukoy kung nasa
bahaging silangan o kanluran ang isang lugar.
Ang Kinalalagyan ng Pilipinas sa Daigdig
Ang Pilipinas ay nasa kontinente ng Asya at kabilang sa rehiyon ng Timog Silangang Asya. Malapit ito sa
ekwador at may tiyak na lokasyon na 11.8728? hilagang latitud at 122.8613? silangang longhitud. Ang
talahanayan sa ibaba ang mga anyong lupa at anyong tubig na nakapaligid dito.
 
Kung pagbabatayan ang relatibong lokasyon gamit ang pamamaraang bisinal, karatig bansa ng Pilipinas
ang Taiwan sa hilaga at sa gawing timog naman ang Indonesia at Malaysia.  Ang Guam ay nasa silangan
samantalang ang bansang Vietnam ang nasa kanluran.   Ang Pilipinas ay isang kapuluan na napalilibutan
ng tubig.  Sa pamamaraang insular sa pagkuha ng lokasyon, nasa hilaga ng bansa ang Bashi Channel at
sa timog ang Dagat Celebes (Celebes Sea) at Dagat Sulu (Sulu Sea). Naroroon naman sa silangan ang
Dagat Pilipinas (Philippine Sea) at Karagatang Pasipiko (Pacific Ocean) at nasa kanluran ang Dagat
Kanlurang Pilipinas o West Philippine Sea na tinatawag ding South China Sea.
 
Ang mga Hangganan ng Pilipinas Gamit ang Mapa
Napag-aralan sa Aralin 1 na isa sa mga elemento ng isang bansa ay ang teritoryo. Ang teritoryo ay ang
lawak ng tiyak na bahagi ng daigdig kung saan naroroon ang bansa. Sa tulong ng mapa hindi lamang
lokasyon ang maaaring makita. Natutukoy din nito ang lawak at hanganan ng isang lugar. Subalit ano nga
ba ang mapa?
Ang Mapa
Ang mapa ay ang patag na paglalarawan daigdig o mga bahagi nito. Ito ay simbolikong representasyon
ng mga napiling katangian ng isang lugar, na karaniwang iginuguhit sa isang papel o patag na ibabaw.
Hindi lamang lugar ang kayang tukuyin ng mapa, ginagamit din ito upang maipakita ang kalagayang
pisikal, klima at ekonomiya ng mga lugar. Ilan sa halimbawa ng mapa ay ang:

1. Mapang Pulitikal – uri ng mapa na nagpapakita ng dibisyon o pagkakahati ng mga lugar ayon sa
rehiyon, lalawigan, lungsod at bayan.
2. Mapang Pisikal – uri ng mapa na nilalarawan ang mga katangian at topograpiya ng lugar tulad ng
bundok, burol at kapatagan.
3. Mapang Pang-ekonomiya – uri ng mapa na nagpapakita sa mga produkto at kabuhayan ng isang
lugar.
4. Mapang Pangpopulasyon – uri ng mapa na nagpapakita ng dami ng tao sa isang lugar.

Kartograpiya ang tawag sa kasanayan at pag-aaral ng paggawa ng mapa. Samantalang ang kartograpo
naman ang taong nag-aaral at gumagawa nito. Sa Pilipinas, ang National Mapping and Resources
Information Authority (NAMRIA) ay isang sangay ng pamahalaan na nangangasiwa na magbigay sa
publiko ng serbisyo ukol sa paggawa ng mapa, may tungkulin ito na lumikha, magtago, mamahagi ng
mga datos tungkol sa mga likas na yaman sa pamamagitan ng mapa, charts, mga lathalain o istatistika.
 
