You are on page 1of 7

Mahalaga ang Buhay,

Igalang mo

Pangkat:
Ikalawang Pangkat
Lider:
Ma. Angela B. Dimapawi
Miyembro:
Quemma May R. Galang
Ranliv P. Lozano
Kevin Orlance L. PArumog
Kalix Kherby B. Ico
Arianna Del Rosario
Christine m. PAgtalunan
Marco Lauren P. Lagarta
Dwight Miguel C. Martin
Daniella Maria F. Alvaran

Asignatura: ESP 10
Guro: Ms. Gel V. Cauzon
KABANATA I – Introduksiyon
Mahalaga ang Buhay, Igalng Mo. Ito ay patungkol sa Karapatang Mabuhay. Ang
bawat isa sa atin, at ng mga susunod pa sa atin ay may Karapatang Pantao na
magmula pa lamang sa sinapupunan ng ina. Kalakip ng mga ito ang mga batas na
inilatag para sa mga lalabag sa kasunduang ipinatupad, ang Batas ng Tao at Batas
Moral. Layunin ng araling ito ang maipamulat sa bawat mag-aaral ang kahalagahan
ng buhay, maging ang ipagbawal ang pagkitil ng buhay ng kung sino man.
KABANATA II – Talaan ng Nilalaman
Kabanata I ---------------------------------------------------page 2
Kabanata II --------------------------------------------------page 2
Kabanata III--------------------------------------------------page 2-3
Kabanata IV---------------------------------------------------page 3
Kabanata V----------------------------------------------------page 3-5
Kabanata VI---------------------------------------------------page 6
KABANATA III – Pag-uulat (Diskusyon)
Ang Karapatang Mabuhay ay dapat na hayaang ipagkaloob sa bawat isa. Isa sa
nagiging ugat ng karumal-dumal na gawain, ang pagkitil ng buhay ng iba, ay ang
mga bagay na hindi napagkakaintindihan o napagkakasunduan, ang panghihimasok, at
hindi pagrespeto sa pasya ng kapwa. Subalit sa kabila ng mga yon kahit gaano mo
kagusto o kakailangang gumanti, ni isa sa atin ditto sa balat ng lupa ay walang
karapatang bumawi ng buhay ng kung sino man. Mayroon tayong dalawang pagpipilian
sa kung paano natin maipaglalaban ang sarili sa maayos, legal, at makataong
paraan. Nariyan ang Batas ng Tao na siyang handing magpatunay ng ating mga
karapatan, ultimo mga hangganan na hindi dapat himasukin ng iba. Isinasaad na ang
Karapatang Pantao ay kinakailangan upang maprotektahan ang pagkatao ng bawat
indibidwal at upang mamuhay nang marangal at makataong buhay. Kalakip naman niyan
ang Batas Moral, ang nilalaman nito ay hindi isang batas, subalit isang aral.
Aral na nagmula sa iba’t ibang manananampalataya ng magkakaibang relihiyon, ng
mga malilinis ang konsensya, walang inaapakang tao, at iba pang mabuting
katangian na tinataglay ng mga tao. Dito ay aral na mismo ang makakapagpabago sa
mga maling gawain. Ang kaayusan ng bansa ay mahalaga para sa mga Pilipino na
sundin. Ang mga batas na nakabatay sa Likas na Batas Moral ay susi upang sila ay

