You are on page 1of 1

ANO ANG NAGING EPEKTO NANG PAGBUBUKAS NG SUEZ CANAL SA

PILIPINAS?

Epekto sa Pilipinas at sa Asya noon at sa kasalukuyan.

1. Noong panahon ng kolonyalismo, ay naging daan ito upang magkaroon ng


pagpapalitan ng ideya mula Europa at Pilipinas. Dahil sa Suez Canal, ay nadagdagan
ang mga Pilipinong nakapag-aral sa Espanya at iba pang bahagi ng Europa, dahilan
upang magising ang mga ito sa tunay na kalagayan ng kanilang mga naiwan sa kolonya.
Isa pa sa nagawa nito ay ang pagiging direkta ng pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa
Espanya, hindi tulad ng dati na kailangan pang tumawid ng Dagat Pasipiko (Pacific
Ocean) patungo sa Mexico upang maipahatid ang kailangan sa Espanya.
2. Ganito rin ang naging epekto ng pagbubukas ng Suez Canal sa ibang bahagi ng Asya na
mga dating kolonya ng mga ibang bansa sa Europa.
3. Sa kasalukuyan, ang Suez Canal ay nagiging daan para sa mabilis na pagdadala ng
mga kalakal patungo sa Europa at dito sa Pilipinas at iba pang bahagi ng Asya. Gaya ng
dati, patuloy ang pagdaloy ng iba’t ibang Ideya mula sa magkabilang bahagi ng mundo.
4. Nabigyan din ng pagkakataon ang maraming mandaragat na Pilipino at iba pang Asyano
na magkaroon ng hanapbuhay sa mga barkong dumadaan sa Suez Canal.

Ang pagbubukas ng Suez Canal ay nagpadali sa paglalakbay mula sa Europe patungo sa


Pilipinas. Pinagyaman nito ang pandaigdigang kalakalan at pinabilis ang pagpasok ng mga
liberal na ideya mula sa mga Kanluraning bansa.

Mas bumilis ang pagtransporta at paglalakbay. Bago nagbukas ang Suez Canal, umaabot ng
isang taon o higit pa ang paglalakbay, noong nagbukas na ito naging ilang buwan na lang.

GAGAN, JEAN P. g. arjay s. targa


BSBA-HRM | 2ND YR – C Tagapagturo

You might also like