You are on page 1of 34

SA AKING MGA

KABATA NI DR.
JOSE P. RIZAL
MS. DANIA FERISSE B. GARCIA, LPT
JHS, FILIPINO TEACHER
LAYUNIN:
A. Nabibigyang-kahulugan ang mga talinghaga,
eupimistiko o masining na pahayag na ginamit sa tula.

B. Nasusuri ang pagkakabuo ng tula batay sa mga


elemento nito.
TULA
ANO ANG TULA?
Ang tula ay isang sangay ng panitikan. Ito ay
likha ng isip na sumasalamin sa pang-araw-araw
na buhay ng tao na ipinapahayag sa malalim na
pamamaraan.
Sa Aking mga Kabata
ni Dr. Jose P. Rizal

Suriin nga natin kung ano ang mga nais


ipakahulugan at ang istruktura ng isinulat ni Dr.
Jose P. Rizal sa kanyang tulang “Sa Aking mga
Kabata”.
Sa Aking Mga g b a y a ’y s a d y a n g
Kapagka an
Kabata umiibig
s a li t a ng k a loo b n g
Sa kanyang
langit, r i n g
y a a n n a s a
Sanlang kala
masapit n a s a
ib o n g
Katulad ng
himpapawid.
salita’y isang
Pagka’t ang
kahatulan m g a
s a n a y o ’t
Sa bayan,
kaharian, a t ul a d ,
g t ao ’y k
At ang isan
kabagay n o o n g
g li k h a
Ng alin man
kalayaan.
a l s a k a n y a ng
Ang hindi magmah
salita n sa n g
y o p a t m a la
Mahigit sa ha
isda, m a n in g
p a t p a g y a
Kaya ang mara
ku sa a y na
in a n g tu n
Na tulad sa
nagpala.
g t u l a d d in s a
Ang wikang Tagalo
Latin s a li ta n g
a s t il a a t
Sa Ingles, K
anghel, a a la m
P o o n g m
Sapagka’t ang
tumingin g b ig a y
g a w a d , n a
Ang siyang nag
sa atin.
h u w a d d in s a
Ang salita nati’y
iba le t r a ,
t s a r il in g
Na may alfabeto a n a n n g
la ’y d in a t
N a k a ya n a w a
sigwa n o o n g
a l a w a
Ang lunday s
dakong una.
1. Taludtod
Ito ay ang linya sa bawat saknong. Makikita sa larawan na
mayroong apat na taludtod sa bawat saknong.
2. Saknong
Ito ay binubuo ng tauludtod. Makikita sa larawan na mayroong
dalawang saknong.
3. Sukat
Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig (syllable) sa bawat taludtod
na siyang bumubuo ng isang saknong.

Halimbawa:
Isda - Is - da = Dalawang pantig
Mahal kita - Ma - hal ki – ta =Apat na pantig
1. Wawaluhin – walong pantig bawat taludtod
2. Lalabindalawahin – labing dalawang pantid bawat taludtod
3. Lalabing-animin – labing anim na pantig bawat taludtod
4. Lalabingwaluhin – labing walong pantig bawat taludtod.
Kunin natin ang bahagi ng tula ni Dr. jose Rizal na
Pinamagatang “Sa Aking mga Kabata”:

“Kapagka ang baya’y sadyang umiibig


Sa kanyang salitang kaloob ng langit,
Sanlang kalayaan nasa ring masapit
Katulad ng ibong nasa himpapawid.”
Ano ang sukat ng tulang “Sa Aking Mga
Kabata” ni Dr. Jose P. Rizal?
 
“Kapagka ang baya’y sadyang umiibig
Sa kanyang salitang kaloob ng langit,
Sanlang kalayaan nasa ring masapit
Katulad ng ibong nasa himpapawid.”
Ito ay lalabindalawahin sapagkat mayroon
itong labindalawang pantig sa bawat taludtod.
 
“Kapagka ang baya’y sadyang umiibig
Sa kanyang salitang kaloob ng langit,
Sanlang kalayaan nasa ring masapit
Katulad ng ibong nasa himpapawid.”
4. Tugma
Ito ang nagbibigay ng himig sa tula. Ang tugma ay ang
pagkakahawig ng tunog ng huling pantig at ng huling salita sa bawat
taludtod. Ito ay lubhang nakagaganda ng tula.

Dalawang Uri ng Tugma


1. Tugmang ganap
2. Tugmang ‘di ganap
4.1 Tugmang ganap
Ito ay ang parehong patinig na nasa huling bahagi ng huling salita.

Halimbawa:
“Ang hindi magmahal sa kanyang salita
Mahigit sa hayop at malansang isda,
Kaya ang marapat pagyamaning kusa
Na tulad sa inang tunay na nagpala.”
4.2 Tugmang ‘di ganap
Ito naman ang ipinakikita sa unang saknong ng tula. Sapagkat sa
tugmang hindi ganap ay mayroong dalawang lupon na tinatawag.