2|Page
magkaisa at malayo sa gulo. Ito rin ang gumagabay sa ating pang-araw-araw na
buhay. Ang mga kinahihinatnan ng hindi kanais-nais na gawain ang siya mismong
parusa. Dapat lang na ang iyong sariling buhay ay iyong maingatan at mairespeto.
Gawin kung ano ng aba ang mga bagay na alam mong tama at hindi taliwas sa
ninanais ng Diyos para sayo. Landas na tatahakin ay siguraduhing ang maglalayo
sayo mula sa anumang uri ng kapahamakan at sa mga hindi magagandang imluwensiya.
KABANATA IV – Konklusyon
Ang buhay ng bawat tao ay sagrado, ito ay hiram lamang galling sa Diyos,
kaya’t hanggang tayo’y nabubuhay sa mundong ito subukan nating gumawa ng
kabutihan sa halip na kasamaan, alagaan nang mabuti ang sarili, panatilihing
malusog ang katawan at iwasan ang bisyo. Alam natin sa mundong ito, marami pa rin
ang masasamang tao sa paligid, kaya’t maging maingat at umiwas sa peligro
sapagkat iisa lamang ang pinagkalaang buhay sa ating mga tao. Kung pumatay ka man
o gumawa ng krimen, posibleng ikaw ay may malaking paghihiganting nais gawin, may
madilim na pinagdaanan kung bakit mo nagawa ang bagay na iyan, ngunit kahit
pagbali-baligtarin moa ng mundo’y kailanma’y hindi sagot ang pumatay o kamatayan
para masagot lahat ng iyong problema. Ilayo sa tukso ang iyong sarili, libangin
at gumawa ng tama upang makaligtas sa trahedyang nagbabadya. Laging piliin ang
tamang landas sapagkat tayo tayo ay binuhay ng Diyos upang maging katuparan sa
pangarap ng ating mga magulang, ang magkaroon ng anak, gayon at tuparin an gating
sariling pangarap sa pamamagitan ng oportunidad na ipinagkaloob sa atin. Gayon
din at kailangan nating pahalagahan at alagaan an gating sarili dahil hindi natin
alam kung hanggang kalian ito. Tandaan na huwag gagawa ng ikapapahamak na
magiging dahilan kung bakit ikaw ay biglang magantihan ng kamatayan. Huwag kang
gumawa ng masama sa kapwa mo, respetuhin sila bilang isang tao nang sa gayon ay
bumalik ito sa iyo at parehas kayo mapunta sa tahimik na kalagayan at pamumuhay.
KABANATA V – Pagkakaunawa/Aral (Thoughts)
Iyo mo bang naisip kung ano ang mangyayari kung ikaw ay hindi makikilahok sa
mga taong gumagawa nito? Simple lang, ikaw ang magiging malinis sa mga mata ng
Diyos at walang mabubuong mabigat na kasalanan sa iyo. Kaya naman habang maaga pa
ay pangalagaan na nating an gating sarili at huwag nating idamay ang sarili natin
sa mga patayang nagaganap. Tandaan natin na iisa lang an gating buhay at hindi na

3|Page
ito pwede pang mapalitan. Sana rin ay ating mapahalagahan ang buhay na ibinigay
sa atin ng Diyos ay sana’y hindi natin ito sayangin.

Christine M. Pagtalunan
Mahalaga ang buhay, kailangan nating pahalagahan at alagaan dahil hindi
natin alam kung hanggang kailan natin ito matatamasa. At lalong-lalo na, maging
masaya tayo sa ating buhay, pahalagahan ang bawat oras sa ating buhay.

Marco Lauren P. Lagarta


Nilikha ng Diyos ang buhay para ito’y alagaan, pahalagahan, at protektahan
ang iba pang buhay. Ipinagkaloob ng Diyos ang mundong ito sa atin upang
palaganapan ng pagmamahal at aruga. Ngunit, sa kasamaang palad, ang ilan sa atin
ay may kanya-kanyang ninananis at hindi magkaiisa kung kaya’t may patayang
nagaganap sa pagitan ng mga magkakaalitan.

Kalix Kherby B. Ico


Ang napulot kong aral patungkol sa ating aralin ay lagi nating tandaan na
ang buhay ay iisa lamang, dapat natin itong ingatan at pahalagahan. Sa paraang
pag-iwas sa bisyo, umiwas sa kapahamakan, at huwag mong gawin sa iba kung ayaw mo
itong gawin sayo.

Kevin Orlance L. Parumog


Para sa akin, mahalagang pangalagaan natin ang ating sarili at higit pa
doon, ay huwag nating hayaang tapusin ng iba an gating buhay. Huwag din nating
hayaan na tayo mismo ang tumapos dito. Marapat nating tandaan na Diyos ang
magpapasya kung kailan tayo magbabalik-buhay. Huwag din nating kalilimutan na
iisa lang an gating buhay at hindi ito maaaring palitan.