Karaniwang makikita sa isang ang mapa ang mga sumusunod:
1. Iskala – o scale. Ito ay tumutukoy sa kaugnayan ng distansya o layo sa mapa at ang aktuwal o totoong
layo nito sa daigdig. Ginagamit ito upang ipakita ang katumbas na sukat ng lugar kung ito ay pinaliit. Ang
sukat ng lugar ay makatutulong upang matukoy ang iskala ng mapa. Ang large-scale na mapa ay
karaniwan sa maliliit na area o lugar na nagpapakita ng detalyadong mga bagay katulad ng mga gusali at
street lamps. Sa kabilang dako, ang small scale na mapa naman ay ginagamit sa malaking area, katulad
ng sa mga kontinente o daigdig, dahil ang mga bagay na nakapaloob ay lubhang maliliit. Ilan sa mga uri
ng iskala ay:
a. Iskalang verbal – Ito ay pangungusap na nagpapahiwatig ng distansiya o layo sa mapa at ang
katumbas nitong distansya o layo sa daigdig.
Halimbawa: Ang 1 sentimetro ay katumbas ng 1 kilometro.
b. Iskalang representative fraction - Ito ay walang tiyak na yunit ng sukat. Ipinapakita ito sa pamamagitan
ng fraction o ratio.
Halimbawa: 1/100,000 o 1:100,000. Ibig sabihin, ang 1 sentimetro sa mapa ay katumbas ng 100,000
sentimetro o ang 1 sentimetro ay katumbas ng 1 kilometro.
c. Iskalang graphic – Ito ay linya na nagpapahiwatig ng haba ng kilometro o milya ng mga ito sa mapa.
Kung ang mapa ay pinalaki, pinaliit o ipinakita ang tunay na laki ng lugar, hindi mababago ang sukat nito.
Ginagamit ito upang i-convert ang distansiya sa mapa mula sa tunay nitong sukat. Tinatawag din itong
graphical scale, linear scale, scale bar o bar scale na kamukha ng ruler.
Halimbawa:

2. Pananda– ito ay mga guhit, larawan, kulay o simbolo na ginagamit ng kartograpo upang kumatawan sa
mga katangian ng isang lugar. Makikita ang mga pananda sa legend at ang mga ito ay nakabatay sa uri
ng mapa na ginagamit.
  
3. Grid – Ito ay magkakasalubong na sala-salabat o kawing-kawing na linyang patayo at linyang pahiga
na nakabubuo ng hugis parihaba o parisukat. Nakatutulong ang grid upang mahanap ang mga bagay o
lugar sa mapa. Sa small-scale na mapa gumagamit ng mga likhang isip na guhit na latitud at longhitud.
Subalit, sa mga mas detalyadong large-scale na mapa, ang grid ay karaniwang may panandang bilang at
titik. Maaaring titik ang nasa hanay sa itaas o ibaba ng grid–mula kanan pakaliwa, at mga bilang naman
ang nasa gawing kanan o kaliwa–mula itaas pababa. Tingnan ang sumusunod na grid bilang halimbawa.
Kung ito ang magiging mapa ng inyong paaralan, ang flagpole ay matatagpuan sa tapat ng C at ng 3 o ito
ay nasa C3.

Bukod sa iskala, pananda at grid may iba pa ding katangian at nilalaman ang mapa. Upang ito ay
matandaan nakabuo ang National Geographic ng acronym para dito na DOGSTAILS: date, orientation,
grid, scale, title, author, index, legend at sources.

 Date – petsa kung kailan ito ginawa


 Orientation – Ito ay kakatawanin ng compass rose, ang panturo na nagsasabi ng direksyon sa
mapa.
 Grid – linyang patayo at pahiga na magsasaad kung nasaan ang isang lugar.
 Scale - Iskala na magpapakita ng sukat ng lugar kung ito ay paliliitin o palalakihin.
 Title – magsasaad kung anong uri ito ng mapa at mga kaugnay na nilalaman at layunin.
 Author – ang pangalan ng kartograpo na gumawa ng mapa
 Index – ang tutulong sa bumabasa na makita ang partikular na lugar sa mapa gamit ang grid.
 Legend – ito ang magpapaliwanag ng ibig sabihin ng mga pananda o simbolo.
 Sources – ito ang mga impormasyon na pinagmulan sa paggawa ng mapa.

Ang Teritoryo ng Pilipinas


Ayon sa Artikulo 1 ng Konstitusyon o Saligang Batas ng Republika ng Pilipinas ng 1987, o ang kataas
taasang batas ng Pilipinas at batayan ng lahat ng batas ng bansa na, “ang pambansang teritoryo ay
binubuo ng kapuluang Pilipinas, kasama ang lahat ng mga pulo at mga karagatan na nakapaloob dito, at
lahat ng iba pang mga teritoryo na nasa ganap na kapangyarihan ng Pilipinas, na binubuo ng mga
kalupaan, katubigan at himpapawirin nito, kasama ang dagat teritoryal, ang lalim ng dagat, ang kailaliman
ng lupa, ang mga kalapagang insular, at ang iba pang mga pook submarina nito. Ang mga karagatang
nakapaligid, nakapagitan at nag-uugnay sa mga pulo ng kapuluan, maging ano man ang lawak at sukat
na bahagi ng panloob na karagatan ng Pilipinas”.