1. b, k, d, g, p, s, t
2. l, m, n, r, w, y
“Kapagka ang baya’y sadyang umiibig
Sa kanyang salitang kaloob ng langit,
Sanlang kalayaan nasa ring masapit
Katulad ng ibong nasa himpapawid.”
TAYUTAY
Ang tayutay ay salita o mga salita na nagbibigay kulay sa
pamamagitan ng mga matatalinhagang salita na nakapang-
aakit sa mga mambabasa. Ito rin ay ginagamit upang
bigyang diin ang mga paksa o punto na nais palutangin sa
akda.
1. Simili o Pagtutulad
2. Metapora o Pagwawangis
3. Personifikasyon o Pagtatao
4. Pagmamalabis o Hayperboli
5. Paghihimig o Onomatopeya
6. Eupemismo o Paglulumanay
1. Simili o Pagtutulad
• Naghahambing ng dalawang magkaibang bagay, tao, o pangyayari na
ginagamitan ng mga salitang tulad ng, parang, kagaya, kawangis,
kapara, at katulad.
• Hindi direkta ang paghahambing ng dalawang tao, bagay o pangyayari.
Halimbawa:
1. Ang mga mata mo ay tulad ng mga bituin.
2. Kasingkintab ng diyamante ang iyong mga luha.
mababasa sa tulang “Sa Aking mga Babata” gaya nito:

“Ang wikang Tagalog tulad din sa Latin


Sa Ingles, Kastila at salitang anghel”
2. Metapora o Pagwawangis
• Naghahambing din ngunit hindi ginagamitan ng mga salitang tulad ng,
parang, kagaya, kawangis sapagkat ito'y tiyakang paghahambing.
• Direkta ang paghahambing nito.
Halimbawa:
1. Ang ama ni David ay leon sa bagsik.
2. Ang mga nangangalaga ng kalikasan ay mga anghel ng
kagubatan.
3. Personifikasyon o Pagtatao
• Pagsasalin ng talino, gawi, at katangian ng tao sa mga bagay-bagay sa
paligid natin.
Halimbawa:
1. Ang buwan ay nagmagandang gabi sa lahat.
2. Napangiti ang rosas sa kanyang pagdating.

Sa bahaging ito ay kinakailangang maging mapanuri sa


mga pahayag sapagkat maaaring ang makuha ninyong
kahulugan ay ang literal na kahulugan lamang at hindi
maisasaalang-alang ang tunay na kahulugan ng pahayag.
4. Pagmamalabis o Hayperboli
• Ito ay ang lubhang nagpapakita ng kalabisan na imposibleng mangyari
sa kalagayan ng tao, bagay, o pangyayari.
Halimbawa:
1. Bumaha ng salapi sa kanyang mga kamag-anak nang
dumating si Rico mula sa Saudi Arabia.
2. Aabutin ko ang mga bituin sa kalangitan sagutin mo lang ako
ng matamis mong oo.

Nangyayari ba sa tunay na buhay ang mga halimbawa?


5. Paghihimig o Onomatopeya
• Ito ay ang paggamit ng mga salitang kung ano ang tunog ay siyang
kahulugan. Ito ay Onomatopoeia sa Ingles at kadalasang ginagamit ito
upang maging kapana-panabik ang binabasa.
Halimbawa:
1. Ngumingiyaw ang pusa sa ibabaw ng bubong.
2. Ang tik-tak ng relo ay nangibabaw.
6. Eupemismo o Paglulumanay
• Ito ay ang paraan ng pagpapalumanay sa mga salita o pahayag na nais
gamitin mula sa akda. Upang ang masakit at mabigat pakinggan ay
maging magaan ngunit naroon pa rin ang mensaheng nais iparating.
Halimbawa:
1.“Ang nanay niya ay katulong.” = “Ang nanay niya ay
kasambahay.”
2. “Magnanakaw ka!” = “Malikot ang kamay mo.”
Maraming Salamat!
Tula Ko, Suriin Mo!
Panuto: Ang klase ay hahatiin sa dalawang
pangkat. Basahin nang mabuti ang tula at suriin
ang mga sumusunod:
A. Sukat, tugma, taludtod, saknong
B. Tayutay na ginamit
Sa maraming sakit, ikaw ay panlunas,
At sa tagabukid ay gamot sa sugat;
MAKABUHAY Sa bibig ng bata na sakim sa gatas,
Nemesio E. Caravana Madalas kang gawing mabisang pang-awat.
Lubid kang luntiang sa gubat nanggaling,
Sa bakod ng dampa’y naging salang baging… Ang ingat mong dagtang simpait ng mira,
Dahil sa dagta mong may pait na lihim, Pagsayad sa labi’y nangangaral tila:
Hayop man o tao’y takot kang sagiin. “Sa tamis, ang bata kapag namihasa,
Munting kapaita’y mamalakhing dusa.”
May dala kang ditang kapait-paitan
Na kung lalasahi’y “kadalamhatian”… Si Kristo sa Kurus, isang halimbawa,
Ngunit ang pait mo ay gamot kung minsan, Nang kanyang lagukin ang apdo at suka…
Sa maling akala’y diwang Makabuhay. Ang taong masanay uminom ng luha,
Sa sangmundong dusa’y hindi nalulula.
BAYAN KO
Ang bayan kong Pilipinas Ibon mang may layang lumipad
Jose Corazon De Jesus
Lupain ng ginto’t bulaklak kulungin mo at umiiyak
Pag-ibig na sa kanyang palad Bayan pa kayang sakdal dilag
Nag-alay ng ganda’t dilag. Ang di magnasang makaalpas!

At sa kanyang yumi at ganda Pilipinas kong minumutya


Dayuhan ay nahalina Pugad ng luha ko’t dalita
Bayan ko, binihag ka Aking adhika,
Nasadlak sa dusa. Makita kang sakdal laya.

You might also like