You are on page 1of 4

Good Samaritan Colleges

Burgos Avenue, Cabanatuan City


JUNIOR HIGH SCHOOL

Name:

Grade & Section:


Subject: FILIPINO 10

Date:
35
GITNANG TAONG PAGSUSULIT
A.Y. 2022 – 2023

UNANG BAHAGI: MARAMING PAGPIPILIAN


PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan at BILUGAN ang tamang sagot.

1. Ang mitolohiya ay galing sa salitang griyego na nangangahulugang kuwento o tale.

a. Mothus c. Muthos
b. Mitos d. Motus

2. Sino sa mga sumusunod ang Diyos ng kidlat at siya ring namumuno sa Olympian.

a. Apollo c. Minerva
b. Zeus d. Poseidon

3. Siya ang Diyos ng karunungan at ng digmaan.

a. Aphrodite c. Apollo
b. Poseidon d. Minerva

4. Siya ang Diyos ng pamamamana (Archery), musika, at siya rin ang Diyos ng katotohanan.

a. Zeus c. Poseidon
b. Apollo d. Aphrodite

5. Siya ang Dyosa ng pag-ibig at kagandahan.

a. Minerva c. Zues
b. Aphrodite d. Apollo

6. Ito ay may malalim ang nais ipahatid na aral ng parabola sapagkat kinakailangang himay-himayin at
unawaing mabuti ang kuwento nang sa gayon ay maunawaan ang ipinahahatid na makatotohanang
aral nito.
a. Pabula c. Parabula
b. Mitolohiya d. Maikling Kwento

7. Mula saan hango ang “Mabuting Samaritano”?


a. Mula Lucas 10: 25-38 c. Mula Lucas 10: 25-35
b. Mula Lucas 10: 27-36 d. Mula Lucas 10: 25-37

8. Ang Mabuting Samaritano ay isang halimbawa ng?


a. Pabula c. Parabula
b. Mitolohiya d. Maikling Kwento
9. Ito ay mga salitang nagpapakita ng relasyon ng dalawang yunit sa pangungusap, maaaring salita,
dalawang parirala o ng dalawang sugnay.
a. Pang-angkop c. Pangatnig
b. Pang-ugnay d. Pang-ukol
10. Ito ay bahagi ng salitang nag-uuganay ng isang salita, kaisipan at isang pangungusap.
a. Pang-angkop c. Pangatnig
b. Pang-ugnay d. Pang-ukol

11.Sa mga pokus ng pandiwa alin ang naglalayong sumagot sa tanong na "sa pamamagitan ng ano?"
Kalimitang ginagamit ang mga panlaping ipang-, maipang-).
a. Pokus sa direksyon c. Benepaktibong pokus
b. Kosatibong pokus d. Instrumentong pokus
12. Sa mga pokus ng pandiwa alin ang naglalayong sumagot sa tanong na "tungo saan/kanino?" Kalimitang
ginagamit ang mga panlaping (-an, -han, -in, -hin) sa ganitong mga pagkakataon.
a. Pokus sa direksyon c. Benepaktibong pokus
b. Kosatibong pokus d. Instrumentong pokus
13. Sa mga pokus ng pandiwa alin ang naglalayong sumagot sa tanong na "para kanino?". Ang mga
panlaping (i-, -in, ipang-, ipag-) ang kalimitang ginagamit. Ito ay ang indirect object sa wikang Ingles.
a. Pokus sa direksyon c. Benepaktibong pokus
b. Kosatibong pokus d. Instrumentong pokus
14. Sa mga pokus ng pandiwa alin ang naglalayong sumagot sa tanong na "bakit?" Kalimitang ginagamit ang
mga panlaping (i-, ika-, ikina-)
a. Pokus sa direksyon c. Benepaktibong pokus
b. Kosatibong pokus d. Instrumentong pokus

PANUTO: Tukuyin kung anong pang-ugnay ang ginamit sa salitang naka-MALAKING TITIK/LETRA.