Ang Pilipinas ay  binubuo ng 7,641 na mga pulo na may sukat na higit sa 30,000 kilometro kuwadradong
kalupaan.  Mula sa hilaga patimog, ito ay may habang 1,851 kilometro at umaabot naman sa1,107
kilometro ang lawak nito mula sa kanluran pasilangan.  Matatagpuan sa pinakadulong bahagi ng bansa
ang mga sumususnod na lugar: Y’ami sa hilaga, Saluag sa timog, Balabac sa kanluran at Pusan Point sa
Silangan. Mayroong buong soberanya o kapangyarihan ang Pilipinas sa territorial sea nito mula baybayin
hanggang  12 nautical miles.  Samantala,  mula sa baybayin hanggang 200 milyang nautical mile ay
bahagi ng exclusive economic zone o EEZ ng bansa na may soberanyang karapatan o sovereign right
lamang na iginawad

Ang United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), na tinatawag ding Law of the Sea
Convention, na pinagtibay noong 1982 ay naglalaman ng mga karapatan at pananagutan ng mga bansa
tungkol sa paggamit ng mga karagatan sa mundo. Ayon sa UNCLOS, ang EEZ ng isang bansa ay ang
palibot na katubigang saklaw sa loob ng 370 kilometrong layo o 200 nautical miles mula sa
dalampasigan. Ibig sabihin, may karapatan ang isang bansa sa lahat ng yamang dagat sa loob, ibabaw at
kailaliman ng katubigang bahagi ng EEZ nito. Malayang makapangi¬ngisda at makapagsusuri ng sahig
ng karagatan para sa anumang yaman na makukuha dito maging langis o natural gas ang bansa sa
kanyang EEZ. Kung may dalawang bansa na magkalapit at ‘di nagkakaunawaan sa kanilang mga EEZ,
ang UNCLOS ang magpapasya ukol dito.
Katulad na lamang sa pag-aagawan ng Pilipinas at iba pang mga bansa sa Asya partikular na ang Tsina
sa mga pulo sa South China Sea. Matapos ang tensyon sa pag-aagawan ng Pilipinas at Tsina sa
Scarborough Shoal noong 2012, na kilala din sa pangalang Bajo de Masinloc o Panatag Shoal at isang
maliit na kumpol na pahugis tatsulok na bato at pinakamalapit sa Palauig, Zambales, ang South China
Sea ay tinawag nang Dagat Kanlurang Pilipinas o West Philippine Sea. Ang West Philippine Sea ay ang
dagat na nasa gawing kanluran at sakop ng EEZ ng Pilipinas. Mula 2013 hangang 2015 ilang mga pulo
na sa West Philippine Sea ang na-reclaim (paglikha ng bagong lupain mula sa mga katubigan) ng Tsina.
Ito ay ang: Mabini Reef, McKennan Reef, Calderon Reef, at Burgos Reef. Noong 2009, mula sa mga
tuntunin ng UNCLOS sinusugan ng Pilipinas ang pagtatakda sa teritoryo ng bansa at pinanigan naman ito
ng Permanent Court of Arbitration noong 2016. Ang Permanent Court of Arbitration, ang organisasyon na
nakabase sa The Hague, Netherlands at korte upang maresolba ang mga problema at pag-aagawan sa
teritoryo ng mga bansa, ay sinuportahan ang apela ng mga Pilipino na ang West Philippine Sea ay legal
na sakop ng Pilipinas batay sa mga sinaunang mapa, mga pandaigdigang batas at maging sa mga tala
ng mga Tsino.
Sa halos 4,000 may pangalang pulo, 2,000 pulo lamang ang pinananahanan o natitirhan. Binubuo ang
Pilipinas ng 81 na lalawigan na pinangkat sa 17 rehiyon. Ito ay nahahati sa tatlong pangkat ng pulo: ang
Luzon na may 8 rehiyon, ang Visayas na mayroong 3 at 6 naman sa Mindanao.
Life of saint James
James the Greater is the son of Zebedee and Salome. Zebedee was a fisherman of the Lake of Galilee,
who probably lived in or near Bethsaida perhaps in Capharnaum; and had some boatmen or hired
men as his usual attendants. Salome was in Saint James the Greater is one of the disciples of Jesus. He
called "the Greater", to distinguish him from the Apostle James "the Less", with greater meaning
older or taller, rather than more important. one of the pious women who afterwards followed Christ
and "ministered unto him of their substance". He was the brother of John the Evangelist. St. John was
personally known to the high-priest and must have had wherewithal to provide for the Mother of
Jesus. He called John, the Beloved. St. James and St. John were called Boanerges, or the “Sons of
Thunder" because of their fiery temper. James is described as one of the first disciples to join Jesus.
The Synoptic Gospels state that James and John were with their father by the seashore when Jesus
called them to follow him. James was part of a prominent and chosen group of Apostles and was
present at various important acts of Jesus like the transfiguration, the agony in the garden and the
raising of Jairus daughter. Saint James preached about the Lord in Samaria, Judea, Jerusalem and
Spain. Many people gathered around and listened to the word of God. People loved to hear the word
of God, spoken by Saint James the Greater. Becoming the apostle of what today is Spain, Saint James
was having a hard time evangelizing the northern region of Zaragoza. One night, as he prayed asking
help for his plight, he suddenly beheld a great light in the midst of which he saw Our Lady surrounded
by a multitude of angels. The interesting thing is that Mary was still living Jerusalem at the time. But
as queen of the Church, she was given to see all that concerned her Son’s work, and being shown the
prayer of her devotee, had obtained from Jesus to help him in a special way. On learning of their
lady’s wishes, the angels in her retinue promptly built a throne of luminous clouds on which they sat
their queen, and swiftly carried her across the Mediterranean, serenading her all the way. So now, the
Blessed Mother consoled her son James, and assured him help for his endeavors. She asked him to
build a shrine on the spot she appeared, and as a token of her help to the region, left a marble column
or pillar topped by a small statue of herself holding her Infant Son. By the pillar, she left an angel to
ensure the safety of the holy image until the end of time. According to ancient Spanish tradition, this
apparition Saint James the Greater was so deeply in prayer, when King Herod Agrippa arrested him.
Shortly after he was arrested, he was beheaded. Saint James the Greater died at age 44. His remains
have been placed in the Holy Town of Santiago de Compostela Spain. ➢ St. James the Greater is also
the patron saint of Ibaan and Spainoccurred on January 2nd, 40AD. Her Feast day is celebrated on
October 12th. St. James indeed built the first shrine on that hallowed spot, around which grew the
present-day Basilica of Our Lady of the Pillar of Zaragoza.. ➢ His feast day is July 25

