You are on page 1of 5

-Republic of the Philippines

CEBU TECHNOLOGICAL UNIVERSITY


Moalboal Campus (Malabuyoc Extension)
Malabuyoc, Cebu

GEC- KAF – Komunikasyon sa Akademikong Filipino


Midterm Examination

Name: _________________________________Course & Yr. __________________ Date: ______________Score: _____________

Panuto: Bilugan ang titik ng wastong salita o parirala na makabubuo ng diwa ng mga sumusunod na
pahayag.

1. Ayon kay Gleason, ang wika ay _____ upang maging mabisa ang paggamit nito.
a. pinipili c. pinipili o isinasaayos
b. isinasaayos d. pinipili at isinasaayos
2. Bawat nilalang ay may kanya-kanya at iba-ibang katangian, kakayahan at kaalaman sa paggamit ng wika
dahil ang wika ay_____.
a. masistema c. arbitraryo
b. balangkas d. nagbabago
3. Ang pagkawala ng ilang salita o bokabularyo at ang pagdaragdag ng mga bagong salita sa isang wika ay mga
patunay na ang wika ay ______.
a. nakabatay sa kultura c. masistemang balangkas
b. sinasalitang tunog d. nagbabago o dinamiko
4. Nagkaroon ng unang hakbangin upang ang Pilipinas ay magkaroon ng wikang Pambansa noong ________.
a. 1935 c. 1955
b. 1945 d. 1987
5. Ang mga opisyal na wika ng Pilipinas noong 1940 ay _________.
a. Ingles, Kastila at wikang Pambansa
b. Ingles, Kastila at Nihonggo
c. Ingles, Kastila at Tagalog
d. Ingles, Tagalog at Iloco
6. Ang proseso ng paggamit sa Filipino sa iba’t ibang disiplina lalo sa mga disiplinang siyentipiko at teknikal ay
tinatawag na ___.
a. Istandardisasyon c. Bilinggwalismo
b. Intelektwalisasyon d. Lingua Franca
7. Ito ang mga salitang istandard dahil kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng higit nakararami lalo na ng mga
nakapag-aral ng wika.
a. lalawiganin c. formal
b. kolokyal d. informal
8. Ito ay mga salitang ginagamit sa mga aklat pangwika, pambalarila sa lahat ng mga paaralan. Ito rin ang
wikang kadalasang ginagamit ng pamahalaan at itinuturo sa mga paaralan.
a. Pambansa c. panretorika
b. lalawiganin d. kolokyal
9. Ayon sa Bagong Saligang Batas (1987), ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay_____.
a. Filipino c. Pilipino
b. Filifino d. Pilifino

10. Ang alfabetong binalangkas noong 1940 ay nakilala sa tawag na ____.


a. ey bi si c. alpabeto
b. abakada d. alfabeto
11. Ang bagong alfabetong Filipino ay binubuo ng _____.
a. 25 titik c. 28 titik
b. 26 titik d. 31 titik
12. Ang ch, ll, ng at rr ay tinatawag na ____.
a. digraph c. bigrap
b. diagraf d. bigraf
13. Noong 1954, nakapaloob sa pagdiriwang ng Linggo ng wika ang _____.
a. Araw ni Balagtas c. Araw ni Rizal
b. Araw ni Quezon d. Araw ng SWP
14. Ayon sa teoryang ito, ang kumpas o galaw ng kamay ng tao na kanyang ginagawa sa bawat partikular na
okasyon ay ginagaya ng dila at naging sanhi ng pagkatuto ng taong lumikha ng tunog at kalauna’y magsalita.
a. Bow-wow c. Yo-he-ho
b. Ta-ta d. Yum-yum
15. Nagagawa ng wika na kontrolin, gabayan ang kilos o gawi ng iba at mga pangyayari sa paligid. Ito ay
tungkulin ng wika bilang:
a. instrumental c. pang-interaksyunal
b. heuristiko d. pang-imahinasyon
16. Ito ay tumutukoy sa bagay na nagpapagalaw sa hangin na lumilikha ng mga tunog.
a. resonador c. presyon
b. artikulador d. enerhiya
17. Itinuturing na siyang pinakatampok o pinakaprominenteng bahagi ng pantig.
a. katinig c. titik
b. patinig d. alpabeto
18. Alinmang patinig na sinusundan ng malapatinig na /y/ o /w/ sa loob ng isang pantig.
a. klister c. pares minimal
b. diptonggo d. ponema
19. Ang pinakamaliit na yunit ng salita na nagtataglay ng kahulugan. Hindi na ito maaaring mahati pa upang
hindi masira ang kahulugan nito. Ito ay maaaring salitang-ugat o isang panlapi.
a. ponema c. kambal-katinig
b. morpema d. patinig
20. Ito’y nangyayari sa tuwing nakikipag-usap tayo sa isang taong may mabigat na problema at sinusubukan
nating maipadama sa kanya o maipaabot ang anumang uri ng pag-alala na kaya nating ibigay.
a. reflektiv c. kritikal
b. terapyutik d. pasibo
21. Uri ng tagapakinig na mukhang atentibo ngunit nagkukunwari lamang sapagkat naghihintay lamang ng
pagkakataong makapagtanong at makapagpaimpres.
a. eager-beaver c. frownerd
b. tiger d. bewildered
22. Ito ay ang paglalahad ng mga araw-araw na pangyayari sa ating lipunan.
a. pagtatalumpati c. pagbabalita
b. pakikipanayam d. pagdedebate