Arianna V. Del Rosario


Ang buhay ng bawat tao ay sagrado, ito ay hiram lamang magmula sa Diyos,
kaya’t hanggang tayo’y nabubuhay sa mundong ito subukan nating gumawa ng
kabutihan sa halip na kasamaan, alagaan nang mabuti ang sarili. Alam nating sa

4|Page
mundong ito marami pa rin ang masasamang-loob, pag-igihin ito’y iwasan at maging
maingat upang maproteksyonan ang nag-iisang buhay na sa ati’y ibinigay.

Dwight Miguel C. Martin


Dapat nating alagaan an gating sarili upang tuparin na alagaan an gating
paligid sabay pagsunod sa Batas ng Tao at Batas Moral.

Ma. Angela B. Dimapawi


Hindi kailanma’y maaaring maging kasagutan ang pagkitil ng buhay upang
masolusyonan ang mga suliraning pinagdadaanan sa buhay. Sulitin ang oportunidad
upang maglakbay ng iba’t ibang kabutihan. Mas maraming bukas na pinto dito sa
lupa kaysa sa ilalim. Gayon at huwag kaligtaan ang pagrespeto sa kapwa, maging
ang mga pinagkaitan ng mas magandang buhay. Bigyan natin ang isa’t isa ng masaya,
tahimik at maayos na pamumuhay.

Ranliv P. Lozano
Ang nakuha kong aral sa aralin na ito ay ay ang kahalagahan ng pagrespeto sa
buhay ng isang tao at sa mga karapatan ng isang tao. Libre lamang ang pagrespeto
sa buhay ng tao kaya’t huwag natin itong abusuhin.

Quemma May R. Galang


Ang aral na aking natutunan sa leksyon na ito ay nararapat na igalang at
irespeto ang bawat buhay ng tao. Palaging tandaan na lahat tayo ay may karapatan
mabuhay ngunit walang karapatan upang tapusin ang buhay ng iba. Kung kaya naman,
ating pangalagaan an gating mga sarili at kalingain ang Panginoon sa isang
regaling handog niya sa atin upang masilayan ang mundong ito.

Daniella Maria F. Alvaran


Ang aral na nakuha ko sa araling ito ay dapat nating pahalagahan hindi
lamang ang ating buhay, kundi pati na rin lahat ng ating kapwa. Maging marespeto
at matutong intindihin ang sitwasyon bago magpasya.

5|Page
KABANATA VI – Pagsusulit (10-20 Tanong)

1.)Ang______dapat na hayaang ipagkaloob sa bawat isa. 


2.)Kailan tayo nagsimula magkaroon ng karapatan?

3.)Laging piliin ang________ sapagkat  tayo ay binuhay ng


Diyos upang maging katuparan sa pangarap ng ating mga
magulang, 

4.)Saan nagmula ang mga aral ng Batas Moral?

5.)Ang buhay ng tao ay_______ito ay hiram lamang galing


sa Diyos.
Tukuyin kung batas moral o batas ng tao:

6.)Sa kahit anong hirap ay pilit na inaahon sa buhay ni


myrna ang kanyang anak upang makapagaral

7.)Pumasok si kim sa semenaryo at nag aklas sa kanyang


pangkat o grupo

6|Page
8.)Dating Brusko at basag ulo ngunit nagaral at nagbago si
erick para sa kanyang pangarap

9.)Isang kahid isang tuka ngunit pinipilit itaguyod ng mang


henry ang kanyang isang dosenang anak

10.)Gusto niyang magmabuting loob para sa isang


ninakawan, hinuli at ihinampas sa pader yung
magnanakaw hanggang sa nalagutan ito ng hininga.

Ipaliwanag mo:

11-15.paano maiaapply ang natutunan ngayon sa tunay na


buhay ng tao?

16-20.Pinagkaiba ng batas moral at batas ng tao

1.Karapatang Mabuhay
2.Sinapupunan ng ina
3.Tamang Landas
4.iba’t ibang manananampalataya ng magkakaibang relihiyon, ng mga malilinis ang konsensya, walang
inaapakang tao, at iba pang mabuting katangian na tinataglay ng mga tao.
5.Sagrado

1.Batas ng tao
2.Batas Moral
3.Batas Moral
4.Batas ng Tao
5.Batas ng Moral

7|Page

You might also like