Prayer to St. James the Apostle,O gloruis Apostles Saint James, who by reason of thy fervent and
generous heart was chosen by Jesus to be witness of His glory on Mount Tabor and of His agony in
Gethsemane; thou, whose very name is a symbol of warfare and victory; obtain for us the strength
and consolation in the unending warfare of this life, that having constantly and generously followed
Jesus, we may be victors in the strife and deserve to receive the victor’s crown in heaven.

Words to Remember: ➢ St. James the Greater- patron saint of Ibaan and Spain ➢ July 25- his feast
day ➢ Boanerges- title given to him which means Son o Thunder

Mama Mary
Mary, the Mother of Jesus was the daughter of Joachim and Ann. Mary’s parents were holy people.
They wanted Mary to belong to God in a special way. They wanted her to follow the ways of God.
When Mary was still a little girl, Joachim and Ann brought her to the temple in Jerusalem. There, they
presented her to God. We remember that day by celebrating the Feast of the Presentation of Mary
every November 21. Mary is our role model in terms of virtues. Her desire to help others marked her
daily life. Blessed Virgin Mary’s “yes” to the will of God marks the fulfillment of God’s plan of
salvation. Her humility and submission to God gave her exceptional privileges and titles sought by the
church herself. Mary, as a mother of Jesus shares in her Son’s joys, sufferings, and pains. She also
shares Jesus’ love for all of us. She participates in His works to save all men. Mary is our mother, too,
because Jesus is our brother. Jesus has also entrusted us and His Church to His Mother’s love, care,
and protection. We too, could be role models in our school, in our community, and in our family by
following Mary’s good qualities and of course through constant prayers. 2 | P a g e RELIGION-
Supplementary Lessons Elementary Grade 4 Some of the most beautiful prayers in honor of Mary 1.
Hail Mary- This is the most beautiful of all prayers devoted to the Mother of God. It is divided into two
parts: the first part can be called praise and is composed of the words of the Archangel Gabriel when
he announced the mystery of the Incarnation (God’s Becoming Man) and of Elizabeth’s words during
Mary’s visit; the second part contains a petition and is composed of the words of the church. 2. Hail
Holy Queen- This marvelous prayer is attributed to St. Bernard. The thought which pervades the entire
“Hail Holy Queen” is that Mary was made Queen so that she might place all her power at our service.
3. Memorare- This is a well- known, brief, and very sweet prayer, full of hope in the powerful
intercession of Mary and attributed to St. Bernard or to Claude Bernard, the poor priest from Paris,
who popularized it. 4. The Magnificat- It is Mary’s song of thanksgiving and promise for the mighty act
that God has written for her and for the salvation that He has given to Israel. This prayer is widely
used in the Liturgy. 5. The Angelus- This prayer reminds us of the Annunciation in the life of Mary,
wherein she was chosen by God to be the Mother of His Son, Jesus Christ. 6. Holy Rosary- The word
rosary comes from the Latin word Rosarius, meaning a garden of roses. The Rosary sometimes called
the “Song of Mary”, is a revelation of the life of His only begotten Son. It is also known as the Gospel
prayer and a family prayer. Praying the Rosary is just like expressing our faith in Jesus and in Mary.