23. Pinakamabilis na pagbasang magagawa ng tao na ginagawa sa pagtingin sa kabuuan ng akda bago tuluyang
basahin.
a. skimming c. concept mapping
b. scanning d. brainstorming
24. Ito ay tumutukoy sa kung ano ang saloobin o nararamdaman ng mambabasa habang binabasa niya ito.
a. punto de vista c. hinuha
b. tono ng teksto d. damdamin ng teksto
25. Uri ng pagsulat na nangangailangan ng pangangalap ng datos, paghahanda ng balangkas at iba pa upang
magampanan nang husto ang ganitong uri ng gawain.
a. jornalistik c. akademik
b. referensyal d. profesyonal
26. Ito ay tumutukoy sa pagpapasimple at pagpapaliwanag sa isang katha.
a. hulwaran c. hawig
b. padron d. balangkas
27. Tumutukoy sa tao o pangkat ng mga taong pinagmulan ng mensahe.
a. sender c. resiver
b. tsanel d. decoder
28. Ito ay tumutukoy sa mga estratehiya na ginagamit kapag nahihirapan sa pakikipag-usap ang mag-aaral gamit
ang pangalawang wika (W2).
a. Teknik c. kompensatori
b. dulog d. pamamaraan
29. Tawag sa kabuuang katangian sa pagsasalita ng tao.
a. sosyolek c. idyolek
b. dayalek d. rejister
30. Ito ay ang pagsasama-sama ng dalawa o mahigit pang makahulugang pahayag na nabibilang sa dalawang
sistema ng wika.
a. palit-koda c. rejister
b. halong-koda d. dayalek

II. Enumerasyon:

31-38. Ibigay ang kahulugan ng bawat titik sa akronim na S.P.E.A.K.I.N.G. ni Dell Hymes.
31. Setting 35. Key
32. Participants 36. Intrumentalities
33. End s 37. Norms
34. Act Sequence 38. Genra

39-42 Apat na makrong kasanayan


39. Pagkikinig 41. Pagbasa
40. Pagsasalita 42. Pagsulat

43-50. Punan ang mga sumusunod:

Pangalan:
Kurso/Seksyon:
CP No.:
Tirahan:
Fb Acct/E-mail Address:
Hayskul na Pinagtapusan:
Karangalang Natamo:
Taglay na Talento:
II. Tukuyin kung anong antas ng wikang ginamit sa mga sumusunod na pahayag. Bigyang-pansin ang
mga salitang nakasulat ng pahilig. Isulat ang titik ng iyong sagot sa kaukulang patlang. Pumili sa mga
sumusunod: Dalawang Puntos bawat isa.

a. Pambansa

b. Pampanitikan c. Lalawiganin

d. Kolokyal e. Balbal

____________1. Huwag kang mag-alala. Gamay na problema lang ‘yan.


____________2. Tulo laway si Marky habang tinitigan ang magandang dalagang si Veronica.
____________3. Pupuntahan kita sa inyo mamaya, hane?
____________4. Nakita ko ang sweet na sweet na mag-jowa kahapon sa SM.
____________5. Ayaw kong maging kaibigan si Marivic dahil mahilig siyang maglubid ng buhangin.
____________6. Nakakainggit naman si Shiela. Pa’no ba naman kasi, maganda’t seksi na, may bagong
wheels pa!
____________7. Juiskolord naman Marie! Napakakupad mo talaga!
____________8. Hanap siya nang hanap sa bunso niyang anak. Sa’n naman kaya nagpunta ‘yon?
____________9. Sana ay matapos na ang pandemya na pinagdadaanan natin sa kasalukuyan.
____________10. Langga, pakitirintas mo naman ang buhok ko para sa handaan mamaya.
____________11. Nag-altanghap na Joseph kaya tingnan mo ang tiyan, bundat na bundat!
____________12. Sino kaya ang mananalo sa Best in OOTD ngayong Orientation Day natin?
____________13. Malaking halaga ang nadenggoy ng kliyenteng pinautang ng kawawang si Emily.
____________14. Matuto tayong rumespeto sa karapatan ng ating kapwa.
____________15. FB Status: ATM.

a. Pampersonal b. Panregulatori
________ 1. Tumawag si Freddie sa kanyang asawa upang ipaalam na nag-negatibo siya sa Rapid Test
ng COVID-19.
________ 2. Sumulat si Dr. Dela Cruz sa tanggapan Aklan State University upang mag-aplay bilang
propesor sa Filipino.
________ 3. Pinayuhan ni April ang kababatang pinsan na si Jonamae ukol sa pagpunta nito sa ibang
bansa.
________ 4. Tumugon ka sa tanong niya kung saan maaaring kumuha ng Scholarship Information
Form.
________ 5. Binigyan ni Henry ng isang dosenang rosas ang crush na si Pearl.
________ 6. May ale na lumapit sa ‘yo at tinanong kung saan ang pinakamalapit na remittance center sa
lugar ninyo.
________ 7. Inutusan ni Daiel ang kanilang kasambahay na plantsahin ang bago niyang uniporme.
________ 8. Nilinaw ni Pangulong Duterte sa kanyang SONA na walang face-to-face classes na
mangyayari hangga’t walang bakuna laban sa COVID 19.
________ 9. Iniulat ni Christine Leigh sa klase ang mahahalagang konsepto tungkol sa Wikang
Filipino.
________ 10. Binati ni Glena ang asawang si Ihde ng Happy Anniversary.

GOODLUCK!

You might also like