15. Bibilhin ko yan KAPAG hindi ka na makulit.


a. Pamukod c. Panubali o Panlinaw
b. Paninsay o pasalungat d. Pananhi
16. Laging Top 1 sa klase si Maria PALIBHASA aral siya nang aral.
a. Pamukod c. Panubali o Panlinaw
b. Paninsay o pasalungat d. Pananhi
17. Maliligo sana kami bukas sa sapa SUBALIT hindi ako pinayagan ni tatay.
a. Pamukod c. Panubali o Panlinaw
b. Paninsay o pasalungat d. Pananhi
18. Masayang namamasyal ang magkasintahang si Marco AT Janella.
a. Pamukod c. Panubali o Panlinaw
b. Paninsay o pasalungat d. Pananhi
19. Ang lakas ng ulan, BAKA mabasa tayo.
a. Pamukod c. Panubali o Panlinaw
b. Paninsay o pasalungat d. Pananhi
20.Ito ang tawag kung ang dalawang makaibang salitang pinagsama ay maaaring hindi magbago o kaya’y
makabuo ng panibagong kahulugan.
a. Payak c. Maylapi
b. Inuulit d. Tambalan
21. Sa mga pokus ng pandiwa alin ang naglalayong sumagot sa tanong na "bakit?"
a. Pokus sa direksyon
b. Kosatibong pokus o pokus sa sanhi
c. Benepaktibong pokus o pokus sa tagatanggap
d. Instrumentong pokus o pokus sa gamit
22. Ito ang tawag sa mga salita na binunuo ng salitang-ugat at isa o higit pang panlapi.
a. Payak c. Maylapi
b. Inuulit d. Tambalan
23. Sa mga pokus ng pandiwa alin ang naglalayong sumagot sa tanong na "sino?".
a. Lokatibong pokus o pokus sa ganapan (Location/locative - focus)
b. Pokus sa direksyon (Direction-focus)
c. Aktor-pokus o pokus sa tagaganap
d. Pokus sa layon (Object-focus verb)

24. Ang Banghay ay elemento ng mitolohiya na mayroong?


a. Pagsalamin sa mga sinaunang lugar at kalagayan ng bansa kung saan ito umusbong.
b. May taglay na kapangyarihan at lahat ay mapangyayari.
c. Makulay at puno ng imahinasyon ang pagganap ng mga tauhan (diyos o diyosa).
d. Pagsunod-sunod na kaganapan at pangyayari Masusuri ang pagiging makatotohanan o di-
makatotohanan ng akda.
27. Ang uri ng tauhan na sumasang-ayon sa mga hangarin ng pangunahing tauhan.
a. angunahing Tauhan c. Pantulong na Tauhan
b. Katunggaling Tauhan d. Tauhang Bilog
28. Ang uri ng tauhan na siyang kalaban ng pangunahing tauhan sa kuwento.
a. Pangunahing Tauhan c. Pantulong na Tauhan
b. Katunggaling Tauhan d. Tauhang Bilog
29. Kadalasan, ang tauhang ito ay may katangian na pagiging malakas, mabait, o maasahan. Sa madaling
sabi siya ang may katangian ng pagiging bayani sa kuwento.
a. Pangunahing Tauhan c. Pantulong na Tauhan
b. Katunggaling Tauhan d. Tauhang Bilog
30. 5.Ito ay tulang pasalaysay na nagsasaad ng kabayanihan ng pangunahing tauhan na nagtataglay ng
katangiang nakahihigit sa karaniwang tao, kadalasan siya’y buhat sa lipi ng mga diyos o diyosa.
a. Awit at korido c. Epiko
b. Kwentong-bayan d. Tula

31. .Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga karanasan at nasaksihan ng may-akda sa kanyang lipunan.
a. Teoryang Pampanitikan c. Teoryang Marxismo
b. Teoryang Realismo d. Teoryang Moralistiko

32. Inilalahad ng teoryang ito ang mga pilosopiya o proposisyong nagsasaad sa pagkatama o kamalian ng
isang kilos o ugali ayon sa pamantayang itinakda ng lipunan.
a. Teoryang Pampanitikan c. Teoryang Marxismo
b. Teoryang Realismo d. Teoryang Moralistiko

33. Ang layunin ng teoryang ito ay ipakita na ang tao o sumasagisag sa tao ay may sariling kakayahan na
umangat buhat sa pagdurusang dulot ng pang-ekononiyang kahirapan at suliraning panlipunan at
pampulitika.
a. Teoryang Pampanitikan c. Teoryang Marxismo
b. Teoryang Realismo d. Teoryang Moralistiko

34. Sa kuwentong, "Ang Kuwintas", sino ang maganda at mapanghalinang babae na naniniwala na siya ay
hindi nababagay sa kahirapang kanyang hinaharap?
a. Mathilde Loiselle c. Mathilde Loisel
b. Matilde Loisel d. Mathilde Losiel

35. Alin sa mga nabanggit ang masasabing aral ng kuwentong, "Ang Kuwintas?"
a. Dapat pahalagahan at makuntento sa anuman ang meron ka.
b. Kung may kakayahan ang iba, dapat akong umasa sa kanila pagkat mapapagod lang ako sa
pagsikap.
c. Masusukat ang tunay na kagandahan ng isang tao sa panlabas na anyo.
d. Maging mapagmahal.

“Lahat ay mananatiling imposible hanggat hindi mo pa nasusubukan.”

You might also like