Some Titles given to Mary 1. Mary, Mother of God- we venerate Mary as the Mother of God, not
because she is goddess but because Jesus, her son is truly God. 2. Immaculate Conception- means that
she was born without original sin. This privilege is given to her because she has been chosen by God to
perform an important role in the salvation of human kind. 3. Blessed Virgin Mary- this title is given to
her because she dedicated herself totally to God. 4. Mary Mediatrix- this title is given to her because
of her God- given role with in the saving work of Christ. She participates in a special way in the
salvation of humankind because she gave birth to the Savior. Important Events in the Life of Mary ➢
January 1- The solemnity of Mary, Mother of God ➢ February 2-The Presentation of the Lord in the
Temple ➢ March 25- Feast of the Annunciation ➢ August 15- Feast of the Assumption ➢ September
8- Birthday of Mary ➢ September 15- Feast of Our Lady of Sorrows ➢ December 8- Feast of the
Immaculate Conception

Holy rosary
Rosary is a devotion to the Blessed Virgin Mary. It gives the summary of the lives of Jesus and Mary.
The word rosary comes from the Latin word Rosarius, meaning a garden of roses. How to Pray the
Rosary

1. While holding the crucifix make the sign of the cross and then recite the Apostles Creed.

2. Recite the Our Father on the first large bead.

3. Recite Hail Mary for an increase of faith, hope, and charity on each of the three small beads.

4. Recite the Glory Be on the next large bead.

5. Recall the first Rosary Mystery and recite the Our Father on the large bead.

6. On the adjacent ten beads (also referred to as a decade) recite Hail Mary while reflecting on the
mystery.

7. On the large bead, recite the Glory Be, then Fatima prayer.

Each succeeding decade is prayed in a similar manner by recalling the appropriate mystery, reciting
the Our Father, ten Hail Mary while reflecting on the mystery, the Glory Be and the Fatima prayer. 9.
When the fifth mystery is completed, the rosary is customarily concluded with the Hail Holy Queen,
then the Litany of the Blessed Virgin Mary and the Sign of the Cross.

I. The Five Joyful Mysteries (Monday and Saturday) 1. The Annunciation 2. The Visitation 3. The Birth
of Our Lord 4. The Presentation of Jesus in the temple 5. The Finding of Jesus in the Temple II.

||.The Five Mysteries of Light (Thursday) 1. The Baptism at Jordan River 2. The Self-manifestation at
the Wedding of Cana 3. The Proclamation of the Kingdom of God 4. The Transfiguration 5. The
Institution of the Eucharist

III. The Five Sorrowful Mysteries (Tuesday and Friday) 1. The Agony in the Garden 2. The Scourging at
the Pillar 3. The Crowning with Thorns 4. The Carrying of the Cross 5. The Crucifixion and Death upon
the Cross
IV. The Five Glorious Mysteries (Sunday and Wednesday) 1. The Resurrection 2. The Ascension 3. The
Descent of the Holy Spirit upon the Apostles 4. The Assumption of the Blessed Virgin Mary into
Heaven 5. The Coronation of the Blessed Virgin Mary as Queen of Heaven and Earth

Hail Holy Queen Hail Holy Queen, Mother of Mercy, hail our life our sweetness and our hope To you
do we cry, poor banished children of Eve; to you do we send up our sighs, mourning and weeping in
this valley of tears. Turn, then, most gracious advocate, your eyes of mercy toward us; and after this
our exile, show unto us the blessed fruit of your womb, Jesus. O clement, O loving, O sweet Virgin
Mary.

Phisical Pyramind

You might also like