You are on page 1of 2

Saint Paul’s School of Ormoc Foundation, Inc.

Apitong St., Brgy. Punta, Ormoc City


(053) 255-4712 | getinfo@spsormoc.edu.ph
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT | S.Y. 2022-2023

Diagnostic Test sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

Pangalan: _________________________________ Marka: ___________


Seksyon: _______________ Petsa: ___________

Panuto: Basahin ang unawain ang mga sumusunod na pangungusap. Bilugan ang titik ng iyong sagot.
1. Ito ay isang sistema ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao sa pamamagitan ng mga pasulat o
pasalitang simbolo.
a. Wika c. Sintaksis
b. Diskurso d. Kompitens
2. Ito ay isang barayti ng wikang nalilikha ng dimensyong heograpiko.
a. Sosyolek c. Dayalek
b. Pidgin d. Creole
3. Ito ay mga tanging bokabularyo ng isang partikular na pangkat ng gawain o propesyon.
a. Sosyolek c. Dayalek
b. Jargon d. Idyolek
4. Ito naman ang salitang ginagamit ng mga manunulat sa kanilang mga akdang pampanitikan; ito
ay kadalasang malalalim at masining.
a. Pambansa c. Pampanitikan
b. Balbal d. Kolokyal
5. Si Selena ay bagong lipat sa kanilang lugar, hindi niya maunawaan kaagad ang wikang ginagamit
ng mga tao roon dahil magkaiba ang kahulugan ng mga salita sa wikang kanyang ginagamit.
Anong antas ng wika nabibilang ang mga salitang naiiba ang kahulugan sa bawat lugar o
lalawigan?
a. Pambansa c. Pampanitikan
b. Lalawiganin d. Kolokyal
6. Imadyinin natin ang isang bata, tumatakbo sa kalsada, pipi siya, at tabingi ang mukha,
pinagtatawanan ng ibang bata, kaya lagi siyang umiiyak at tumatakbo.
a. Argumentatib c. Impormatib
b. Deskriptib d. Persuweysib
7. Alin sa mga sumusunod ang nakatutulong upang maging malinaw at maayos ang kaisipan ng
isang teksto?
a. Talasalitaan c. Cohesive devices
b. Istruktura d. Talata
8. Sa paggamit ng reperensiyang anapora, saan ito makikita sa pangungusap?
a. Gitna c. Unahan
b. Hulihan d. Kabilaan
9. Pagbabalik at paggamit sa resulta ng pananaliksik. Anong tungkulin ng pananaliksik ang
isinasaad sa pangungusap na ito?
a. Etika c. Metodo
b. Layunin d. Gamit
10. Paglalarawan ito sa datos gamit ang biswal na representasyon katulad ng line graph, pie graph, at
bar graph.
a. Grapikal c. Naratib
b. Tabular d. Tekstuwal
11. Hindi kinikilala ni Bb. Magdayon ang isinalin na akda ni Bb. Cruz, anong tawag sa kanyang
ginawa?
a. Etika c. Plagyarismo
b. Metodo d. Sarbey
12. Ang mga taong mahilig magbasa ay nakakukuha ng iba’t ibang kaalaman. Maaari nilang
gamitin ang kaalaman na ito sa kanilang mga buhay. Nalilinang din nito ang bokabularyo ng
mambabasa. Ano ang pangunahing kaisipan na maaaring mahinuha mula sa pahayag?
a. Mayaman sa kaalaman ang taong mahilig magbasa.
b. Marami kang natutuhan na salita.
c. Mahalaga sa kalusugan ang pagbabasa.
d. Kawili-wiling gawain ang pagbabasa araw-araw.
13. Paraan ng pagpapahayag na ang isang katotohanan ay pinagtitibay o pinatutunayan sa
pamamagitan ng katwiran o rason.
a. pagsasalaysay c. Pangangatwiran
b. paglalarawan d. Paglalahad
14. Si Basilio, isang mahusay na mag-aaral ng medisina, maganda ang tindig ng katawan at
natatangi ang pagiging maginoo, Siya ang mabait na kasintahan ni Huli. Naging matagumpay si
Basilio sa kanyang buhay dahil na rin sa kanyang pagsisikap, nagsilbi siyang kasama ni Kapitan sa
kanyang bahay, kaya naman siya ay nakapag-aral dahil na rin sa kanyang sipag. Anong uri ng
pagpapahayg ang isinasaad?
a. Paglalarawan c. Pangangatwiran
b. Paglalahad d. Pagsasalaysay
15. Sa kabanatang ito, matatagpuan ang ginamit na instrumento para makakuha ng datos o
impormasyon sa pananaliksik.
a. Kabanata I c. Kabanata III
b. Kabanata II d. Kabanata IV
16. Sa kabanatang ito, inilalahad kung ano ang ginamit na instrumento sa pagkalap ng mga datos.
a. Kabanata I c. Kabanata III
b. Kabanata II d. Kabanata IV
17. Sa bahaging ito, inililista ang mga pinaghanguan o pinagkukunan ng mga impormasyon?
a. Sanggunian c. Metodolohiya
b. Paksa d. Instrumento
18. Sa bahaging ito matatagpuan ang paglalahad ng suliranin.
a. Kabanata I c. Kabanata III
b. Kabanata II d. Kabanata IV
19. Anong kohesyong leksikal nabibilang ang pangungusap na ito.
Marami sa mga batang manggagawa ay nagmula sa mga pamilyang dukha. Mahirap sila kaya
ang pag-aaral ay naisasantabi kapalit ng ilang barya naiaakyat nila para sa hapagkainan.
a. Pagbibigay kahulugan c. Pag-uulit
b. Pag-iisa-isa d. Kolokasyon
20. Anong kohesyong leksikal nabibilang ang pangungusap na ito.
Bumili ng iba’t ibang prutas na bilog si Jane para sa paghahanda sa pagsalubong ng bagong
taon. Ang prutas na kanyang binili ay bayabas, dalandan,atis, mansanas,ubas at melon.
a. Pagbibigay kahulugan c. Pag-uulit
b. Pag-iisa-isa d. Kolokasyon

You might also like